Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Mga empleyado ng COMELEC, humiling ng umento sa sahod

$
0
0

Ang presscon na ipinatawag ng COMELEC Employees Union sa layon ng paghiling ng umento sa sahod ng mga manggagawa sa Commission on Election. (UNTV News)

MANILA, Philippines – Humihiling ang mga empleyado ng Commission on Elections (COMELEC) ng umento sa sahod isang araw bago ang pagdiriwang ng Labor Day  at pagbubukas ng continuing voters registration para sa halalan sa 2016.

Ayon kay Atty. Frances Arabe, PRO ng COMELEC Employees Union, walang naging major wage increase sa halos dalawang dekadang nagdaan para sa 6-libong empleyado ng poll body maliban na sa salary standardization noong 2012.

Nilinaw ni Arabe na hindi mas mataas na sahod kundi ang maipantay lamang ang kanilang honorarium sa ibang empleyado ng gobyerno.

“We are election officers, ang ka-level namin sa isang city kung saan kami naaassign is DepED superintendent and city prosecutor. Sa ibang ahensya naman sa COA and DILG field office. Sa amin ang salary grade level namin is 21 which is equivalent of 39,000. Samantalang yung mga counter part namin is salary grade 24 which is 50,000. So my discrepancy na ganun, ang gusto lang namin sana ay maipantay.”

Ang isang clerk ng COMELEC, sumasahod ng P10,401 kada buwan katumbas ng salaray grade-3. Ang isang election officer na responsable sa eleksyon sa isang munisipalidad ay tumatanggap ng P19,940 o salary grade-12.

Ayon sa grupo ng mga election supervisor sa buong bansa, hindi ito kapantay ng honorarium ng ibang public official sa ibang government agency.

Iginiit nito na hindi seasonal o tuwing eleksyon lamang ang kanilang trabaho kundi tuloy-tuloy na voters list cleansing, continuing voters registration, at ang paghahandang muli sa local at national elections.

“Ang gusto naming sabihin na matanggal ang notion ng mga tao na wala kaming ginagawa after or before election, meron po, mahaba po ang proseso ang pagpapa-eleksyon,” paliwanag ni Atty. Lydia Pangilinan, Provincial Election Supervisor of the Philippines.

Samantala, ngayong Mayo sa pagbubukas ng kongreso, nakahanda si Representative Antonio Tinio ng Alliance of Concerned Teachers Partylist na isulong ang panukalang batas na naglalayong ipantay ang   sahod ng election workers sa ibang empleyado ng gobyerno.

Aniya, isa ring sagot ito sa paglaban sa korapsyon sa hanay ng COMELEC.

“Para mas maprotektahan ang mga empleyado sa mga nagnanais na impluwensyahan o mandaya sa eleksyon. Syempre mas vulnerable kapag mababa o kapus ang kinikita, maaring samantalahin ito ng mga nais mandaya sa eleksyon,” saad nito.

Ayon sa unyon, ang kanilang paglapit sa mga mambabatas ay suportado ng COMELEC en banc. (Pong Mercado / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481