Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Direct foreign investment sa bansa, inaasahang madaragdagan  

$
0
0

FILE PHOTO: Makati financial district skyline (UNTV News)

MANILA, Philippines – Naniniwala ang mga miyembro ng National Committee on Intellectual Property na dadami ang direct foreign investment sa bansa matapos maalis ang Pilipinas sa listahan ng intellectual property rights watchlist.

Sa pamamagitan din nito ay makasisiguro ang mga foreign investor na protektado ang anumang produkto at serbisyong ipapasok sa Pilipinas.

“Yung mga foreign investor alam nya na yung produkto nya yung brand nya yung patent nya mabibigyan ng proteksyon, yung direct foreign investment dadami yun,” pahayag ni Intellectual Property Office of the Philippines Director General, Ricardo Blancaflor.

Dagdag nito, “it’s a reflection of na kapag merong problema may enforcement at may judicial process.”

Noong Lunes ay inanunsyo ng United States Trade Representative (USTR) na tinanggal na ang Pilipinas sa piracy watchlist matapos ang halos sampung taon.

Sa tala ng USTR, taong 1994 pa ng mapabilang sa listahan ng USTR Special 301 Watchlist ang Pilipinas, habang taong 2012 naman nang maalis sa notorious market list ang bansa.

Ayon kay Optical Media Board Chairman and Chief Executive Officer Ronnie Rickets, hindi naging madali para sa Pilipinas na maalis sa listahan ng USTR.

Ayon sa kanya, “Finally natanggal na tayo sa watchlist, masarap yung dinaaanan nating proseso para tayong dumaan sa butas ng karayom, chinallenge tayo, pinakita natin kung anong kaya nating gawin.”

Bukod sa Pilipinas ay naalis na rin sa watchlist ang bansang Israel. (Joan Nano / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481