QUEZON CITY, Philippines – Umabot sa dalawampung pamilya ang nawalan ng tirahan at ari-arian dahil sa naganap na sunog na umabot sa 3rd alarm sa Sto. Cristo Street, Balintawak, Brgy. Balingasa, Quezon City mag-aala-8 nitong Miyerkules.
Tinatayang P150, 000 ang halaga ng mga ari-ariang naabo.
Base sa pahayag ng may-ari ng bahay na pinagmulan ng sunog, nagluluto ang kaniyang misis ng sumiklab ang apoy na hindi na nagawang patayin.
Tumulong naman ang UNTV Fire Brigade sa pag-apula ng sunog.
Dakong alas-9:50 ng gabi nang ideklara itong fire out. (UNTV News)