Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all 18481 articles
Browse latest View live

GSIS, na-upset ang defending champion AFP sa UNTV Cup 3

$
0
0

Ang pag-angat ni GSIS playmaker Dennis Bunyi upang pumukol ng isang one-handed 2 -pointer. Si Bunyi ang tinanghal na Best Player of the Game sa tapatang ito. (EMBER PANA / Photoville International)

MANILA, Philippines – Ibinigay ng team GSIS Furies ang lahat ng nalalaman sa depensa laban sa mas matatangkad na defending champion na AFP Cavaliers upang maitala ang upset victory, 100-87, sa kanilang paghaharap sa Makati Coliseum nitong Linggo.

Pinangunahan ni Dennis Bunyi ang Furies sa panalo sa pamamagitan ng career high 29 points upang tanghaling best player of the game.

Dahil sa panalo, tabla na ngayon sa Group B team standings ang GSIS at AFP sa record na 2 panalo, 2 talo.

“Go hard lang, saka kailangan naming magtulong-tulong sa depensa isa pa mas malalaki sa amin kalaban namin yun siguro ang nagbunga sa amin,” saad ni GSIS Fury guard na si Dennis Bunyi.

Samantala, halos hindi pinawisan ang walang talo na team Judiciary Magis upang itala ang 103-76 na blowout victory para sa 4-0 card sa Group B.

Pinangunahan nina Jon Hall at Don Camaso ang opensa ng Magis na kumamada ng pinagsamang 49 points.

Naghari rin si Camaso sa rebounds na may 15 boards.

Dahil sa pagkatalo ay lalo pang nabaon ang MMDA sa ilalim ng team standings 1-3, at nasa bingit na ng pagka-eliminate sa torneo.

“We don’t want to relax, kailangan we have to put our heads in the game,” pahayag ni John Hall.

At sa final game, pinosasan ng PNP Responders ang BFP Fire Fighters upang magwagi, 105-68.

Umarangkada si Julius Criste na mayroong 17 pts., 4 rebounds, 3 assists, at 3 steals.

Sa ngayon ay hawak ng PNP ang 3-1, win-loss card habang bumagsak naman sa 1-2 record ang BFP.

“yun talaga instruction niya gusto niya makita strength namin sa defense gusto niya makita kung na-develop hangin namin sa practice,” pahayag naman ni PNP Responders Julius Criste. (JP Ramirez / Ruth Navales, UNTV News)


Awiting “Jesus, I Love You”, unang weekly winner na pop standard genre sa ASOP Year 4

$
0
0

(Left-Right) ASOP host Richard Reynoso, Gab Maturan (interpreter, “Jesus, I Love You”), Timothy Joseph Cardona (composer, “Jesus, I Love You”) at ASOP host Toni Rose Gayda. (FREDERICK ALVIOR / Photoville International)

MANILA, Philippines – Na-enjoy nang husto ni Gab Maturan, ang kauna-unahang X-factor Philippines 1st runner-up at apo ng kundiman icon na si Diomedes Maturan, ang kanyang ininterpret na awit sa A Song of Praise Music Festival (ASOP), Linggo ng gabi.

Maging ang mga huradong sina Doktor Musiko Mon Del RosarioOPM icon Pat Castillo at OPM hitmen member Rannie Raymundo ay napaindak sa feel good music na “Jesus, I Love You.”

ASOP Judges (MADZ MILANA / Photoville International)

Ito ay obra ng masayahing kompositor na mula sa Mandaluyong City na si Timothy Joseph Cardona.

“Masayang-masaya po ako. Gano’n po ‘yung dating sa kanila ng kanta ko. Sabi ko nga, parang maraming blessings. ‘Yun ‘yung nararamdaman ko kaya siguro ‘yun ‘yung lumabas na melody sa’kin,” masayang pahayag ni Timothy.

Para naman kay Gab, “Actually, ‘yung lyrics, ang ganda ng lyrics. Ang ganda talaga ng song. Medyo ganito rin kasi ‘yung gusto kong, medyo upbeat, feel good lang na mga songs. ‘yun ‘yung mga gusto kong kantahin kaya sobrang perfect nitong song na ‘to.”

Kapwa ballad genre na praise song ang dinaig ng “Jesus, I Love You”, kabilang “Ang Buhay Ko’y Sa’yo” ni Irish Joy Espinosa sa interpretasyon ng singing champion na si Jan Nieto, at ang “Ibig Mong Ako’y Makasama” ni John Kublai Matining sa rendisyon naman ng voice coach na si Rodante Boton. (Adjes Carreon / Ruth Navales, UNTV News)

ASOP Judges (Frederick Alvior / Photoville International)

ASOP Contestants (Frederick Alvior / Photoville International)

Mga nakumpiskang notebook at ledger, patunay ng mga drug transaction sa loob ng NBP

$
0
0

FILE PHOTO: Isa sa mga lugar sa loob ng New Bilibid Prisons (UNTV News)

MANILA, Philippines – Mas marami pang kontrabando at ipinagbabawal na gamit ang nakumpiska ng pinagsanib na pwersa ng National Bureau of Investigation (NBI), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Muntinlupa Police sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Noong nakaraang sabado, muling nagsagawa ng surprise inspection ang mga awtoridad sa Maximum Security Compound ng bilangguan.

Dito na-recover ang ilang cellular phones, sex toys, mga iligal na droga, bladed weapons at humigit kumulang 600-libong piso mula sa mga kubol ng limang inmates.

Kinilala ang mga ito na sina Brando Ramirez, Joselito Valiente, Gianfranco Pasco, Engelbert Durano, at Noel Arnejo.

Kasunod nito ay iniutos na ni Justice Secretary Leila De Lima na ilagay sa hiwalay na disciplinary cell sa loob ng NBP ang limang inmates.

Pansamantala ring ipinagbawal ng kalihim ang pagbisita ng mga kaanak at abogado ng mga bilanggo.

Samantala, bukod sa mga ipinagbabawal na gamit, nakuha rin ng mga awtoridad ang ilang notebook at ledger na pinaniniwalaang ginagamit ng mga inmate sa mga drug transaction.

“What I can confirm to you is that they represent drug transactions,” saad ni De Lima.

Nagpapatuloy naman ang assessment ng NBI sa mga nakuhang notebook at ledger.

Ayon kay NBI Director Virgilio Mendez, “We admit it’s with us, and we will be checking the info we will get out of these notebooks, but definitely these notebooks will portray drug ops conducted inside.”

Dagdag nito, “May mga pangalan. Inaalam namin how it was transported to different areas.”

Bukod dito, nagpapatuloy na rin ang imbestigasyon ng NBI sa nangyaring pagpapasabog ng isang granada sa Building 5 ng NBP noong Huwebes.

Isang inmate ang namatay at labingsiyam ang sugatan sa nasabing insidente. (Bianca Dava / Ruth Navales, UNTV News)

Unang bagyo ngayong 2015, posibleng pumasok sa PAR ngayong Miyerkules o sa Biyernes  

$
0
0
PAGASA-DOST Satellite Image as of January 13, 2015, 9PM

PAGASA-DOST Satellite Image as of January 13, 2015, 9PM

UNTV GEOWEATHER CENTER (5pm, 01/13/15) – Isa nang ganap na bagyo ang weather system sa labas ng Philippine Area of Responsibility.

Nitong alas-4 ng hapon ng Martes namataan ito ng PAGASA sa layong 1,690km sa Silangan ng Mindanao.

Tagalay nito ang lakas ng hangin na 55kph at tinatahak ang direksyong pakanluran sa bilis na 19kph.

Papangalanan itong “Amang” kapag pumasok ito sa PAR Miyerkules ng gabi o sa Huwebes ng umaga at kung hindi hihina ay tatama ito sa Eastern Visayas sa araw ng Sabado.

Sa forecast naman ng weather agency, makararanas ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang Eastern Visayas, CARAGA at Davao region habang posible ring magkaroon ng biglaang pag-ulan o thunderstorms sa Visayas at Mindanao.

Dahil naman sa Amihan ay mararanasan ang mahinang pag-ulan sa Metro Manila at iba pang lugar sa Luzon at papulo-pulong pag-ulan sa iba pang lugar sa Visayas.

Matataas ang mga pag-alon sa mga baybayin ng Northern Luzon at Silangang baybayin ng Central at Southern Luzon hangang sa Silangang baybayin ng Visayas.

Babala ng PAGASA mapanganib na pagpalautan ito ng mga sasakyang pangisda at maliliit na sasakyang pandagat. (Rey Pelayo/UNTV News)

Turismo sa Albay, balik-sigla na!

$
0
0

Ilan sa mga lokal na turista na naliligo sa Vera Falls, Brgy.Soa, Malinao sa Albay. (UNTV News)

LEGASPI CITY, Philippines – Balik normal na ang pamumuhay ng mga residente sa paligid ng Bulkang Mayon, ilang linggo matapos ang isinagawang decampment sa mga evacuation center sa lalawigan.

Buwan ng Setyembre nang itinaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS sa alert level 3 ang status ng Bulkan Mayon dahil sa ipinakita nitong abnormalidad.

Sa ngayon ay balik na sa paghahanap-buhay ang ilang residente subalit hindi pa rin nawawala ang kanilang pangamba na muling mag-alburoto ang Bulkang Mayon.

“Mabuti naman kuya tapos may pang-araw araw na gastusin. ‘Dun sa relocation wala, dito meron,” pahayag ni Mang Nonito Mojar.

Ayon naman kay Aling Analiza Espinas, “Medyo mahirap ng kaunti pero unti-unti maka-recover kami… Magtatanim kami para meron kaming puhunan.”

Maging ang mga tourist attraction sa Albay ay balik sigla na rin.

Sa ngayon ay dagsa na ang mga turista sa Bicol Adventure ATV Mayon Lava Trail sa Daraga, Albay na nagnanais na makita ng malapitan ang Bulkan Mayon.

“Tiningnan lang namin kung maganda yung Mayon at tsaka siyempre para bago naman yung experience namin na makikita,” ani Love Buan.

Ayon sa pamunuan ng adventure trail park, kung noon ay mangilan-ngilan lamang ang dumarating na turista, pagpasok ng buwan ng Enero 2015 ay dagsa na ang mga bumibisita rito.

“This time they can enjoy and take the ATV adventure with longer hours na gusto nilang i-take. Merong limit pa rin 3 to 5 pero kung gusto pa nilang mag libot-libot diyan kung saan much better kasi yun ang kinagandahan naman kasi nagiging ok naman and tamang tama sa pagdating ng summer this season this year,” pahayag ni Jerome Avenue, ang manager ng Bicol Adventure ATV.

Sa Vera Falls naman sa Malinao, Albay ay inihahanda na ang mga cottage para sa pagdagsa ng mga turista sa papalapit na summer season.

“Maraming pumupunta dito kumukuha ng larawan idinadownload sa Facebook o sa internet sa madaling sabi sila na lang ang nagpo-promote,” saad naman ni Mang Bonifacio Barsenas. (Allan Manansala / Ruth Navales, UNTV News)

Black box ng AirAsia flight QZ8501, dinala na sa Jakarta, Indonesia

$
0
0

Ang flight data recorder o black box ng bumagsak na AirAsia Flight QZ8501 na na-recover sa Java Sea. (REUTERS / Darren Whiteside)

 

Dinala na sa Jakarta, Indonesia ang flight data recorder o black box ng bumagsak na eroplano ng AirAsia upang isailalim sa pagsusuri.

Ayon sa mga awtoridad, posibleng abutin ng dalawang linggo bago ma-download ang mga data sa black box at matukoy ang tunay na sanhi ng pagbagsak ng AirAsia plane.

Samantala, sinabi ng isang Indonesian national search and rescue agency official na posibleng sumabog muna ang AirAsia flight QZ8501 bago ito bumagsak sa tubig.

Sa ngayon umaabot na sa 48 bangkay ang nererekober.

Pinaniniwalaang ilan sa biktima ay na-trap sa fuselage ng eroplano na nasa ilalim ng dagat.

Ang AirAsia flight QZ8501 ay mula sa Indonesia at patungo sanang Singapore nang bumagsak sa Java Sea lulan ang 162 pasahero. (UNTV News)

Ex-Makati Vice Mayor Ernesto Mercado, kinasuhan ng plunder sa Ombudsman

$
0
0

FILE PHOTO: Ex-Makati Vice Mayor Ernesto Mercado (UNTV News)

MANILA, Philippines – Isang concerned citizen ang naghain sa Ombudsman ng reklamong plunder laban kay dating Makati Vice Mayor Ernesto Mercado kaugnay ng mahigit P80 million na umano’y natanggap nitong suhol sa pagpapagawa ng Makati City parking building II.

Ayon sa complainant na si Louis Biraogo, dapat panagutan ni Mercado ang partisipasyon nito sa maanomalyang kontruksyon ng parking building, kahit naging bahagi siya sa paglalantad ng ilegal na konstruksyon ng naturang parking building.

Base sa isinagawang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Sub-committee noong Agosto 26 at Setyembre 11, inamin ni Mercado na nabigyan siya ng P80 million sa proyekto.

Sinabi ni Biraogo na sa kabila nito ay walang naglakas-loob na magsampa ng reklamo laban kay Mercado. Ayon kay Biraogo, isa lamang siyang pribadong indibidwal subalit may karapatan siyang ireklamo ang mga opisyal ng gobyerno na umano’y nangamkam ng pera ng bayan.

“As a tax payer, ako po ay naniningil ng serbisyo sa lahat ng ating nanunungkulan sa ating gobyerno,” saad nito.

“May nakikita akong mali. May nagsabi na nagnakaw siya walang gumagalaw para iyang kamalian na iyan ay matuwid,” dagdag pa ni Biraogo.

Ito ang kauna-unahang reklamong inihain sa Office of the Ombudsman laban sa dating bise alkade.

Si Mercado ay nanungkulan bilang bise alkade ng Makati City mula 2001 hanggang 2010 sa termino bilang mayor ni Vice President Jejomar Binay. (Joyce Balancio / Ruth Navales, UNTV News)

Grizzlies land Green in five-player, three-team trade

$
0
0

Jan 22, 2014; Washington, DC, USA; Boston Celtics small forward Jeff Green (8) dribbles as Washington Wizards shooting guard Bradley Beal (3) defends during the first half at Verizon Center. Mandatory Credit: Brad Mills-USA TODAY Sports

(Reuters) – The Memphis Grizzlies have picked up forward Jeff Green as part of a five-player trade that included the Boston Celtics and New Orleans Pelicans, the National Basketball Association teams said on Monday.

As part of the deal, Memphis also acquired guard Russ Smith from the Pelicans, while sending Tayshaun Prince to Boston and Quincy Pondexter to New Orleans.

The Pelicans also sent Austin Rivers, the 10th overall pick in the 2012 NBA Draft and son of Los Angeles Clippers coach Doc Rivers, to the Celtics.

Media reports say Boston are not expected to keep Rivers.

Green, who has averaged 17.6 points-per-game for Boston this season, joins a Memphis team (26-11) tied for third place in the powerful Western Conference.

The Grizzlies also sent Boston a protected future first-round draft pick and New Orleans a 2015 second-round pick as part of the deal.

(Reporting by Andrew Both in Cary, North Carolina; Editing by Frank Pingue)


Barron, itinangging sangkot sa garlic cartel

$
0
0

Bureau of Plant Industry (BPI) Director Clarito Barron

MANILA, Philippines – Mariing itinanggi ni Bureau of Plant Industry (BPI) Director Clarito Barron na may kinalaman siya o ang ahensya sa garlic cartel.

Sa isang panayam, sinagot ni Barron ang mga alegasyon laban sa kanya at sinabing nagkamali ang Department of Justice (DOJ) at ang National Bureau of Investigation (NBI) sa pagdawit sa kanyang pangalan sa isyu ng garlic cartel.

Tanging pagbibigay lamang umano ng plant quarantine clearance o import permit ang trabaho ng kanilang ahensya at hindi ang pag-regulate ng presyo ng commodity.

“Kung ang presyo ng bawang ay sadyang tumaas, ito po ay wala sa aming control,” ani Barron.

Dagdag nito, “Ang BPI po ay walang regulatory power pagdating sa presyuhan ng mga bawang sa merkado. Ito po ay nasa poder ng ibang ahensya gaya ng DTI.

Itinanggi din ni Barron na nakipagsabwatan siya sa piling mga negosyante upang mapakinabangan ang pagtaas ng presyo ng bawang.

Pinabulaanan rin nito ang sinabi ni Lilibeth Valenzuela na tumanggap siya ng P240,000 noong 2004 upang magbigay ng import clearance para sa apat na piling kumpanya.

Hindi rin umano totoo na humihingi siya ng blessing o pahintulot kay Secretary Proceso Alcala sa pagbibigay ng permit sa mga ito.

“Natural kung kagaya ni Ms. Valenzua na di naman rehistradong importer at broker lamang na involve sa smuggling, di talaga siya dapat bigyan ng import permit sa bawang. Kaya nga ho hindi po kailangan na humingi pa ng blessing sa ating kagalang-galang na Secretary Alcala para makuha ang permit,” giit nto.

Sa kabila ng pagtatanggi ni Barron sa mga alegasyon laban sa kanya, hindi naman ito nagkomento sa posibleng dahilan ng pagtaas ng presyo ng bawang noong nakaraang taon. (Joyce Balancio / Ruth Navales, UNTV News)

Mas mabigat na parusa sa media killing at harrassment, isinusulong sa Senado

$
0
0
FILE PHOTO: Bangkay ni Nerlita Ledesma, isang mamamahayag sa Balanga, Bataan (UNTV News)

FILE PHOTO: Bangkay ni Nerlita Ledesma, isang mamamahayag sa Balanga, Bataan (UNTV News)

MANILA, Philippines – Magsusulong ng isang panukalang batas si Senador Bam Aquino na magpapataw ng mabigat na parusa sa mga pumapatay at gumagawa ng karahasan sa mga mamamahayag.

Ginawang halimbawa ni Aquino ang pagpaslang sa correspondent ng Abante na si Nerlita Ledesma sa Balanga City, Bataan at ang pag-atake sa Charlie Hebdo magazine sa France na ikinasawi ng labindalawang katao.

Nais din ni Senador Aquino na lumikha ng special court para sa mabilis na pagresolba sa kaso ng mga pagpatay sa mga mamamahayag. (UNTV News)

Naaksidenteng motorcycle rider sa QC, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0

Ang pag-responde ng UNTV News and Rescue team sa motorcycle rider na naaksidente nitong Lunes ng gabi. (UNTV News)

QUEZON CITY, Philippines – Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang aksidente na kinasangkutan ng motorsiklo at FX sa Roosevelt Avenue, corner M.H. Del Pilar, Quezon City, pasado alas-10 nitong Lunes ng gabi.

Nadatnan ng grupo ang rider na kinilalang si Ed Madriaga, 25 anyos, na nasa gilid ng gutter at iniinda ang pananakit ng mga binti at balakang matapos tumilapon mula sa minamanehong motorsiklo.

Agad na nagsagawa ng assessment ang emergency medical responders sa biktima, at isinakay sa rescue mobile.

Matapos lapatan ng paunang lunas ay dinala na ng grupo si Madriaga sa Quezon City General Hospital para sa kaukulang medical treatment.

Samantala, hawak na ng Quezon City Traffic Sector 1 ang kaso, at naka-impound na rin ang dalawang sasakyang sangkot sa aksidente para sa kaukulang imbestigasyon. (Benedict Galazan / Ruth Navales, UNTV News)

2 rice traders mula CDO, kinasuhan ng smuggling ng BOC

$
0
0

Ang 2 rice smugglers na sinampahan ng kaso.

MANILA, Philippines – Dalawang rice traders mula Cagayan De Oro ang sinampahan ng reklamong smuggling ng Bureau of Customs (BOC).

Kaugnay ito ng iligal na importasyon ng mahigit 1.3 million kilograms ng glutinous rice o malagkit na bigas, na may kabuuang halagang aabot sa P82.68 million.

Inireklamo sa DOJ sina Elmer Cañeta at Michael Abella, mga may-ari at proprietor ng EC Peninsula Commercial at New Dawn Enterprises, dahil sa paglabag sa Section 3601 ng Tariff and Customs Code of the Philippines o unlawful importation, at Section 29 ng Presidential Decree No. 4 o ang failure to obtain import permits.

Ayon kay Customs Commissioner John Philip Sevilla, parehong hindi naisyuhan ng National Food Authority (NFA) ng certificates of eligibility na mag-import ng bigas ang dalawang kumpanya.

Salaysay ni Sevilla, Nobyembre ng nakaraang taon pa dumating sa Port of Cagayan De Oro ang iligal na rice shipments ng EC Peninsula Commercial at New Dawn Enterprises.

Batay aniya sa import documents, idineklara ng dalawang kumpanya na naglalaman ng gypsum boards, plaster boards, kitchenware at tiles ang rice imports.

“These are misdeclared shipments. Nasa bills of trading ang laman ay bakal, tires. nung binuksan, meron naman sa loob pero maraming nakasiksik na bigas,” ani Sevilla.

“Itong nangyayari sa CDO is… is much more potentially damaging than yung sa Zamboanga kasi it’s happening on a wider scale,” saad pa nito.

Dagdag ni Sevilla, nakikipag-ugnayan na sila sa NFA sa paggawa ng mga polisiya na mas madaling maintindihan at mas magpapabuti sa compliance ng mga rice trader.

Ang NFA ang nagre-regulate ng rice imports sa pamamagitan ng minimum access volumes upang masiguro ang kaayusan ng lokal na industriya ng bigas. (Bianca Dava / Ruth Navales, UNTV News)

LeBron leads NBA jersey sales for fifth consecutive year

$
0
0

Jan 11, 2015; Sacramento, CA, USA; Cleveland Cavaliers forward LeBron James (23) after the game against the Sacramento Kings at Sleep Train Arena. The Sacramento Kings defeated the Cleveland Cavaliers 103-84. Mandatory Credit: Kelley L Cox-USA TODAY Sports

(Reuters) - LeBron James has a new team this season but one thing remains the same — his jersey is still the most popular among basketball fans.

James, who returned to the Cleveland Cavaliers this season after four years with the Miami Heat, topped the NBA’s most popular jersey list for a fifth consecutive year, according to figures released by the league on Monday.

Stephen Curry (Golden State Warriors) rose five spots to number two on the list, which is based on overall sales from adidas and NBAStore.com over the final three months of 2014.

Kevin Durant (Oklahoma City Thunder), Kobe Bryant (Los Angeles Lakers) and Derrick Rose (Chicago Bulls) rounded out the top five.

James, who returned to his original No. 23 Cavaliers jersey after wearing No. 6 in Miami, also helped the Cavaliers claim top spot on the team merchandise list for the first time.

Chicago are second on the team merchandise list, followed by the Warriors, Lakers and reigning NBA champion San Antonio Spurs.

(Reporting by Andrew Both in Cary, North Carolina; Editing by Frank Pingue)

First North Luzon bus company, maaaring mapatawan ng 30-day suspension ng LTFRB

$
0
0

(Left) Ang Starex van ng pamilya ng aktor na si RJ Ledesma (Right) First North Luzon bus. Photos by RJ Ledesma

MANILA, Philippines – Kung hindi makukumbinsi ang mga board member ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), maaaring mapatawan ng 30-day suspension ang First North Luzon bus company dahil sa aksidenteng kinasangkutan nito.

Dumulog sa tanggapan ng LTFRB ang aktor na si RJ Ledesma matapos mabanga ng naturang bus sa North Luzon Expressway (NLEX) ang Starex van na sinasakyan ng kaniyang pamilya.

Nais ng panig ni Ledesma na maisailalim sa suspensyon ang operasyon ng bus company at sagutin ang pagpapagamot sa ospital ng kanyang pamilya.

Nangako naman ang pamunuan ng First North Luzon Bus terminal na magbibigay ito ng suporta sa hospitalization ng mga biktima.

Sa susunod na linggo, araw ng Martes, muling itinakda ng LTFRB ang pagdinig sa kaso. (UNTV News)

NCCA, sinuspinde ang konstruksyon ng Torre de Manila

$
0
0

Makikita sa larawan ang Rizal Monument at sa di kalayuan ay ang itinatayong Torre De Manila. (UNTV News)

MANILA, Philippines – Sinuspinde na ng National Commission on Culture and the Arts (NCAA) ang konstruksyon ng kontrobersyal na Torre de Manila na sinasabing nakakasira sa tanawin ng Rizal Park sa Maynila.

Ayon kay Senador Pia Cayetano na isa sa mga nangungunang tutol sa konstruksyon ng nasabing gusali, nitong Martes ay inilabas ng NCAA ang nasabing cease and desist order at dinala mismo sa project site ng Torre de Manila.

Enero 5 nang lagdaan ni NCAA Chairman Felipe De Leon Jr ang nasabing kautusan.

Nakasaad dito na kailangang ipatigil ng DMCI Homes ang konstruksyon ng nasabing condominium, hanggang sa panahong magkaroon ng deklarasyon ang komisyon na ang mayroon talagang aktwal na destruction dito.

Sa opisyal na pahayag ni Senador Cayetano, ikinatuwa nito ang hakbang na ipatigil ang konstruksyon ng 49-storey building na aniya’y makasisira sa magandang tanawin ng Rizal Monument.

“I Welcome The Issuance Of The Cease And Desist Order (CDO) by the against DMCI’s Torre de Manila condominium project in Manila. The CDO suspends the construction of the 49-storey tower across Rizal Park that has significantly compromised the landscape of the Rizal Monument,” anang senadora.

Dagdag pa nito, panahon nang proteksyunan ng taumbayan ang kasaysayan at kultura ng ating bansa.

Aniya, ang Rizal Shrine sa Luneta, ay kailangang magkaroon ng pangangalaga sa ilalim ng National Heritage Law.

Matatandaang noong 2014 ay nagkaroon na rin ng pagdinig ang senado ukol sa isyu at nakapagsagawa na rin ng ocular inspection ang ilang senador sa Luneta. (Bryan De Paz / Ruth Navales, UNTV News)


PNP, nakiusap sa publiko na sumunod sa mga regulasyon sa panahon ng Papal visit sa bansa

$
0
0

PNP PIO chief P/CSupt. Wilben Mayor

MANILA, Philippines – Bagama’t malaking pwersa na ng Philippine National Police (PNP) ang itatalaga para sa Papal visit, nanawagan pa rin ang pambansang pulisya sa bawat isa na ipakita sa buong mundo na disiplinado ang mga Pilipino.

Ayon kay PNP PIO chief P/CSupt. Wilben Mayor, hindi magiging matagumpay ang lahat ng preparasyon na ginawa ng pamahalaan kung hindi susunod sa mga patakaran at magiging pasaway ang mga dadalo sa okasyon.

“This time we appeal to the public na tingnan lang natin yung kabuuan, let us think of our country, let’s do it in a practical way by being responsible, behaving and following the rules set by the government.”

Ayon pa sa opisyal, hindi lamang trabaho ng mga law enforcement unit ang kaligtasan ng Papa sa Roma kundi ng bawat isa.

“Ang mission natin ay to ensure the safety of the Pope, ensure the safety of the attendees or crowd, and the nation honor and prestige and pride is at stake.”

Sinabi pa ni Mayor na maaari nating gayahin ang pagdalaw ng Pope sa Korea kung saan walang sinoman ang lumampas sa guhit na chalk sa bawat kalye na binagtas ng Vatican head.

“Sa Korea kung chalk ang nilagay na linya at walang lumagpas, why don’t we show it also here in the Philippines, though may mga concrete barricades siguro it’s time for us to show also that nobody will go beyond that limitations… if Koreans can do it, why not the Filipinos,” ani Mayor.

Samantala, sa kabila ng mahabang oras na pagbabantay ng mga pulis sa Papal visit, tiniyak naman ng pamunuan ng PNP na hindi sila magugutom dahil ang mga unit commander ng mga ito ang bahala sa pagkain ng kanilang mga tauhan simula agahan hanggang hapunan. (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)

Bagyong “Amang”, pumasok na sa Philippine Area of Responsibility

$
0
0

 

satellite image from PAGASA

satellite image from PAGASA

UNTV GEOWEATHER CENTER (5am, 01/15/15) – Napanatili ng bagyong Amang ang taglay nitong lakas ng hangin na 65kph at may pagbugso na aabot sa 80kph.

Kaninang madaling araw ay pumasok ito sa Philippine Area of Responsibility at dakong 4am ay namataan ng PAGASA ang bagyo sa layong 950km sa Silangan ng Guiuan, Eastern Samar.

Kumikilos ito ng West Northwest sa bilis na 19kph.

jtwc track 7am 011515_

TS “AMANG” track from Joint Typhoon Warning Center

 

Sa nakikita ng weather agency, posibleng hindi tumama sa bansa ang pinaka-sentro ng bagyo pero didikit ito at mahahagip parin ng kanyang ulap ang Silangan ng Visayas at Luzon bukas at sa Sabado.

Sa ngayong ay wala pa namang storm signal na nakataas sa anumang bahagi ng bansa subalit makararanas ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang Eastern Visayas at CARAGA region.

Dahil naman sa pagiral parin ng Amihan ay makakaranas ng mahinang pag-ulan ang Cagayan Valley at Cordillera habang ang Metro Manila at iba pang lugar sa Luzon ay makararanas ng papulo-pulong mahinang pagulan.

Sa nalalabing bahagi ng Visayas at Mindanao ay makakaranas din ng papulo-pulong mga pagulan at thunderstorms.

Delikadong pumalaot ang mga sasakyang pangisda at maliliit na sasakayang pandagat sa mga baybayin ng Northern at Central Luzon gayun din sa Eastern seaboards ng Southern Luzon at ng Visayas dahil sa taas ng mga pag-alon. ( Rey Pelayo / UNTV News)

Bayan Muna Party-list, hihiling ng TRO sa Korte Suprema vs. MRT-LRT fare hike

$
0
0

Bayan Muna Rep. Neri Colmenares (UNTV News)

MANILA, Philippines – Maghahain ng supplemental pleadings sa Korte Suprema ang Bayan Muna Party-list upang hilingin na maglabas agad ng temporary restraining order (TRO) sa pagtaas ng pamasahe sa MRT at LRT.

Ayon kay Bayan-Muna Party-list Representative Neri Colmenares, ito ay upang ipaliwanag ng husto sa korte ang kanilang panig na walang basehan ang ginawa ng DOTC na itaas ang pamasahe sa MRT at LRT noong Enero 4, 2015.

“We will have to file a supplemental petition na nagko-contain ng una yung pag-amin ng DOTC na wala silang jurisdiction at walang hearing na naganap malinaw yun sa constitution at sa ating batas na bawat imposition sa public kahit rate hike ng kuryente o tubig o pamasahe dapat may hearing,” anang mambabatas.

Nitong Martes, bigo pa ring maglabas ng temporary restraining order ang Korte Suprema sa fare increase ng Department of Transportation and Communications.

Sa halip ay pinagsusumite ng Supreme Court ang pamahalaan ng kanilang komento sa mga petisyong kumukuwestyon sa legalidad ng pagpapatupad ng fare increase sa loob ng sampung araw.

Sa isinagawang pagdinig ng House Committee on Transportation, kinuwestyon ng mga kongresista ang mga opisyal ng DOTC dahil hindi ito kumbinsido sa paliwanag ng DOTC sa basehan ng fare hike.

Naniniwala rin si Colmenares na may magagawa pa ang kongreso at korte upang ipahinto ang mataas na pasahe sa MRT at LRT.

“Sa kada araw na hindi ini-issue ang TRO at least nasa P15M – P20M na dagdag sa pamasahe ang napapataw sa tao at mahihrapan nang ire-imburse ito balang araw kung sakali mang manalo ang petisyon.”

Sa darating na Martes ihahain ang supplemental pleadings sa korte. (Grace Casin / Ruth Navales, UNTV News)

Divers search for bodies in fuselage of crashed AirAsia jet

$
0
0
The tail of AirAsia QZ8501 passenger plane is seen on the deck of the rescue ship Crest Onyx after it was lifted from the seabed, in the waters of Kumai, Pangkalan Bun, Central Kalimantan January 11, 2015.REUTERS/Zulkarnain/Pool

The tail of AirAsia QZ8501 passenger plane is seen on the deck of the rescue ship Crest Onyx after it was lifted from the seabed, in the waters of Kumai, Pangkalan Bun, Central Kalimantan January 11, 2015.REUTERS/Zulkarnain/Pool

(Reuters) – Indonesian navy divers searched for bodies on Thursday in the fuselage of an AirAsia airliner that crashed into the sea more than two weeks ago, killing all 162 people on board.

A military vessel found the fuselage on Wednesday, about 3 km (2 miles) from where the tail of the aircraft was hauled up from the bottom of the Java Sea last weekend.

Indonesia AirAsia Flight QZ8501 lost contact with air traffic control in bad weather on Dec. 28, less than halfway into a two-hour flight from the Indonesian city of Surabaya to Singapore.

The cause of AirAsia’s first fatal crash is not yet known, but seasonal storms are believed to have been a factor.

Divers retrieved the flight data and cockpit voice recorders earlier this week from the plane’s sunken wreckage. Indonesian investigators have started examining the black box recorders and hope to find clues on why the plane crashed within days.

Only 50 bodies have been recovered and searchers hope more of the victims, most of whom were Indonesian, will be found in the fuselage, the main section of the plane that holds passengers and crew.

If bodies are found in the fuselage, divers will need to determine whether the entire wreckage can be lifted by using large balloons or if bodies need to be retrieved separately.

“We will wait for the calculation results from the divers on which one is faster. If it’s faster to lift (bodies), we lift one by one,” Supriyadi, operations coordinator for the National Search and Rescue Agency, told reporters in the town of Pangkalan Bun, the base for the search effort.

Any recovered bodies will be flown to East Java’s police headquarters in Surabaya for identification.

(Additional reporting by Fransiska Nangoy in JAKARTA; Writing by Randy Fabi; Editing by Raju Gopalakrishnan)

Mahigit 1.7 ektaryang pananim na gulay sa Atok, Benguet, nasira dahil sa matinding lamig

$
0
0

Isa sa mga magsasaka sa Atok, Benguet na lubhang apektado ng malamig na panahon. (UNTV News)

BENGUET, Philippines – Tinatayang aabot sa 1.78 ektaryang taniman ng patatas at pechay ang naapektuhan ng matinding lamig na nararanasan ngayon sa buong probinsya ng Benguet.

Ayon kay Cheery Sano, municipal agriculturist, tatlumpu’t tatlong mga magsasaka na sa bayan ng Atok ang nasira ang mga tanim na patatas at pechay na ilang linggo na lamang ay aanihin na.

Ang bayan ng Atok ay may layong 45 kilometro mula sa Baguio City proper at gugugol ng kulang dalawang oras na land travel upang marating ito.

Pangalawa ito sa pinakamataas na lugar sa Benguet at umaabot sa 8 degrees celcius ang pinakamalamig na temperatura dito.

Dahil sa pagbagsak ng temperatura, karamihan sa mga gulay dito ay natutuyo ang dahon at kapag matindi na ang lamig ay maaari pang mabalot ng yelo ang mga ito.

ecember 29 pa lamang ng nakaraang taon ang magsimulang mabalot ng yelo ang ilang tanim na gulay ng mga magsasaka sa lugar.

Tinatayang nagkakahalaga ng P115,000 ang mga nasirang pananim na patatas at pechay.

Ayon sa municipal agriculturist, posibleng tumagal pa hanggang buwan ng Pebrero ang masamang epekto ng matinding lamig sa mga pananim. (Grace Doctolero / Ruth Navales, UNTV News)

Viewing all 18481 articles
Browse latest View live