Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all 18481 articles
Browse latest View live

Mga mambabatas na sangkot umano sa multi-billion-peso ghost projects, dapat mag-leave of absence — Sen. Santiago

$
0
0
Si Senator Miriam Defensor Santiago habang iniisa-isa ang mga senador at kongresista na sangkot umano sa multi-billion-peso ghost projects gamit ang mga pork barrel nito. (UNTV News)

Si Senator Miriam Defensor Santiago habang iniisa-isa ang mga senador at kongresista na sangkot umano sa multi-billion-peso ghost projects gamit ang mga pork barrel nito. (UNTV News)

 

MANILA, Philippines — Pinayuhan ni Senadora Miriam Defensor-Santiago ang kanyang mga kapwa-mambabatas na maghain muna ng leave of absence matapos masangkot sa isyu ng multi-bilyong pisong ghost projects.

Tinukoy ng senadora na sangkot sa isyu sina dating Senate President Juan Ponce Enrile, Senators Ramon ‘Bong’ Revilla Jr., Jinggoy Estrada, Ferdinand ‘Bong-Bong’ Marcos at Gregorio Honasan.

Ayon kay Santiago, kailangang bigyang-daan ang imbestigasyon upang lumabas ang katotohanan sa likod ng isyu.

“Not only the senators but also the representatives, they must go on leave of absence not as an admission of guilt but as a courtesy to Filipino public so that the process can proceed unhampered.”

Iminungkahi rin ng senadora kay Pangulong Benigno Aquino III na bumuo ng isang special panel na pangungunahan ng tatlong prosecutor na pawang dating Supreme Court justices upang imbestigahan ang transaksyon.

“Dapat si President Aquino today should form a special panel of prosecutors concerning plunder cases including and primarily this one, ang lalake ng halaga, plunder yun.”

Samantala, tinawag naman ni Sen. Revilla na demolition job at maagang pamumulitika ang isyu, lalo’t una nang lumabas ang umano’y plano nitong pagtakbo sa 2016 elections katambal si Senador Bong-Bong Marcos.

Tiniyak naman nina Senador Enrile at Honasan na handa silang makipagtulungan sa imbestigasyon. (Bryan De Paz / Ruth Navales, UNTV News)


Pork barrel scam whistle-blowers, ilalagay sa Witness Protection Program ng pamahalaan

$
0
0
“I advised sina Benhur through their counsel to be placed under WPP as soon as possible so anytime they will be covered by WPP.” — DOJ Sec. Leila De Lima (UNTV News)

“I advised sina Benhur through their counsel to be placed under WPP as soon as possible so anytime they will be covered by WPP.” — DOJ Sec. Leila De Lima (UNTV News)

MANILA, Philippines — Isasailalim sa Witness Protection Program (WPP) ng pamahalaan ang mga whistle-blower sa umano’y pork barrel scam na kinasasangkutan ng ilang mambabatas.

Ayon kay Justice Secretary Leila De Lima, mainit ang sitwasyong kinalalagyan ng mga testigo lalo na at malalaking personalidad ang idinadawit sa isyu.

Dati na rin umanong nag-alok ng proteksyon ang pamahalaan subalit tinanggihan ito ng whistleblower na si Benhur Luy.

“I advised sina Benhur through their counsel to be placed under WPP as soon as possible so anytime they will be covered by WPP,” ani De Lima.

Tumanggi rin si De Lima na kumpirmahin ang pagkakadawit sa isyu ng ilang senador at kongresista dahil isasagawa pa ang imbestigasyon.

“Hindi pa kami makakapagsabi sa ngayon kung sino sa mga pangalan ang tunay na nakinabang din dyan sa mga alleged scams na yan na nakipag-kutsaba with JLN,” pahayag pa ng kalihim.

Una nang idinetalye ng testigo sa kanyang sinumpaang salaysay ang umano’y bilyong pisong pondo ng pork barrel na napunta sa ghost projects sa pamamagitan ng pag-manipula ng JLN Corporation na pagmamay-ari ni Janet Lim Napoles. (Bernard Dadis / Ruth Navales, UNTV News)

Mga dokumento sa P10-B pork barrel scam na kinasasangkutan ng ilang kongresista, pag-aaralan muna – Rep. Belmonte

$
0
0
“We will see if there is a need for us to have it investigated, I noted that there is no current congressman there, they are from previous from the 15th Congress.” — House Speaker Feliciano 'Sonny' Belmonte Jr. (UNTV News)

“We will see if there is a need for us to have it investigated, I noted that there is no current congressman there, they are from previous from the 15th Congress.” — House Speaker Feliciano ‘Sonny’ Belmonte Jr. (UNTV News)

MANILA, Philippines — Pag-aaralan pa ng House of Representatives ang mga isinumiteng dokumento sa Department of Justice (DOJ) bago magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa pork barrel scam na kinasasangkutan ng ilang kongresista.

Ayon kay House Speaker Sonny Belmonte, kailangan ang masusing pagsisiyasat lalo na’t kredibilidad ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) ang nakataya.

Ilan sa mga kongresista na dawit sa naturang scam ay sina Masbate Rep. Rizalina Lanete, Pangasinan Rep. Conrado Estrella III, Rep. Rodolfo Plaza ng Agusan Del Sur at Rep. Samuel Dangwa ng Benguet.

“We will see if there is a need for us to have it investigated, I noted that there is no current congressman there, they are from previous from the 15th Congress,” pahayag ni Belmonte.

Sinabi rin ni Belmonte na nakahanda silang magsagawa ng imbestigasyon sa isyu kung kinakailangan.

Sa ngayon aniya ay mahigpit na ang ginagawang auditing ng Commission on Audit (COA) sa PDAF ng mga kongresista.

“We’ll probably step in to this and try to be sure we don’t want this sort of thing, if it’s true ha. Only some people have admitted given money for the area of agriculture.”

Hindi naman pabor si Belmonte sa panukalang itigil ang distribusyon ng PDAF dahil malaking tulong aniya ito sa ikauunlad ng mga probinsyang sakop ng mga kongresista. (Ley Ann Lugod / Ruth Navales, UNTV News)

Immigration Commissioner Ricardo David Jr., nagbitiw na sa pwesto

$
0
0
FILE PHOTO: Si Bureau of Immigration Commissioner Ricardo David Jr. sa programang Get It Straight with Daniel Razon (PHOTOVILLE International)

FILE PHOTO: Si Bureau of Immigration Commissioner Ricardo David Jr. sa programang Get It Straight with Daniel Razon (PHOTOVILLE International)

MANILA, Philippines – Kinumpirma na ng Malacañan ang pagbibitiw sa pwesto ni Bureau of Immigration Commissioner Ricardo David Jr.

Ayon sa Palasyo, July 12 nang isinumite ni David ang kanyang resignation letter na kaagad namang tinanggap ni Pangulong Aquino.

Sinasabing ang isyung kinakaharap ng Bureau of Imigration ang pangunahin umanong dahilan ni David sa kanyang pagbibitiw sa tungkulin.

Sa ngayon ay wala pang ipinapahayag ang Malacañan kung sino ang papalit sa dating pwesto ni David.

“What was communicated to me was that Commissioner David felt that he… it was proper for him to take full responsibility for events that may have transpired under his leadership under the bureau,” pahayag ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte. (Nel Maribojoc / Ruth Navales, UNTV News)

Bagong hepe ng NCRPO, magpapatupad ng reshuffle sa mga district director

$
0
0
NCRPO Chief Supt. Marcelo Garbo (UNTV News)

NCRPO Chief Supt. Marcelo Garbo (UNTV News)

MANILA, Philippines – Magpapatupad ng balasahan sa mga district director ang bagong pinuno ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Ayon kay NCRPO Chief Supt. Marcelo Garbo, kasama sa kanyang prebilehiyo ang pumili ng magagaling na tauhan.

“That would be part of my program, continuous evaluation and assessment of the performance of our police officers as well as the police.”

Ayon pa sa heneral, wala namang dapat ikabahala ang mga opisyal na nagtatrabaho ng maayos. (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)

Buong NCRPO, ilalagay sa full alert status bilang paghahanda sa SONA ng Pangulo sa Lunes

$
0
0
Inaasahang mapapasabak na naman ang mga kawani ng Pambansang Pulisya sa pagdaraos ng SONA sa Lunes, July 22, 2013. Kaya naman Biyernes pa lamang July 19 ay ilalagay na sa full-allert status ang NCRPO. (REY CALINAWAN VERCIDE / Photoville International)

Inaasahang mapapasabak na naman ang mga kawani ng Pambansang Pulisya sa pagdaraos ng SONA sa Lunes, July 22, 2013. Kaya naman Biyernes pa lamang July 19 ay ilalagay na sa full-alert status ang NCRPO. (REY CALINAWAN VERCIDE / Photoville International)

MANILA, Philippines — Ilalagay sa full-alert status ang buong pwersa ng National Capital Region Police Office (NCRPO) simula sa Biyernes, Hulyo 19.

Ayon kay NCRPO Chief Supt. Marcelo Garbo, ito’y upang masiguro ang kaayusan at seguridad sa araw ng State of the Nation Address ni Pangulong Benigno Aquino III sa Lunes, Hulyo 22.

“Merong mga pockets of rallies na medyo hindi nagtapos ng kanais-nais at ito ang pag-aaralan ng ating kapulisan.”

Sinabi pa ng heneral na bagama’t may natanggap silang pagbabanta mula sa mga raliyista ay hindi ito dapat ikabahala ng mamamayan.

“Ito pong sinasabi ko wala po itong kinalaman sa terorismo at kriminalidad, we always assure when we plan there is always to be a threat, and what matters is how we respond to the threat,” ani Garbo.

Tiniyak rin ng opisyal na ipatutupad nila ang maximum tolerance sa darating na SONA ng pangulo at pag-aaralang mabuti kung kailan dapat arestuhin ang mangugulo at mananakit na raliyista. (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)

Imbestigasyon sa isyu ng sex-for-flight scheme, tapos na — Malacañan

$
0
0
“Upon coming back, they are going to evaluate everything that has been gathered and they will be asking persons accused of wrong doing at least misbehavior to submit counter affidavit.” — Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte

“Upon coming back, they are going to evaluate everything that has been gathered and they will be asking persons accused of wrong doing at least misbehavior to submit counter affidavit.” — Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte

MANILA, Philippines – Dumating na sa bansa kahapon mula sa Jordan ang Fact-Finding Team ng Department of Labor and Employment (DOLE) na nag-imbestiga sa sex-for-flight scheme sa Middle East.

Ayon sa DOLE, nakumpleto na ng fact finding team ang pagkalap ng impormasyon kaugnay ng naturang isyu mula sa mga Filipino community, OFW’s, Philippine embassy at labor office sa Gitnang Silangan.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na hihingan na ngayon ng paliwanag ang mga taong sangkot sa isyu ng sex-for-flight.

“Upon coming back, they are going to evaluate everything that has been gathered and they will be asking persons accused of wrong doing at least misbehavior to submit counter affidavit.”

Sinabi pa ni Valte na bibigyan ng isang buwan si DOLE Secretary Rosalinda Baldoz upang pag-aralan ang mga kasong maaaring isampa sa mga opisyal o empleyado ng pamahalaan na sangkot sa nasabing isyu. (Nel Maribojoc / Ruth Navales, UNTV News)

National Artist Award kay Caparas at 3 iba pa, pinawalang-bisa ng Korte Suprema

$
0
0
Supreme Court of the Philippines Logo (Wikipedia)

Supreme Court of the Philippines Logo (Wikipedia)

MANILA, Philippines – Pinawalang-bisa ngayong Martes ng Korte Suprema ang iginawad na National Artist Award ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa apat na indibidwal noong 2009.

Sinabi ni Supreme Court (SC) Spokesman Atty. Theodore Te na may grave abuse of discretion sa panig ng dating pangulo nang ideklara nitong national artist sina Cecile Guidote-Alvarez, filmmaker Carlo J. Caparas, architect Francisco Mañosa at fashion designer Jose “Pitoy” Moreno bilang mga national artist.

Bukod sa hindi dumaan sa tamang proseso, nabalewala rin ang mga panuntunan ng National Commission on Culture and the Arts (NCCA) at Cultural Center of the Philippines (CCP) sa pagpili ng mga nominee bilang national artist.

Nagkaroon din umano ng preferential treatment ang dating pangulo sa pagpili kay Guidote-Alvarez, Caparas, Manoza at Moreno. (UNTV News)


Voters registration para sa Barangay at SK polls, simula na sa Hulyo 22 hanggang 31

$
0
0
Ang age limit sa voters registration para sa 2 election. (UNTV News)

Ang age limit sa voters registration para sa 2 election. (UNTV News)

MANILA, Philippines – Sisimulan na ng Commission on Elections (COMELEC) ang voters registration para sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections sa susunod na linggo, Hulyo 22 hanggang 31.

Sa 10 araw na registration period, ang lahat ng mga naalis sa voters list noong nakaraang halalan ay maaari nang magpa-reactivate ng kanilang registration.

Ito rin ang pagkakataon para sa iba’t ibang transaksyon maliban na sa validation o pagpapakuha ng biometrics ng mga dati nang rehistrado na pansamantalang sinuspinde upang hindi masabay sa bulto ng mga magpaparehistro.

Samantala, maaari namang magparehistro para sa SK Elections ang lahat ng mga kabataang nasa edad 15 hanggang 17 o wala pang 18 taong gulang sa mismong araw ng halalan sa Oktubre 28.

Kung 18 years old na ang isang botante sa October 28, sa halalang pambarangay na ito makakaboto.

Tinatatayang nasa 700 libong mga bagong botante ang inaasahang boboto, habang nasa 2 milyong mga kabataan naman para sa SK.

Ipinaalala naman ng COMELEC Spokesman James Jimenez na tanging sa opisina lamang ng mga district election officer o local offices isasagawa ang 10-day registration period.

“Walang satellite registration, pero merong weekends. So wag kayo mag-alala partikular yung mga estudyante at may trabaho, pwede magparehistro ng weekend.”

Samantala, hinihikayat rin ng COMELEC ang publiko na makilahok sa kauna-unahang video making contest bilang bahagi ng voters education campaign.

Ang 3-minute video na ia-upload sa YouTube ay kinakailangang sumasagot sa tanong na “Bakit Ako Magpaparehistro?”

Makatatanggap ng cash prizes ang tatlong maswerteng mananalo sa contest na mapipili sa Luzon, Visayas, at Mindanao.

“Yung nasa paligid mo, turuan mo para lahat tayo mag-mature as voters. Ia-upload nila sa YouTube at i-tag ang COMELEC upang makita natin,” pahayag pa ni Jimenez. (Pong Mercado / Ruth Navales, UNTV News)

Status Quo Ante Order sa RH Law, pinalawig pa ng Korte Suprema

$
0
0
Supreme Court Spokesperson Atty. Theodore Te (UNTV News)

Supreme Court Spokesperson Atty. Theodore Te (UNTV News)

MANILA, Philippines – Pinalawig pa ng Korte Suprema ang Status Quo Ante Order (SQAO) na pumipigil sa pagpapatupad ng Reproductive Health (RH) Law.

Ayon kay Supreme Court (SC) Spokesman Atty. Theodore Te, walang taning ang ibinigay na extension sa SQA order at mananatili ito hangga’t hindi binabawi ng korte.

“The court, with an 8-7 vote, voted to extend the SQAO effective immediately until further orders from the court.”

Sa orihinal na SQA order na inilabas ng korte nitong Marso 19, sampung mahistrado ang pumabor dito, habang tumutol naman sina Chief Justice Maria Lourdes Sereno at Associate Justices Antonio Carpio, Mariano Del Castillo, Estela Perlas Bernabe at Marvic Leonen.

Matapos ang unang bahagi ng oral arguments nitong Hulyo 9, dalawang mahistrado ang nadagdag sa mga tumutol na pigilin ang pagpapatupad sa kontrobersyal na batas.

Hindi naman inilabas ng korte kung sino-sino ang pumabor at tumutol na palawigin ang SQAO.

“I am not informed of who voted for which position. The vote, I am told, is 8-7, I have not been told who voted for which position,” ani Te.

Sa kasalukuyan ay may 14 na mga petisyon laban sa RH Law ang nakabinbin ngayon sa Korte Suprema na humihiling na maideklarang labag sa saligang-batas ang RH Law at tuluyang ipagbawal ang pagpapatupad nito.

Samantala, sinabi naman ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, nirerespeto ng Malakanyang ang naturang desisyon ng kataas-taasang hukuman.

“The extension is unfortunate; however the extension will be respected by government.”

Sa susunod na Martes, Hulyo 23 nakatakdang ituloy ng Korte Suprema ang debate sa RH Law. (Roderic Mendoza / Ruth Navales, UNTV 

Mixed drug toxicity, sanhi ng pagkamatay ni Glee lead actor Cory Monteith ayon sa British Columbia Coroner’s Office

$
0
0
Cast member Cory Monteith poses at the Paley Center for Media's PlayFest 2011 event honoring the television series "Glee" at the Saban theatre in Los Angeles March 16, 2011. REUTERS

FILE PHOTO: Cast member Cory Monteith poses at the Paley Center for Media’s PlayFest 2011 event honoring the television series “Glee” at the Saban theatre in Los Angeles March 16, 2011. (REUTERS)

ESTADOS UNIDOS – Inilabas na ng British Columbia Coroner’s Office ng Canada ang sanhi ng pagkamatay ng 31–year old Glee lead actor na si Cory Monteith.

Sa post-mortem test na isinagawa, lumabas na overdose sa heroin at alcohol ang dahilan ng kamatayan ni Monteith.

“Good afternoon. We’re here today to announce that we do now have a cause of death in the tragic death of Cory Monteith and that cause of death was mixed drug toxicity and it involved heroin primarily and also alcohol. For background, Mr. Monteith, who was 31 years old, was found deceased on Saturday, the 13th of July in his hotel room in downtown Vancouver, where he’d been staying for about a week,” pahayag ni Coroner Barbara Mclintock.

Napag-alaman na kagagaling lamang ng aktor sa rehabilitation nitong Marso dahil sa substance addiction.

Samantala, humingi naman ng privacy ang pamilya at kaibigan ni Monteith habang nagluluksa sa pagpanaw ng kanilang mahal sa buhay. (UNTV News)

Mahigit 400,000 public school teachers, makakatanggap ng bonus sa susunod na linggo

$
0
0
FILE PHOTO: Public school teachers (RITCHIE TONGO / Photoville International)

FILE PHOTO: Public school teachers (RITCHIE TONGO / Photoville International)

MANILA, Philippines – Makakatanggap ng bonus sa susunod na linggo ang mahigit apat 400-libong public school teachers sa bansa.

Ayon kay Education Assistant Secretary Jesus Mateo, isinumite na nila noong Biyernes sa Department of Budget and Management (DBM) ang mga requirement para sa mga makatatanggap ng bonus.

Ang matatanggap na bonus ng mga guro ay hindi batay sa individual performance ng mga ito kundi sa performance ng paaralan.

Tinatayang aabot ng P5,000 hanggang P35,000 ang halaga ng bonus na matatanggap ng mga public school teacher. (Mon Jocson / Ruth Navales, UNTV News)

Emergency plan sa lumalalang polusyon sa hangin sa China, ipinatupad

$
0
0
FILE PHOTO: Cars drive on Jianguo Road on a heavily hazy day in Beijing. (REUTERS)

FILE PHOTO: Cars drive on Jianguo Road on a heavily hazy day in Beijing. (REUTERS)

Beijing, CHINA – Ipinatupad na ng China ang kanilang emergency plan dahil sa tumataas na antas ng polusyon sa hangin partikular sa malalaking siyudad ng bansa tulad ng Shanghai at Beijing.

Ipinag-utos ng gobyerno ng China sa mga car dealer na bawasan na ang ibinibentang sasakyan.

Nilimitahan din ng gobyerno ang pagbibigay ng drivers license lalo na sa malalaking siyudad sa bansa.

Umabot na sa 13 million ang bilang ng sasakyang naibenta ng China noong 2012 na isa sa dahilan ng pagkakaroon ng marumi at nakalalasong hangin.

Ang mga planta at anumang proyekto na hindi pasado sa assessment ng gobyerno ay hindi na rin pagkakalooban ng loan grants at supply ng tubig at kuryente.

Iminungkahi rin ng ilang eksperto na pag-aralan ng pamahalaan ang coal-heating policy nito na isa sa nagdudulot ng panganib sa kalusugan ng mga tao.

Batay sa ipinalabas na ulat ng National Academy of Science sa Amerika nasa 55 porsyento na ang lebel ng polusyon sa China kaya maging ang life expectancy ng mga mamamayan ay umiikli na rin.

Ilan sa mga Pilipinong nasa China sa ngayon ang mahigpit na ang pag-iingat upang hindi magkasakit sanhi ng matinding polusyong nararanasan.

“Para maprotekthan ko ang sarili ko, umiinom ako ng tamang vitamis at kumain sa tama, gulay at umiinom ng maraming tubig,” pahayag ng OFW na si Ritchie Bacolod. (Dulce Alarcon / Ruth Navales, UNTV News)

Associate Commissioner Siegfred Mison, hinirang na OIC ng Bureau of Immigration

$
0
0
Si Associate Commissioner Siegfred B. Mison na itinalagang OIC ng Bureau of Immigration kasunod ng resignation ni Bureau of Immigration Commissioner Ricardo David Jr. (PHOTO CREDITS: Carpio Dela Cruz Law Office)

Si Associate Commissioner Siegfred B. Mison na itinalagang OIC ng Bureau of Immigration kasunod ng resignation ni Bureau of Immigration Commissioner Ricardo David Jr. (PHOTO CREDITS: Carpio Dela Cruz Law Office)

MANILA, Philippines – Itinalagang officer in charge ng Bureau of Immigration (BI) si Associate Commissioner Siegfred Mison kapalit ng nag-resign na si Commissioner Ricardo David Junior.

Sa isang department order ay itinalaga ni Justice Secretary Leila De Lima si Mison upang pansamantalang mamahala sa Office of the Commissioner of Immigration.

Naitalaga bilang associate commissioner si Mison noong June 2011.

Dati rin itong opisyal ng military bago naging abogado. (UNTV News) (PHOTO CREDITS: Carpio Dela Cruz Law Office)

Brillantes, handang sumailalim sa pagdinig ng CA kaugnay ng inihaing petisyon ng AES Watch

$
0
0
FILE PHOTO: COMELEC Chairman Sixto Brillantes Jr. (WILLIE SY / Photoville International)

FILE PHOTO: COMELEC Chairman Sixto Brillantes Jr. (WILLIE SY / Photoville International)

MANILA, Philippines – Nakahanda si Comelec Chairman Sixto Brilliantes Jr. na sumailalim sa pagdinig ng Court of Appeals (CA) ukol sa petisyon ng Automated Election System Watch (AES Watch) na dapat pigilan ng korte ang Comelec sa pag-eespiya gamit ang kanilang intelligence fund

Ito’y matapos ipag-utos ng Supreme Court na dalhin sa CA ang petition for writ of habeas data ng AES Watch laban sa COMELEC.

Sinabi ni Brillantes na handa nyang sagutin at gumawa ng affidavit na wala silang ginagastos na kahit magkano upang titktikan ang mga miyembro at operasyon ng naturang election watchdog.

“I can state under-oath and I can state under whatever oath they like that I’m not spending a single cent on my intelligence fund to any reference to AES Watch or to any individual in AES.”

Dagdag pa ni Brillantes, handa nyang buksan ang rekord ng intelligence fund subalit ito ay para sa korte lamang.

“Pwede ko ipakita sa court pero hindi nila makikita, kasi marami pang iba pang nakalagay dun na hindi nila dapat makita. Mawawalan na lahat ng confidentiality. Anybody who feels na ako sinu-surveilance ng military e di ilabas na military. Ang lalaki ng intel fund nyan,” dagdag pa ni Brillantes.

Bukod sa Comelec, idinawit rin sa reklamo sina Presidential Spokesperson Abigail Valte at Executive Secretary Paquito Ochoa Jr. matapos kumpirmahin sa publiko ang pag-apruba ng Office of the President sa nasabing intel fund.

Ayon sa AES Watch, labag ang ginawa ng Malakanyang dahil maituturing itong mis-alignment of public funds. (Pong Mercado / Ruth Navales, UNTV News)


Malacañan, tumanggi pa din na magbigay ng anumang detalye o impormasyon kaugnay ng magiging laman ng SONA ni Pangulong Aquino

$
0
0
State of the Nation Address, SONA banner (CREDITS: President Benigno Aquino III Official Facebook Fan Page)

State of the Nation Address, SONA banner (CREDITS: President Benigno Aquino III Official Facebook Fan Page)

MANILA, Philippines — Naghihigpit na din ng seguridad  sa Malakanyang complex dahil na din sa posibleng pagdagsa ng mga raliyista sa Mendiola.

Samantala, hanggang sa kasalukuyan ay tumatanggi pa din ang Malakanyang na magbigay ng kahit anumang impormasyon kaugnay ng inihandang speech ng Pangulo.

Bukod dito ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, iniiwasan din nila na magkaroon ng anumang leakage sa magiging talumpati ng Pangulo, bago ang nakatakdang oras ng SONA.

Wala ding anumang schedule ng pagpupulong si Pangulong Aquino ngayon  sa Palasyo ng Malakanyang.

Kaya tututok lamang ang Punong Ehekutibo ngayong araw sa paghahanda sa SONA.

At dahil na din sa ipinatutupad na security measure ng Presidential Security Group, hindi maaaring  idetalye kung saan manggagaling ang Pangulo mamaya papuntang Batasang Pambansa. (NEL MARIBOJOC, UNTV News)

 

SONA at pagbubukas ng session ng Kongreso, isasagawa ngayong araw

$
0
0
FILE PHOTO: Ang State of the Nation Address ni Pangulong Benigno Aquino III noong 2012. (Photo by Robert Viñas / Malacanañg Photo Bureau)

FILE PHOTO: Ang State of the Nation Address ni Pangulong Benigno Aquino III noong 2012. (Photo by Robert Viñas / Malacanañg Photo Bureau)

QUEZON CITY, Philippines — Ngayong araw muling mag-uulat sa bayan si Pangulong Benigno Aquino III.

Ito na ang ika-apat na State of the Nation Address ng Pangulo.

Subalit bago isagawa ang SONA, pormal munang magbubukas ang 1st regular session ng Senate of the Philippines at House of Representatives.

Alas-10 ngayong umaga, magbubukas ang sesyon sa dalawang kapulungan ng Kongreso.

Dito na rin magkakaroon ng botohan ang mga senador at kongresista para sa kanilang susunod na liderato.

Sa Senado, inaasahang maglalaban laban sa pagka-Senate President sina Senator Franklin Drilon at dating Senate President Juan Ponce Enrile.

Subalit inaasahang makukuha ni Senator Drilon ang liderato at magiging minority leader naman si Senator Enrile.

Nakikitang magiging Senate Pro-Tempore si Senator Ralph Recto habang makukuha ni Sen. Alan Peter Cayetano ang posisyon bilang majority leader.

“Asahan na na isusulong ng bagong majority bloc ang malawakang reporma sa pananlapi ng Senado,” ani Cayetano

Sa House of Representatives naman ay maglalaban laban sa pagka-house speaker si Quezon City Representative Feliciano Belmonte Jr., Leyte Representative Martin Romualdez at San Juan Represenative Ronaldo Zamora.

Subalit matapos ang pag-endorso ng Pangulo kay Belmonte tiyak nang muli nitong makukuha ang pagiging house speaker.

“Last year, I did considerably better hopefully this year it will also be somewhat better,” ani Speaker Belmonte.

Pagsapit ng alas -4 ng hapon ay ang State of the Nation Address ni Pangulong Aquino.

Dito iuulat ng Pangulo sa taumbayan ang lahat ng kanilang mga nagawa sa nakalipas na isang taon ng kanyang pamamahala sa bansa.

Maging ang kanyang mga plano sa mga susunod na taon ay dito rin mapakikinggan.

Ayon kay Cabinet Secretary Jose Rene Almendras mismong ang Pangulong Aquino ang nagsulat ng kanyang talumpati.

Aniya buong linggong binalangkas ng Pangulo at ng kanyang mga speechwriter ang kanyang SONA. (GRACE CASIN, UNTV News)

Ilang bahagi ng Commonwealth Ave. at Batasan Road, isinara kaugnay ng SONA

$
0
0
FILE PHOTO: Karaniwang isinasara ang bahaging ito ng Commonwealth Avenue, QC, tuwing SONA upang mapigilan  ang mga rallyista at demonstrador na makalapit sa Batasang Pambansa. (REY CALINAWAN VERCIDE / PHOTOVILLE International)

FILE PHOTO: Karaniwang isinasara ang bahaging ito ng Commonwealth Avenue, QC, tuwing SONA upang mapigilan ang mga rallyista at demonstrador na makalapit sa Batasang Pambansa. (REY CALINAWAN VERCIDE / PHOTOVILLE International)

MANILA, Philippines – Ilang bahagi ng Commonwealth Avenue at Batasan Road sa Quezon City ang hindi maaaring daanan ng mga motorista ngayong araw, Lunes kaugnay ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Aquino.

Sa traffic advisory ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), sarado na simula kaninang alas-dose ng hatinggabi ang north at southbound lane ng Commonwealth Avenue mula Quezon Memorial Circle / Philcoa hanggang Fairview Center mall, maliban sa dalawang lane sa northbound.

Ala-5 ng madaling araw naman kanina nagsimula ang rerouting mula sa u-turn slot sa harap ng Jocfer Guilding at Omni Tire Supply sa southbound lane hanggang San Simon para sa counterflow.

Maaaring gamitin ng mga motorista ang apat na linya sa southbound patungo sa northbound o Fairview para sa reverse flow.

Ang mga motoristang manggagaling sa bahagi ng Ever Gotesco ay maaaring dumaan sa Josfer u-turn slot;  habang ang mga manggagaling naman sa capitol estates one ay maaaring dumaan sa harap ng Saint Peter Church pa-northbound sa Fairview area o southbound sa Edsa area.

Magiging normal ang takbo ng trapiko sa siyam na linya ng Commonwealth pag-lampas ng San Simon para sa mga motoristang pa-northbound o Fairview.

Alas-dose naman ng tanghali ay one-way traffic na ang IBP Road patungo sa House of Representatives.

Ang kabilang direksyon naman patungo sa Sandiganbayan underpass at Commonwealth Avenue ay bubuksan lamang para sa mga manggagaling sa House of Representatives hanggang matapos ang SONA.

Isasara ang IBP Litex Road para sa mga motoristang magmumula ng Montalban/Rodriguez area, ngunit maaaring dumaan sa Soliven Street patungong Commonwealth Avenue at Fairview area.

Magbabalik sa normal ang daloy ng trapiko sa Commonwealth Avenue at Batasan Road pagsapit ng ala-sais mamayang gabi. (UNTV News)

Klase sa elementarya at high school sa QC, kanselado ngayong araw kaugnay ng SONA ni Pangulong Aquino

$
0
0
FILE PHOTO: Batasan Hills High School gate (GAYE FRITZ OFILAS / Photoville International)

FILE PHOTO: Batasan Hills High School gate (GAYE FRITZ OFILAS / Photoville International)

MANILA, Philippines  — Suspendido ngayong araw ang klase sa elementary hanggang high school sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa Quezon City kaugnay ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Aquino.

Ang suspensyon ay para na rin sa seguridad ng mga estudyante at upang maibsan ang pagbibigat ng trapiko sa pagdagsa ng mga dadalo sa SONA ng pangulo sa Batasang Pambansa.

Nagkansela na rin ng pasok ngayong araw ang Quezon City Polytechnic University-Batasan branch, habang ipinauubaya na sa Commission on Higher Education (CHED) at pamunuan ng paaralan ang pagkansela sa ibang kolehiyo at unibersidad.

Paalala naman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na hindi holiday ngayong araw kaya’t ipatutupad pa rin sa Metro Manila ang number coding scheme. (UNTV News)

10-day voters’ registration para sa Barangay at SK polls, simula na ngayong Lunes

$
0
0
FILE PHOTO: Isang bahagi ng voters registration (UNTV News)

FILE PHOTO: Isang bahagi ng voters registration (UNTV News)

MANILA, Philippines – Simula na ngayong araw, Lunes ang voters’ registration ng Commission on Elections (COMELEC) para sa halalang pam-barangay at Sangguniang Kabataan (SK) sa Oktubre.

Sa sampung araw na registration period, maaari nang magpa-reactivate ng registration ang lahat ng mga naalis sa voters list noong nakaraang halalan.

Paalaala naman ng COMELEC, tanging sa mga opisina ng district election officer o local offices lamang isasagawa ang 10-day registration period.(UNTV News)

Viewing all 18481 articles
Browse latest View live