Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all 18481 articles
Browse latest View live

16 whitening products mula sa China, ipinagbawal ng FDA sa bansa

$
0
0
CREDITS: REUTERS, Made In China Website and FDA (UNTV News)

CREDITS: REUTERS, Made In China Website and FDA (UNTV News)

MANILA, Philippines – Ilang whitening cream product ang bawal ipagbili o gamitin sa bansa.

Batay sa inilabas na abiso ng Food and Drug Administration (FDA), 16 na produktong pampaputi at cosmetic products mula sa China ang ipinagbabawal sa Pilipinas.

Bukod sa hindi rehistrado sa FDA, may sangkap pa umano ito na mapanganib sa balat gaya ng lead at mercury.

Pinapayuhan ng FDA ang publiko na maging mabusisi sa pagpili ng mga bibilhing produkto lalo na kung hindi maintindihan o nasa wikang banyaga ang nakasulat sa label nito.

Sa ngayon, ipinag-utos na ng FDA ang pagkumpiska sa mga ipinagbabawal na produkto sa mga pamilihan. Ang mga sumusunod na produkto ay ang mga ipinagbabawal:

  1. Baiyansu Three-in-One Whitening Set;
  2. Beauty Girl Green Cucumber 6 Days Double Whitening Soft Essence Cream;
  3. Bihuayn Whitening Day Cream;
  4. Care Skin Strong Whitening and Spot Removing Package;
  5. Gakadi Freckle Removing Cream;
  6. Huayuenong 12 Days Whitening and Speckle Removing Wrecking Set;
  7. White Advance Hydroxytyrosol L-Glutathione Whitening and AntiAging Cream;
  8. Yudantang Ginseng and Green Cucumber 10 Days Whitening Speckles Removed Essence
  9. Yudantang Green Olive and Papaya Natural Essence 6 Days Specific Eliminating Freckle Whitening Sun Block Cream;
  10. Yudantang Sea Pearl and Papaya 6 Days Specific Eliminating Freckle Whitening Cream;
  11. Huayuenong 12 Days Whitening and Speckle Removing Wrecking Set;
  12. Specific Eliminating Freckle Spot and Double Whitening Sun Block Cream;
  13. Yudantang 10 Days Whitening Speckles Removed Essence (with picture of cow and papaya);
  14. Zyiang Day Cream;
  15. Whitening Cream (with the rest of the label in Chinese characters);
  16. A product labelled in Chinese, gold package with picture of red flower with 3 green leaves

SOURCE: Food and Drug Administration

(UNTV News)


New Zealand, niyanig ng magnitude 6.9 na lindol; parliament building, napinsala

$
0
0
FILE PHOTO: Two women hug each other in front of a collapsed building in central Christchurch February 22, 2011. PHOTO: REUTERS

FILE PHOTO: Two women hug each other in front of a collapsed building in central Christchurch February 22, 2011. PHOTO: REUTERS

NEW ZEALAND – Niyanig ng magnitude 6.9 na lindol ang bansa at nag-iwan ito ng pinsala sa ilang malalaking gusali kabilang na ang parliament building.

Ayon sa US Geological Survey, natukoy ang sentro ng pagyanig sa layong 57 kilometro sa katimugang bahagi ng Wellington na may lalim na 6.3 miles.

Tumagal umano ng ilang minuto ang pagyanig dahilan upang pansamatalang itigil ang biyahe ng tren.

Wala namang naitalang nasawi sa nangyaring insidente. (UNTV News)

Sen. Franklin Drilon, hinirang bilang bagong Senate president ng 16th Congress

$
0
0
FILE PHOTO: Senator Franklin Drilon (UNTV News)

FILE PHOTO: Senator Franklin Drilon (UNTV News)

MANILA, Philippines — Pormal nang nanumpa sa kanilang tungkulin ang bagong liderato ng Senado ngayong Lunes ng umaga, Hulyo 22.

Sa botong 17 konta 6, nahalal bilang bagong pangulo ng senado si Senador Franklin Drilon matapos i-nominate ni Sen. Sonny Angara at Sen. Grace Poe.

Kabilang sa mga bumuto ng pabor kay Drilon sina senador Bam Aquino, Alan Peter Cayetano, Pia Cayetano, Francis Escudero, Teofisto Guingona III, Lito Lapid, Loren Legarda, Ferdinand “Bongbong” Marcos, Sergio Osmeña III, Aquilino “Koko” Pimentel III, Ralph Recto, Ramon “Bong” Revilla Jr., Antonio Trillanes IV at Cynthia Villar.

Bumoto naman pabor kay Sen. Juan Ponce Enrile sina senador JV Ejercito, Jinggoy Estrada, Gringo Honasan, Vicente “Tito” Sotto III at Nancy Binay na nag-nominate rito.

Samantala, nahalal din bilang Senate President Pro Tempore si Senador Ralph Recto kapalit ni Senador Jinggoy Estrada matapos makakuha ngunanimous votes.

Wala ding tumutol na mga senador sa paghalal kay Senador Alan Peter Cayetano bilang majority floor leader at chairman ng committee on rules.

Otomatiko namang naging minority floor leader si dating Senate President Juan Ponce Enrile.

Kaalinsabay nito, pinaalalahanan naman ni Drilon ang mga bagong senador na sina Grace Poe, Bam Aquino, Sonny Angara, JV Ejercito at Cynthia Villar na ilatag sa senado ang kanilang mga ideya.

Pinayuhan din nito ang mga baguhang senador na huwag mag-atubiling sumangguni sa mga senior senator

Umapela rin si Drilon sa mga kasamahan na isantabi muna ang political differences at magpokus sa hamon ng taumbayan na naghalal sa kanila.

Hindi naman nakadalo sa Senador Miriam Santiago sa pagbubukas ng sesyon ng 16th congress dahil sa kanyang chronic fatigue syndrome.

Si Santiago ay nag-file ng kanyang leave simula ngayong araw dahil magsisimula na bukas ang kanyang treatment sa hypertension at high cholesterol. (Bryan de Paz / Ruth Navales, UNTV News)

PNoy, handang-handa na sa kanyang ika-apat na SONA mamaya

$
0
0
FILE PHOTO: Si Pangulong Benigno Aquino III noong SONA 2012 (Photo by: Benhur Arcayan / Malacañang Photo Bureau)

FILE PHOTO: Si Pangulong Benigno Aquino III noong SONA 2012 (Photo by: Benhur Arcayan / Malacañang Photo Bureau)

MANILA, Philippines – Handang-handa na si Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang ika-apat na State of the Nation Address (SONA) mamaya sa Batasang Pambansa.

Katulad ng kaniyang mga nakaraang SONA, sa wikang Pilipino idi-deliver ng pangulo ang kanyang speech.

Ito ay upang higit na maintindihan ng pangkaraniwang mamamayan ang kanyang mensahe.

Inaasahan na ibibida mamaya ng pangulo sa kaniyang SONA ang naging paglago ng ekonomiya ng bansa gayundin ang development ng Bangsamoro Framework Agreement.

Ito na ang ika-apat na SONA at ika-75 sa kasaysayan ng bansa.

Samantala, Ipinahayag ni Commander Ramon Mateo Dizon na nasa red alert status ngayon ang Presidential Security Group (PSG).

Tatagal ang red alert status hanggang mamayang gabi pagkatapos ng SONA ni Pangulong Aquino. (Nel Maribojoc / Ruth Navales, UNTV News)

PISTON Partylist, nagsagawa ng State of the Drivers Address

$
0
0
Ang State of the Drivers Address (SODA) ng PISTON Partylist sa harap ng tanggapan ng Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) nitong umaga ng Lunes, July 22, 2013. (UNTV News)

Ang State of the Drivers Address (SODA) ng PISTON Partylist sa harap ng tanggapan ng Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) nitong umaga ng Lunes, July 22, 2013. (UNTV News)

MANILA, Philippines – Ilang oras bago ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno Aquino III, nagsagawa naman ng State of the Drivers Address (SODA) ang PISTON Partylist sa harap ng tanggapan ng Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ayon kay PISTON National President George San Mateo, bagsak na grado ang ibibigay ng mga tsuper kay Pangulong Aquino sa naging performance nito sa nakaraang tatlong taon sa pwesto.

Kinondena ng PISTON ang anila’y pagwasak sa kabuhayan ng mga drayber at maliliit na operator bunsod nang ipinatupad na year model phase-out sa UV Express na binabalak na ipatupad ng pamahalaan sa mga pampasaherong jeepney.

Binatikos din ng grupo ang mga ahensya ng transportasyon gaya ng DOTC, LTFRB at LTO.

Nagbabala din si San Mateo ng malawakang protesta at tigil-pasada mula sa mga drayber at mamamayan kung hindi pakikinggan ng administrasyong Aquino ang kanilang mga kahilingan.

Matapos ang isinagawang SODA ay nagkaroon ng transport caravan ang grupong PISTON patungong Commonwealth Avenue at Tandang Sora para sumanib sa iba’t ibang sektor na magpoprotesta sa Batasan para sa SONA ng Taumbayan na pinangunahan ng Bagong Alyansang Makabayan. (Bianca Dava / Ruth Navales, UNTV News)

Ilang ahensya ng pamahalaan pinuri ni Pangulong Aquino

$
0
0
FILE PHOTO: 2012 SONA of President Benigno Aquino III (CREDITS: Gil Nartea / Malacañang Photo Bureau / PCOO)

FILE PHOTO: 2012 SONA of President Benigno Aquino III (CREDITS: Gil Nartea / Malacañang Photo Bureau / PCOO)

QUEZON CITY, Philippines — Tumagal ng halos  dalawang oras  ang State of the Nation Address ni Pangulong Benigno Aquino III at ilang  ilang  ahensya ng pamahalaan ang pinuri nito.

Alas 3:47 ng hapon nitong Lunes nang dumating sa Batasang Pambansa Complex si Pangulong Benigno Aquino III sakay ng helicopter.

Eksaktong alas-4 ng hapon nang pumasok  ang Pangulo sa  sa loob ng session hall at 4:06 ng magsimula ang kanyang talumpati.

Special mention sa speech ng Pangulo ang nagngangalang Niño Aguirre, isang pilipinong may kapansanan na nagtiyagang  bumoto  noong nakaraang eleksyon  sa kabila ng kanyang kalagayan.

Sa mga ahensiyang pinuri ng Pangulo, kasama dito ang TESDA.

Ayon sa Pangulo mula 2006 – 2008 nasa 28.5% lamang ang graduate ng TESDA na nakakapasok sa trabaho, subalit noong nakaraaang taon umabot sa 70.9% ang mga nagkakaroon ng trabaho pagkatapos na mag-aral sa TESDA.

Pinuri din ng  Pangulo si Department of Education Sec. Armin Luistro na dahil sa kanyang  pamumuno  ay muling naibaba ang presyo ng mga libro sa 30 pesos per text book mula sa 58-pesos.

Aniya naghahanda narin ngayon ang Kagawaran ng Edukasyon para sa implementasyon  ng K to12 program.

Kabilang din sa mga nabanggit  ng Pangulo ang Department of Interior and Local Government at Department of National Defense maging ang kabayanihan ng tatlong pulis.

Samantala, ipinagmalaki rin ni Pangulong Aquino ang Philhealth.

Aniya nadatnan niyang 62% lamang ang mga Pilipinong naka-enroll sa Philhealth subalit ngayon umabot na ito sa 81%.

Ngayong taon, kasama na sa mga libreng benefit na makukuha sa Philhealth ay pagpapagamot sa mga sakit gaya ng coronary by pass at pagtatama ng ugat sa puso.

33-bilyong piso ang ginastos ng administrasyon sa mga nakaraang taon upang makapagpatayo ng 4,518 na mga ospital, health units at barangay health stations.

Bida rin sa speech ng Pangulo ang Conditional Cash Transfer Program ng Department of Social Welfare and Development.

Mula sa 700-million na benepesyaryo ng CCT noong 2010 ngayon ay umabot na sa apat na milyong kabahayan.

Plano rin ng Pangulo na sa susunod na taon ay saklaw na ng CCT ang mga may edad 18 pataas upang mahikayat ang mga bata na magtapos ng high school.  (GRACE CASIN, UNTV News)

Rep. Feliciano Belmonte Jr., muling nahalal bilang House Speaker

$
0
0
Ang naging botohan sa pagka-Speaker of the House para sa 16th Congress. (UNTV News)

Ang naging botohan sa pagka-Speaker of the House para sa 16th Congress. (UNTV News)

MANILA, Philippines – Sa botong 245, muling nahalal sa ikalawang pagkakataon bilang House Speaker si Quezon City Representative Feliciano Belmonte Jr.

Nakalaban ni Belmonte sa posisyon sina San Juan Rep. Ronaldo Zamora at Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez.

Si Zamora ang nahalal bilang bagong minority leader na nakakuha ng botong 19, habang si Romualdez naman ay mayroon lamang 16 na boto.

Isinagawa ang botohan sa pamamagitan ng nominal voting. Sa ganitong sistema, isa-isang tinawag ang mga mambabatas at sinabi kung sino ang kanilang iboboto.

Base sa panuntunan ng House of Representatives, ang susunod na pinakamaraming boto ang magiging lider ng minorya.

Samantala, pinaguusapan na ngayon ng bagong minority group ang kanilang gagawin kapag natanggap na ang kanilang budget.

Ayon kay Minority Leader Rolando Zamora, hindi niya ituturing na katunggali si Romualdez.

“This is not my first time around to be minority leader, I expect that we will see how we will operate when we get to the budget,” pahayag ni Zamora. (Grace Casin / Ruth Navales, UNTV News)

Mahigit 60 sugatan, 8 inaresto sa girian ng mga pulis at raliyista kaugnay ng SONA ng Pangulo

$
0
0
Bagaman nagpasimula ang demonstrasyon nang mapayapa, ito ay nauwi sa girian nang tangkaing umabante ng mga raliyista patungong Batasang Pambansa sa kabila ng mga barikadang inilagay ng Pambansang Pulisya sa pagpapanatili ng kaayusan ng pagdaraos ng ika-apat na SONA ng Pangulon nitong Hulyo 22, 2013. (ALLAN LACHICA / Photoville International)

Bagaman nagpasimula ang demonstrasyon nang mapayapa, ito ay nauwi sa girian nang tangkaing umabante ng mga raliyista patungong Batasang Pambansa sa kabila ng mga barikadang inilagay ng Pambansang Pulisya sa pagpapanatili ng kaayusan ng pagdaraos ng ika-apat na SONA ng Pangulong Benigno Aquino III nitong Hulyo 22, 2013. (ALLAN LACHICA / Photoville International)

QUEZON CITY, Philippines – Mahigit 60 ang mga sugatang pulis at raliyista matapos mangtangkang pumasok sa Batasang Pambansa ang militanteng grupo ilang oras bago ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno Aquino III.

Sinira ng mga raliyista ang metal divider na may barb wire sa pagnanasang makapasok sa Batasang Pambansa, subalit agad silang naharang ng mga pulis.

Dumaan ang ibang raliyista sa San Mateo Road, ilang metro lamang ang layo sa Batasan Complex.

Hindi naman nakaligtas si Bayan Muna Representative Satur Ocampo sa nangyaring girian sa pagitan ng mga pulis at mga raliyista.

“Nasa gitna kami ng pag-uusap at imbes na sagutin ang aming request ay umatake ang mga pulis kaya ang nangyari sa pagtutulakan nahulog salamin ko at natapakan kaya nasira yung isa,” pahayag ni Ocampo.

Samantala, nanatiling neutral si Commission on Human Rights (CHR) Chairperson Etta Rosales sa naganap na kaguluhan sa pagitan ng pulisya at raliyista.

Sa kaniyang pagdalo sa SONA ng Pangulo, sinabi ni Rosales na kapwa may karatapang pantao ang mga raliyista at maging ang mga pulis.

“Ang raliyista din siguro dapat igalang ang karapatang pantao ng kapwa raliyista at mga pulis mismo, kasi maging sa pulis mayroon din silang karapatan pantao.”

Nagbanta naman ang kalihim na hindi mangingiming patawan ng karampantang parusa ang nagpasimula ng kaguluhan.

Ayon kay Rosales, nagpakalat siya ng human rights observer sa paligid ng Batasan Complex at maging sa Commonwealth Avenue upang i-monitor ang mga pangyayari.

“I have my CHR monitors there, I have my monitor there, titingnan ko at paiimbietigahan ko,” dagdag pa ni Rosales. (Mon Jocson, Francis Rivera / Ruth Navales, UNTV News)


Mga sugatang pulis at raliyista, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0
Isang sugating raliyista ang binibigyan ng atensyong medikal ng miyembro ng UNTV News and Rescue Team habang isinasagawa ang demonstrasyon sa Commonwealth Avenue kasabay ng SONA ni Pangulong Benigno Aquino III sa Batasang Pambasa nitong Lunes, Hulyo 22, 2013. (PHOTOVILLE International)

Isang sugating raliyista ang binibigyan ng atensyong medikal ng miyembro ng UNTV News and Rescue Team habang isinasagawa ang demonstrasyon sa Commonwealth Avenue kasabay ng SONA ni Pangulong Benigno Aquino III sa Batasang Pambasa nitong Lunes, Hulyo 22, 2013. (PHOTOVILLE International)

QUEZON CITY, Philippines — Mabilis na nilapatan ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue Team kasama ang iba pang rescue unit ang mga nasugatang pulis at raliyista matapos magpang-abot ang dalawang panig sa Commonwealth Avenue ilang oras bago ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno Aquino III.

Magkakatuwang na nilapatan ng pangunang lunas ng Quezon City Police District-Health Service, Bureau of Fire Protection/EMS-NCR, Philippine Red Cross (PRC) at UNTV News and Rescue Team ang mga nasugatang pulis at raliyista.

Lima (5) sa mga pulis ang nilapatan ng first aid ng News and Rescue Team, kabilang dito si PO1 Renel Tamayo, PO1 Mark Anthony De Jesus, PO1 Jerome Realin, PO1 James Locsin, at si PO1 Warren Bong Panton na malubhang nasugatan.

Pito (7) naman sa mga sugatang raliyista ang nabigyan ng paunang lunas ng mga rumespondeng rescuer kabilang pa rin ang UNTV.

Sa pinakahuling tala ng PNP Advance Command Post, mahigit 20 pulis ang nasaktan at nasugatan, habang mahigit 40 sa mga raliyista.

Lahat ng mga ito ay inaresto ng Quezon City Police District (QCPD). (Benedict Galazan / Ruth Navales, UNTV News)

 

 

Satisfaction rating ni Pangulong Aquino, nananatiling mataas — SWS

$
0
0
Si Pangulong Benigno Aquino III (center) kasama sina Senate President Franklin Drilon (left) at House Speaker Sonny Belmonte sa ika-apat na SONA na ginanap sa Batasang Pambansa, Quezon City nitong Lunes, Hulyo 22, 2013 (Photo by: Benhur Arcayan / Malacanang Photo Bureau).

Si Pangulong Benigno Aquino III (center) kasama sina Senate President Franklin Drilon (left) at House Speaker Sonny Belmonte (right) sa ika-apat na State of the Nation Address na ginanap sa Batasang Pambansa, Quezon City nitong Lunes, Hulyo 22, 2013 (Photo by: Benhur Arcayan / Malacanang Photo Bureau).

MANILA, Philippines — Nananatiling mataas ang satisfaction, trust at performance ratings ni Pangulong Benigno Aquino III.

Batay sa latest survey ng Social Weather Stations (SWS) sa 2nd quarter ng taon, nakakuha ng 76% satisfaction rating ang Pangulo. Mas mataas ito ng dalawang puntos kumpara noong unang bahagi ng taon na may 74% satisfaction rating.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, nagpapatunay lamang ito ng maayos na pamamahala at tiwala ng taumbayan sa kasalukuyang administrasyon.

Isa na rito ang mataas na kredibilidad ng nakalipas na automated midterm elections noong Mayo.

“The President’s consistently strong ratings, especially in the wake of a midterm election widely regarded as a referendum on the success of his administration, affirm our administration’s mandate of good governance.”

Sinabi pa ni Lacierda na repleksyon din ito na nagtitiwala at sinusuportahan ng taumbayan ang mga inisyatibo ng gobyerno sa pagpapatupad ng reporma sa bansa.

“These sustained, positive numbers are reflective of the Filipino people’s enduring trust in and support of the President’s policies, initiatives, and reforms.”

Samantala, sinabi ng Pulse Asia na nananatiling mataas ang performance rating ni Pangulong Aquino.

Batay sa resulta ng latest survey ng Pulse Asia, pumalo pa sa 77% ang trust rating ng pangulo sa ikalawang bahagi ng 2013. Mas mataas ito ng 5 puntos kumpara noong unang bahagi ng taon na may 72% trust rating.

Sinabi pa ni Lacierda na nananatiling matatag ang administrasyon sa pagharap sa mga hamon sa mga susunod pang tatlong taon upang higit pang pagbutihin ang pagtahak sa tuwid na landas.

“Today, as the President fulfills a constitutional duty to report to the Filipino people, we continue to be strengthened in our resolve to soldier on the path towards good governance and face the challenges of the next three years knowing our countrymen are solidly behind his leadership.” (Nel Maribojoc / Ruth Navales, UNTV News)

Awiting “Pagtitiwala ng Puso,” nanalo bilang song of the week sa ASOP TV

$
0
0
Ang 2 taong nasa likod ng nanalong ASOP Song of the Week na "Pagtitiwala ng Puso" na sina Antonio Gan Jr. (left) bilang composer at Mark Laygo bilang interpreter (right). (PRINCE MAVERICK MEDINA MARQUEZ / Photoville International)

Ang 2 taong nasa likod ng nanalong ASOP Song of the Week na “Pagtitiwala ng Puso” na sina Antonio Gan Jr. (left) bilang composer at Mark Laygo bilang interpreter (right) na nagwagi nitong Linggo, July 21, 2013. (PRINCE MAVERICK MEDINA MARQUEZ / Photoville International)

MANILA, Philippines — Naungusan ng awiting “Pagtitiwala ng Puso” ang mga awiting kalahok sa ikatlong weekly elimination round ngayong Hulyo sa A Song of Praise (ASOP) Music Festival, Linggo ng gabi, July 21, 2013.

Hinirang bilang “song of the week” ang komposisyon ni Antonio Gan Jr. na inawit ng passage vocalist na si Mark Laygo.

“Salamat.  Unang-una sa Dios sa pagkakabilang ko po rito at pagkakapanalo, at syempre napakalaking bagay po ‘yung marinig ko po ‘yung  comments po ng atin pong mga judges at napakalaki pong bagay ‘yun para ma-improve po ‘yung paggawa ng awit,” pahayag ni Antonio.

Malaki naman ang pasasalamat ni Mark Laygo sa ASOP dahil nabibigyan ng pagkakataon ang katulad niyang singer na nais bumalik sa industriya.

“Nagpapasalamat din naman ako na merong mga ganitong programa na nabibigyan ng avenue ‘yung ganyan kasi nga kailangan din natin.  Tsaka parang napili ako na hindi ko naman in-expect uli na mangyayari.”

Hindi naman pinalad na manalo ang mga awiting “Pinupuri Kita at Sinasamba” ni Wilfredo Gaspar sa rendisyon ni Jan Nieto at “A Song of Praise” ni Jay Alvin Consigo sa interpretasyon ni Daryl Ong.

Naupo naman kasama ni Mon Del Rosario bilang hurado sina Direk Carlos Siguion Reyna at ang sikat na pop rock singer noong dekada otsenta na si Lou Bonnevie. (Adjes Carreon / Ruth Navales,UNTV News)

(Left to Right) Ang mga naging hurado sa A Song of Praise Music Festival nitong Linggo, July 21, 2013 na sina Mon Del Rosario, Lou Bonnevie, at Direk Carlos Siguion Reyna.    (PRINCE MAVERICK MEDINA MARQUEZ / Photoville International)

(Left to Right) Ang mga naging hurado sa A Song of Praise Music Festival nitong Linggo, July 21, 2013 na sina Mon Del Rosario, Lou Bonnevie, at Direk Carlos Siguion Reyna. (PRINCE MAVERICK MEDINA MARQUEZ / Photoville International)

Bagong programa ng UNTV at DOJ na Justice On Air, sumahimpapawid na

$
0
0
Ang isa sa pinakabagong programa ng UNTV, ang Justice on Air.

Ang isa sa pinakabagong programa ng UNTV na Justice on Air.

QUEZON CITY, Philippines — Sumahimpapawid na nitong Lunes ng gabi ang isa sa mga bagong programa ng UNTV — ang Justice On Air — hosted by Kuya Daniel Razon, Asec. Geronimo Sy at Sec. Leila de Lima.

Sa programang ito, nagsanib pwersa ang UNTV at ang DOJ upang mahahalagang impormasyon tungkol sa mga usapin na may kinalaman sa karapatan at iba pang usapin sa may kinalaman sa batas.

Sa pilot episode ng naturang programa inilahad ng mga host ang iba’t-ibang serbisyo na hatid ng Department of Justice para sa taumbayan.

Ang Justice On-Air ay mapapanood sa UNTV tuwing Lunes 7 – 8pm at muling mapapakinggan sa UNTV Radio La Verdad 1350 tuwing Miyerkules mula alas-3 hanggang alas-4 ng hapon.

Maaaring mag-tune in sa www.untvradio.com o mapapanood sa aming website na www.untvweb.com.

Samantala, ang pinalitan naman nitong programa ni Mr. Public Service Kuya Daniel Razon na Munting Pangarap ay mapapanood na sa bago nitong timeslot tuwing Sabado ng gabi, 6-7. (UNTV News)

IMAGE_UNTV-News_JULY232013_Munting Pangarap

QCPD, nalungkot sa desisyon ng Quezon City Prosecutors Office sa reklamong inihain laban sa mga raliyista

$
0
0
Ang girian sa pagitan ng mga kawani ng Pambansang Pulisya at ng mga raliyista nagtangkang umabante patungong Batasang Pambansa kung saan dinaraos ang ika-apat na SONA ni Pangulong Benigno Aquino III nitong Hulyo 23, 2013. (PHOTOVILLE International)

Ang girian sa pagitan ng mga kawani ng Pambansang Pulisya at ng mga raliyista nagtangkang umabante patungong Batasang Pambansa kung saan dinaraos ang ika-apat na SONA ni Pangulong Benigno Aquino III nitong Hulyo 23, 2013. (PHOTOVILLE International)

QUEZON CITY, Philippines — Hindi tanggap ng Quezon City Police District ang naging desisyon ng Quezon City Prosecutors Office na palayain for further investigation ang sampung raliyista na nanggugulo sa may Commonwealth Avenue ilang oras bago ang SONA ng Pangulo.

Ayon kay QCPD District Director Chief Superintendent Richard Albano, kumpleto sila ng mga ebidensya at kitang kita sa video footages ang pambabato ng mga ito kaya’t nakapagtatakang binalewala ng korte ang mga reklamo nila laban sa mga raliyista.

“Harapan na sila ay nakikipagpaluan, harapan na sila ang nauna kaya nga nakuha eh, sila ang nambabato, meron tayong mga video personal at ang media may video.”

Gayunman, sinabi ni albano na aapela  sila sa prosecutor’s office upang malaman kung ano ang kulang sa mga ebidensya at kung ano ang naging problema sa kanilang operasyon.

“Ano pa ba ang kulang para mapag-aralan namin at alam namin ang aming sunod na gagawin,” pahayag ng QCPD Chief.

Kabilang sa mga nahuli ay mga miyembro ng Anakbayan, MIGRANTE, AGHAM Youth, PISTON, Sinagbayan, UP student/s at Anakpawis.

Samantala, inuumpisahan na rin ng Commission on Human Rights ang kanilang imbestigasyon kaugnay ng sagupaan ng pulis at raliyista sa SONA.

Pahayag ni CHR-NCR Senior Investigator Jun Nalangan, “Magga -gather kami ng mga documents at mag-interview ng persons involved kung ano ang kanilang mga version.” (LEA YLAGAN, UNTV News)

Mga kabataang Dabawenyo, dumagsa sa unang araw ng voter’s registration para sa local level polls

$
0
0
Ang pagdagsa ng mga magpaparehistrong botante sa COMELEC-Davao nitong Lunes, Hulyo 22 para sa Barangay at SK elections na gaganapin sa Oktubre.  (RITCHIE TONGO / Photoville International)

Ang pagdagsa ng mga magpaparehistrong botante sa COMELEC-Davao nitong Lunes, Hulyo 22 para sa Barangay at SK elections na gaganapin sa Oktubre. (RITCHIE TONGO / Photoville International)

DAVAO CITY, Philippines — Naging magulo ang pagbubukas ng unang araw ng voter’s registration para sa Barangay at SK elections sa tanggapan ng Comelec dito sa Davao City nitong Lunes.

Sa pagbubukas ng registration, tila hindi magkandaugaga ang Comelec employees sa pagsaludar sa mga kabataan at mag-aala singko na ng hapon kahapon ay hindi pa rin tapos ang registration.

Aminado naman ang COMELEC – Davao na hindi nila napaghandaan ang pagdagsa ng maraming registrants sa nitong Lunes dahil nasanay na rin silang walang nagpupunta sa kanilang tanggapan kapag unang araw ng pagpaparehistro.

Ayon kay Atty. Monaliza Mamukid, ang election officer ng District 2 ng lungsod , ikinagulat nila ang dami ng mga registrants na karamihan ay dala ng kanikanilang mga barangay officials kayat nahirapan ang mga kawani ng komisyon na masaludar ang mga ito.

Sa pila pa lang ay agawan na ang mga tao at nag-uunahang makapasok sa Comelec office.

May isang babae pang hinimatay dahil sa init at tulakan sa pila.

Hiling ng mga regsitrants sa Comelec an magpatupad ng maayos na sistema sa pila.

Nakabantay naman ang mga pulis mula sa Davao City Police Office na sila na ring nagmamando at nagbabantay sa pila.

Sa mga susunod na mga araw tiniyak ng Comelec na magiging maayos na ang sistema at maglalagay na rin sila ng tents sa labas ng tanggapan upang may masilungan ang mga magpaparehistro.

Nagpaalala din ang Comelec na dalhin ang mga kinauukulang dokumento upang hindi na sila magpapabalik balik sa kanilang pagpaparehsitro.

Pahayag ni Atty. Mamukid, “Sa mga SK applicants, kailangan lang yung birth certificate, baptismal certificate or school records na nagpapatunay na talaga yung age nila ay qualified sila as SK applicants. And for regular registrant, kailangan lang nila yung 2 valid ID and then kung magpa-change ng status — marriage certificate and birth certificate.” (LOUEL REQUILLMAN, UNTV News)

Rekomendasyon ng CHR, hinggil sa kaguluhan sa SONA aabutin pa ng ilang araw

$
0
0
Ang girian sa pagitan ng mga kawani ng Pambansang Pulisya at ng mga raliyista nagtangkang umabante patungong Batasang Pambansa kung saan dinaraos ang ika-apat na SONA ni Pangulong Benigno Aquino III nitong Hulyo 23, 2013. (PHOTOVILLE International)

Ang girian sa pagitan ng mga kawani ng Pambansang Pulisya at ng mga raliyista nagtangkang umabante patungong Batasang Pambansa kung saan dinaraos ang ika-apat na SONA ni Pangulong Benigno Aquino III nitong Hulyo 23, 2013. (PHOTOVILLE International)

QUEZON CITY, Philippines — Aabutin pa ng ilang araw ang isinasagawang imbestigasyon ng Commission on Human Rights bago ito makapagpalabas ng rekomendasyon kaugnay ng banggaan ng mga raliyista at mga pulis sa SONA ng Pangulo.

Ayon kay CHR-NCR Atty. Dennis Mosquera, hinihintay pa nila ang mga video footages upang makita kung sino ang  pasimuno ng kaguluhan.

“Meron po kaming ni- request na video footage from QCPD, yun po ung hinihintay ng mga imbestigador para makapag-submit sila ng report.”

Gayunma’y, sinabi nito na tapos na nilang interbiyuhin  ang  ilang  nakasama sa kaguluhan sa Commonwealth Avenue.

Ani Mosquera, “Yung aming mga imbestigador magsa-submit ng final report. Then, magkakaroon po ng resolution ang aming office kung mayroon bang nalabag o walang nalabag.”

Idinagdag pa ng abogado na posibleng pakasuhan ng administrative case ang mga pulis kung mapapatunayan na sila ang nag-umpisa ng gulo at kasong  criminal naman sa mga raliyista.

Nais ng CHR na mabatid ng mgkabilang panig ang magiging rekomendasyon nila upang maiwasan na ang kaguluhan sakaling magkaharap muli ang pulisya at demonstrador sa isang rally. (LEA YLAGAN, UNTV News)


BOC Dep. Comm. Juan Lorenzo Tañada, naghain na rin ng courtesy resignation

$
0
0
Deputy Commissioner for Administration Juan Lorenzo Tañada  (UNTV News)

Deputy Commissioner for Administration Juan Lorenzo Tañada (UNTV News)

MANILA, Philippines — Naghain na rin ng courtesy resignation si Presidential appointee Deputy Commissioner for Administration Juan Lorenzo  Tañada kay Pangulong Aquino.

Si  Tañada ang pangatlong opisyal ng Bureau of Customs na nag-tender ng resignation mula noong araw ng SONA ng Pangulo.

Ang una ay si Commissioner Ruffy Biazon na kaagad na hindi tinanggap ng Pangulo na sinundan  agad ni Deputy Commissioner for Intelligence Danilo Lim at pangatlo nga si Tañada ngayong araw ng Miyerkules.

Ang resignation ng mga opisyal ay bunsod ng pasaring ng Pangulo sa kanyang SONA na isa ang Bureau of Customs na talamak ang korupsyon.

Ayon kay Tañada, una na niyang inabisuhan si BOC Commissioner Ruffy Biazon hinggil sa planong pagbibitiw bago nagsumite ng kaniyang formal letter sa Palasyo.

“Bilang isang mabuting sundalo, minarapat ko pong gawin yung ginawa ni Comm. Biazon which is siyempre as a courtesy to give our chief executive the free reign to determine wether or not we still enjoy his confidence and if he believes we are still fit to carry our duties as deputy commissioner.”

Kaugnay nito, kinumpirma naman ni Tañada ang padrino system na namamayani sa customs bureau.

Ayon sa kanya, ilang beses na rin siyang nakatanggap ng mga tawag na humihingi ng pabor kagaya ng promosyon para sa ilang empleyado ng ahensya pero wala siyang pinagbigyan isa man sa kanila.

Pagsasalaysay ng halimbawa ni Tañada, “Pwede ba nating bigyan ng trabaho itong tao na ito sa bureau, pwede bang pagbigyan na ma-promote, pwede bang bigyan natin ang taong ito ng pagkakataon na maglingkod sa division na ito…. marami pong mga hinihingi.”

Pinsan ni Dep. Comm. Tañada si former Quezon Province Representative Erin Tañada na mula sa kaparehong partido ni Comm. Biazon.

Malapit na kaibigan si Tañada ni Biazon na dinala nito sa kagawaran matapos ang appointment nito sa BOC.

Hinihintay na lamang ngayon kung tatanggapin ng Pangulo ang mga resignation letters ng dalawang opisyal.

Ani BOC Commissioner Ruffy Biazon, “It’s really a response to what the President has said in his SONA. Meron siyempre batikos sa ahensya na directed to everyone and everyone of us has to respond.”

Samantala, hindi naman inoobliga ni Biazon ang ibang opisyal na sundan ang kanilang ginawang pagbibitiw.

Naniniwala rin si Comm. Ruffy na mas magandang ipaubaya na lamang sa publiko ang pagpapasya kung anong uri ng mga opisyal ba sa BOC ang mga hindi magbibitiw kasunod nila. (FRANCIS RIVERA, UNTV News)

Mas mahigpit na liquor ban ordinance sa Davao City, aprubado na

$
0
0
FILE PHOTO: Liquors (RITCHIE TONGO / Photoville International)

FILE PHOTO: Liquors (RITCHIE TONGO / Photoville International)

DAVAO CITY, Philippines — Inaprubahan na ng Sangguniang Panglungsod ang amended liquor ban ordinance sa Davao City.

Isa  ang amended liquor ban ordinance sa mga pangunahing ordinansang hininging isabatas ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte upang mabawasan ang mga krimen na kinasasangukutan ng mga nasa ilalim ng impluwensiya ng alak.

Sa amended liquor ban pinaiksi na ang oras na maaring bumili at  mag-inuman sa mga pampublikong lugar at mga bars.

Sa lumang batas, hanggang alas-dos pinapayagan ang pag-iinuman sa mga public places.

Ngayon, mula ala-una ng madaling araw hanggang alas-otso ng umaga, hindi maaring uminom ng alak sa buong Davao City.

Hindi rin exempted sa liquor ban ang mga hotel na nagca-cater sa mga turista .

Ayon kay Duterte dapat ipatupad at sundin ang batas ng lahat Pilipino man o banyaga.

Ang multa ay 3,000 piso sa first offense, P5,000 naman at 3 buwang pagkakabilanggo sa second offense  at P5,000 at isang taong pagkakakulong naman sa third offense.

Kapag nailathala na sa mga pahayagan ay simula na rin ng pagpapatupad ng inamiyendahang liquor ban. (LOUELL REQUILMAN, UNTV News)

 

Ilang kongresista, pabor na magkaroon ng uniform tuwing SONA

$
0
0
(Left-Right) Camarines Sur 3rd Representative Leni Robredo; Representative Kaka Bag-ao ng Dinagat Island (UNTV News)

(Left-Right) Camarines Sur 3rd Representative Leni Robredo; Dinagat Island Lone District Representative Kaka Bag-ao (UNTV News)

QUEZON CITY, Philippines — Sang-ayon ang ilang kongresista sa sinabi ni Senador Miriam Defensor-Santiago na magkaroon ng uniform ang mga mambabatas sa kapag may State of the Nation Address ng Pangulo.

Pabor si Camarines Sur Representative Leni Robredo na gawing simple ang kasuotan sa SONA.

Aniya, naaagaw ng mga magagarang damit ng mga mambabatas at mga dumadalo ang atensyon ng sambayanan  sa SONA ng Pangulo.

Ayon kay Robredo bago ang SONA, tinatanong na siya ng media kung ano ang disenyo ng kanyang damit at kung sino ang gumawa nito.

“Nakaka-demean. Kasi yung SONA di naman ganun eh. Ako talagang ni-refuse kong sagutin ang kahit anong tanong (patungkol sa aking suot noong SONA) kasi it takes the attention of what is really important.”

Para naman kay Representative Kaka Bag-ao ng Dinagat Island, hindi na dapat gawing “big issue” ang damit ng mga mambabatas .

“Uniform man yan o hindi uniform, hindi mahalaga sa akin ang usapin. Sana sa akin ay ang mas focus ng SONA ay kung ano ba ang gagawin natin o ano ginagawa natin para umangat ang buhay ng mamamayan.”

Sinabi rin niya na hayaan na lamang silang ipakita ang kanilang kultura at adbokasiya sa pamamagitang ng kanilang suot na damit. (BIANCA DAVA, UNTV News)

 

 

 

 

BFAR Region 5, muling hinimok ang mga Bikolano na magtanim ng bakawan

$
0
0
FILE PHOTO: Mga bakawan o mangroves (ALLAN MANANSALA / Photoville International)

FILE PHOTO: Mga bakawan o mangroves (ALLAN MANANSALA / Photoville International)

CAMARINES SUR, Philippines — Muling hinimok ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR Region 5 ang publiko, lalo na ang mga mamamayan ng Bicol na magtanim na magtanim ng bakawan dahil sa malaking tulong na naidudulot nito

Ani BFAR Region 5 Director Dennis del Socorro, “Dapat yung kalikasan bigyan nila ng diin lalong lalo na ang bakawan. Isa yan sa mga nakaka-protect dahil pag marami ang alon breaker zone yun. Once na breaker zone,  yung mga  isda nandyan yan lahat yung mga nangingitlog.”

Kasabay naman ng paghikayat sa mga fisherfolk na magtanim ng bakawan nagbigay din ng babala ang ahensya sa mga kababayan nating mapagsamantala sa pagsira ng ating kalikasan lalo na sa mga bakawan.

May mga batas di umanong maaaring malabag ang sinomang nagpaplanong sumira sa mga bakawan.

Dagdag pa ni Del Socorro, “Kahit anu gawing tulong ng gobyerno kung wala tayo nito… kaya ang number 1 dito ang pagmamalasakit… first malasakitin natin ang sarili natin isipin natin kung anu ang pwede nating gawin sa mundong ito para sa karamihan.” (ALLAN MANANSALA, UNTV News)

Manila Government, nilabag ang mandato ng ahensya sa magpatupad ng bus ban — LTFRB

$
0
0
 “Sa mandato ng LTFRB, may mga nalabag sila yung mga franchise na inisyu ng LTFRB kasi this are permanent routes eh, proved yan, may stamp ng National Government yan so it must be respected.” — LTFRB Spokesperson Sonia del Mundo (UNTV News)

“Sa mandato ng LTFRB, may mga nalabag sila yung mga franchise na inisyu ng LTFRB kasi this are permanent routes eh, proved yan, may stamp ng National Government yan so it must be respected.” — LTFRB Spokesperson Sonia del Mundo (UNTV News)

MANILA, Philippines — Nilabag umano ng pamahalaan ng Maynila ang mandato ng LTFRB  ng ipatupad ang bus ban.

Ayon sa LTFRB, karapatan nila ang magtakda ng mga ruta sa bawat prangkisa kaya’t sila din ang may karapatan na mag-alis o mag amyenda dito.

“Sa mandato ng LTFRB, may mga nalabag sila yung mga franchise na inisyu ng LTFRB kasi this are permanent routes eh, proved yan, may stamp ng National Government yan so it must be respected,” ani LTFRB Spokesperson Sonia del Mundo.

Bilang isang regulatory body, sinabi ng LTFRB na maaari naman nilang amyendahan ang prangkisa kung nakipag-usap lamang ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa kanila.

“Pwede amyanedahan yun. In fact, katulad ng sa integrated bus, iikilian. Pwede umikli yung prangkisa, babaguhin yung ruta, may stop dun, may destination. Yun lang, hanggang dun lang sila,”dagdag pa ni Del Mundo.

Dahil sa hindi maayos na pakikipag-usap ay nagbunga ito ng kalituhan at abala sa napakaraming mga commuter na pumapasok at lumalabas sa Lungsod ng Maynila.

Ayon naman sa pahayag ni Vice Mayor Isko Moreno, may karapatan ang mga LGU na mag-regulate ng mga lansangan sa kanilang nasasakupan, maging ang pagsasara ng mga ito.

Depensa naman ng tagapagsalita ng LTFRB, “Kasi these are national roads na kung saan dumdaloy ang ang ating mga sasakyang pampubliko. Hindi ito nag-ooperate lang sa loob ng lokal na gobyerno.

Ayon pa sa LTFRB, isa sa mga solusyon na nakikita nila ay ang idulog ito sa korte, ngunit kailangang mayroong partido na magrereklamo sa kanilang tanggapan.

Pahabol ni Del Mundo, “…sa nangyayari ngayon na naputol yung prangkisa, pwede nila dalhin sa court.” (MON JOCSON, UNTV News)

 

Viewing all 18481 articles
Browse latest View live