Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all 18481 articles
Browse latest View live

PNoy, kinumpirmang dadalo sa MINBIZCON sa Davao City ngayong Huwebes

$
0
0
FILE: Si Pangulong Benigno Aquino III sa pagdalo ng Common Carriers Tax Act noong Huwebes, Marso 07 sa MICE Conference o Meetings, Incentive travels, Conference, Exhibitions / Events Conference sa Davao City. (RITCHIE TONGO / Photoville International)

FILE PHOTO: Si Pangulong Benigno Aquino III sa pagdalo ng Common Carriers Tax Act noong Marso 07 sa MICE Conference o Meetings, Incentive travels, Conference, Exhibitions / Events Conference sa Davao City. (RITCHIE TONGO / Photoville International)

DAVAO CITY, Philippines — Sa kabila ng magkasunod na pagpapasabog sa Cagayan De Oro City at Cotabato City, tuloy pa rin ang tatlong araw na Mindanao Business Conference (MINBIZCON) na gaganapin sa SMX Convention Center sa Davao City bukas, Huwebes.

Sa katunayan, mismong si Pangulong Aquino ang magsisilbing guest speaker sa pagsisimula ng pagpupulong.

Kaalinsabay nito ay nakaalerto na ngayon ang Davao City Police upang matiyak ang seguridad ng Pangulo at ng mga negosyanteng dadalo sa naturang pagpupulong.

Nauna nang nanawagan ng kooperasyon mula sa publiko ang Davao City Police Office kaugnay sa ipinatutupad nilang mahigpit na seguridad.

Samantala, pinaghahandaan rin ng lungsod ang nalalapit na pagdiriwang ng Kadayawan Festival sa susunod na linggo kung saan libu-libong turista ang inaasahang makikilahok. (Louell Requilman / Ruth Navales, UNTV News)


Website para sa Crowdsourcing bill, inilunsad

$
0
0
Ang homepage ng The Guingona Project

Ang homepage ng The Guingona Project

MANILA, Philippines – Mismong si Senador Teofisto Guingona III ang naglunsad ng website upang mabasa ang mga komento at suhestiyon ng netizens kaugnay sa kanyang Crowdsourcing bill.

Tinawag itong “The Guingona Project” na may web address na http://theguingonaproject.com/.

Nakapost na dito ang ibat-ibang komento ng publiko ukol sa Senate Bill 73 o Philippine Crowdsourcing Act of 2013.

Layunin aniya ng naturang website na mabigyang karapatan ang publiko na makapagbigay ng komento o suhestiyon sa isang partikular na panukalang batas sa pamamagitan ng social networking sites.

Magkakaroon naman ng probisyon para sa mga lugar na walang internet sa pamamagitan ng snail mail na tatanggapin ng committee secretariat.

Magkakaroon din ng probisyo upang hindi mabalam ang certified as urgent bill ng Palasyo.

Sakaling maging batas, magkakaroon lang ng isang umbrella website ang bawat panukalang batas na may moderator.

“Per bill, per website, di pwedeng sabay-sabay, chapsuey labas nun, may deadline din ang paglagay ng comments,” anang senador.

Nakakuha naman ito ng suporta mula kay Senador Bam Aquino.

Ayon sa bagitong senador, “The spirit of this bill is right alongside our push for democracy in greater participation of our people.”

Pag-aaralan ang suhestiyon o komento ng mga netizens bago aprubahan ang isang panukalang batas.

Welcome sa website ang constructive criticism, ngunit bawal naman ang libellous, at off-topic comments.

Hindi rin maipa-publish ang mga labag sa batas na post o comments.

Naniniwala ang The Guingona Project na may karapatan ang isang tao na makasali sa pagbuo ng isang  panukalang batas na mapakikinabangan ng buong sambayanan.

Upang mabasa ng mga senador ang mga komento o suhestyon, maglalagay  ng staff outfit na magaanalisa at mag-eevaluate nito.

Pagsasamahin ang magkakaparehong mga suhestyon at ilalagay sa isa o tatlong pahina upang mabasa ng mga mambabatas. (Bryan De Paz / Ruth Navales, UNTV News)

NCRPO, nakiusap sa media na maghinay-hinay sa pagbabalita tungkol sa Mindanao bombings

$
0
0
FILE PHOTOS: NCRPO Chief Supt. Marcelo Garbo and CDO explosion site (UNTV News)

FILE PHOTOS: NCRPO Chief Supt. Marcelo Garbo and CDO explosion site (UNTV News)

MANILA, Philippines — Umapela ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa media na huwag i-sensationalize ang nangyaring pambobomba sa Cagayan De Oro City at Cotabato City sa Mindanao kamakailan.

Ayon kay NCRPO Chief Supt. Marcelo Garbo, maghahatid lamang ng takot sa publiko at mga turista kung puro karahasan ang napapanood sa telebisyon at nababasa sa mga pahayagan.

Hindi rin aniya makatutulong sa pag-unlad ng bansa ang mga negatibong balita sa Mindanao.

“Kayo mga media wag kayong masyadong mainit kasi pag pinicture niyo to na mainit as I’ve told you, be a part of national development pag-pinicture niyo ‘to wala nang pupunta rito, magkakaroon ng travel advisory… Magulo pala, yun pala kagagawan pala ng media,” ani Garbo.

Kasabay nito ay humingi ng pangunawa sa publiko ang heneral dahil sa pagtatalaga nila ng maraming pulis sa mga lansangan at paghihigpit sa implementasyon ng Oplan Sita at checkpoints sa mga susunod na araw.

“You expect there will be stricter implementation of the different police security measures because of the recent development happening globally at yung sa southern part of the Philippines, but nothing to worry po,” pahayag pa ng heneral.

Sa kabila ng paghihigpit sa seguridad, nilinaw ng NCRPO na wala pa rin silang natatanggap na ulat na may Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) o anumang banta sa seguridad sa kalakhang Maynila. (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)

Philippine Standard Time, ipatutupad na sa Setyembre

$
0
0
Simula Setyembre ay ipinapatupad na ang Philippine Standard Time (UNTV News)

Simula Setyembre ay ipinapatupad na ang Philippine Standard Time (UNTV News)

MANILA, Philippines — Nagsasagawa na ng public consultation ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) para sa implementasyon ng Republic Act 10535 o Philippine Standard Time of 2013.

Magugunitang noong Mayo 15, ganap na itong naging batas matapos lagdaan ni Pangulong Philippine Standard Time of 2013..

Sa ilalim ng naturang batas, inaatasan ang lahat ng ahensya ng gobyerno maging ang mga istasyon ng radio at telebisyon na i-synchronize o isabay ang kanilang mga orasan sa standard time ng PAGASA.

Ayon kay Mario Raymundo, pinuno ng Astronomical Observation and Time Service Unit ng PAGASA, bentahe ang batas partikular sa mga may ka-transaksyon sa negosyo.

“Dun lang sa Philippine Stocks Exchange natin importante na ang oras niyan eksakto. Kasi yan ay time tag transaction, so ang kausap mo ibang bansa, so kung mali ang oras mo pag-time tag transaction mali ang oras mo hindi kayo magkakaintindihan,” ani Raymundo.

Bukod sa mga pribadong establisyimento, maglalagay din ng mga orasan sa mga pampublikong lugar gaya ng plaza at parke.

Mahigpit na babantayan ng mga tauhan ng Time Service Unit ng PAGASA kung tama ang mga orasan ng mga istasyon ng radyo at telebisyon.

Ang mga istasyon na mahuhuling hindi sumusunod sa batas ay pagmumultahin ng mula P30,000 hanggang P50,000 at posibleng pagkansela ng prankisa sa mga susunod pang paglabag.

Papatawan din ng parusang administratibo ang sinomang opisyal o empleyado ng pamahalaan na hindi susunod sa Philippine Standard Time.

“Ang NTC ang magde-determine kung talagang hindi sumusunod yung non compliance na sinasabi at sila pang kakastigo.”

Pagkatapos na maisagawa ang public consultation sa Visayas at Mindanao ngayong Agosto ay posibleng ipatupad na ang batas sa susunod na buwan. (Rey Pelayo / Ruth Navales, UNTV News)

Makukulay na fireworks display, tampok sa Hanabi Festival sa Japan

$
0
0
Screenshots from Hanabi Festival Tape Report (UNTV News)

Screenshots from Hanabi Festival News Report of UNTV Japan Correpondent Danilo Ticzon Jr. (UNTV News)

TOKYO, Japan — Tuwing panahon ng tag-init, pangunahin sa pinaka-aabangan sa buong Japan ang “Hanabi” o fireworks display na karaniwang ginaganap sa buwan ng Hulyo hanggang Agosto.

Iba’t ibang kulay, laki at disenyo ng fireworks ang makikita sa kalangitan sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Naging tradisyon na nga raw sa Japan na ipagdiwang ang Hanabi Festival tuwing summer.

Sinasabing ang Hanabi sa Japan ay isa sa pinakamagandang fireworks display sa buong mundo kaya naman dinarayo ito ng libu-libong lokal at dayuhang turista.

Bukod sa fireworks display, dagdag-atraksyon din ang makukulay na yukata o casual traditional kimono na suot ng maraming Japanese at ang iba’t ibang traditional food.

Para sa mga nagnanais manoong ng pamosong Hanabi festival, narito ang listahan ng ilang fireworks shows sa Japan:

****  Koto Fireworks Festival, August 1 at Arakawa-Sunamachi-Mizube Park

****  Kanagawa Shinbun Fireworks Festival, August 1 at Rinkou Park, Minato Mirai, Yokohama

****  Edogawa-ku Fireworks Festival, August 3 at Edogawa Riverside

****  Ichikawa City Nohryo Fireworks Festival, August 3 at Edogawa

****  Itabashi Fireworks Festival, August 3 at Arakawa Riverside

****  Koga Fireworks Festival, August 3 at Koga City, Ibaraki

****  Tokyo Bay Grand Fireworks Festival, August 10 at Harumi Pier

****  Utsunomiya Fireworks Festival, August 10 at Utsunomiya, Tochigi

****  Kumagaya Fireworks Tournament, August 10 at Kumagaya City, Saitama

****  Kawasaki City Fireworks Festival, August 17 at Tamagawa Riverside

****  Chofu City Fireworks Festival, August 24 at Tamagawa Riverside

(Danilo Ticzon Jr. / Ruth Navales, UNTV News)

ASOP 1st novelty praise song “Hallelujah”, nai-record na

$
0
0
Si Bayani Agbayani sa recording session ng praise novelty song na "Hallelujah na nilikha ni Marlon Mendoza. (MARVIN PONGOS / Photoville International)

Si Bayani Agbayani sa recording session ng praise novelty song na “Hallelujah” na nilikha ni Marlon Mendoza. Ang ASOP grand finalist na awiting ito ay isa sa mga laman ng ilalabas na commemorative album ng naturang patimpalak parang ngayong taon. (MARVIN PONGOS / Photoville International)

MANILA, Philippines – Nai-record na ang kaisa-isa at kauna-unahang novelty praise song na kasama sa commemorative album ng A Song of Praise (ASOP) Music Festival year 2 finals.

Ang awiting “Hallelujah” ay nilikha ng professional composer na si Marlon Mendoza na binigyang buhay naman ng magaling na komedyante at singer na si Bayani Agbayani.

“Masayang masaya ako kasi hindi ko ine-expect na yung novelty eh makagawa ako ng papuri na novelty kaya maingat ako sa lyrics. Nakagawa ako ng tamang tama na papuri sa Panginoon,” masayang pahayag ni Marlon.

Ayon pa kay Marlon, nakatulong sa magandang interpretasyon ang pagkagusto ni Bayani sa naturang awit na desididong isama ito sa kanyang sariling album.

“Di ba si Gary Valenciano, yan yung nagpakilala sa kanya, it’s about time na meron naman isang comedian na may papuri naman sa Dios na kakantahin na novelty song. Gagamitin ko ;’to, kakantahin ko, sana makapasok sya sa ere, sa radyo, sa TV, kasi ginawa ko naman ito hindi para sa akin, hindi para kay Marlon, para ‘to sa Panginoong Dios,” paglalahad ni Bayani.

Malaki rin ang pasasalamat ng komedyante sa pagkakaroon ng ganitong uri ng palabas sa telebisyon.

“Maraming maraming salamat sa ASOP, sana maraming marami pang variety shows sa TV hindi lang sa UNTV na gumawa ng mga ganitong bagay, ng ganitong tema ng show na pumupuri sa ating Panginoong Dios.” (Adjes Carreon / Ruth Navales, UNTV News)

Pres. Aquino, pinangunahan ang pagbubukas ng Mindanao Business Conference

$
0
0
Philippine President Benigno Simeon C. Aquino III drink a glass of water in front of foreign and Filipino business investors on his speech during the opening of Mindanao Business Conference in SMX Convention center, Davao City, Southern Philippines, 08 August 2013. After a series of bombing in some parts Mindanao, Southern Philippines, the President still attend the opening of the Business Conference. (RITCHIE TONGO / PHOTOVILLE International)

Philippine President Benigno Simeon C. Aquino III delivers his speech in front of foreign and Filipino business investors during the opening of Mindanao Business Conference in SMX Convention center, Davao City, Southern Philippines, 08 August 2013. After a series of bombing in some parts Mindanao, Southern Philippines, the President still attend the opening of the Business Conference. (RITCHIE TONGO / PHOTOVILLE International)

DAVAO CITY, Philippines — Hindi nagpatinag sa mga banta ng seguridad ang mga negosyante sa Mindanao sa pagbubukas ng ika-22 Mindanao Business Conference sa SMX Convention Center sa Davao City, Huwebes.

Mismong si Pangulong Beingno Aquino III ang nanguna sa opening ceremony kasama ang ilang miyembro ng gabinete at ibang opisyal ng pamahalaan.

Daan-daang mga delegado mula sa business sector na galing sa iba’t-ibang bahagi ng Mindanao ang nakiisa sa pagtitipon.

Sa talumpati ng pangulo, ipinagmalaki nito ang mga nagawa ng kaniyang administrasyon upang mapalago ang ekonomiya ng rehiyon.

“Now the MILF and the government have a frame work agreement on the Bangsamoro just last month both sides signed the second annex of the agreement and I am confident that more good news will arrive soon.”

Tiniyak din ng pangulo na papanagutin sa batas ang mga nasa likod ng magkakasunod na pagpapasabog sa Mindanao nitong mga nakaraang araw.

“To those willing to partner us for peace we welcome you as brothers, but to those who want to challenge the authority of the state you will feel the full brunt depth and might of the states response you will  not get in the way of the peace and the stability that will help fulfill the potential of Mindanao,” mariing pahayag ng Pangulo.

Kasabay nito, ipinagmalaki rin ng Pangulo ang ginawang hakbang ng pamahalaan upang masolusyunan nararanasang rotating brownouts sa ilang bahagi ng Mindanao.

“Right now we are on track to end the energy deficit by 2015 during which we for see Mindanao to already have a surplus.”

Matapos ang talumpati ng pangulo ay agad itong umalis pabalik ng Maynila para sa iba pa nitong tungkulin. (Louell Requilman / Ruth Navales, UNTV News)

Pagbibitiw ni Customs Deputy Commissioner Lim, tinanggap na ni Pangulong Aquino

$
0
0
FILE PHOTO: Bureau of Customs Deputy Commissioner for Intelligence Danilo Lim  (UNTV News)

FILE PHOTO: Bureau of Customs Deputy Commissioner for Intelligence Danilo Lim (UNTV News)

MANILA, Philippines – Tinanggap na ni Pangulong Benigno Aquino III ang courtesy resignation ni Customs Deputy Commissioner for Intelligence Danilo Lim.

Sa kaniyang pahayag sa Davao City, sinabi ng pangulo na bibigyan niya si Lim ng panibagong posisyon sa pamahalaan.

“I will be giving him a new assignment. We’re still in the process of discussing where exactly the new assignment will be,” anang Pangulo.

Matatandaang nagsumite ng kanyang resignation letter si Lim matapos banggitin ng Pangulo sa kanyang huling State of the Nation Address na hindi ito nasisiyahan sa performance ng Bureau of Customs (BOC) sa mga nakalipas na taon.

“I spend most of the time getting brief anu on the as customs is concern the problems he encountered parang magkaroon ng substance yung suspicions ko, so afterwards anu he will be giving new tasking out of customs,” pahayag ng pangulo sa kaniyang SONA.

Samantala, hindi naman tinanggap ni Pangulong Aquino ang courtesy resignation ni Deputy Commissioner Juan Lorenzo Tanada kaya mananatili ito sa kanyang pwesto.

“Commissioner Biazon is battling to retain Deputy Commissioner Tañada,” pahayag pa ni Pangulong Aquino.

Muli namang tiniyak ng pangulo ng na sa lalong madaling panahon ay makikita na ng taumbayan ang gagawing transpormasyon ng pamahalaan sa Bureau of Customs. (Nel Maribojoc / Ruth Navales, UNTV News)


Mga pulis na gustong maging UN peacekeeper, dumagsa sa Camp Crame

$
0
0
Ang pagdagsa sa Camp Crame ng mga miyembro ng PNP na nagmula pa sa iba't-ibang lugar nitong Huwebes upang magpasa ng application para sa pagiging UN Peacekeepers. (UNTV News)

Ang pagdagsa sa Camp Crame ng mga miyembro ng PNP na nagmula pa sa iba’t-ibang lugar nitong Huwebes upang magpasa ng application para sa pagiging UN Peacekeepers. (UNTV News)

MANILA, Philippines — Sa kabila ng panganib, maraming pulis pa rin ang nagnanais na maging bahagi ng peacekeeping mission ng United Nations (UN).

Katunayan, maraming pulis ang dumadagsa sa Multi-purpose Building ng Camp Crame upang magsumite ng kanilang aplikasyon para sa naturang misyon.

Ang iba lumuwas pa galing probinsya upang makapaghain ng kanilang dokumento.

Ayon kay PO3 Florderic Loreno na lumuwas pa ng Maynila mula sa Guimaras, gusto niyang makatulong sa ibang bansa na nangangailangan ng tulong.

“First time, subukan ko kung papasa. To help yung ibang country na nangangailangan ng tulong.”

Nito lamang buwan ng Marso at Mayo ngayong taon, ilang Filipino peacekeeper na nakadestino sa Golan Heights ang dinukot ng mga rebeldeng Syrian ngunit pinakawalan din makalipas ang ilang araw.

Ayon kay PO3 Loreno, “in times of trouble prepared naman tayo.”

Katwiran naman ni SPO1 Glenn Pandalan ng Cavite. “yung risk nandiyan, kahit nandito ka nga sa bansa pag oras mo na, oras mo na.”

Ayon pa kay Pandalan, bukod sa makatulong sa ibang bayan, nais din niyang makatulong sa kanyang pamilya dahil sa malaking allowance na matatangap kapag naging peacekeeper.

Ang mga pulis na may ranggong Officer 3 hanggang police superintendent ang matiyagang pumila upang makapagpasa ng kanilang dokumento.

Sasailalim sila sa written examination gayundin sa pagmamaneho at paghawak ng baril.

Ang papasa ay magiging standby team ng PNP na siyang papalit kapag natapos na ang tour of duty ng mga kasamang pulis sa UN Peacekeeping mission.

Sa ngayon ay may 92 tauhan ng PNP ang ipinadala sa Liberia, Sudan, Haiti at iba pang lugar para sa isang taong foreign mission. (Victor Cosare / Ruth Navales, UNTV News)

Routine ng mga nagpapatrolyang pulis, mahigpit na babantayan ng NCRPO

$
0
0
FILE PHOTO: Policemen under Highway Patrol Group (UNTV News)

FILE PHOTO: Policemen under Highway Patrol Group (UNTV News)

MANILA, Philippines — Naglabas ng direktiba ang National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa tamang pagpapatrolya ng mga pulis.

Ayon kay NCRPO Chief Supt. Marcelo Garbo, dapat na detalyado at planado ang bawat kilos ng mga pulis at hindi mistulang namamasyal at nagsasayang lamang ng gasolina.

Sinabi din ng heneral na dapat na may security plan kung saan nakalagay ang lugar, oras at kung sinu-sino ang mga pulis na magpapatrolya.

“I demanded a weekly meeting for this issue… and I demand that all my district directors also do the same for other areas of concern.”

Sinabi pa ni Garbo na may regional at district inspectors na rin na susubaybay sa security plan ng mga chief of police at sa pagpapatrolyang ginagawa ng mga ito.

“Sinabi mo na mayroong sampung pulis na magbi-beat patrol, mobile patrol, checkpoint, oplan sita or whatever sa lugar na to, pupuntahan natin yun at aalamin natin kung tama,’ pahayag pa ni Garbo.

Nagbabala rin ito sa mga pulis na hindi nagta-trabaho ng tama.

Iginiit ng heneral na kailangang isaisip ng bawat pulis ang serbisyong makatotohanan at tunay na kahulugan ng tamang trabaho ng pulis. (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)

Rosario, Cavite, isinailalim sa state of calamity dahil sa oil spill

$
0
0
 A handout photo dated and released by Philippine Coast Guard (PCG) on 09 August 2013 shows aerial shot of fuel washed ashore at a coastal village in the town of Rosario, Cavite province, Philippines. Cavite Governor Johnvic Remulla said, some 3,000 coastal families in three Cavite towns have been affected by a massive fuel spill.

A handout photo dated and released by Philippine Coast Guard (PCG) on 09 August 2013 shows aerial shot of fuel washed ashore at a coastal village in the town of Rosario, Cavite province, Philippines. Cavite Governor Johnvic Remulla said, some 3,000 coastal families in three Cavite towns have been affected by a massive fuel spill.

CAVITE, Philippines – Isinailalim na sa state of calamity ang Rosario, Cavite dahil sa oil spill.

Ayon kay Mayor Jose Ricafrente, idineklara ito kaninang umaga matapos maapektuhan ng tumagas na langis ang siyam na barangay sa lugar.

Aniya, paraan ito upang mapigilan ang mga mapagsamantalang negosyante na magtaas ng presyo ng mga pangunahin bilihin.

Sa kasalukuyan ay nagpaabot na ng tulong ang lokal na pamahalaan sa mga residente na sa dagat kumukuha ng kabuhayan.

Sa ngayon ay patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng Philippine Coast Guard (PCG) sa insidente at kung ano ang pinagsimulan nito.(UNTV News)

Petron at owner ng MT Makisig, pasasampahan ng kasong obstruction of justice dahil sa oil spill sa Cavite

$
0
0
A handout photo dated and released by Philippine Coast Guard (PCG) on 09 August 2013 shows an oil spill boom on the starboard side of an oil tanker MT Makisig on the affected area along Manila Bay, Philippines. Several barangays in the towns of Rosario and Tanza now affected by an oil spill, with fishermen forced to sell their catch at a much lower price.

A handout photo dated and released by Philippine Coast Guard (PCG) on 09 August 2013 shows an oil spill boom on the starboard side of an oil tanker MT Makisig on the affected area along Manila Bay, Philippines. Several barangays in the towns of Rosario and Tanza now affected by an oil spill, with fishermen forced to sell their catch at a much lower price.

MANILA, Philippines – Inihahanda na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang kasong obstruction of justice laban sa kumpanyang Petron gayundin sa motor tanker na MT Makisig ng Herma Shipping Lines matapos tumanggi ang mga ito na makipagtulungan sa ahensya kaugnay ng malawakang oil spill sa Cavite.

Ayon kay PCG Marine Environmental Protection Command, Commodore Joel Garcia, unang nakita ang oil spill sa bayan ng Rosario na tinatayang umabot hanggang Naic, Tanza at Tarnate, Cavite.

“They refused to give the coast guard a sample of their product for no reason at all and I reminded them that its tantamount to violation of PD1829, which is obstruction of justice but despite of that info given to them that the coast guard has the authority in marine environmental protection initially they continued to defy our request,” ani Garcia.

Sa ngayon ay nasa 20-by-15 kilometers na ang nasakop ng oil spill at pinangangambahang umabot pa sa ibang lugar.

Nasa labing-limang bayan na rin ang iniulat na apektado ng masangsang na amoy, at tinatayang 500-libong litro ng diesel fuel na ang kumalat sa coastal area at karagatan ng Cavite.

“Tolerable standard with respect to oil content in sea water is 15 parts per million but based on our initial report on the ground it appears that its more or less 200 parts per million,” pahayag pa ni Garcia.

Isinailalim na sa lab testing ang mga water sample na kinolekta ng PCG sa ilang lugar na apektado ng oil spill upang mabatid kung saan nagsimula ang oil spill.

Ayon kay Garcia, kasama sa pangunahing tinitingnan nilang pinagmulan nito ang grounded vessel na MT Makisig.

Batay sa isinagawang marine lab analysis ng PCG kaninang umaga, lumalabas na magkapareho ang langis na nakuha sa dagat at langis sa MT Makisig.

Samantala, dalawang team ang agad na ipinadala ng coast guard upang pigilan ang pagkalat ng langis sa ibang lugar kabilang na ang Corregidor. (Francis Rivera / Ruth Navales, UNTV News)

400 Pilipinong hindi na-renew ang kontrata, posibleng makabalik na sa Taiwan — POEA

$
0
0
FILE PHOTO:  POEA Administrator Hans Leo Cacdac and Google Maps of Taiwan - Philippines

FILE PHOTO: POEA Administrator Hans Leo Cacdac and Google Maps of Taiwan – Philippines

MANILA, Philippines – Malaki ang posibilidad na makabalik na sa kanilang trabaho ang daan-daang Filipino worker na naapektuhan ng freeze hiring ng Taiwan.

Ito’y matapos humingi ng paumanhin ang Pilipinas sa Taiwan kahapon, Huwebes at ang pagrerekomenda ng National Bureau of Investigation (NBI) na sampahan ng kasong kriminal ang walong tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) na bumaril at nakapatay sa isang Taiwanese fisherman sa Balintang Channel noong Mayo 9.

Ayon kay POEA Administrator Hans Leo Cacdac, nasa 400 OFW ang posibleng makabalik sa kanilang mga trabaho sa Taiwan.

“Nakapag-assist kami ng 400 na galing doon na hidi na-renew ang visa, siguro yung 400 na yun ang mabibigay ng oportunidad na makakabalik sa Taiwan.”

Sinabi pa ni Cacdac na patuloy sila sa pagpo-proseso ng mga papeles ng mga nais magtrabaho sa Taiwan sa kabila ng freeze hiring at inaabangan na lang sa ngayon ang pagbibigay ng working visa para sa kanila.—

“Ang nagyari nung freeze hiring may cut off kasi eh which is May 15. Applications before May 15 tatanggapin nila so that means sa POEA patuloy ang processing dun sa mga na approve o nag-apply ng work permit prior to May 15.” (Ley Ann Lugod / Ruth Navales, UNTV News)

Taiwan Foreign Minister David Lin, inanunsyong balik na sa normal ang relasyon ng Taiwan at Pilipinas

$
0
0
“According to the decision reached by a high-level official meeting and the direction of President Ma Ying-jeou and Premier Jiang Yi-huah's, on behalf of our government, I announce that from today on, the eleven sanctions on the Philippines have been cancelled." — Taiwan Foreign Minister David Lin (FILE PHOTO:  REUTERS)

“According to the decision reached by a high-level official meeting and the direction of President Ma Ying-jeou and Premier Jiang Yi-huah’s, on behalf of our government, I announce that from today on, the eleven sanctions on the Philippines have been cancelled.” — Taiwan Foreign Minister David Lin (FILE PHOTO: REUTERS)

MANILA, Philippines – Inanunsyo ni Taiwan Foreign Minister David Lin na balik na sa normal ang relasyon ng Taiwan at Pilipinas matapos humingi ng paumanhin ang Philippine government sa nangyaring shooting incident sa Balintang Channel noong Mayo 9.

Ayon kay Lin, matapos ang masusing pag-uusap, nagpasya ang kanilang pamahalaan na alisin na ang mga sanction na ipinataw sa Pilipinas.

“According to the decision reached by a high-level official meeting and the direction of President Ma Ying-jeou and Premier Jiang Yi-huah’s, on behalf of our government, I announce that from today on, the eleven sanctions on the Philippines have been cancelled.”

Dagdag pa ni Lin, “our government will still regularly patrol to protect our fishery rights in the southern exclusive economic zone. We hope the Philippines will take specific actions to repair the bilateral relations.”

Magugunitang noong Mayo 15, halos tatlong buwan na ang nakalilipas, ay nagpataw ng sanction ang Taiwan sa Pilipinas dahil hindi umano ito kumbinsido sa paghingi ng pumanahin ng bansa hinggil sa pagkamatay ng isang mangingisdang Taiwanese sa Balintang Channel shooting incident.

Kasama sa mga sanctions na ito ay ang freeze hiring ng mga Pilipno sa Taiwan, pagtigil ng economic, agricultural at technological exchanges ng dalawang bansa, at pagkakaroon ng military drill sa karagatan ng Taiwan.

Sinabi ng Taiwan na ili-lift nila ang sanctions kung gagawa ng pormal na paghingi ng paumanhin ang Pilipinas, gayundin ang pagsasagawa ng malawakang imbestigasyon sa insidente at pagpaparusa sa mga sangkot na PCG personnel.

Nitong Huwebes, Agosto 8,  ay pinuntahan ni Manila Economic and Cultural Office (MECO) Chairman Amadeo Perez ang pamilya ng namatay na mangingisdang si Hung Shih-Cheng, at humingi ng paumanhin.

Napagusapan rin dito ang pagsasaayos ng mga kailangan upang mabigyan ng kompensasyon ang pamilya ng nasawing mangingisdang Taiwanese. (Bianca Dava / Ruth Navales, UNTV News)

Consumer group, iginiit ang paglalagay ng independent body para dinggin ang mga reklamo sa mga water concessionaire

$
0
0
“Dapat po niyan mayroong independent body na bubuoin ang regulatory office na syang magbabantay ng mga metro natin dahil ito'y cash register.” — Water for All Refund Movement President Rodolfo Javellana. FILE PHOTO. (Credits: Get It Straight with Daniel Razon / Raymond Bala Lacsa / Photoville International)

“Dapat po niyan mayroong independent body na bubuoin ang regulatory office na syang magbabantay ng mga metro natin dahil ito’y cash register.” — Water for All Refund Movement President Rodolfo Javellana. FILE PHOTO. (Credits: Get It Straight with Daniel Razon / Raymond Bala Lacsa / Photoville International)

MANILA, Philippines – Isinusulong ng Water for All Refund Movement o WARM na magkaroon ng independent body na reresolba sa reklamo ng mga konsyumer laban sa mga water concessionaire.

Ayon kay WARM Pres. Rodolfo Javellana, dapat na may grupo na nagbabantay sa mga metro ng tubig at sirang tubo upang masigurong tama ang sinisingil sa mamamayan.

“Dapat po niyan mayroong independent body na bubuoin ang regulatory office na syang magbabantay ng mga metro natin dahil ito’y cash register,” ani Javellana.

Ayon sa grupo, mahalaga na magkaroon nito upang may matakbuhan at mapagsumbungan ang mga konsyumer ng kanilang mga reklamo.

Wala rin aniyang ideya ang mga konsyumer kung saan idudulog ang sirang metro at sirang tubo ng tubig.

Sinabi pa ni Javellana na sa ngayon ay tila malabo ding matugunan ng MWSS regulatory office ang reklamo dahil miyembro din ng board of trustees ang chairman nito.

“Ito yung binigyan ng bonus yung board of trustees at meron isang nasa ilalim nya na tinawag na regulatory office, under pa rin kaya ito recommendatory pa rin, wala itong silbi, inutil.” (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)


Storm warning signal, nakataas sa maraming lalawigan sa Luzon

$
0
0
MTSAT ENHANCED-IR Satellite Image  10:32 a.m., 12 August 2013 (www.pagasa.dost.gov.ph)

MTSAT ENHANCED-IR Satellite Image
10:32 a.m., 12 August 2013 (www.pagasa.dost.gov.ph)

MANILA, Philippines – Pinag-iingat ngayon ang mga nakatira sa mabababa at bulubunduking lugar na apektado ng Bagyong Labuyo dahil sa posibilidad ng flashflood at landslides.

Sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), maaaring magdala ng malalakas na pag-ulan ang Typhoon Labuyo partikular sa mga lugar na may nakataas na babala ng bagyo.

Bukod sa pagbaha at pagguho ng lupa, maaari ding makaranas ng storm surge o pagbaha bunsod ng malalaking hampas ng alon ang mga nakatira sa coastal areas sa western at northern Luzon.

Sa pinakahuling ulat ng PAGASA, nakataas ang storm warning signal 1 sa Batanes, Bataan, Pampanga, Bulacan, Rizal, Northern Quezon, Polillo Island, Laguna, Cavite at Metro Manila.

Signal number 2 naman sa Zambales, Nueva Ecija, Tarlac, Aurora Province, Calayan at Babuyan Group of Islands.

Signal number 3 naman sa Cagayan Isabela, Apayao, Kalinga, Abra, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Benguet, Mt. Province, Ifugao, Nueva Vizcaya, Quirino at Northern Aurora. (UNTV News)

Pasok sa maraming paaralan sa Metro Manila at karatig lalawigan, kanselado ngayong araw dahil sa Bagyong Labuyo

$
0
0
FILE PHOTO: Ang paaralan ng Calumpit Central School sa Bulacan na lubog sa baha noong August 06, 2012. (RODGIE CRUZ / Photoville International)

FILE PHOTO: Ang paaralan ng Calumpit Central School sa Bulacan na lubog sa baha noong August 06, 2012. (RODGIE CRUZ / Photoville International)

MANILA, Philippines – Suspendido ngayong araw ang klase sa maraming paaralan sa Metro Manila at karatig lalawigan dahil sa Bagyong Labuyo.

Ayon sa Department of Education (DepED) at Local Government Units (LGU’s), walang pasok sa pampubliko at pribadong paaralan mula pre-school hanggang elementary sa Maynila, Tagaytay, Taguig at Malabon.

Suspendido naman ang klase hanggang high school sa Mandaluyong, Makati, Las Piñas, Caloocan, Muntinlupa, Cainta, Angono, Rodriguez at Tanay sa Rizal, Pasig, Pasay, Paranaque, Cavite, Abra, Angeles City sa Pampanga at Bulacan.

Suspendido rin ang klase sa public elementary hanggang high school sa Navotas at mga flood prone areas sa Valenzuela.

Lahat ng antas naman sa pribado at pampublikong paaralan ang walang pasok sa Pateros, San Juan, San Mateo Sa Rizal, Laguna at Quezon City. (UNTV News)

Libu-libong pasahero, stranded sa iba’t ibang pantalan at terminal sa bansa

$
0
0
FILE PHOTO: Pasil Port, Brgy., Ermita, Cebu City (JAMES VERCIDE / PHOTOVILLE International)

FILE PHOTO: Pasil Port, Brgy., Ermita, Cebu City (JAMES VERCIDE / PHOTOVILLE International)

MANILA, Philippines – Libu-libong pasahero naman ang stranded ngayon sa iba’t ibang pantalan at terminal sa bansa.

Batay sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kabilang sa mga ito ang pantalan sa Sorsogon at Southern Tagalog, Catbalogan, Albay at Central Visayas.

Nasa 33 barko ang pinagbawalang bumiyahe ng Philippine Coast Guard (PCG), 228 rolling cargoes at 12 motorbancas.

Sa ngayon ay naka-red alert ang buong pwersa ng NDRRMC kaugnay ng paghagupit ng Bagyong Labuyo. (UNTV News)

Job market para sa Filipino skilled workers, muling binuksan sa Taiwan

$
0
0
IMAGE_UNTV-News_AUG122013_REUTERS_Pichi Chuang_Taiwan_Factory Workers

FILE PHOTO: Employees work on the production line at the headquarters of Eminent Luggage Corp. in Tainan, southern Taiwan (REUTERS/Pichi Chuang).

MANILA, Philippines – Muling binuksan ang job market ng Taiwan para sa Filipino skilled workers.

Ito ay kasunod ng pag-aalis sa ipinataw na sanctions sa Pilipinas matapos na pormal na humingi ng paumanhin sa pagkasawi ng isang mangingisdang Taiwanese sa Balintang Channel noong Mayo.

Ayon sa  mga Filipino manpower agency na  accredited ng Taiwan, aabot sa tatlong libong skilled worker ang kailangan ng isang electric company sa Taiwan.

Paalala naman ni Manila Economic and Cultural Office (MECO) Chairman Amadeo Perez sa mga aplikante na sa mga ahensya na accredited ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) dapat mag-apply upang hindi maloko. (UNTV News)

Mahigit 60 pamilya sa Baguio City, inilikas

$
0
0
Google Maps: Aguinaldo Elementary School, Baguio City

Google Maps: Aguinaldo Elementary School, Baguio City

BAGUIO CITY, Philippines – Mahigit animnapung pamilya na ang inilikas sa dalawang barangay sa Baguio City dahil sa patuloy na pag-ulan.

Ang mga evacuees mula Barangay Lower Rock Quarry at City Camp Central ay dinala sa Aguinaldo Elementary School.

Bagama’t bahagyang humina ang Bagyong Labuyo, nakataas pa rin ang public storm signal number 3 sa lalawigan ng Benguet. (UNTV News)

Viewing all 18481 articles
Browse latest View live