Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all 18481 articles
Browse latest View live

Sen. Recto, isinulong ang imbestigasyon sa mataas na singil sa kuryente dahil sa utang ng NAPOCOR

$
0
0
FILE PHOTO: Sen. Ralph Recto (UNTV News)

FILE PHOTO: Sen. Ralph Recto (UNTV News)

MANILA, Philippines – Pinaiimbestigahan ni Senate Pro Tempore Ralph Recto ang mataas na singil sa kuryente dahil sa utang ng National Power Corporation (NAPOCOR) na ipinapasa sa mga consumer.

Pangungunahan ng Senate Committee on Energy ang imbestigasyon sa layuning matiyak ang pagkakaroon ng sapat na suplay ng kuryente sa presyong tama.

Ayon kay Recto, nananatiling isa sa may pinakamataas na presyo ng kuryente ang Pilipinas sa buong Asya kahit na labing tatlong taon na ang nakalipas mula nang aprubahan ang Electric Power Industry Reform Act o EPIRA. (UNTV News)


AFP, muling magpapadala ng panibagong mga sundalo sa Golan Heights bilang peacekeeper

$
0
0
GRAPHICS: Filipino UN Peacekeepers (UNTV News)

GRAPHICS: Filipino UN Peacekeepers (UNTV News)

MANILA, Philippines — Nakahanda na ang bilang ng mga sundalong ipadadala sa Golan Heights na papalit sa mga naunang contingent doon.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Lt. Col. Ramon Zagala, sumailalim na sa kaukalang training ang mga sundalo na idedestino sa United Nations Disengagement Observer Force (UNDOF).

Gayunman, sinabi ni Zagala na ang Department of Foreign Affairs (DFA) pa rin ang magpapasiya kung magpapadala ng panibagong contingent ng bansa sa border ng Lebanon at Syria.

Mananatili na lamang ang kasalukuyang Filipino peacekeepers na nasa Golan Heights hanggang sa Agosto 11 kasunod ng ilang insidente ng pagdukot sa mga ito kamakailan. (UNTV News)

UNTV Fire Brigade, tumulong sa pag-apula ng sunog sa Tondo, Maynila

$
0
0
Ang sunog na ito na tumupok ilang kabahayan sa Gagalangin, Tondo ang magkakasamang pinagtulung-tulungang apulahin ng iba't ibang fire brigade nitong Huwebes ng madaling araw. Nandoon din ang UNTV Fire Brigade  upang tumuwang sa pagpatay ng apoy. (UNTV News)

Ang sunog na ito na tumupok ilang kabahayan sa Gagalangin, Tondo ang magkakasamang pinagtulung-tulungang apulahin ng iba’t ibang fire brigade nitong Huwebes ng madaling araw, August 01, 2013. Nandoon din ang UNTV Fire Brigade upang tumuwang sa pagpatay ng apoy. (UNTV News)

MANILA, Philippines — Mabilis na tinupok ng apoy ang isang residential compound sa road 1 corner Peralta Street, Gagalangin sa Tondo, Maynila pasado ala-1 ng madaling araw, Huwebes.

Ayon sa anak ng may-ari ng compound na si Pablo Elguera, nagsimula ang sunog sa inuupahang apartment ng isang nagngangalang “Bong”.

“May nakita daw nagaaway naghahabulan daw dyan tapos sinilaban ang bahay, sinasabi ko sa inyo walang sunog na nagsimula ng malaki laging sa maliit at maraming tao rito na papatay dun”

Nahirapan naman ang mga awtoridad na apulain ang apoy dahil bukod sa masikip na daan patungo sa compound, inagaw pa ng ilang residente ang hose ng tubig ng mga bumbero.

Ayon kay Fire Chief Insp. Bonifacio Carta ng Manila Fire District, limang bahay ang nasunog sa loob ng compound at tinatayang aabot sa 1.5-milyong piso ang halaga ng napinsalang ari-arian na umabot sa ikalimang alarma.

Katulong ang UNTV Fire Brigade na umapula sa sunog na tumagal ng isang oras. (Benedict Galazan / Ruth Navales, UNTV News)

Pinoy tasty at pandesal, tataas ng tatlong piso simula sa Agosto 20

$
0
0
FILE PHOTO: Pandesal (MARK OLIVER SANTILLAN / Photoville International)

FILE PHOTO: Pandesal (MARK OLIVER SANTILLAN / Photoville International)

MANILA, Philippines — Kinumpirma na ng Philippine Federation of Bakers Association (PFBA) ang pagpapatupad ng dagdag sa presyo ng pang-masang pinoy tasty at pandesal.

Ayon sa bakers’ group, tatlong piso (P3.00) ang madaragdag sa presyo ng pinoy tasty loaf bread, habang uno-singkwenta naman (P1.50) sa isang supot na may sampung piraso ng pandesal.

Ang dagdag ay posibleng ipatupad sa Agosto 20 (Martes).

Humingi naman ng pang-unawa sa publiko ang grupo ng mga panadero sa dagdag-presyo sa layong mapanatili ang magandang kalidad ng kanilang tinapay.

Samantala, sinabi naman ng Department of Trade and Industry (DTI) na susubukan nilang pigilan ang nakaambang pagtaas sa presyo.

Kinakausap na rin ng DTI ang flour millers upang itaas ang kalidad ng harinang pinoy upang magamit sa paggawa ng pang-masang tinapay.(UNTV News)

August 9, idineklarang regular holiday ng Malacañang

$
0
0

IMAGE_UNTV-News_AUG052013_HOLIDAY

MANILA, Philippines – May long weekend na maaasahan ang ating mga kababayan ngayong linggo.

Ito ay dahil idineklara ng Malacañang na regular holiday ang Agosto 9 bilang obserbasyon sa Eid’l Fitr o Feast of Ramadan.

Ang deklarasyon ay sa ilalim ng Proclamation No. 629 na nilagdaan ni Pangulong Benigno Aquino III. (UNTV News)

SK elections postponement, muling iginiit ng COMELEC

$
0
0
FILE PHOTO: Isang mag-asawang bumoboto. Sila ay sina Senator Alan Peter Cayetano at Taguig City Mayor Laarni Cayetano (JAMES ESPIRITU / Photoville International)

FILE PHOTO: Isang mag-asawang bumoboto. Ang nasa larawan ay sina Senator Alan Peter Cayetano at Taguig City Mayor Laarni Cayetano. (JAMES ESPIRITU / Photoville International)

MANILA, Philippines — Muling nagpahayag ng kagustuhan ang Commission on Elections (COMELEC) na ipagpaliban ang barangay at Sanggunian Kabataan (SK) elections.

Magugunitang matapos ang 2013 midterm election nitong Mayo, ipinanukala ni Brillantes na ipagpaliban muna ang Barangay at SK elections na hindi naman inaprubahan ni Pangulong Benigno Aquio III.

Ayon kay Chairman Sixto Brillantes, posibleng maging mas mainit ang labanan sa Barangay elections kumpara sa nakalipas na midterm elections dahil sa hindi pangkaraniwang dami at sigasig ng mga tao sa pagpaparehistro.

“Alisin na ang barangay at SK, tingnan natin kung tatakbo ang Pilipinas ng wala nyan (sir, pati barangay?) Oo pati barangay. Ngayon sabi ni presidente, ituloy natin, so ok sa amin, pero gusto namin kung pwedeng ipostpone kahit SK. Tignan natin kung tatakbo tayo ng walang SK,” ani Brillantes.

Sinang-ayunan din ni Brillantes ang panukalang batas ni Senador Bongbong Marcos na Senate Bill No. 1186 na naglalayong kanselahin muna ang SK elections sa October 28 upang masimulan ang paguusap sa reporma ng kasalukuyang istraktura ng SK.

Suportado rin ni Senate President Franklin Drilon ang panukala ni Marcos.

Naniniwala si Brillantes na magiging daan ang naturang bill upang matalakay sa kongreso kung nararapat ang pag-abolish sa SK elections.

Sa kasalukuyan ay sinisimulan na ng COMELEC ang pre-bidding conference bilang paghahanda sa mga gagastusin sa October 28 elections.(Pong Mercado / Ruth Navales, UNTV News)

Pagsapit ng Jesse M. Robredo Day, pinaghahandaan na

$
0
0
FILE PHOTO: Ang puntod ng yumaong kalihim ng Department of the Interior and Local  Government na si Jesse M. Robredo. (ALLAN YANGA MANANSALA / Photoville International)

FILE PHOTO: Ang puntod ng yumaong kalihim ng Department of the Interior and Local
Government na si Ginoong Jesse M. Robredo. (ALLAN YANGA MANANSALA / Photoville International)

CAMARINES SUR, Philippines — Labing apat na araw mula ngayon ay ipagdiriwang ng mga Bikolano partikular ng mga Nagueño ang Jesse M. Robredo Day.

Ito ang unang taong paggunita sa pagkawala ng isa sa mga kinokosiderang Bikolano pride na dating kalihim ng Department of Interior and Local Government na si Jesse Robredo.

Matatandaan noong August 18, 2012 nang bumagsak ang sinasaksakyan ni Sec. Robredo na piper seneca plane sa pagitan ng Ticao Island at Masbate City na 200 kilometro ang layo sa pampang.

Ngayon pa lamang, nakakasa na ang mga programa na gagawin sa Jesse Robredo Day na pangungunahan ng kanyang naiwang asawa na si 3rd District Representative of Camarines Sur. Atty Leni Robredo kasama ang tatlo nitong mga anak

Anchor  bago pa man dumating ang takdang araw plano ni Atty. Leni na umikot sa mga huling lugar na pinuntahan ng kanyang asawa bago nangyari ang trahedya.

Kabilang sa mga bibisitahin ng kongresista ang pamilya ng piloto ng eroplano na si Capt. Jesup Bahinting na kasama sa nasabing aksidente.

Pagkatapos sa Cebu City agad itong tutungo sa Masbate City kung saan nangyari ang plane crash. (ALLAN MANANSALA / UNTV News)

3 hanggang 4 na bagyo, inaasahang papasok sa bansa ngayong buwan – PAGASA

$
0
0
FILE PHOTO: Ang pagbaha sa isang lugar sa Bulacan na dulot ng isang bagyo. Ayon sa PAGASA nasa 3 hanggang 4 na bagyo ang inaasahang papasok sa bansa ngayon lamang buwan ng Agosto. (RODGIE CRUZ / Photoville International)

FILE PHOTO: Ang pagbaha sa isang lugar sa Bulacan na dulot ng isang bagyo. Ayon sa PAGASA nasa 3 hanggang 4 na bagyo ang inaasahang papasok sa bansa ngayon lamang buwan ng Agosto. (RODGIE CRUZ / Photoville International)

MANILA, Philippines — Tatlo hanggang apat na bagyo ang inaasahang  apasok sa bansa ngayong buwan ng Agosto.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na ang Agosto ang itinuturing na buwan ng pagpasok ng maraming bagyo sa Pilipinas.

Sinabi naman ng PAGASA na hindi lahat ng papasok na bagyo ay dadaan o tatama sa kalupaan.

Sakaling pumasok nga ang apat na bagyo sa Philippine Area of Responsibility (PAR) papangalanan ang mga ito na Kiko, Labuyo, Maring at Nando.

Samantala, masusing mino-monitor ngayon ng PAGASA ang Low Pressure Area (LPA) malapit sa Puerto Princesa City na posibleng maging bagyo sa loob ng 24 oras. (UNTV News)


Elimination round ng UNTV Cup, umarangkada na!

$
0
0
Sa unang laban nitong Linggo ang sagupaan sa pagitan ng DOJ at Philhealth. (MAIA GARCIANO / Photoville International)

Sa unang laban nitong Linggo ang sagupaan sa pagitan ng DOJ at Philhealth. (MAIA GARCIANO / Photoville International)

MANILA, Philippines – Nagsimula na ang labanan ng mga ahensya ng pamahalaan sa basketball court para makuha ang UNTV Cup.

Nitong Linggo, August 5,  sa Ynares Sports Arena, muling lumatag sa court ang team DOJ laban sa Philhealth.

Sa kabila ng pagtutulungan ng mga kawani ng DOJ at sipag sa bola ng dalawang kakamping celebrity players na sina Eric Fructuoso at Jao Mapa, hindi ito umubra sa koponan ng Philhealth kasama ang Legaspi brothers na sina Kier at Zoren.

138-43 ang resulta matapos magtulong-tulong ang key players ng government insurance corporation na sina Carlo Capati, Kenneth Emata at sentrong si Alex Noriega.

“Nakita ko yung time, alam ko last 5 seconds na, so hiningi ko rin ay Zoren eh, so I was very aware dun sa time kaya kung baga yung shoot ko na yun nasa timing naman lahat. But I was surprise nung pumasok di ba,” ani Kier.

Bagaman pilit hinabol ng MMDA na habulin ang kalamangan ng PNP di talaga umubra kaya lumobo ito hanggang sa 47 puntos sa end game. (REY VERCIDE / PHOTOVILLE International)

Bagaman pilit hinabol ng MMDA ang kalamangan ng PNP di talaga umubra kaya lumobo ito hanggang sa 47 puntos sa end game. (REY VERCIDE / PHOTOVILLE International)

Sa second game, panalo ang Team PNP kontra sa mga traffic enforcer ng MMDA.

Dumikit pa sa first quarter ang Team MMDA sa PNP sa pamamagitan ng mga 3 point shot ng celebrity player na si Emilio Garcia, ngunit tinatapan din ito ng mga tres ni Onyok Velasco ng PNP.

Sa fourth quarter, lumamang nang husto ang mga mamang pulis at nagtapos sa score na 117-70.

At sa third match, dikitan ang naging pagtatagpo ng mga koponan ng Judiciary at Congress-LGU.

Si PBA legend Gerry Esplana ng Team Congress-LGU na tinatangkang supalpalin ng artistang si John Hall mula sa Team Judiciary sa naging isang dikitang laban sa pagitan ng 2 koponan. (JUN RAPANAN / PHOTOVILLE International)

Si PBA legend Gerry Esplana ng Team Congress-LGU na tinatangkang supalpalin ng artistang si John Hall mula sa Team Judiciary sa naging isang dikitang laban sa pagitan ng 2 koponan. (JUN RAPANAN / PHOTOVILLE International)

Gumawa ng puntos sina TESDA Secretary Joel Villanueva, San Juan Vice Mayor Francis Zamora at former PBA-Shell player at ngayo’y Valenzuela Councilor Jerry Esplana para sa Congress-LGU.

Ngunit nakalamang pa rin ng isang punto ang judiciary 40-41 sa first half.

Sa last quarter, nagtambal ang aktor na si John Hall at former PBA-Talk and Text player na ngayon ay clerk sa Court of Tax Appeals na si Don Camaso.

Nagtrabaho din si James Blanco para sa koponan ng mga taga-korte.

Subalit kinapos ang score nito sa final, 99-95 pabor sa mga politician kung saan kabilang naman ang celebrity at former La Salle Green Archer na si Ervic Vijandre.

“Medyo familiar na po kasi naglaro na kami sa Sing and Shoot 1&2 so medyo familiar na kami sa strength ng bawat isa. We play as team, we communicate,” ani Ervic.

Sa susunod na Linggo, August 11, magapapatuloy ang elimination round ng UNTV Cup sa Ynares Sports Arena. (Pong Mercado / Ruth Navales, UNTV News)

“Medyo familiar na po kasi naglaro na kami sa Sing and Shoot 1&2 so medyo familiar na kami sa strength ng bawat isa. We play as team, we communicate.” — Actor and former La Salle Green Archer Ervic Vijandre (FREDERICK ALVIOR / Photoville International)

“Medyo familiar na po kasi naglaro na kami sa Sing and Shoot 1&2 so medyo familiar na kami sa strength ng bawat isa. We play as team, we communicate.” — Actor and former La Salle Green Archer Ervic Vijandre (FREDERICK ALVIOR / Photoville International)

 

 

Pagsusuot ng police uniform, papatawan ng 10 taong pagkakakulong

$
0
0

IMAGE_UNTV-News_APRIL262013_PNP

MANILA, Philippines — Isinusulong ngayon ni Cebu Representative Raul Del Mar ang House Bill No. 368 na nag-aamyenda sa Republic Act No.493 na nagreregulate sa paggamit at paggawa ng uniporme ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).

Sa ilalim ng Republic Act No.493, regulated ang paggawa at pagbebenta ng decoration, medals, badges, patches at identification cards ng militar at pulis.

Ayon sa mambabatas, kadalasang ginagamit sa mga krimen ang uniporme ng pulis at militar kaya naman nararapat lamang na ito ay mahigpit na ipagbawal.

“Unauthorized persons have taken advantage of the proliferation of imitations of uniforms bearing close resemblance to the official military and police uniforms to falsely represent themselves as members of the AFP or the PNP,” ani Del Mar.

Nakapaloob sa naturang panukalang batas ang pagpapataw ng 10-taong pagkakakulong at multang 20-libong piso sa mga iligal na magsusuot ng mga naturang uniporme.

Nahaharap naman sa 5-taong pagkakakulong at multang 10-libong piso ang mga iligal na magbebenta ng tela nito.

Nilinaw naman ng mambabatas na hindi kasama sa mga papatawan ng parusa ang mga sibilyan na makikitang magsusuot nito.

Ayon kay Del Mar, nakasaad sa Article 177 ng Revised Penal Code na ang mga magsusuot at magpapakilalang alagad ng batas lamang ang papatawan ng parusa. (Grace Casin / Ruth Navales, UNTV News)

US Embassies sa Middle East at Africa, isinara kaugnay ng bantang pag-atake ng teroristang Al-Qaeda

$
0
0
CREDITS: US Embassy and Google Maps

CREDITS: US Embassy and Google Maps

ESTADOS UNIDOS – Ilang embahada ng Amerika sa Middle East at North Africa ang pansamantalang isinara dahil sa bantang pag-atake ng teroristang grupong Al-Qaeda.

Kabilang sa mga isinarang embahada at konsulado ay sa Jordan, Afghanistan, Bangladesh, Egypt, Israel, Saudi Arabia, Libya, Iraq at Kuwait.

Ang mga nabanggit na bansa ay kasama sa global terror threat na inilabas ng Interpol.

Ayon sa ulat, ngayong linggo isasagawa ang pag-atake ng teroristang grupo.

Samantala, tiniyak naman ng Malacañang na nakahanda ang Armed Forces of the Philippines (AFP) kaugnay sa bantang pag-atake ng Al Qaeda.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, nakikipag-ugnayan na sila sa National Security Agency para mabigyang seguridad ang embahada ng Amerika dito sa Pilipinas.

Wala pa namang namomonitor ang AFP na anumang banta ng terorista sa bansa. (UNTV News)

2 long weekends, aasahan ngayong Agosto

$
0
0
GRAPHICS: 2 long weekends for August 2013 (UNTV News)

GRAPHICS: 2 long weekends for August 2013 (UNTV News)

MANILA, Philippines – May aasahang dalawang long weekend ang publiko ngayong Agosto ayon sa Malacañang,

Una rito ay sa Agosto 9 (Biyernes) hanggang 11 (Linggo) na idineklarang regular holiday bilang pakikiisa sa Ed’l Fit’r.

Ang ikalawang long weekend naman ay mula Agosto 24 (Sabado) hanggang 26 (Lunes) dahil sa National Heroes Day na isa ding regular holiday.

Wala namang pasok ang mga taga-Quezon City sa Agosto 19 (Lunes) na idineklarang special non-working holiday dahil sa Quezon City Day ayon sa Republic Act 6741.

Samantala, special non-working holiday din sa buong bansa sa Agosto 21, araw ng Miyerkules matapos itong ideklara na Ninoy Aquino Day. (UNTV News)

“Awit ng Puso”, nagwaging song of the week sa ASOP TV

$
0
0
Ang singer at composer ng "Awit ng Puso" na tinanghal na unang ASOP Song of the Week para sa buwan ng Agosto. Binigyang buhay ni "Random Girl" Zendee Rose Tenerefe (red) ang likhang awit ni Janine Liao na isa ring professional singer. (GAYE FRITZ OFILAS / Photoville International)

Ang singer at composer ng “Awit ng Puso” na tinanghal na unang ASOP Song of the Week para sa buwan ng Agosto. Binigyang buhay ni “Random Girl” Zendee Rose Tenerefe (red) ang likhang awit ni Janine Liao na isa ring professional singer. (GAYE FRITZ OFILAS / Photoville International)

MANILA, Philippines — Buwena-manong weekly winner sa buwan ng Agosto ang “Awit ng Puso” sa A Song of Praise (ASOP) Music Festival, Linggo ng gabi.

Komposisyon ito ng isang professional singer na si Janine Liao na binigyang buhay ng YouTube sensation at kilala bilang “Random Girl” na si Zendee.

“I’m super grateful, tapos sobrang thank you din talaga. Si Zendee pa ang naging interpreter di ba? Nagka-soul ang kanta ko,” masayang pahayag ni Janine.

Ayon naman kay Zendee, “ngayon po yung kinanta ko dito parang feeling ko kanta ko siya na kailangan ko pa siyang galingan nang galingan.”

Tinalo ng naturang awit ang mga komposisyon nina Edward Ting na “Aking Pupurihin Magpakailanman” na inawit ni Harry Santos at ang “Samahan ang Puso” ni Christopher John Marquez na inawit naman ni Lambert Reyes.

Samantala, kapwa naman nagpahayag ng suporta sa ASOP ang dalawang naging panauhing hurado na sina pop rock artist Lou Bonnevie at sikat na direktor na si Carlos Siguion-Reyna.

“ASOP is a wonderful program.  I think we should push and I think everyone should watch it because una sa lahat, it encourages songwriters and it helps OPM,” ani Lou Bonnevie.

Umaasa naman si Direk Carlos na magpapatuloy pa ang magandang konsepto ng ASOP TV para sa kapakanan ng mga kompositor at industriya ng musika sa bansa.

“I think maganda yung concept ng show kasi ang focus talaga is yung sa music composition at nabibigyan ng you know… nabibigyan ng feedback yung composer who is also the lyricist sa mga kasong ito.” (Adjes Carreon / Ruth Navales, UNTV News)

(LEFT-RIGHT) Ang mga kalahok na awitin nitong Linggo ay mabusising kinilatis nina ASOP Judges Mon del Rosario, Lou Bonnevie at Direk Carlos Siguion-Reyna. (FREDERICK ALVIOR / Photoville International)

(LEFT-RIGHT) Ang mga kalahok na awitin nitong Linggo ay mabusising kinilatis nina ASOP Judges Mon del Rosario, Lou Bonnevie at Direk Carlos Siguion-Reyna. (FREDERICK ALVIOR / Photoville International)

P2-M reward, ibibigay sa sinomang makapagtuturo sa suspek sa Limketkai bombing

$
0
0
Re-enactment ng Limketkai bombing (UNTV News CDO)

Re-enactment ng explosion scene sa Limketkai Complex sa Cagayan de Oro noong July 26. (UNTV News CDO)

CAGAYAN DE ORO CITY, Philippines – Nakahandang magbigay ng P2 milyong pabuya ang lokal na pamahalaan ng Cagayan De Oro sa sinomang makapagtuturo o makapagbibigay ng impormasyon sa suspek sa nangyaring pagpapasabog sa Limketkai Complex noong Hulyo 26.

Ibig iparating ni Cagayan De Oro City Mayor Oscar Moreno na seryoso ang pamahalaan na madakip ang salarin sa pambobomba sa lalong madaling panahon.

Magugunitang naglabas na ng artist sketch ng suspek ang mga awtoridad.

Samantala, tatlong kumpanya na ang iniulat na nagkansela ng flight patungong Cagayan De Oro dahil sa nangyaring pagpapasabog.

Dahil dito, nababahala ang pamahalaang lungsod ng CDO na posibleng madagdagan pa ang makakanselang biyahe ng eroplano kung hindi kaagad mareresolba ang kaso.  (Anne Sanchez / Ruth Navales, UNTV News)

PNP, nakahanda sa anomang banta ng terorista sa bansa

$
0
0
 PNP-PIO Chief Sr. Supt. Reuben Theodore Sindac ( UNTV News)

PNP-PIO Chief Sr. Supt. Reuben Theodore Sindac (UNTV News)

MANILA, Philippines — Hindi isinasawalang bahala ng Philippine National Police (PNP) ang travel warning ng United States (US) hinggil sa international terrorist threat.

Ayon kay PNP-PIO Chief Sr. Supt. Reuben Theodore Sindac, responsibilidad ng bawat bansa na protektahan ang kanilang mga kababayan na nasa Pilipinas.

“The US is keen on exercising this responsibility by alerting its citizens as well as allied law enforcement counterparts of potential terror threats.”

Kaugnay nito, dinagdagan na ang mga pulis na nagbabantay sa US Embassy sa Maynila kasunod na rin ng kahilingan ng mga ito.

“We take the recent worldwide travel warning issued by the US with serious attention and great concern, more so because there are domestic threat groups with links to international terrorist organizations that are operating in the Philippines,” pahayag pa ni Sindac.

Tiniyak rin ng heneral na laging nakaalerto ang mga tauhan ng PNP kaya’t hindi dapat magalala ang publiko.

Sa kasalukuyan ay wala pa naman aniya silang namomonitor na anomang banta ng terorismo sa bansa.

“Our own response to this worldwide travel warning is consistent with our own security procedures and protocols, particularly our 3-tiered defense system of intelligence, target-hardening and incident management”. (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)


“Tulong Muna, Bago Balita” ng UNTV, kinilala bilang kauna-unahan sa telebisyon

$
0
0
Si Mr. Public Service Kuya Daniel Razon habang tinatanggap ang pagkilala mula sa Movie Writers Welfare Foundation sa pangunguna ng presidente nitong si Ginang Emmy Abuan para sa adbokasiyang Tulong Muna Bago Balita na syang kauna-unahan sa industriya. (ARGIE PURISIMA / Photoville International)

Si Mr. Public Service Kuya Daniel Razon habang tinatanggap ang pagkilala mula sa Movie Writers Welfare Foundation sa pangunguna ng presidente nitong si Ginang Emy Abuan para sa adbokasiyang Tulong Muna Bago Balita na syang kauna-unahan sa industriya. (ARGIE PURISIMA / Photoville International)

MANILA, Philippines – Kinilala ng Movie Writers Welfare Foundation (MWWF) ang news and rescue advocacy ni Kuya Daniel Razon na “Tulong Muna, Bago Balita” bilang kauna-unahan sa kasaysayan ng telebisyon.

Lunes ng umaga, personal na ipinagkaloob ni MWWF president Emy Abuan kay Kuya Daniel ang isang plaque bilang pagkilala sa magaganda nitong adbokasiya para sa kapakanan ng publiko.

Pahayag ng MWWF president, “Ipinagkakaloob din namin ‘yung award dahil sa magagandang adbokasiya nya like ‘yung libreng sakay, libreng edukasyon, yung clinic nya, at tsaka yung news and rescue, yung tulong muna bago balita at ito na nga yung huling na tulong muna bago pasada”

“Well-researched yan. Actually, lalo na ngayon talagang extensive yung aming research dahil dun sa ginagawa naming public service award. Talagang trinaced naming yan eh actually trinaced namin yung buong broadcasting eh kaya nga alam naming maski na yung mobile radio studio nyo eh masasabi nating first ever. Ang kaibahan ng UNTV motivated ng pananampalataya sa Dios,” ani  Ed De Leon na Vice President ng MWWF.

Nagpapasalamat naman si Kuya Daniel sa MWWF sa naturang pagkilala bilang kauna-unahang nagsagawa ng “Tulong Muna, Bago Balita”.

“Umaasa kami na sa pamamagitan din ng mga ganitong bagay ay mas maraming makaalam na we are already doing this, na ito ay binibigyan ng pansin na sinisikap naman nating maipagpatuloy.”

Bukod sa “Tulong Muna, Bago Balita”, umarangkada na rin ang “Tulong Muna, Bago Pasada” kasama ang mga rescue trained na taxi drivers at operators bilang karagdagang pwersa sa pagsagip ng buhay ng mga naaaksidente sa lansangan.

Hinikayat naman ni Kuya Daniel ang lahat ng radio at TV networks na magkaisa sa pagbibigay ng tulong sa ating mga kababayan.

“I would encourage lahat ng networks, sana yung lahat ng mga networks magkatulong-tulong tayo na makapagbigay ng assistance sa ating mga kababayan with regards sa pagre-rescue. Kaya if possible ang bawat station ay magkaroon ng sarili nila na rescue team, maganda, sana dun sa punto na yun ay magkaroon ng pagkakaisa, kung halimbawang mayroon mang mga kompetisyon sa ratings o yung mga iba-ibang malalaking network, siguro maganda na pagdating naman sa pagtulong sa ating kapwa tao maging united naman ang mga networks para mas maraming mga kababayan tayong matulungan.” (Adjes Carreon / Ruth Navales, UNTV News)

Diskwalipikasyon ng COCOFED Party-list, pinagtibay ng Korte Suprema

$
0
0
(Credits: COCOFED partylist Facebook Account)

(Credits: COCOFED partylist Facebook Account)

MANILA, Philippines – Pinagtibay ng Korte Suprema ang disqualification ng Philippine Coconut Producers Federation (COCOFED) party-list.

Ayon sa korte, walang naging pag-abuso sa katungkulan ang Commission on Elections (COMELEC) nang kanselahin nito ang accreditation ng COCOFED dahil sa hindi nito pagsunod sa requirement na magsumite ng kumpletong listahan ng nominee.

Nabatid na hindi nakasunod ang nasabing party-list group sa requirement na magsumite ng limang pangalan ng kanilang nominees bago ang halalan nitong nakaraang Mayo.

Matapos ang eleksyon ay nagsumite sana ng kumpletong listahan ang COCOFED ngunit ayon sa COMELEC, pinal na ang cancellation ng accreditation nito. (Roderic Mendoza / Ruth Navales, UNTV News)

Senate probe sa CDO bombing, sisimulan bukas

$
0
0

IMAGE_UNTV-News_AUG052013_UNTV News_Limketkai_bombing

MANILA, Philippines – Sisimulan na ng senado bukas, Miyerkules ang imbestigasyon sa Cagayan De Oro bombing noong Hulyo 26.

Pangungunahan ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs ang pagsisiyasat na pinamumunuan ni Senador Grace Poe.

Sa isang pahayag, sinabi ni Senador Koko Pimentel na layunin ng senate investigation na mabigyang hustisya ang mga biktima ng pagsabog at maibalik ang imahe ng Cagayan De Oro bilang haven for peace and security.

“We must do all that needs to be done to bring justice to all concerned, and above all, restore the reputation of the City as a haven of peace and security for our residents and visitors,” anang senador. (Bryan De Paz / Ruth Navales, UNTV News)

Seguridad sa Metro Manila hihigpitan; social media account, inilunsad ng NCRPO

$
0
0
GRAPHICS: Metro Manila Hotspots and NCRPO Social Media accounts and mobile numbers (UNTV News)

GRAPHICS: Metro Manila Hotspots and NCRPO Social Media accounts and mobile numbers (UNTV News)

MANILA, Philippines — Paiigtingin ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang pagbabantay sa limang hot spots area sa Metro Manila upang mapababa kundi man tuluyang mawala ang kriminalidad.

Kabilang sa tinukoy na limang hotspots ang Baclaran, Cubao, Monumento, Kalentong at University Belt na may pinakamataong lugar sa Metro Manila.

Ayon sa pinuno ng NCRPO na si Chief Supt. Marcelo Garbo, magdaragdag din sila ng 600 pulis sa Metro Manila upang magbantay sa mga nabanggit na lugar.

“Come up to a memo directive to all district directors and ground  commanders to further intensify security measures on vital installations and business establishments, and people and areas where there is high traffic of people because of issues, one is global security alert and the incidents happening in Mindanao,” pahayag ni Garbo.

Naglunsad na rin ang NCRPO ng social media accounts tulad ng twitter, facebook at SMS para sa bukas na komunikasyon sa publiko, 24/7, na maaaring makatulong sa paglaban sa kriminalidad.

“This is very important to the police force so that well have good pictures of the crime situation in the peace and order in Metro Manila.”

Kaugnay nito, binigyan ni Garbo ng tatlong buwan na ultimatum ang mga hepe ng pulisya para mapababa ang krimen sa kanilang nasasakupan.

Aniya, “tayo china-challenge natin ung ating kapulisan, three months, kung hindi magpalitan na tayo.”

Samantala, muli namang tiniyak ng pamunuan ng NCRPO na walang dapat ikabahala ang publiko dahil wala naman silang namo-monitor na pagbabanta sa seguridad sa Metro Manila. (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)

Kaso ng heat stroke sa Shanghai, China, tumataas

$
0
0
Children play in a fountain in Shanghai, China, as temperatures soar during a heatwave (REUTERS/Carlos Barria)

Children play in a fountain in Shanghai, China, as temperatures soar during a heatwave (REUTERS/Carlos Barria)

SHANGHAI, China – Patuloy na tumataas ang bilang ng mga biktima ng heat stroke sa bansang China dahil sa sobrang init ng panahon na namamayani sa bansa.

Dahil dito, nagbabala sa publiko ang mga dalubhasa sa Shanghai na mag-ingat tuwing lumalabas ng kanilang bahay.

Sa tala ng Health Ministry ng China, tinatayang nasa 11 na ang nasawi sa Shanghai dahil sa heat stroke at karamihan sa mga ito ay matatanda.

Ayon sa local meteorological department doon, naitala ang pinakamainit na temperatura noong buwan ng Hulyo na umabot sa 40°C. Pinakamainit umano ito sa nakalipas na sampung taon.

“Ngayon umaabot ng 40, 37 degrees, ang pinakamapanganib ngayon ay ang tinatawag nating heat stroke or tinatawag na heat injuries o overheat ng kaatwan,” pahayag ni Dr. Michael Ong, Suntec, Shanghai, China.

Dahil sa mainit na panahon, dagsa ngayon ang maraming tao sa beaches at swimming pools.

Payo naman ng ilang eksperto, iwasan muna ang outdoor activities upang hindi ma-heat stroke at kung hindi maiiwasan ay huwag kalimutang magdala ng inuming tubig.

“The best way to prevent is to avoid extreme weather, kapag lumagpas na sa body temperature (36-37 degrees) mas maganda i-cancel nalang ninyo ang mga outdoor activities ninyo. Kung kailangan talaga ay magdala kayo ng water or sports drink para hindi kayo matuyo,” ani Dr. Ong. (Dulce Alarcon / Ruth Navales, UNTV News)

Viewing all 18481 articles
Browse latest View live