Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all 18481 articles
Browse latest View live

Palasyo, muling nanawagan ng suporta sa Bangsamoro community sa Mindanao

$
0
0
Ang ilan sa mga miyembro ng MILF o Moro International Liberation Front na tumulong sa Armed Forces of the Philippines sa pagpapanatili ang kaayusin at kapayapaan nitong nakaraang 2013 midterm election. (RITCHIE TONGO / Photoville International)

FILE PHOTO: Ang ilan sa mga miyembro ng MILF o Moro International Liberation Front na tumulong sa Armed Forces of the Philippines sa pagpapanatili ang kaayusin at kapayapaan nitong nakaraang 2013 midterm election sa Maguindanao Province. Ang pagtutulungang ito ng pwersa ng gobyerno at ng dating rebeldeng grupo ay bunga ng mga usapang pangkapayapaan sa bahaging ito ng bansa. (RITCHIE TONGO / Photoville International)

MANILA, Philippines – Kinumpirma na ng Malacañang ang panibagong ulat na umano’y pagdedeklara ng pagsasarili o independence ni Moro National Liberation Front (MNLF) founding chair Nur Misuari.

May kaugnayan umano ito sa usapang pangkapayaan ng pamahalaan at Moro Islamic Liberation Front (MILF) na maaring matapos na ngayong buwan.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, may mga MNLF commander na nagpahayag ng suporta sa Bangsamoro framework agreement.

“A number of MNLF commanders have already spoken in favor of the Bangsamoro Framework Agreement.”

Nanawagan din ang palasyo sa Bangsamoro community partikular na kay Misuari na ipakita ang buong suporta sa peace process para sa interes ng buong rehiyon.

“Possibility of investments to Muslim Mindanao certainly the people in Mindanao would know better where to look at what to favor and that is the same thing what we ask from Nur Misuari not to look at his personal interest,’ pahayag pa ni Lacierda.

Inaasahang ngayong buwan ay ipagpapatuloy ang usapang pangkapayaan ng MILF at pamahalaan sa Malaysia.

Target ng pamahalaan na matapos na ang pag-uusap tungkol  sa power sharing at normalization annexes ng mga natitirang isyu sa Bangsamoro framework agreement. (Nel Maribojoc / Ruth Navales, UNTV News)

FILE PHOTO: Si Moro National Liberation Front  Founding Leader Nur Misuari (L) kasama ang kanyang asawa na si Tarhata (2-L) sa pakikipagpulong Sultan Jamalul Kiram III (R-seated) ng Sultanate of Sulu kasama ang asawa naman nito na si Fatima (R-standing) sa Taguig City noong March 05, 2013. (PHOTOVILLE International)

FILE PHOTO: Si Moro National Liberation Front Founding Leader Nur Misuari (L) kasama ang kanyang asawa na si Tarhata (2-L) sa pakikipagpulong Sultan Jamalul Kiram III (R-seated) ng Sultanate of Sulu kasama ang asawa naman nito na si Fatima (R-standing) sa Taguig City noong March 05, 2013. (PHOTOVILLE International)


Bilang ng mga namatay dahil sa Bagyong Labuyo, umakyat na sa pito

$
0
0
 A handout photo released by Philippine Military Northern Luzon Command-Public Information and Affairs Office (NOLCOM-CIO) on 14 August 2013 shows an aerial shot of damage to homes in the typhoon devastated town of Casiguran, Aurora province, Philippines, on 13 August 2013. Typhoon Utor moved away from the Philippines leaving six people dead and more than 36,000 displaced, the civil defence office said. Utor, packing maximum sustained winds of 160 kilometres per hour (kph) and gusts of up to 195 kph, was moving towards south-eastern China at 19 kph, the weather bureau said. Eleven people were missing in the wake of the typhoon, including nine fishermen, the Office of Civil Defence said.

A handout photo released by Philippine Military Northern Luzon Command-Public Information and Affairs Office (NOLCOM-CIO) on 14 August 2013 shows an aerial shot of damage to homes in the typhoon devastated town of Casiguran, Aurora province, Philippines, on 13 August 2013. Typhoon Utor (LABUYO) moved away from the Philippines leaving six people dead and more than 36,000 displaced, the civil defence office said. Utor, packing maximum sustained winds of 160 kilometres per hour (kph) and gusts of up to 195 kph, was moving towards south-eastern China at 19 kph, the weather bureau said. Eleven people were missing in the wake of the typhoon, including nine fishermen, the Office of Civil Defense said.

MANILA, Philippines — Umakyat na sa pito ang bilang ng mga namatay, habang pito rin ang nasugatan dahil sa paghagupit ng Bagyong Labuyo sa bansa.

Kabilang sa mga nasawi sina Jomar Silicon, Reynaldo Dela Cruz, Alvin Sesante, Nelson Fuentes, Samson Dimante, Romeo Gonzales at Benie Almario Labios.

Karamihan sa mga ito ay nasawi dahil sa pagkalunod at inanod ng flash floods.

Nangangamba naman ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na tumaas pa ang bilang ng mga nasawi dahil mayroon pang lima na patuloy na pinaghahanap.

Kabilang sa mga nawawala sina Julio Balanoba, Jonar Villeno, Orlando Candelaria, Danilo Tulay, at Aristotle Pestano.

Sa kasalukuyan ay umabot na sa 45,249 pamilya ang naapektuhan ng bagyo na nakakalat sa 83 evacuation centers sa iba’t ibang lugar.

Umabot rin sa 5,868 mga bahay ang nasira at 13 mga tulay ang hindi madaanan sa Region 2 at Region 3, habang bumagsak rin ang komunikasyon dahil sa mga nasirang poste at cell sites.

Halos isang bilyong piso naman ang halaga ng iniwang pinsala ng bagyo sa imprastraktura at agrikultura.

Sa ngayon ay umabot na sa 5 ang mga bayan at lalawigan na nagdeklara ng state of calamity kabilang dito ang bayan ng Candelaria, Sta Cruz, at Masinloc sa Zambales, mga probinsya ng Aurora at Quirino.

Sa ngayon ay patuloy na ang pamimigay ng tulong ng pamahalaan, LGU’s at ilang NGO’s sa mga apektadong lugar sa bansa. (Mon Jocson / Ruth Navales, UNTV News)

Pagsabog sa San Juan noong Sabado, walang indikasyon na bomba ang pinagmulan — Roxas

$
0
0
FILE PHOTO: DILG Sec. Mar Roxas (UNTV News)

FILE PHOTO: DILG Sec. Mar Roxas (UNTV News)

MANILA, Philippines — Hindi bomba ang sanhi ng pagsabog sa Wilson Street, San Juan noong Sabado ng madaling araw.  

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas, walang nakita ang Explosive Ordnance Disposal (EOD) Team na secondary devices at crater na karaniwang nakikita kapag likha ng bomba o improvise explosive device.

Dagdag pa ni Roxas, posibleng gas explosion ang nangyari ngunit inaalam pa kung saang establisyimento nagmula ang gas leak.

“Chineck din nila kung may crater o mga ebidensya na pangkaraniwang nakikita sa pagsabog ng bomba, wala naman silang nakita… yung mga aso na umikot hindi rin nagbigay ng indikasyon na bomba…”

Dagdag pa ng kalihim, “sa indikasyon ng EOD, hindi bomba at maaari na gas related ito.”

Magugunitang umabot sa pito ang nasugatan sa naganap na pagsabog.

Kabilang sa mga biktima sina Allan Cabana Maurie at Julius Ras na pawang mga empleyado ng laundry shop malapit sa restaurant, at si Jaime Arvin Tacdoro na nananatili pa rin sa ospital dahil sa tinamong sunog sa katawan.

Sa kasalukuyan ay bukas na sa mga motorista ang Wilson Street na isinara dahil sa naganap na pagsabog. (UNTV News)

Klase sa mga paaralan sa Metro Manila at karatig lalawigan, sinuspinde ng Malacañang

$
0
0
Dahil sa malakas ng pagbuhos ng ulan, gabi pa lamang nitong  Linggo ay kaliwa't kanan na ang pagbaha tulad ng sa lugar na ito ng Rizal Avenue sa Sta.Cruz, Manila. Dahil dito, may mga Local Government Units na ang nagdesisyon na magsupinde ng klase at pasok para sa kinabukasan. (DARWIN DEE / Photoville International)

Dahil sa malakas ng pagbuhos ng ulan, gabi pa lamang nitong Linggo ay kaliwa’t kanan na ang pagbaha tulad ng sa lugar na ito ng Rizal Avenue sa Sta.Cruz, Manila. Dahil dito, maraming mga paaralan at local government units na ang nagdesisyon na magsupinde ng klase at pasok para sa kinabukasan. (DARWIN DEE / Photoville International)

MANILA, Philippines – Suspendido ang klase ngayong araw sa maraming paaralan sa Metro Manila at karatig lalawigan dahil sa epekto ng Bagyong Maring na pinaigting ng hanging habagat.

Batay sa ipinalabas na kautusan ng Malacañang, walang pasok sa Caloocan, Cainta, Makati, Malabon, Mandaluyong, Manila, Marikina, Muntinlupa, Navotas, Parañaque, Pasay, Pasig, Pateros, San Juan, Taguig at Valenzuela City.

Suspendido rin ang klase sa ilang ss na kolehiyo:

La Salle Greenhills

St. Scholastica

UE Manila and Caloocan (preschool to high school)

UP Manila

Lyceum of the Philippines Manila

Jose Rizal University (all levels)

University of Sto. Tomas (all levels)

Sta. Isabel College (all levels)

Aguinaldo International School, Ermita, Manila (all levels)

Xavier School Nuvali (all levels)

College of St. Benilde

De La Salle University Taft, Makati, and DLSU – STC (all levels)

Arellano University – Main Campus (all levels)

Mapua – Intramuros and Makati (all levels)

Adamson University (all levels)

University of Baguio (all levels)

University of the Philippines – Los Baños

Don Bosco Technical College – Mandaluyong (all levels)

Wala na ring pasok ngayong araw ang mga empleyado sa tanggapan ng pamahalaan maliban lamang sa mga ahensyang may kinalaman sa disaster risk reduction and management tulad ng DSWD at DOH.

Samantala, sa Quezon City walang pasok ang mga paaralan at mga tanggapan ngayong araw dahil sa Quezon City Day bilang paggunita sa kaarawan ni dating panagulong Manuel L. Quezon. (UNTV News)

Mahigit 300 pamilya sa Marikina, lumikas

$
0
0
Ang mga nilikas na Marikenyong apektado ng pagtaas ng Marikina River (UNTV News)

Ang mga nilikas na Marikenyong apektado ng pagtaas ng Marikina River (UNTV News)

MARIKINA, Philippines — Napilitang lumikas ang mahigit 300 pamilya sa Marikina City matapos umakyat sa alert level 2 o 16 meters ang lebel ng tubig sa Marikina River.

As of 3:20AM ngayong Lunes, mahigit 160 pamilya o mahigit 800 residente ng barangay Malanday ang lumikas sa Filipinas Village covered court, Malanday Elem. School at Bulelak Gym.

Mahigit 130 pamilya o 650 indibidwal naman ang inilikas sa H. Bautista Elem. School sa barangay Tumana sa Marikina.

Siniguro naman ni Mayor Del De Guzman na nakahanda ang lokal na pamahalaan ng Marikina sakaling kailanganing ilikas ang maraming residente.

“Ayon sa forecast, aabot ng 17 pero kapag 18, mataas na yun, may mga areas tayo na identified na natin na babahain dapat yun ang unang mailikas natin,” anang opisyal.

Ayon kay kagawad VJ Sabiniano ng barangay Sto. Niño, nakaantabay na ang kanilang speed boat sakaling tuluyang umapaw ang tubig sa ilog.

“Basta kapag umabot ng 1st alarm, ibinababa na namin ang speedboat namin.”

Sa ngayon ay ibinalik na sa alert level 1 Marikina River. (Jerico Albano / Ruth Navales, UNTV News)

Biyahe ng mga barko sa Batangas Port, tuloy pa rin sa kabila ng malakas na pag-ulan

$
0
0
FILE PHOTO: Batangas Port (UNTV News)

FILE PHOTO: Batangas Port (UNTV News)

BATANGAS, Philippines — Sa kabila ng malakas at patuloy na pag-ulan dahil sa Bagyong Maring, tuloy pa rin ang biyahe ng mga sasakyang pandagat sa Batangas Port.

Ayon sa Philippine Ports Authority (PPA), normal pa rin ang sitwasyon sa nasabing pantalan dahil wala pang itinataas na babala ng bagyo ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa kabila nito, pinapayuhan ang mga mangingisda na huwag munang pumalaot dahil sa malalaking alon sa dagat sanhi ng bagyo na sinabayan pa ng habagat.

Sa ngayon ay nakaalerto na ang Provincial at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC/MDRRMC) sa posibleng maging epekto ng hanging habagat at Bagyong Maring sa mga lugar na kanilang nasasakupan.

Patuloy ring nagpapaalala ang pamahalaang panlalawigan ng Batangas na mag-ingat at maging mapagmatyag lalo na sa mga nakatira sa itinuturing na danger zone sa posibleng pagguho ng lupa o landslide at flashflood.

Ngayong araw ay kanselado na ang pasok sa pre-school at grade school sa mga pampubliko at pribadong eskwelahan sa buong lalawigan. (Reymar Origenes / Ruth Navales, UNTV News)

Ilang bayan sa Bulacan, umabot na sa lagpas bewang ang baha; klase, suspendido

$
0
0
FILE PHOTO: Ang lampas baywang na pagbaha sa isang lugar sa Bulacan noong panahon ng Habagat, Agosto rin noong nakaraang taon. (RODGIE CRUZ / Photoville International)

FILE PHOTO: Ang lampas baywang na pagbaha sa isang lugar sa Bulacan noong panahon ng Habagat, Agosto rin noong nakaraang taon. (RODGIE CRUZ / Photoville International)

 BULACAN, Philippines – Suspendido ngayong araw ng Lunes ang klase sa ilang bayan sa Bulacan na apektado ng baha at malakas na buhos ng ulan dulot ng Bagyong Maring.

Walang pasok mula pres-school hanggang highschool sa mga pribado at pampublikong paaralan sa bayan ng Bocaue, Malolos City, San Jose Del Monte City at Hagunoy.

Wala ring pasok mula elementary hanggang kolehiyo sa bayan ng Marilao at Obando.

Sa ngayon ay umabot na sa isa hanggang tatlong talampakan ang baha sa 7 barangay sa Marilao kabilang ang barangay Nagbalon, Liyas Road, Ibayo, Tabing Ilog, Abangan Sur at Norte.

Not passable naman sa mga light vehicle ang Mc Arthur Highway sa Marilao at Meycauyan dahil sa lagpas-bewang na baha.

Umabot na rin hanggang hita ang baha sa 8 barangay sa bayan ng Meycauyan kabilang dito ang barangay Gasak; habang hanggang binti naman ang tubig-baha sa Longos, Calvano, Zamora, Saluysoy at Pandayan.

Inaasahang tataas pa ang tubig-baha sa bayan ng Hagunoy at Obando dahil sa high tide. (Nestor Torres / Ruth Navales, UNTV News)

1st Death Anniversary ni DILG Secretary Jesse Robredo, ginunita rin sa Masbate

$
0
0
After the tsinelas walk, Atty. Leni Robredo, accompanied by her daughters, unveiled the bust of Sec. Jesse Robredo at the Eternal Gardens in Naga City. (CREDITS: Atty. Leni Gerona Robredo Official Facebook Fan Page)

After the tsinelas walk, Atty. Leni Robredo, accompanied by her daughters, unveiled the bust of Sec. Jesse Robredo at the Eternal Gardens in Naga City. (CREDITS: Atty. Leni Gerona Robredo Official Facebook Fan Page)

MASBATE CITY, Philippines — Bukod sa Naga City, pinangunahan rin ni Camarines Sur Rep. Maria Leonor “Leni” Robredo ang paggunita sa unang anibersaryo ng pagkamatay ng kaniyang asawa na si DILG Secretary Jesse Robredo nitong Sabado sa Masbate City.

Gamit ang dalawang barko ng Philippine Navy at ilang sasakyan pandagat, tinungo ng grupo ang mismong crash site kung saan bumagsak ang eroplano ng dating kalihim.

Naghulog rin ng tombstone o lapida sa crash site ang pamunuan ng pamahalaang panlalawigan ng Masbate bilang pag-alaala sa namayapang kalihim.

Nauna rito ay nagsagawa muna ng pre-diving ang Philippine Coast Guard (PCG) noong Biyernes upang malaman kung saan ilalagay ang boya na pinakapalatandaang lugar sa pinagbagsakan ng eroplano.

Matatandaang bumagsak ang Piper Seneca plane na sinasakyan ni Robredo noong August 18, 2012 sa karagatang sakop ng Masbate.

Kasamang nasawi sa trahedya ang piloto ng eroplano na si Jessup Bahinting at ang Nepalese student pilot na si Chitiz Chand. (Gerry Galicia / Ruth Navales, UNTV News)


MARINA, pinagpapaliwanag ng mga kongresista kaugnay sa nangyaring banggaan ng 2 barko sa Cebu

$
0
0
FILE PHOTO: MV St.  Gregory the Great. Isa sa mga pampasaherong barko ng 2GO Shipping Company na siyang may ari ng lumubog na MV St. Thomas Aquinas sa Cebu nitong Agosto 18, 2013. (NAOMI SORIANOSOS / Photoville International)

FILE PHOTO: MV St. Gregory the Great. Isa sa mga pampasaherong barko ng 2GO Shipping Company na siyang may ari ng lumubog na MV St. Thomas Aquinas sa Cebu nitong Agosto 18, 2013. (NAOMI SORIANOSOS / Photoville International)

MASBATE CITY, Philippines – Nais malaman ng ilang kongresista ang naging dahilan sa nangyaring banggaan ng MV Thomas Aquinas ng 2GO Shipping Lines at  Sulpicio Express 7 noong madaling araw ng Biyernes sa karagatan ng Cebu.

Isang resolusyon ang nakatakdang ihain ni Kabataan Party-List Representative Teri Ridon upang imbestigahan kung sinu-sino ang nagkaroon ng kapabayaan sa nangyaring aksidente.

Nais rin ng kongresista na pagpaliwanagin si Maritime Industry Authority (MARINA) Administrator Maximo Mejia kung bakit pinayagang makapaglayag ang isang 40-taong gulang na barko.

“The fact that we are allowing 40-year old ferries like MV St. Thomas Aquinas tells us that something is amiss in the supervision and regulation of water transport vessels in the country,” anang kongresista. (Grace Casin / Ruth Navales, UNTV News)

Cagayan De Oro, nakiisa rin sa nationwide protest vs pork barrel

$
0
0
Cagayan De Oro Google Map

Cagayan De Oro Google Map

CAGAYAN DE ORO CITY, Philippines – Nakiisa ang lungsod ng Cagayan De Oro sa malawakang rally kontra pork barrel nitong Lunes, Agosto 26.

Kabilang sa nakiisa sa nationwide protest ay ang grupong Bayan, Kadamay, Gabriela, Katawhan Kontra Korapsyon (KKK) , ilang religious organization, grupo ng mga kabataan at iba pa.

Nais ng mga ito na maipahayag ang kanilang saloobin ukol sa ginawang pahayag ni Pangulong Benigno Aquino III na pagsasaayos sa pork barrel.

Hinamon ng mga raliyista si Pangulong Aquino na isali ang sarili sa pagliliquidate ng Priority Development Assistance Fund (PDAF).

Nais ring hingin ng mga nagpoprotesta ang paliwanag nina Congressmen Rufus Rodriguez at Klarex Uy patungkol sa pagkakadawit nila sa kaso ni Napoles. (Arman Leonor / Ruth Navales, UNTV News)

Awiting “Salamat sa Iyo”, pasok na sa ASOP Year 2 grand finals

$
0
0
Ang panghuling nakapasok sa grand finals ng A Song of Praise Music Festival, ang song for the month of August: "Salamat sa Iyo". Ito ay sa komposisyon ni Mr. Wilfredo Zabala at binigyang buhay ni Ms. Eva Castillo. (PRINCE MARQUEZ / PHOTOVILLE International)

Ang panghuling nakapasok sa grand finals ng A Song of Praise Music Festival Year 2, ang song for the month of August: “Salamat sa Iyo”. Ito ay komposisyon ni Mr. Wilfredo Zabala na binigyang buhay ni Ms. Eva Castillo. (PRINCE MARQUEZ / PHOTOVILLE International)

MANILA, Philippines – Grand finalist na ang awiting “Salamat sa Iyo” matapos itong tanghaling panghuling “song of the month” ng A Song of Praise o ASOP Music Festival, Linggo, Agosto 25, 2013.

Labis na ikinatuwa ng kompositor ng naturang awit na si Wilfredo Zabala at maging ang interpreter na si Eva Castillo ang pagkapanalo dahil sa mga pinagdaanan nito.

“Talagang hindi ko po inaasahan. Talagang masayang masaya po ako dahil hindi ko po inaasahan na mananalo po ako, kumabaga nakuha din po sa pilit. Salamat sa Dios,” masayang pahayag ni Wilfredo.

“Siguro dala ng humingi talaga ako sa Kanya ng awa.  Sige na po ipasok nyo na po ako sa finals, parang ganun. Tapos at the same time po si baby po may sakit, parang sinasama ko na yung dasal ko dun sa kanta ko na para gumaling sya,’ anang magaling na singer.

Samantala, naging hudyat naman ang pagkapanalo ng awiting “Salamat sa Iyo” sa pagsisimula ng pagboto sa pamamagitan ng text sa labindalawang entries ng ASOP Year 2 finals.

Ang mga makukuhang boto sa text ay magiging bahagi ng score ng mga naturang entry para tanghaling “song of the year”.

Maaari nang bumoto ngayon ng ilang beses sa inyong paboritong awitin bago ang naturang grand finals night sa September 9. (Adjes Carreon / Ruth Navales, UNTV News)

(Left-Right) Ang mga nagsilbing hurado para sa August monthly finals ng A Song of Praise Music Festival na sina Mon Del Rosario, Pinky Amador at Ito Rapadas. (PRINCE MARQUEZ / Photoville International)

(Left-Right) Ang mga nagsilbing hurado para sa August monthly finals na ito ng A Song of Praise Music Festival na sina Mon Del Rosario, Pinky Amador at Ito Rapadas. (PRINCE MARQUEZ / Photoville International)

Imbestigasyon sa pork barrel scam, pangungunahan ng Ombudsman

$
0
0
Part of Infographics: AFTER PDAF: What the government will do after abolishing the Pork Barrel (Official Gazette of the Republic of the Philippines / www.gov.ph)

Part of Infographics: AFTER PDAF: What the government will do after abolishing the Pork Barrel (Official Gazette of the Republic of the Philippines / www.gov.ph)

MANILA, Philippines – Isang joint press conference ang isinagawa ngayon ni Justice Secretary Leila De Lima at Ombudsman Conchita Carpio-Morales ukol sa di-umano’y pork barrel scam sa Office of the Ombudsman.

Sinabi ni De Lima na magkakaroon ng parallel probe ang DOJ at Ombudsman kaugnay sa naturang scam na isinasangkot ang may-ari ng JNL Corporation na si Janeth Lim Napoles at ilang mambabatas.

Aniya, ang Inter-agency Anti-graft Coordinating Council ay pamumunuan ng Ombudsman at siyang mag-iimbestiga sa sinabing maling paggamit ng pork barrel na naihayag sa inilabas na report ng Commission on Audit (COA).

Ayon naman kay Ombudsman Morales, hindi lamang sila magbabase sa COA report kundi magsasagawa sila ng malalim na imbestigasyon.

Dagdag pa ng Ombudsman asahan ng taong bayan ang kredibilidad ng kanilang imbestigasyon at hindi sila papagamit kanino man. (UNTV News)

Distribusyon ng lot allocation certificate sa Hacienda Luisita, hiniling na mapawalang-bisa

$
0
0
FILE PHOTO: Hacienda Luisita Farmers (UNTV News)

FILE PHOTO: Hacienda Luisita farmers (UNTV News)

MANILA, Philippines – Nagprotesta sa harap ng Korte Suprema ang Alyansa ng Manggagawang Bukid sa Asyenda Luisita (AMBALA) upang muling ipanawagan ang pagpapawalang-bisa sa distribusyon ng lot allocation certificate ng Department of Agrarian Reform (DAR).

Ayon kay AMBALA acting Chairperson Pong Sibayan, nagiging ugat umano ng kaguluhan sa pagitan ng mga magsasaka ang ginawang proseso ng DAR dahil hindi ibinigay sa mga magsasaka ang mga loteng binubungkal at napagyaman na nila simula noong 2005.

Sa kabila ng hindi nakiisa sa raffle ng DAR ang mga benepisaryong kasapi sa AMBALA, inihayag ng DAR na natapos na ang raffle ng lot allocation certificate nitong nakaraang August 19.

Ayon kay DAR Undersecretary Anthony Parungao, 90 porsyento ng mga benepisaryo ang nabigyan na ng lot allocation certificate at pumirma na sa application to purchase and farmers undertaking.

Kakailanganin ang dalawang dokumento upang makakuha ng titulo ng lupa ang mga benepisaryo.

Ayon pa sa DAR, matapos ang raffle ng lot allocation certificate ay sinimulan na ng ahensiya ang pagpoproseso ng certificate of land ownership award o CLOA na ipamimigay sa mga magsasaka. (Roderic Mendoza / Ruth Navales, UNTV News)

MMDA, Judiciary at AFP, wagi sa mga laro sa UNTV Cup eliminations nitong Linggo

$
0
0
Target Range: Aiming a fire using a target range done by no 22 Johnson R. Pangilinan of MMDA is a hard task when the team facing the tough defense of DOJ. This photo taken August 25 2013 in Ynares Sports Complex.

Team MMDA jersey #22 Johnson Pangilinan para sa isang field goal attempt sa laban nila kontra DOJ nitong Agosto 25, 2013 sa Ynares Sports Complex. (MARLON BONAJOS / PHOTOVILLE International)

MANILA, Philippines – Halos mapuno ang Ynares Sports Arena nitong Linggo sa dami ng nanood sa pagpapatuloy ng elimination round ng first UNTV Cup.

Sa unang game, ipinaramdam ng team MMDA ang bangis nito sa hard court matapos na ipalasap sa team DOJ ang ikaapat nitong sunod na pagkatalo sa torneo sa pamamagitan ng 36 point win, 108-72.

Bumida para sa MMDA ang forward na si Gilbert Sosa na gumawa ng importanteng 12 points sa laro.

Sa ikalawang laro, naitala naman ng Judiciary ang three consecutive victory sa liga makaraang dominahin ang laro kontra sa Philhealth team sa score na 103-85.

Ang dating PBA Player na si Don Camaso na naglalaro para Team Judiciary. (RODEL LUMIARES / Photoville International)

Ang dating PBA Player na si Don Camaso na naglalaro para Team Judiciary. (RODEL LUMIARES / Photoville International)

Nanguna sa panig ng Judiciary ang 6-foot-7 center na si Don Camaso na nagtala ng double-double 25 points at 15 rebounds.

Samantala sa final game, nakabalik na sa win column ang AFP makaraang talunin ang Congress-LGU team sa score na 110-83.

Tinanghal na best player of the game ang top 6 scorer ng liga na si Winston Sergio, na umiskor ng 38 points at kumabig ng 9 rebounds.

Ang tinanghal na best player para sa 3rd game na  si Winston Sergio mula sa Team AFP. (REY VERCIDE / Photoville International)

Ang tinanghal na best player para sa 3rd game na si Winston Sergio mula sa Team AFP. (REY VERCIDE / Photoville International)

Nananatili pa rin sa itaas ng standings ang PNP na mayroong tatlong panalo at wala pa ring talo.

Nasa solong ikalawang pwesto naman ang Judiciary na may 3 wins at 1 loss, habang nag-iisa naman ang MMDA sa ikatlong posisyon na may 2-1 win loss record.

Nagsosyo naman ang Philhealth at AFP sa fourth place na may identical 2-2 record.

Bumagsak sa ikalimang pwesto ang Congress-LGU sa pagkakaroon ng 1 win at 3 losses, habang ang team DOJ ay hindi pa rin nakakaahon sa ilalim ng standings na mayroong apat na kabiguan. (Ryan Ramos / Ruth Navales, UNTV News)

(JUN RAPANAN / Photoville International)

Sa pagkahadlang ng Team Judiciary sa Philhealth na makapanaig sa kanilang laban ay solo nitong pinanghahawakan ang ikalawang pwesto sa liga na may kartadang 3-1 samantalang kasama naman ng Team AFP ang Philhealth sa ika-apat na pwesto sa record na 2 panalo at 2 talo. (JUN RAPANAN / Photoville International)

Cordillera RDRRMC, naka-red alert na dahil kay Bagyong Nando

$
0
0
MTSAT ENHANCED-IR Satellite Image 5:32 p.m., 27 August 2013 (PAGASA-DOST)

MTSAT ENHANCED-IR Satellite Image 5:32 p.m., 27 August 2013 (PAGASA-DOST)

MANILA, Philippines – Nasa red alert status ngayon ang Cordillera Risk Reduction and Management Council habang patuloy na binabaybay ni Bagyong Nando ang direksyong north northwest sa bilis na 15 kilometers per hour.

Ayon kay NDRRMC Spokesman Major Reynaldo Balido, maaga na nilang inalerto ang mga lugar na posibleng maapektuhan ng Bagyong Nando partikular ang CARAGA Region, Region 8, Bicol Region, Region 3 at Region 2.

Pinaghahanda na ang mga ito sa mga posibleng pagbaha at lanslides.

Nananatili namang nasa blue alert status ang NDRRMC sa Quezon City mula ng manalasa ang habagat. (LEY ANN LUGOD / UNTV News)


Bagong traffic scheme, pinag-aaralan na ng Quezon City government

$
0
0
Google Map: EDSA-CUBAO, Aurora Boulevard, E. Rodriguez Sr. Avenue

Sa ilalim ng panukalang pagbabago ng traffic scheme sa Quezon City, ang E. Rodriguez Sr. Avenue ay magiging one way na na dating two-way traffic gayon din ang Aurora Boulevard. (CREDITS: Google Map: EDSA-CUBAO, Aurora Boulevard, E. Rodriguez Sr. Avenue)

QUEZON CITY, Philippines — Desidido ang Quezon City government na magpatupad ng one way traffic sa ilang lugar sa siyudad.

Ayon kay Quezon City Mayor Herbert Bautista, ito ang nakikita nilang solusyon sa lumalalang traffic sa lungsod.

“Magkaroon ng identified dedicated road for trucks, public utility vehicles.”

Isa sa plano ang gawing one way o sa isang direksyon ang ilang malalaking kalsada.

Halimbawa kung ang E. Rodriguez Sr. Ave ay two way traffic at nagagamit patungong Cubao ang east bound lane at patungo namang España ang west bound lane sa bagong plano ng Quezon City magiging one way na lamang ito.

Kabilang din ang Aurora Blvd. sa paluluwagin ang daloy ng trapiko patungong Araneta, gayundin sa P. Tuazon, Scout Area at Del Monte papuntang La Loma.

“This are three areas lang na tingin ko will add up to the smooth traffic in Quezon City,” ani Bautista.

Gayunman, nilinaw ng alkalde na pag-aaralan pa nilang mabuti ang bagong traffic scheme bago ipatupad upang masigurong magiging epektibo ito upang mapaluwag ang trapiko. (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)

Pagpapatupad ng Anti-Smoking Law sa China, malaking hamon sa pamahalaan

$
0
0
A man smokes next to a "No Smoking" sign in Shanghai. China is the largest consumer of tobacco. Photo: Reuters

A man smokes next to a “No Smoking” sign in Shanghai. China is the largest consumer of tobacco. Photo: Reuters

SHANGHAI, China – Sinimulan nang ipatupad ang Anti-Smoking Law sa China alinsunod sa kampanya ng World Health Organization Framework Convention on Tobacco Control.

Ngunit ayon kay dating Health Minister Huang Jiefu, walang ngipin ang naturang batas dahil mismong ang mga tagapagpatupad nito ang lumalabag.

Ang mga naging prime minister ng bansa na sina Mao Zedong at Deng Xiaoping ay kilalang mga heavy smoker.

Samantalang ang kasalukuyang premier na Si Xie Jinping ay naging kontrobersiyal pa sa kaniyang research na naglalaman ng pamamaraan kung paano umano mababawasan ang masamang epekto ng tar kapag naninigarilyo.

Nangunguna ang bansang China sa talaan ng pinakamaraming active smokers sa mundo.

Ayon sa survey, umaabot sa 300 million Chinese ang naninigarilyo at karamihan sa mga ito ay mga lalake.

Ang mga kababayan nating Pilipino, dismayado rin sa dagdag na polusyon at walang disiplinang paninigarilyo sa China.

Ayon sa OFW na si Nick Awat, halos walang epekto ang bagong batas kaugnay sa paninigarilyo.

“Yong bagong batas ng paninigarilyo, ganun parin naman sila sigarilyo pa rin kahit saan, restaurant, elevator. tingin ko nga mas dumadami pa ang naninigarilyo kung saan saan lng sila nagsisigarilyo.”

Ayon naman kay Armando Gandela, “hangga’t maaari ay ipagbawal at ipatupad ang batas na kailangan madisiplina ang mga naninigarilyo.”

Samantala sa Shenzhen, China ay hinigpitan pa ang pagpapatupad Anti-Smoking Law.

Mula sa 20 RMB ay tumaas sa 500 RMB o P3,500 ang multa sa mahuhuling naninigarilyo sa mga lugar na ipinagbabawal.

Habang 30,000 RMB o P210,000 naman ang babayaran ng anumang kumpanya na nagtitinda o nagpapahintulot ng paninigarilyo sa mga non-smoking areas. (Dulce Alarcon / Ruth Navales, UNTV News)

Filipino-Syrian family, humingi ng tulong para makauwi sa Pilipinas

$
0
0
Ang Pilipinang si Rowena Maningo Bazan kasama ang kanyang anim na anak sa isang Syrian. Ang mag-iina ay nasa pangangalaga ngayon ng Philippine Embassy sa Kuwait at humihingi ng tulong sa gobyerno ng Pilipinas na makauwi sila sa Pilipinas. (UNTV News)

Ang Pilipinang si Rowena Maningo Bazan kasama ang kanyang anim na anak sa isang Syrian. Ang mag-iina ay nasa pangangalaga ngayon ng Philippine Embassy sa Kuwait at humihingi ng tulong sa gobyerno ng Pilipinas na makauwi sila sa Pilipinas. (UNTV News)

KUWAIT — Kinukupkop ngayon ng Philippine Embassy sa Kuwait ang isang pamilya matapos humingi sa ng tulong upang makauwi agad ng Pilipinas.

Napahiwalay ang Pilipina na si Rowena Maningo Bazan sa asawang Syrian kasama ang anim na anak nang madeport ang kanyang mister matapos mawalan ng trabaho at mag-expire ang visa.

Kwento ni Rowena, labing anim na taon na siya sa Kuwait at kasalukuyang walang visa kaya nais na lamang niyang umuwi sa Pilipinas.

“Humuhingi po ako ng tulong sa gobyerno natin para na lang po sa mga anak ko, kasi po hindi ko kaya anim po sila.”

Samantala, nababahala naman si Rowena dahil naghahabol sa kustodiya ng kanyang mga anak ang pamilya ng kanyang asawa.

Aniya, mas nanaisin nitong umuwi sa Pilipinas kaysa pumunta ng Syria dahil na rin sa nangyayaring gulo doon ngayon.

“Sa gulo ngayon sa Syria gusto ko po i-safe ang aking mga anak, lalo pa’t ang daming mga bata maraming namamatakasi po yung asawa ko pinipilit po nya ako na iuwi sa Syria.”

Tiniyak naman ni Consul General Raul Dado ng Philippine Embassy na gagawin nila ang lahat upang makauwi sa Pilipinas ang mga bata kasama ng kanilang ina, subalit dadaan pa ito sa proseso na mangangailangan ng pagsang-ayon ng korte ng Kuwait.

“Yung Syrian family they wanted to challenge the situation so para walang gulo nagpunta tayo sa Syrian consul, Syrian embassy to learn kung ano ang batas ng Syria and apparently ang sabi ng Syrian consul ang batas ng Syria yung father ang may custody, so it’s very classic example of each national law isang batas ng Syria isang batas Philippines.” (Sonny Delos Reyes / Ruth Navales, UNTV News)

P10-M, nakalaang pabuya sa makapagtuturo sa pinagtataguan ni Napoles — PNoy

$
0
0
Ang larawang ipinalabas ng Department of Justice sa pamamagitan ng official Twitter account nito na @DOJPH nitong Miyerkules ng hapon para sa agarang ikadadakip ni Janet Lim Napoles kaugnay ng pork barrel scam. Ang reward ay nagkakahalaga ng P10-Million sa makapagbibigay ng impormasyon, makakadakip o makakapagturo kay Napoles. (DOJ)

Ang larawang ipinalabas ng Department of Justice sa pamamagitan ng official Twitter account nito na @DOJPH Miyerkules ng hapon para sa agarang ikadadakip ni Janet Lim Napoles kaugnay ng pork barrel scam. Ang reward ay nagkakahalaga ng P10-million sa makapagbibigay ng impormasyon sa kinalalagyan ni Napoles. Ang ibinigay na contact info ng DOJ para sa mga magsusumbong ay ang mga sumusunod:           >>> NBI (632)525-1141, (632)525-8231 loc.2509
>>> Asst.Reg.Dir. Rolando Argabioso (+63929) 295-8888
>>> Sp. Investigator Waldo Palattao Jr (+63917)583-8612
>>> Email: NBISTF@yahoo.com.ph or director@nbi.gov.ph (DOJ)

 

MANILA, Philippines —  Bibigyan ng sampung milyong pisong pabuya ang sinoman na makapagtuturo sa kinaroroonan ng may-ari ng JLN Corporation na nasasangkot sa P10 billion pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles.

“Announce ko na sa inyo P10 million ang reward for information leading to the arrest of Ms. Napoles,” pahayag ni Pangulong Benigno Aquino III.

August 14, 2013 nang ilabas ng Makati Regional Trial Court ang warrant of arrest laban kay Napoles at sa kanyang kapatid na si Reynald Lim dahil sa kasong serious illegal detention.

Ayon sa pangulo, hindi sila titigil hangga’t hindi nadarakip si Napoles.

Binalaan din nito ang mga taong nagkakanlong sa magkapatid na tinutugis ng mga awtoridad.

“Harboring of a fugitive kaso yun, obstruction of justice kaso rin yun so yung babala palagay ko naman e kung may hustong pagiisip yung mga kumukupkop sa kanya e dapat maalala ito, at kung akala nila titigilan namin ang paghahanap dito ay nagkakamali sila,” babala ng Pangulo.

Samantala, may mga lumabas na balita na may mga taong tumutulong kay Napoles at pinoprotektahan ng armadong grupo sa kanyang pagtatago.

Inamin ni DOJ Secretary Leila De Lima na ang mga anggulong ito ay tinitingnan sa ngayon  ng National Bureau of Investigation.

Sinabi naman ng pangulo na sa ngayon ay wala pang plano ang pamahalaan na gawing state witness si Napoles kaugnay sa multi-billion pesos pork barrel scam.

Anang Pangulo, “yung pagiging state witness pag-aaralan yan pero importante muna may warrant of arrest kailangang maserve ng executive itong warrant of arrest.” (Nel Maribojoc / Ruth Navales, UNTV News)

14,000 HIV cases, naitala sa buong bansa — PNAC

$
0
0
Ayon sa Philippine National AIDS Council sa kasalukuyan ay nasa 14,000 na ang naitatalang kaso ng HIV sa buong bansa. (UNTV News)

Ayon sa Philippine National AIDS Council sa kasalukuyan ay nasa 14,000 na ang naitatalang kaso ng HIV sa buong bansa. (UNTV News)

MANILA, Philippines — Naaalarma na ang Philippine National AIDS Council (PNAC) sa tumataas na bilang ng mga nagkakasakit ng HIV (Human Immunodeficiency Virus) sa bansa.

Karamihan sa mga naitatalang kaso ay dahil sa pakikipagtalik sa kapwa lalaki o male having sex with male at ang paggamit ng injectable drugs.

Ayon kay PNAC Executive Director, Dr. Ferchito Avelino, umabot na sa 5-percent ang prevalence rate o ang pagkalat nito.

“Currently the Philippine HIV epidemic is not the usual that is low and slow prevalence. We are now experiencing a fast and furious type of epidemic where in the epidemic is concentrated on male who having sex with male and people who are injecting drugs.”

Sa kasalukuyan ay nasa 14,000 na ang naitatalang kaso ng HIV sa buong bansa.

Bagama’t hindi pa ito maituturing na epidemya sa kabuoang populasyon ng bansa, nakakaalarma naman ang mabilis na pagdami ng kaso ng HIV sa mga nakalipas na taon.

“Epidemic ba ito sa general population, ang sagot natin ay hindi pa as of this moment pero we are looking at certain portion of population who is now experiencing an increasing HIV cases amongst them. at lahat ng generalize epidemic ay nagsisimula sa concentrated epidemic,” ani Dr. Avelino.

Batay sa pagaaral, mula noong 2010 isa kada isang oras at dalawampu’t limang minuto ang naitatalang kaso ng HIV.

Sinabi ni Dr. Avelilno na gugugol ng P1.2-billion upang mapigilan ang paglaganap ng nakamamatay na sakit.

Ilalaan ang pondo sa edukasyon ukol sa sakit, pagkakaroon ng mga kagamitan upang maiwasan ang pagkakahawa at pagpapagamot sa mga may HIV.

Iminungkahi rin ni UN Asia Pacific Ambassador for AIDS na si JVR Prasada Rao, na dapat magkaroon ng sapat na edukasyon ang kabataan ukol sa HIV at AIDS.

“We need to see that education program is intensified across the country especially with emphasis of young population because they are the ones most at risk.”

Sinabi naman ni Rep. Eriguel Eufranio, chairman ng House Committee on Health na pag-aaralan pa nila ang panukala sa budget deliberation ng Department of Health.

“Sec. Ona is on top of the situation he has briefed me on this problem lately I’m pretty sure we will discuss this on the budget deliberation of the DOH,” anang mambabatas. (Ley Ann Lugod / Ruth Navales, UNTV News)

Viewing all 18481 articles
Browse latest View live