Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all 18481 articles
Browse latest View live

Pork barrel scam suspect na si Janet Lim Napoles, sumuko na

$
0
0
Hindi nagpalit araw ng magpalabas ang pamahalaan ng P10M reward sa ikahuhuli ng isa sa mga suspect sa  pork barrel scam, kinumpirma ng Malacanang na sa oras na 09:37 gabi ng Miyerkules ay sumuko itong si Janet Lim Napoles kay Pangulong Benigno Aquino III. (UNTV News / DOJ)

Hindi nagpalit araw ng magpalabas ang pamahalaan ng P10-M reward sa ikahuhuli ng isa sa mga suspect sa pork barrel scam, kinumpirma ng Malacañang na sa oras na 09:37 gabi ng Miyerkules ay sumuko itong si Janet Lim Napoles kay Pangulong Benigno Aquino III. (UNTV News / DOJ)

MANILA, Philippines — Pasado alas-9 kagabi nang sumuko kay Pangulong Benigno Aquino III sa Malacañang ang wanted na si Janet Lim Napoles na sangkot sa 10 billion-peso pork barrel scam.

Itinurn-over naman ni Pangulo Aquino si Napoles sa kustodiya ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP)sa Camp Crame, Quezon City.

Ayon kay DILG Secretary Mar Roxas, kay Presidential Spokesperson Secretary Edwin Lacierda unang nakipag-usap ang kampo ni Napoles dahil dating magkasama sa isang law firm ang abogado ni Napoles na si Atty Lorna Kapunan at si Lacierda.

“Pumunta si Secretary Lacierda hinarap niya yung abogado at may pinuntahan silang isang lugar at pagkatapos ay pumunta na nang Malakanyang,” anang kalihim.

Sa paglalarawan ni Secretary Roxas, hindi nakaposas at sa isang kwarto sa Camp Crame nagpalipas ng magdamag si Napoles.

Binigyang diin naman ng kampo ni Napoles na hindi ito hinuli kundi kusang sumuko dahil sa banta sa kanyang buhay.

Hindi naman mabigyang linaw kung sino at saan nanggagaling ang banta sa buhay ng sumukong pugante.

“Ang point dito ganagawa natin ang lahat para masecure ang kanyang testimony para malaman natin ang ilalahad niya at nalalaman niya,” dagdag pa ng kalihim.

Samantala, nananatili naman ang limang milyong pisong reward money para sa ikahuhuli ng kapatid ni Napoles na si Reynald Lim.

“Yung kanyang kapatid ay nananatiling pugante o fugitive kaya yung reward na para sa kanya ay tuloy pa rin,” dagdag pa ni Roxas.

Matatandaang naglabas ng arrest warrant ang Makati RTC branch 150 laban sa magkapatid na Janet Lim Napoles at Reynald Lim kaugnay sa kasong serious illegal detention dahil sa umano’y pagdukot ng magkapatid sa pork barrel scam whistleblower na si Benhur Luy na dating empleyado ni Napoles.

Noong March 22, nailigtas ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) si Luy sa isang condominium unit sa Pacific Plaza Tower sa Bonifacio Global Taguig matapos ang umano’y mahigit tatlong buwang pananatili sa kustodiya ng magkapatid na Lim at Napoles. (Benedict Galazan / Ruth Navales, UNTV News)


Malacañang, dumipensa sa isyu ng ‘special treatment’ kay Napoles matapos sumuko kay Pangulong Aquino

$
0
0
Si Janet Lim Napoles sa pagpadaan nito sa security check ng  Malacañang nitong gabi ng Miyerkules, August 28, 2013 nang ito ay sumuko kay Pangulong Benigno Aquino III. Si Napoles ay sinalubong ni Sec. Edwin Lacierda (nakatalikod sa larawan). Tiniyak ng kalihim na hindi magkakaroon ng natatanging pagtrato sa naturang suspek ng  pork barrel scam. (Rodolfo Manabat, Malacanang Photo Bureau, PCOO)

Si Janet Lim Napoles sa pagpadaan nito sa security check ng Malacañang nitong gabi ng Miyerkules, August 28, 2013 nang ito ay sumuko kay Pangulong Benigno Aquino III. Si Napoles ay sinalubong ni Sec. Edwin Lacierda (nakatalikod sa larawan). Tiniyak ng kalihim sa publiko na hindi magkakaroon ng natatanging pagtrato sa naturang suspek ng pork barrel scam. (Rodolfo Manabat, Malacanang Photo Bureau, PCOO)

MANILA, Philippines — Idinetalye ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda kung paano nangyari ang ginawang pagsuko kay Pangulong Aquino ng suspek sa 10 billion-peso pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles.

Ayon sa kalihim, tinawagan niya mismo ang abugado ni Napoles na si Attorney Lorna Kapunan upang kumpirmahin kung payag nga na sumuko ang kanyang kliyente.

Inihayag ni Kapunan na ibig nang sumuko ng kanyang kliyente kay Pangulong Aquino alang-alang na rin sa kaligtasan ni Ginang Napoles.

Agad namang nakipagkita Lacierda kay Kapunan at sa asawa ni Janet Napoles sa Whitespace, Pasong Tamo sa Makati.

Dito na pumunta ang grupo sa Heritage Park.

“Until 9:08 kinausap ni Mr. Napoles, may tinetext siya at around 9:08 may dumating na dalawang babae tapos tumawag, we didn’t recognize kung sila and call up sila na pala yung dalawang babae na nasa labas,” anang kalihim.

Mag-aalas-10 ng gabi kagabi nang dumating sa palasyo sina Sec. Lacierda, asawa ni Janet Napoles at si Atty. Kapunan kung saan dumaan muna ang grupo sa security check.

Sa palasyo, nakaharap ni Napoles at ng kanyang abogado sina Secretary to the Cabinet Rene Almendras, DILG Sec. Mar Roxas, Usec. Manuel L. Quezon III, deputy spokesperson Abigail Valte at PNP Chief, Director General Alan Purisima.

Umabot lamang ng sampung minuto ang naging paguusap ni Pangulong Aquino at ni Napoles.

Ayon kay Secretary Lacierda, sa naging paguusap ni Pangulo Aquino at Napoles, walang inihayag na mga pangalan kung sino ang pinaghihinalaang nagbabanta sa kanyang buhay, at wala ding napag-usapan sa posibilidad na maging state witness sa pork barrel scam si Napoles.

Pinabulaanan din ng palasyo na nagkaroon ng special treatment si Pangulong Aquino kay Napoles. (Nel Maribojoc / Ruth Navales, UNTV News)

15 barangay sa Parañaque, 15-oras mawawalan ng tubig simula mamayang alas-9 ng gabi — Maynilad

$
0
0
FILE PHOTO: Faucet / Gripo (UNTV News)

FILE PHOTO: Faucet / Gripo (UNTV News)

PARAÑAQUE CITY, Philippines – Magkakaroon ng service interruption ang Maynilad Water Services Inc. sa malaking bahagi ng Parañaque simula mamayang alas-9 ng gabi hanggang bukas (Biyernes), alas-12 ng tanghali.

Kabilang sa maaapektuhan ng water interruption ang:

-Barangay 183

-Brgy. 201

-Brgy. Moonwalk

-Brgy. Merville

-Brgy. Sto. Niño

-Brgy. Don Bosco

-Brgy. Sun Valley

-Brgy. San Martin De Porres

-Brgy. BF Homes

-Brgy. San Antonio

-Brgy. Marcelo

-Greenheights

-Mulawin

-Maricaban Area

Ang water interruption ay bunga ng interconnection project sa lugar.

Inaabisuhan ng Maynilad ang mga apektadong customer na mag-ipon na ng tubig bilang paghahanda sa 15-oras na water interruption.

Maaari namang tumawag sa Maynilad hotline 1626 para sa iba pang mga katanungan. (UNTV News)

IRR sa Anti-Drunk and Drugged Driving Act, tapos na

$
0
0
 Republic Act 10586 o Anti-Drunk and Drugged Driving Act (UNTV News)

Republic Act 10586 o Anti-Drunk and Drugged Driving Act (UNTV News Artist impression only)

MANILA, Philippines — Tapos na ang implementing rules and regulations (IRR) para sa Republic Act 10586 o Anti-Drunk and Drugged Driving Act.

Ayon kay Land Transportation Office (LTO) Spokesman Jason Salvador, ipiprisinta na nila ang IRR  sa mga stakeholder sa iba’t ibang panig ng bansa upang mas maunawaan at maintindihan.

Target ng LTO na mailathala ang IRR sa Setyembre 5 para umabot sila sa itinakdang deadline ng pagpapatupad sa Setyembre 20,2013.

Sa ilalim ng bagong batas, mas mahigpit na parusa ang ipapataw sa mga tsuper na mahuhuling nagmamaneho nang lasing. (UNTV News)

Presensiya ng Jemaah Islamiah sa Maguindanao, patuloy pang bineberipika ng mga awtoridad

$
0
0
Ang ginanap na Provincial Peace and Order Council (PPOC) na ginanap sa  Provincial satellite capitol, Buluan, Maguindanao, 28 Agusto 2013. (RITCHIE TONGO / Photoville International)

Ang ginanap na Provincial Peace and Order Council (PPOC) na ginanap sa Provincial satellite capitol, Buluan, Maguindanao nitong Miyerkules,  28 Agosto 2013. (RITCHIE TONGO / Photoville International)

DAVAO CITY, Philippines — Patuloy pa ring bineberipika ng 6th Infantry Division ng Philippine Army at Philippine National Police (PNP) ang mga ulat na may presensiya ng ilang miyembro ng Jemaah Islamiah (JI) sa lalawigan ng Maguindanao.

Partikular na tinututukan ngayon ng mga awtoridad ang munisipalidad ng Parang sa Maguindanao kung saan may mga lumabas na ulat na magkakasama ngayon ang ilang miyembro ng JI at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na nasa likod umano ng mga pambobomba sa ilang munisipalidad sa lalawigan.

Sa isinagawang Peace and Order Council Meeting kahapon sa Buluan, Maguindanao, iniulat ng Philippine Army at PNP ang mga naganap na krimen at kaguluhan simula ng mabuo ang BIFF.

Kasabay nito ay nanawagan din si Major Gen. Romeo Gapuz sa mga alkalde na magkaroon ng malinaw na paninindigan sa tuwing may nagaganap na pambobomba o kaguluhan sa kanilang lugar.

Panahon na aniyang linawin ng mga opisyal kung panig ba ang mga ito sa pamahalaan o sa BIFF na nagtatago rin sa kanilang mga lugar.

Samantala, sinang-ayunan ni PPOC Chairman at Maguindanao Governor Esmael Mangudadatu ang naturang panawagan at sinabing naniniwala ito na kilala din ng mga lokal na opisyal ang mga taong nasa likod ng mga kaguluhan sa probinsiya.

Dagdag pa nito, kung mapatutunayang may presensiya nga ng Jemaah Islamiah sa isang lugar ay nais nitong atasan ang militar na agarang lusubin ang pinagtataguan ng mga ito.

Ngunit kinakailangan pa rin aniyang magkaroon ng koordinasyon sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang militar upang hindi magkaroon ng kalituhan sa pag-atake. (Louell Requilman / Ruth Navales, UNTV News)

Imbestigasyon sa pork barrel scam, sinimulan na ng Senado; mga isinasangkot na senador, hindi dumalo

$
0
0
Ang naging Senate Probe ng Pork Barrel Scam nitong Huwebes, August 29, 2013 sa pangunguna ng Senate Blue Ribbon  Committee. (UNTV News)

Ang naging Senate Probe ng Pork Barrel Scam nitong Huwebes, August 29, 2013 sa pangunguna ng Senate Blue Ribbon Committee. (UNTV News)

MANILA, Philippines — Hindi dumalo ang mga inaakusahang senador sa imbestigasyon ng senado kaugnay sa maling paggamit ng kanilang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o mas kilala bilang pork barrel.

Kabilang sa mga hindi dumalo sina Senador Juan Ponce Enrile, Sen. Tito Sotto, Sen. Gregorio Honasan, Sen. Bong Revilla, Sen. Bong Bong Marcos, at Sen. Lito Lapid.

Si Senador Jinggoy Estrada naman na kabilang sa inaakusahan ay dumalo ngunit nagbasa lamang ng kanyang statement upang magpaalam na mag-eexcuse sa naturang pagdinig.

Ayon kay Estrada, kaisa ito sa pagkilala ng kahalagahan ng usapin patungkol sa pork barrel at iba pang mga ginagawang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.

Ayaw na rin umano ng senador na maging dahilan upang maapektuhan ang proceedings ng Senado lalo’t kasama ang pangalan nito sa isyu.

Ayon pa sa senador, makakaasa ang taumbayan na katuwang ito sa pagsasa-tama ng mali at pagsasa-ayos ng tiwali.

Samantala, isa-isa namang iprinisinta ni Commission on Audit Chairperson Gracia Pulido Tan ang mga non government organization at implementing agencies ng pork barrel mula sa mga mambabatas.

Kabilang din dito ang mga senador na nagbigay ng kani-kanilang pork barrel sa mga naturang organisasyon ukol sa agricultural kits.

Ayon sa COA, kinukumpirma nina Senador Juan Ponce Enrile at Sen. Bong Revilla ang kanilang mga pirma sa mga nasabing transaksyon, ngunit bigo namang kumpirmahin ni Senador Jinggoy Estrada ang mga transakyon kung saan nababanggit ang kaniyang pangalan.

Pinapupunta naman ni Senador Chiz Escudero sa susunod na pagdinig sina Janet Lim Napoles at Benhur Luy.

Kasama rin sa mga pinadadalo ang mga opisyal mula sa National Agribusiness Corporation (NABCOR), Technology Resource Center (TRC), National Livelihood Development Corp. (NLDC), Zamboanga Del Norte Rubber Estate Corp. (ZREC) at Philippine Forest Corporation at Department of Agriculture (DA). (Bryan De Paz / Ruth Navales, UNTV News)

Janet Lim Napoles, ililipat na sa Makati City Jail

$
0
0
Ang mugshot ni Janet Lim Napoles, suspek sa pork barrel scam (UNTV News)

Ang mugshot ni Janet Lim Napoles, suspek sa pork barrel scam  (CREDITS: Philippine National Police)

MAKATI CITY, Philippines – Ililipat na si Janet Lim Napoles sa Makati City Jail matapos maghain ng commitment order sa Camp Crame, Quezon City si Makati Regional Trial Court Branch 150, Judge Elmo Alameda.

Wala namang tiyak na oras kung kailan dadalhin si Napoles sa Makati City Jail.

Kaninang umaga ay inihain ng CIDG-NCR ang warrant of arrest laban kay Napoles matapos itong sumuko ng kusa kay Pangulong Aquino kagabi.

Naunang sinabi ng Makati RTC na sa Makati City Jail ikukulong si Napoles dahil dito isinampa ang kaso.

Sa ngayon, walang pang naghahain ng petisyon para manatili sa Camp Crame si Napoles kaya otomatiko itong ikukulong sa Makati City Jail.(Ley Ann Lugod / Ruth Navales, UNTV News)

Bilang ng nasawi sa paglubog ng M/V St. Thomas Aquinas sa Cebu, 94 na; 43 nawawala

$
0
0
FILE PHOTO: Ang ilan sa mga kamag-anak ng nawawalang pasahero ng lumubog na barko ng 2GO Shipping Lines na MV St. Thomas Aquinas. (NAOMI SORIANOSOS / Photoville International)

FILE PHOTO: Ang ilan sa mga kamag-anak ng nawawalang pasahero ng lumubog na barko ng 2GO Shipping Lines na MV St. Thomas Aquinas. (NAOMI SORIANOSOS / Photoville International)

CEBU CITY, Philippines – (Update) Umabot na sa 94 ang bilang ng nasawi sa paglubog ng MV Saint Thomas Aquinas sa Talisay, Cebu.

Sa pinakahuling ulat ng Philippine Coast Guard (PCG), karagdagang pitong bangkay ang narekober kanina sa pagpapatuloy ng search, rescue and retrieval operation.

Samantala, bumaba na sa 43 ang bilang ng mga nawawala.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng Special Board of Marine Inquiry sa nangyaring banggaan ng naturang passenger vessel at ng cargo vessel na Sulpicio Express 7. (UNTV News)


Pagiging state witness ni Janet Napoles, hindi pa napapanahon — Sec. De Lima

$
0
0
(Left) Department of Justice Secretary Leila De Lima; (Right) Janet Lim Napoles

(Left) Department of Justice Secretary Leila De Lima; (Right) Janet Lim Napoles, isa sa mga suspek sa pork barrel scam. (Credits: Philippine National Police)

MANILA, Philippines — Hindi pa napapahahon upang pag-usapan kung magiging state witness si Janet Lim Napoles kaugnay sa multi-bilyong pisong anomalya sa pork barrel ng mga mambabatas.

Sinabi ni Justice Sec. Leila De Lima na bukod sa wala pang kasong naisasampa sa korte kaugnay ng pork barrel scam, hindi ganun kadali ang pag-discharge sa isang akusado bilang testigo ng pamahalaan.

“Wala pa kami sa stage na yan na iko-consider siya as state witness. Hindi naman ganun kadali na ang isang akusado ay maging isang state witness.”

Dagdag pa ng kalihim, kung pagbabatayan ang mga ebidensiyang nakalap ng National Bureau of Investigation (NBI), isa sa pinaka-guilty si Napoles kaya sa ngayon ay malabo itong makapasa sa mga pamantayan ng isang state witness.

“Right now, she appears to be one of the most guilty, na siya yung nasa gitna ng scheme na ito as narrated by the whistleblowers.”

Gayunman, sinabi ni De Lima na hindi pa tuluyang isinasara ang posibilidad na gawing state witness ng pamahalaan si Napoles depende sa kanyang mga isisiwalat na ibidensiya.

“While we cannot rule out totally or discount the possibility of having her as state witness, hindi yun ganun kadali. kailangan ng very incisive evaluation.”

Samantala, tiniyak ng Malakanyang na tuloy ang mga kasong isinampa at isasampa laban kay Napoles kahit boluntaryo itong sumuko.

“Tuloy ang kaso at tuloy po ang mga ibang kaso kung sakaling sasampahan si Gng. Napoles,” ani Presidential Spokesman Edwin Lacierda.

Sa huli, ang korte pa rin ang pinal na magpapasya kung gagawing state witness si Napoles. (Roderic Mendoza / Ruth Navales, UNTV News)

Mga kongresistang isinasangkot sa pork barrel scam, pinangalanan ni DA Sec. Alcala

$
0
0
Department of Agriculture Secretary Proceso Alcala (UNTV News)

Department of Agriculture Secretary Proceso Alcala (UNTV News)

MANILA, Philippines – Pinangalanan ni Department of Agriculture (DA) Secretary Proceso Alcala ang mga kongresistang kanilang iniimbestigahan na sangkot sa di-umano’y pork barrel scam.

Kabilang sa mga nabanggit na pangalan si Davao City 3rd District Rep. Isidro Ungab, An-Waray Representative Neil Benedict Montejo, Masbate Rep. Scott Davies Lanete, Camarines Sur Rep. Arnulfo Fuentebella at Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali.

Lumitaw ang pangalan ng mga nabanggit na kongresista na umanoy naglaan ng pondo sa JLN Corporation na pag-aari ni Janet Lim Napoles.

Ang pondo ay inilaan ng mga mambabatas para sa agriculture project sa kanilang mga distrito.

Sa pagdinig, nilinaw ni Davao City Representative Isidro Ungab, chairman ng House Committee of Appropriations ang pagkakadawit ng kanyang pangalan sa scam.

“I would like just to ask heart to heart question, yung projects ko ba implemented? Or ghost project? Alam ko alam nyo yung sagot,” ani Cong. Ungab.

Sagot naman ni Sec. Alcala, “actually po isa sa pinakauna po na nabanggit yung pangalan ninyo so isa iyo sa una naming pina-validate at makaaasa kyo na talaga pong fully implemented ito, na-validate may mga pictures po na-validate ito.”

Samantala, maaring sa susunod na linggo ay mailabas na ng Department of Agriculture ang kanilang final report ukol sa isyu.

Hiniling naman ni Alcala sa ilang mambabatas na huwag muna silang husgahan na nakipag-kuntsaba sa bogus na NGO ni Janet Lim Napoles.

“Sana po makita po ninyo ng effort ng department na not letting ng PDAF pass the DA for the past 25 months na kame mailagay ay makita rin natin kasi para pong at this point in time may kasalanan na kame dito. Wag po sanang ganun,” anang kalihim.

Ang Department of Agriculture ay may 2014 proposed budget na P91.2 billion, mas mataas ito ng 7.68% sa kanilang pondo ngayong taon na P84.7 billion. (Grace Casin / Ruth Navales, UNTV News)

Mga senador na gumamit ng pork barrel sa mga bogus NGO, huwag agad kondenahin — Sen. Drilon

$
0
0
“Let us not condemn before they are given an opportunity to explain themselves.”  — Senate President Franklin Drilon. FILE PHOTO. (UNTV News)

“Let us not condemn before they are given an opportunity to explain themselves.” — Senate President Franklin Drilon. FILE PHOTO. (UNTV News)

PASAY CITY, Philippines — Kabilang sina Senador Juan Ponce Enrile, Bong Revilla Jr., Gregorio Honasan II,  Jinggoy Estrada, Edgardo Angara, Lito Lapid sa mga binanggit nitong Huwebes ng Commission on Audit na mga nagbigay ng pork barrel sa mga pekeng non government organization.

Si Senador Ralph Recto, naman na isa rin sa nabangit sa COA report dahil naman sa kanyang unliquidated PDAF ang tanging dumalo sa pagdinig at nagpaliwanag ng kanyang panig.

Depensa ni Sen. Recto, “Pero wala akong dokumento sa inyo na nag-request ako sa DBM na mayroon akong inindorse na NGO na mayroong MOA.”

Hindi man nakadalo at nakapagpaliwanag ang iba pang mga senador na nabanggit sa eskandalo, ayon kay Senate President Franklin Drilon hindi dapat kondenahin ang mga ito.

Nilinaw nito na nakahanda ang mga kapwa senador na magpaliwanag sa isyu.

“Let us not condemn before they are given an opportunity to explain themselves,” ani Drilon.

Hindi naman pinipilit ni Drilon ang mga nabanggit na senador na dumalo sa susunod na pagdinig.

Karapatan aniya nila na mag-inhibit at dapat itong respetuhin.

Sa kabila nito pinuri ni Senador Drilon ang COA report na inilabas sa Senado.

“Ito ang unang pagkakataon na nakita kong hindi pinigilan ng COA ang kanilang pag-iimbestiga, hindi po kagaya ng nakalipas na administrasyon na kung may katiwalian ay tinatago.” (Bryan De Paz, UNTV News)

Ombudsman Conchita Carpio-Morales, nakatanggap ng death threat kaugnay ng kanilang isasagawang imbestigasyon sa pork barrel scam

$
0
0
“I have told you once and for all that if it's your time, it's your time. But I'm not scared, sila ang na-scared that's why they are trying to counter-scare me...”  — Ombudsman Conchita Carpio Morales. FILE PHOTO. (UNTV News)

“I have told you once and for all that if it’s your time, it’s your time. But I’m not scared, sila ang na-scared that’s why they are trying to counter-scare me…” — Ombudsman Conchita Carpio-Morales. FILE PHOTO. (UNTV News)

QUEZON CITY, Philippines — Ala-una nitong hapon, Biyernes, nang makatanggap ng tawag ang sekretarya ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales.

Pinagbabantaan umano nito si Ombudsman Conchita Carpio-Morales na magdahan dahan sa mga ginagawang aksyon na may kaugnayan sa pork barrel scam.

Ayon kay Ombudsman Corpio-Morales hindi na niya tinanong sa kanyang sekretarya kung babae o lalake ang tumawag.

“Ang sabi raw niya (yung nang-death treath) ‘mag-ingat-ingat siya, kailangan tama ang ginagawa niya and all that…’

Tugon naman ng Ombudsman dito, “Well, I’d like to believe that what I’ve been doing is in accordance with what it’s right.”

Nakuha ng tauhan ni Morales ang numero ng caller at agad ipinagbigay alam ng Ombudsman sa Office of the President at ngayon ay kasalukuyan nang bine-verify ang nasabing tawag.

Ayon kay Ombudsman Corpio-Morales hindi na sya nagulat nang malaman niya ang balita dahil hindi naman ito ang unang pagkakataon na nakatanggap siya ng death threat.

“I have told you once and for all that if it’s your time, it’s your time. But I’m not scared, sila ang na-scared that’s why they are trying to counter-scare me…”

Ayon kay Ombudsman Morales, hindi niya kailangan ng karagdagang security dahil hindi naman siya nagpapadala sa death treath.

Sapat na aniya sa ngayon ang kanyang mga close in security. (GRACE CASIN, UNTV News)

 

 

Exciting na triple header, hatid ng UNTV Cup sa Pasig Sports Complex sa September 01

$
0
0
Game 1: Congress-LGU vs DOJ (PHOTOVILLE International)

UNTV Cup Game 1 on September 1: Team Congress-LGU vs Team DOJ (PHOTOVILLE International)

PASIG CITY, Philippines — Lalong tumitindi ang labanan ng mga kalahok na koponan upang makaseguro ng pwesto sa playoffs sa nalalapit na pagtatapos ng single elimination round ng 1st UNTV Cup.

Ang Team Congress-LGU na lumasap ng 3 consecutive losses ay makikipagtuos sa koponan ng DOJ sa unang game ng triple header ngayong Linggo, September 1 sa Pasig Sports Complex.

Tatangkain ng DOJ na makasungkit ng panalo kontra sa legislators na pinangungunahan ni Ervic Vijandre upang buhayin ang tyansa na makaabante sa quarterfinal round ng torneo, habang inaasahan naman na ibubuhos ng Congress-LGU squad ang lakas nito upang maipagpatuloy ang kampanya sa susunod na phase ng liga.

Magsusukatan naman ng kakayahan sa game 2 ng sunday match ang MMDA at AFP na kapwa galing sa panalo.

UNTV Cup Game 2 on September 1: Team MMDA vs Team AFP (PHOTOVILLE International)

UNTV Cup Game 2 on September 1: Team MMDA vs Team AFP (PHOTOVILLE International)

Ang MMDA na isa sa pinakamainit na team sa kasalukuyang tournament ay pipiliting maitala ang 3 consecutive victories sa pamamagitan ng balanseng opensa, samantalang aasahan muli ng AFP ang ace gunner na si Winston Sergio para sa scoring ng cavaliers.

Segurado namang mayayanig ang Pasig Sports Complex sa banggaan ng dalawang nangungunang koponan sa 3rd game ng exciting na triple header.

Ang Judiciary na may 3-consecutive winning streak ay hahamunin ang pnp na may 3-0 unblemished record para sa top spot ng team standings.

Muling ipaparada ng Judiciary ang tallest player ng liga na si Don Camaso na nagpapakita ng impresibong laro at kasalukuyang nangunguna sa opensa at depensa ng koponan, samantalang sasandalan pa rin ng PNP ang unstoppable scoring force ni PO2 Ollan Omiping. (Ryan Ramos / UNTV News)

UNTV Cup Game 3 on September 1: Team JUDICIARY vs Team PNP (PHOTOVILLE International)

UNTV Cup Game 3 on September 1: Team JUDICIARY vs Team PNP (PHOTOVILLE International)

 

Malakihang dagdag sa presyo ng LPG at produktong petrolyo nakaambang ipatupad sa unang linggo ng Setyembre

$
0
0
Ang inaasahang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo ngayong unang linggo ng Setyembre. (UNTV News)

Ang inaasahang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo ngayong unang linggo ng Setyembre. (UNTV News)

MANILA, Philippines — May inaasahang malakihang dagdag presyo sa produktong petrolyo at LPG ngayong buwan.

Ito umano ay epekto ng lumalalang kaguluhan sa middle east partikular na sa Syria

Sa pagtaya ng oil industry players, posibleng umabot sa P1.60 kada litro ang naka-ambang dagdag sa presyo ng gasolina;

P0.90 hanggang P1.10 naman ang posibleng itaas sa presyo ng kada litro ng diesel.

Samantala sa LPG, hanggang P4.00 kada kilo ang itataas sa presyo ng Solane habang mahigit dalawang piso naman kada kilo ang itataas ng Petron Gasul.

May plano ring magdagdag ang ilang independent players ng hanggang P3 kada kilo ng LPG. (UNTV News)

Sa loob ng Iglesia, mula sa panliligaw hanggang sa pag-aasawa, may aral kaming sinusunod. -- Bro Eli Soriano #DearKuya www.untvradio.com

Ang inaasahang pagtaas ng presyo ng LPG sa merkado ngayong unang linggo ng Setyembre. (UNTV News)

Patay sa lumubog na barko sa Talisay City, Cebu, umabot na sa 105

$
0
0
Updated casualty tally as of September 01, 2013 of the sunken MV St. Thoma Aquinas (PHOTO CREDITS: Shipspotting.com / Bermejo Imaging)

Updated casualty tally as of September 01, 2013 of the sunken MV St. Thomas Aquinas (PHOTO CREDITS: Shipspotting.com / Bermejo Imaging)

CEBU, Philippines — Umabot na sa isandaan at lima ang bilang ng mga nasawi sa paglubog ng barkong MV St. Thomas Aquinas sa Talisay City, Cebu.

Sa pinakahuling tala ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council, sa mahigit isandaang namatay, siyamnapu’t siyam sa mga ito ang pasahero habang lima ang crew ng barko at isang wala pang pagkakakilanlan.

Tatlumpu’t dalawa naman ang patuloy pang nawawala na kinabibilangan ng 26 na pasahero habang 7 naman ang crew ng barko.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang retrieval operations sa bangkay ng mga nasawi. (UNTV News)


NBI Director Nonnatus Rojas, nagbitiw sa tungkulin

$
0
0
NBI Director Nonnatus Rojas (UNTV News)

NBI Director Nonnatus Rojas (UNTV News)

MANILA, Philippines — Kinumpirma ni Justice Secretary Leila de Lima ang pagbibitiw sa tungkulin ni National Bureau of Investigation Director Nonnatus Rojas.

Nagbitiw si Rojas matapos ang ginawang pahayag ni Pangulong Benigno Aquino III hinggil sa dalawang NBI Officials na umano’y may kaugnayan sa pork barrel scam at sinasabing nagtimbre kay Janet Lim Napoles tungkol sa arrest warrant laban sa kanya

Samantala, bagamat wala pang aksyon ang Palasyo sa resignation ng NBI chief, sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na nananatili  ang tiwala ng Malakanyang kay Rojas.

Hindi din naniniwala ang Palasyo na magkakaroon ng  epekto sa pork barrel investigation ang ginawang pagbibitiw  ni Rojas. (UNTV News)

Kaso ng dengue sa Eastern Visayas, tumaas ng 300%

$
0
0
Google Maps: Eastern Visayas

Google Maps: Eastern Visayas

TACLOBAN CITY, Philippines — Tumaas ng tatlong daang porsiyento ang kaso ng dengue sa Eastern Visayas.

Base sa datos ng Department of Health (DOH) Region 8, mula Enero hanggang Agosto ngayong taon, umabot na sa halos dalawang libo at limang daan ang kaso ng dengue sa rehiyon.

Ayon kay Leonido Olobia, pinuno ng Vector-Borne Disease Control Program, pinakamaraming naitalang kaso sa Tacloban City na may 713 kaso, sinundan ito ng Guiuan, Eastern Samar na may 120 cases.

“There is already a transovarial transmission in the Philippines, in Cebu particularly mayron pong study ginawa na yung mga larva mayron na silang viruses ng dengue, ibig sabihin ‘pag naging lamok sila isang kagat lang nila mayron na silang pwedeng matransmit.”

Sa pagdami ng mga dengue carrying mosquito sa rehiyon, hindi umano nararapat na dumepende ang publiko sa mga health workers at barangay official sa paglilinis ng kapaligiran.

Mas malaki aniya ang maitutulong kung sa bawat tahanan ay magkaroon ng responsibilidad ang bawat mamamayan na palagiang maglinis ng kapaligiran.

“Kasi ang dengue wala siyang gamot , there is no cure, kaya it relies to the behavioral change. Dengue control is a way of life ng mga tao, dapat titingnan mo ang surroundings mo araw-araw, ganun siya ka-challenging,” dagdag pa ni Olobia. (Jenelyn Gaquit / Ruth Navales, UNTV News)

Janet Lim-Napoles, bumuti na ang kalagayan matapos ang anxiety attack

$
0
0
Si Janet Lim Napoles habang kinukuhaan ng blood pressure sa loob ng kanyang detention cell sa Fort Sto. Domingo, Sta. Rosa, Laguna nitong Linggo, September 01, 2013 kung kailan rin sya ay nailipat mula sa Makati City Jail. (PNP HANDOUT PHOTO)

Si Janet Lim Napoles habang kinukuhaan ng blood pressure sa loob ng kanyang detention cell sa Fort Sto. Domingo, Sta. Rosa, Laguna nitong Linggo, September 01, 2013 kung kailan rin sya ay nailipat mula sa Makati City Jail. (PNP HANDOUT PHOTO)

LAGUNA, Philippines — Maayos na ang pakiramdam ng umano’y utak ng 10 billion-peso pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles matapos magkaroon ng anxiety attack kaninang madaling araw, Lunes.

Si Napoles ay nailipat sa Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa, Laguna nitong Linggo ng umaga.

Ayon sa mga awtoridad, tutukan nila ng husto ang seguridad at kalusugan ni Napoles na isang diabetic.

Hindi rin pinapayagan sa loob ng selda ni Napoles ang matatalim at matutulis na bagay.

Bagama’t may refrigerator sa detention cell at reception room, wala naman aniya itong air condition.

Kailangan namang siguruhin ng custodian ni Napoles na hindi ito maaring humawak ng anumang kagamitan na posibleng magamit nito sa pagtakas.

Maaring bisitahin si Napoles mula ala-1hanggang alas-4 ng hapon, tuwing Martes hanggang Biyernes.

Ala-7 hanggang alas-11:30 ng umaga at ala-1:30 hanggang ala-5 naman ng hapon tuwing Sabado at Linggo. (Victor Cosare / Ruth Navales, UNTV News)

Umano’y espesyal at sobrang proteksyon ng gobyerno kay Napoles, binatikos ng netizens

$
0
0
JANET in the PALACE. Ang pagsuko ng isa sa mga suspek sa pork barrel scam na si Janet Lim Napoles kay Pangulong Benigno Aquino III sa Malacañang bandang 9:37 ng gabi ng Miyerkules, August 28, 2013 kasama ang kanyang abogado na si Atty. Lorna Kapunan.  (Photo by: Rodolfo Manabat / Malacañang Photo Bureau / PCOO).

JANET in the PALACE. Ang pagsuko ng isa sa mga suspek sa pork barrel scam na si Janet Lim Napoles kay Pangulong Benigno Aquino III sa Malacañang bandang 9:37 ng gabi ng Miyerkules, August 28, 2013 kasama ang kanyang abogado na si Atty. Lorna Kapunan. (Photo by: Rodolfo Manabat / Malacañang Photo Bureau / PCOO).

MANILA, Philippines — Binatikos ng netizens ang anila’y espesyal at sobrang proteksyon na ibinibigay ng gobyerno kay Janet Lim-Napoles.

Ayon sa isa sa mga organizer ng Million People’s March to Luneta na si Peachy Rallonza-Bretana, overacting na ang ginagawang seguridad para kay Napoles.

Dadag pa nito, dapat ding tratuhin ng maayos ang mga whistleblower dahil malaki ang naitulong ng mga ito sa pagkakabunyag sa bilyong pisong pork barrel scam.

Samantala, ipinagtanggol  naman ng Malakanyang ang pag-aasikaso ni DILG Secretary Mar Roxas kay Napoles at sinabing sinusunod lamang nito ang utos ni Pangulong Aquino. (UNTV News)

Panibagong kilos protesta vs. pork barrel, ikinakasa para sa Setyembre 11

$
0
0

Ang event page sa Facebook na nilikha para sa EDSA Tayo itinakdang gaganapin sa September 1. (FACEBOOK)

Ang event page sa Facebook na nilikha para sa EDSA Tayo itinakdang gaganapin sa September 1. (FACEBOOK)

MANILA, Philippines — Matapos ang ‘A Million People’s March to Luneta’ nitong Agosto 26, isa na namang pagkilos kontra pork barrel ang isinusulong sa social media.

Ang event na tinawag na ‘EDSA Tayo’ ay ipinaskil sa social media event.

Nananawagan ang mga organizer nito sa publiko na muling magkaisa at lumahok sa isang rally laban sa pork barrel na gaganapin sa Edsa Shrine ngayong Setyembre 11.

Planong magsagawa ng mga rally hangga’t hindi inaalis ni Pangulong Aquino ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) ng mga mambabatas. (UNTV News)

 

Viewing all 18481 articles
Browse latest View live