Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all 18481 articles
Browse latest View live

HPG, handa na sa pagpapatupad ng batas vs. drunk driving

$
0
0
Isa sa mga paraan para masubok kung ang isang motorista nga ay nakainom ay ang paggamit ng alcohol breath analyzer. (UNTV News)

Isa sa mga paraan para masubok kung ang isang motorista nga ay nakainom ay ang paggamit ng alcohol breath analyzer. (UNTV News)

MANILA, Philippines — Handa na ang Highway Patrol Group (HPG) sa pagpapatupad ng Republic Act 10586 o ang “Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013.″

Ayon kay HPG Spokesperson Police Supt. Elizabeth Velasquez, magpapakalat sila ng maraming tauhan na tutulong sa implementasyon ng naturang batas bago magtapos ang buwang kasalukuyan.

Sinabi pa ng opisyal na sasailalim sa tatlong pagsusuri ang mga motorista na nasa impluwensya ng alak.

Una ay ang tinatawag na field sobrayati test o eye test upang makita ang galaw ng eye ball; pangalawa ang walk and turn upang makita kung hindi na kayang lumakad ng diretso ng isang motorista at panghuli ay ang 30 seconds one leg stand.

Idinagdag pa ni Velasquez na kailangan ding sumailalim sa alcohol breath analyzer ang mga masisitang motorista.

Posible namang makulong ng hanggang tatlong buwan at pagmultahin ng P20,000 hanggang P80,000 ang sinomang lalabag sa bagong batas.

Naniniwala ang HPG na posibleng bumaba ng 86% ang mga aksidente sa lansangan lalo na tuwing madaling araw kapag naipatupad na ang Anti-Drunk and Drugged Driving Act. (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)


Pagbasa ng sakdal kay Janet Lim Napoles sa kasong serious illegal detention, tuloy na sa Sept. 23

$
0
0

 

Mug-shots and ten-print card of Janet Lim-Napoles  (Philippine National Police)

Mug-shots and ten-print card of Janet Lim-Napoles (Philippine National Police)

MANILA, Philippines — Babasahan na ng sakdal sa kasong serious illegal detention si Janet Lim Napoles sa Setyembre 23,2013.

Hindi pinaboran ng Makati Regional Trial Court ang tatlong mosyon na inihain ng mga abogado ni Napoles at kapatid na si Reynald Lim.

Isa sa mosyon ni Napoles ang urgent motion to defer arraignment and suspend proceedings.

Kasalukuyang nakadetine si Napoles sa Fort Sto Domingo sa Sta. Rosa, Laguna. (UNTV News)

Nasawi sa bakbakan sa Zamboanga City, umabot na sa 57; higit 60-libong residente, lumikas – AFP

$
0
0
REUTERS FILE PHOTO: Members of Philippine Army check the back of one of their comrade for the severity of wound from the encounter against the MNLF forces on the ongoing siege in Zamboanga City.

REUTERS FILE PHOTO: Members of Philippine Army check the back of one of their comrade for the severity of wound from the encounter against the MNLF forces on the ongoing siege in Zamboanga City.

ZAMBOANGA CITY, Philippines – (Update) umakyat na sa 57 ang bilang ng mga nasawi sa patuloy na sagupaan ng mga Moro National Liberation Front (MNLF) at militar sa Zamboanga City.

Sa ulat ng Armed Forces of the Philippines (AFP), 51 sa mga namatay ay mula sa panig ng Moro National Liberation Front, habang 6 naman sa tropa ng pamahalaan.

Umabot naman sa 56 ang bilang ng mga nasugatan, habang mahigit na sa 60-libong residente ang lumikas mula sa sentro ng kaguluhan. (UNTV News)

Higit 3000, inilikas dahil sa pagsabog ng Mt. Sinabung sa Indonesia

$
0
0
REUTERS FILE PHOTO: Ang pagsabog ng Mount Sinabung sa Indonesia noong August 30, 2010.

REUTERS FILE PHOTO: Ang pagsabog ng Mount Sinabung sa Sumatra, Indonesia noong August 30, 2010.

INDONESIA – Libu-libong residente ang inilikas sa isla ng Sumatra sa Indonesia matapos tuluyang sumabog ang Mt. Sinabung sa Karo District.

Ayon sa mga opisyal, nasa halos 4-libong villagers na ang inilikas na nakatira malapit sa 3-kilometer danger zone ng bulkan.

Umabot na rin sa 50 kilometers ang volcanic ash na ibinubuga ng bulkan.

Namahagi na rin  ng face mask ang mga local health centers sa lugar upang maiwasang malanghap ang abo.

Taong 2010 nang huling sumabog ang Mt. Sinabung kung saan umaabot sa labing dalawang libo ang inilikas na nakatira malapit sa bulkan.(UNTV News)

Assad, binigyan ng isang linggo para isumite ang listahan ng chemical weapons

$
0
0
Syrian President Bashar al-Assad (REUTERS / BENOIT TESSIER)

Syrian President Bashar al-Assad (REUTERS / BENOIT TESSIER)

ESTADOS UNIDOS – Nakabuo na ng six-point framework ang Amerika at Russia na magsasailalim sa international control ang chemical weapons ng Syria.

Ayon kay US Secretary of State John Kerry, binibigyan nila si Syrian president Bashar al-Assad ng isang linggo para isumite ang listahan ng stockpile ng kanilang chemical weapons.

Dagdag pa ni Kerry, dapat bigyan ng access ng Syria ang mga inspectors ng United Nations (UN) sa lahat ng chemical weapons nila bago ito tuluyang sirain.

Ang kasunduan ay ipapatupad sa pamamagitan ng security council resolution, at kapag hindi tumupad si Assad ay mahaharap ito sa sanction at military strike. (UNTV News)

Militar, naglunsad na ng air strike vs MNLF sa Zambonga

$
0
0
FILE PHOTO: Philippine Air Force PMG-520 attack helicopter (BOM DY / Photoville International)

FILE PHOTO: Philippine Air Force PMG-520 attack helicopter (BOM DY / Photoville International)

ZAMBOANGA, Philippines — Naglunsad na ng helicopter assault ang militar laban sa Moro National Liberation Front na nasa Zamboanga City.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines Spokesman Lt. Col. Ramon Zagala, patuloy na lumalaban ang MNLF ngunit kumpyansa siyang hindi magtatagal at magtatagumpay ang kanilang pwersa.

Puspusan din ang pagbabantay ng militar sa mga MNLF fighter na nagpapanggap na mga sibilyan upang makatakas. (UNTV News)

Naitalang patay sa bakbakan sa Zamboanga City, umakyat na sa 62

$
0
0
Sa pagpapatuloy ng bakbakan sa Zamboanga City sa pagitan ng Nur Misuari-MNLF faction at government forces, umakyat na sa 62 buhay ang nasawi. (REUTERS)

Sa pagpapatuloy ng bakbakan sa Zamboanga City sa pagitan ng Nur Misuari-MNLF faction at government forces, umakyat na sa 62 buhay ang nasawi. (REUTERS)

ZAMBOANGA CITY, Philippines – (Update) Patuloy sa pagtaas ang bilang ng mga nasasawi, nasusugatan gayundin ang mga lumilikas sa nagpapatuloy na sagupaan sa pagitan ng pwersa ng gobyerno at ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa Zamboanga City.

Sa pinakahuling tala ng Armed Forces of the Philipines (AFP), umabot na sa 62 ang patay sa bakbakan kung saan 51 dito ay mula sa hanay ng mga rebelde, 6 mula sa security forces at 5 ang sibilyan.

Umabot na rin sa 112 ang bilang ng mga nasugatan.

Ayon kay AFP Spokesman Brig. Gen Domingo Tutaan, 63 sa mga MNLF ang nasa kamay na ng mga awtoridad matapos mahuli at sumuko.

“They continue to deliver fires so we must contain no civilians caught,” anang opisyal.

Kinumpirma din ng militar na sinadya ng MNLF ang halos araw-araw na sunog sa mga pinagtataguan nilang barangay.

“Burning are art of diversionary tactics to divert attention where they are now, but doesn’t divert our efforts,” ani Tutaan.

Batid ng pamahalaan na nauubos na ang bala ng MNLF ngunit sa kabila nito mahigpit pa rin ang ginagawang pagbabantay ng militar sa kilos ng mga ito.

Ayon sa AFP, umaabot na sa 180 ang bihag ng grupo, 6 ang na-rescue, 14 ang nakatakas at 7 ang pinakawalan.

Nanawagan naman si AFP Spokesman Brig. Gen. Domingo Tutaan  sa mga rebelde na sumuko na upang matapos na ang kaguluhan sa Zamboanga na nakaapekto sa libu-libong residente.

“How can we say ceasefire if they continue to fire mortar rounds and holding civilians.”

Sa ngayon ay umabot na sa mahigit animnapung libo ang mga residenteng apektado ng krisis sa Zamboanga. (Victor Cosare / Ruth Navales, UNTV News)

ADD at UNTV sa Cagayan De Oro, muling tumanggap ng pagkilala sa PRC

$
0
0
Katuwang ang Philippine Red Cross ay regular na nagdaraos ng pag-do-donate ng dugo ang mga kaanib sa grupong Ang Dating Daan tulad ng naganap nito lamang Linggo, September 15, 2013 sa lungsod ng Muntinlupa. (RUSSEL JULIO / Photoville International)

Katuwang ang Philippine Red Cross ay regular na nagdaraos ng pag-do-donate ng dugo ang mga kaanib sa grupong Ang Dating Daan at UNTV tulad ng naganap nito lamang Linggo, September 15, 2013 sa lungsod ng Muntinlupa. (RUSSEL JULIO / Photoville International)

CAGAYAN DE ORO, Philippines – Muling tumanggap ng parangal ang grupo ng Ang Dating Daan (ADD) at UNTV (Your Public Service Channel) mula sa Philippine Red Cross (PRC) dahil sa walang sawang pagbibigay ng tulong sa ating mga kababayan na nangangailangan ng dugo.

Ang Blood Service Outstanding Award ay ipinagkaloob sa ADD sa pangunguna ni Red Cross Chapter Administrator, Dr. Myra G. Yee.

“Every blood donation is a gift of life we’ve seen that Dating Daan and UNTV have always been number one in terms of dili lang locale but even national they’ve always been award as humanitarian partner.”

Nagpasalamat rin ang Philippine Red Cross sa walang humpay na suporta ng grupo at UNTV sa pagdodonate ng dugo.

“Thank you po kuya Daniel I see the promotions that you have about the blood program, maybe you don’t know the people here in Cagayan every day the number of lives that we saved unya dako kau ang among kasing kasing nga pagpapasalamat sa imo we know how big is your contribution in the national blood life for people to be encouraged to donate blood.”

Hinihikayat naman ng Philippine Red Cross ang publiko na makiisa at makibahagi sa pagbibigay ng dugo para sa libu-libong taong nangangailangan nito. (Anne Sanchez / Ruth Navales, UNTV News)

Maging sa abroad tulad ng sa Abu Dhabi ay nagdaraos din ng mg blood letting ang UNTV at Ang Dating Daan. (MICHAEL FERNZ / Photoville International)

Maging sa abroad tulad ng sa Abu Dhabi ay nagdaraos din ng blood letting ang UNTV at Ang Dating Daan. (MICHAEL FERNANDEZ/ Photoville International)


Biktima ng vehicular accident sa Cebu City, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0
Ang paglapat ng UNTV News and Rescue Team Cebu sa isang naaksidenteng motorista  Osmeña Boulevard, Cebu City nitong Linggo, Setyembre 15, 2013. (UNTV News)

Ang paglapat ng UNTV News and Rescue Team Cebu sa isang naaksidenteng motorista Osmeña Boulevard, Cebu City nitong Linggo, Setyembre 15, 2013. (UNTV News)

CEBU CITY, Philippines – Isang lalaki na biktima ng vehicular accident ang tinulungan ng UNTV News and Rescue Team sa may Sergio Osmeña Boulevard, Cebu City, Linggo.

Nagtamo ng sugat sa noo ang biktimang kinilalang si Francisco Debalujos dahil sa pagka-untog sa wind shield ng kanyang sasakyan.

Ayon sa pinsan ng biktima na si Alan Jaena, mabilis ang takbo ng sasakyang sumusunod sa kanila kaya sumalpok ito sa kanilang sasakyan habang nakahinto sa may traffic light.

“Nakahinto na kami ilang segundo na, ang ibang sasakyan na mga motor nakahinto na rin, siya mabilis pa rin ang takbo, impact talaga, kaya kami nabangga diyan.”

Agad namang nilapatan ng news and rescue team ng pangunang lunas ang biktima at agad isinugod sa Cebu City Medical Center. (Josiel Kandamkulathi / Ruth Navales, UNTV News)

Mga senador na idinadawit sa pork barrel scam, hindi umano tatakas palabas ng bansa

$
0
0
(Left to Right) Ang 3 senador na kasama sa mga nirekomendang kasuhan ng Department of Justice kaugnay sa pork barrel scam na sina Senator Jinggoy Estrada, Sen. Bong Revilla at Senator Juan Ponce Enrile. (UNTV News)

(Left to Right) Ang 3 senador na kasama sa mga nirekomendang kasuhan ng Department of Justice kaugnay sa pork barrel scam na sina Senator Jinggoy Estrada, Sen. Bong Revilla at Senator Juan Ponce Enrile. (UNTV News)

MANILA, Philippines – Ilang minuto bago ipahayag ni Justice Secretary Leila De Lima ang mga senador na kakasuhan kaugnay ng pork barrel scam, nagpatawag ng press conference si Senador Jinggoy Estrada.

Sa presscon, ipinahayag ni Estrada na haharapin nito ang kaso at hindi rin siya tatakas palabas ng bansa.

Si Estrada ay kabilang sa inirekomenda ng Department of Justice (DOJ) sa Ombudsman na kasuhan ng plunder o pandarambong kaugnay ng pork barrel scam na inuugnay kay Janet Lim Napoles.

Ayon sa Senador, wala siyang nagawang kamalian o katiwalian sa paggamit ng kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF).

Pinasinungalingan din ni Estrada ang kumalat na balita na aalis na siya ng bansa ngayong araw.

Nanindigan din ito na hindi sya nangangailangan ng tulong mula sa Senado o maging kay Senate President Franklin Drilon.

“I’m not asking help from him, kaya kong idepensa sarili ko dito.”

Ayon pa sa senador, naharap na rin siya sa isang kaso, labingtatlong taon na ang nakalilipas pero hindi niya ito tinakasan.

“I’m not going to leave the country, mangyari na ang mangyari, hindi ako aalis ng bansa, haharapin ko lahat ng ito.”

“They are conditioning the minds of the public that we are the worst thieves and that I cannot accept,” pahayag pa ni Estrada.

Sinabi naman ni Senador Bong Revilla na huwag agad silang husgahan at hindi rin nya tatakbuhan ang kaso laban sa kanya.

“Hiling ko lang sa bayan na wag kami husgahan, God knows. Haharapin ko ang kaso di ko taktakbuhan. Ang hiling ko lang kilala nyo po ako hindi ako ganun,” ani Revilla.

Ayon naman sa abugado ni Revilla na si Atty. Joel Bodegon, hindi pa man naisasampa ang kaso laban sa senador ay bakit guilty na agad ito sa mata ng publiko.

“Hindi pa man po naisasampa ang kaso laban sa kanya, guilty na sya sa mata ng publiko. Ngunit umaapela si Senator Revilla ng patas na pagtingin sa kaso. Bigyan po sana sya ng pagkakataon.”

Samantala, inamin naman ng minority bloc na isinugod sa ospital nitong nakalipas na araw si Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile dahil sa alta presyon.

Tiniyak naman ng minorya na makadadalo ng sesyon si JPE kapag pinayagan ng mga doctor.

“He was rushed to the hospital the other day, madaling araw, sabado ng umaga, tumaas ang blood pressure,” pahayag ni Asst. Minority Floor Leader Sen. Vicente Sotto. (Bryan De Paz / Ruth Navales, UNTV News)

PCG, magpapadala ng relief goods sa Zamboanga

$
0
0
FILE PHOTO: Philippine Coast Guard Spokesperson Lt. Cmdr. Armand Balilo (UNTV News)

FILE PHOTO: Philippine Coast Guard Spokesperson Lt. Cmdr. Armand Balilo (UNTV News)

MANILA, Philippines – Hinahanda na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga ipapadalang tulong sa mga inililikas na residente sa Zamboanga City dahil sa nagpapatuloy na krisis sa lugar.

Ayon kay PCG Spokesman Lieutenant Commander Armand Balilio, dalawang barko ng Coast Guard ang maghahatid ng relief goods.

Lulan nito ay mga kulambo o mosquito nets, plastic mats, kumot, food pack, tent at portalet.

“We are confirming the statement na merong 2 barko na magdadala ng relief goods kasama na rito ang mga food packs blankets mga tents at mga portalets,” pahayag ni Balilo. (UNTV News)

Mga Pilipino, nakikiramay sa pamilya ng mga biktima ng pamamaril sa Washington Navy Yard

$
0
0
Ang nangyaring pamamaril sa Washington Navy Yard na nag-iwan ng 13 patay kabilang ang gunmen mismo na si former US Navy serviceman Aaron Alexis. (REUTERS)

Ang nangyaring pamamaril sa Washington Navy Yard na nag-iwan ng 13 patay kabilang ang gunmen mismo na si former US Navy serviceman Aaron Alexis. (REUTERS)

MANILA, Philippines – Ipinarating ng pamahalaan ng Pilipinas ang pakikiramay sa pamilya ng mga biktima ng shooting incident sa Washington Navy Yard Lunes ng gabi, Philippine time.

Ayon kay Philippine Ambassador to United States Jose Cuisia Jr, kaisa ng buong mundo ang mga Pilipino sa pagdadalamhati ng mga kaanak ng mga nasawi sa trahedya.

Sinabi din ni Cuisia na patuloy ang pakikipag-ugnayan ng embahada ng Pilipinas sa Estados Unidos sa mga ospital at local authorities upang matiyak na wala ngang Pilipinong nadamay sa naganap na pamamaril na kumitil sa buhay ng labing dalawa. (UNTV News)

Mall owners sa Davao City, binalaang ipasasara kung hindi maghihigpit ng seguridad

$
0
0
Binakuran ng awtoridad ang Cinema 5 of Gmall sa Davao City matapos magkaroon ng pagsabog dito noong gabi ng Septyembre 16, 2013, Lunes. (PHOTOVILLE International)

Binakuran ng awtoridad ang Cinema 5 of Gmall sa Davao City matapos magkaroon ng pagsabog dito noong gabi ng Septyembre 16, 2013, Lunes. Nagkaroon din ng pagsabog sa loob ng Cinema 1 of SM City Mall noon ding gabing iyon. (PHOTOVILLE International)

DAVAO CITY, Philippines — Nanganganib na maipasara ang mga mall sa Davao City kung hindi maipatutupad nang maayos ang mga security measure.

Pasado alas-9 ng gabi, Lunes nang magkasunod na sumabog ang hinihinalang improvise explosive device (IED) sa Cinema 1 ng SM Davao at Cinema 4 ng Gaisano Mall.

Sinabi ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na maluwag ang seguridad na ipinatutupad sa mga mall kaya nalulusutan ng mga may dalang pampasabog.

“Yung movie houses must provide adequate security if you cannot provide adequate security I will close your movie house we cannot provide policemen and military to guard it you have to invest,” ani Duterte.

Sa ngayon ay wala pa ring suspek ang mga awtoridad kung ano ang motibo at sino ang nasa likod ng nangyaring mga pagsabog.

Patuloy nang nirereview ng mga pulis ang kuha ng mga CCTV camera sa dalawang mall.

Itinuturing naman ni Duterte na act of terrorism ang nangyari.

“It is when you exploded a bomb inside although yun lang ang inabot it is terrorism.”

Samantala, inabswelto naman ni Mayor Duterte ang MNLF sa pangyayari.

Aniya, pinanghahawakan niya ang naunang pahayag ni MNLF chair Nur Misuari na hindi madadamay ang Davao City sa anumang kaguluhan na nangyayari sa Zamboanga City. (Louell Requilman / Ruth Navales, UNTV News)

Aquino administration, hindi dapat sisihin sa kinahinatnan ng 1996 MNLF peace deal – Malacañan

$
0
0
(Left-Right) President Benigno Aquino III and former President Fidel V. Ramos (PHOTOVILLE International)

(Left-Right) President Benigno Aquino III and former President Fidel V. Ramos (PHOTOVILLE International)

MANILA, Philippines – Hindi dapat sisihin ang kasalukuyang administrasyon sa kinahitnan ng usapang pangkapayapaan ng pamahalaan at Moro National Liberation Front (MNLF).

Ito ang reaksyon ng Palasyo sa pahayag ni dating Pangulong Fidel Ramos na mali ang ginawang implementasyon ng sumunod na administrasyon sa 1996 MNLF peace deal.

“I’m sure president Ramos knows that we are not the immediate successor to his administration in fact the Bangsamoro Framework Agreement is building on the 1996 peace agreement,” pahayag ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda.

Samantala, dumipensa rin ang palasyo sa mga sinasabi ng ilang kritiko na napapabayaan na ni Pangulong Aquino ang pamamalakad sa pamahalaan dahil sa pagtutok sa Zamboanga crisis.

Ani Lacierda, “he is the commander in-chief there is a military option is being exercise right now he gives support he gives direction so he place a big role he inspired the armed forces there, the police and city government.”

Ayon kay pa sa kalihim, tuloy ang pakikipag-ugnayan ni Pangulong Aquino sa mga miyembro ng kaniyang gabinete kahit ito ay nasa Zamboanga.

“He is in touch with the cabinet officials; he is in touch with executive secretary so the business of government runs even he’s in Zamboanga,” saad pa ni Lacierda. (Nel Maribojoc / Ruth Navales, UNTV News)

Supply ng pagkain sa mga evacuee sa Zamboanga City, sapat — DSWD

$
0
0
Ang pamimigay ng relief goods sa mga apektadong mga mamamayan ng Zamboanga City dahil sa  sagupaan ng Nur Misuari-MNLF faction at government forces (DSWD)

Ang pamimigay ng relief goods sa mga apektadong mga mamamayan ng Zamboanga City dahil sa sagupaan ng Nur Misuari-MNLF faction at government forces (DSWD)

MANILA, Philippines – Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na sapat ang pagkain ng mga kababayan nating lumikas dahil sa nagpapatuloy na sagupaan sa pagitan ng militar at mga miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa Zamboanga City.

Ayon sa DSWD, umaabot na sa 16,533 pamilya o katumbas ng 82,106 indibidwal ang apektado ng sagupaan.

Nasa 13,635 pamilya naman ang kasalukuyang nanunuluyan ngayon sa may dalawampu’t siyam na evacuation center sa Zamboanga.

Ang Joaquin Enriquez ang may pinakamaraming evacuaees na umaabot ng mahigit 9-libong pamilya.

Nakipag-ugnayan na ang DSWD sa mga catering group at food service provider sa Zamboanga upang masiguro na mabilis na mabibigyan ng pagkain ang mga evacuee.

Katulong sa pamimigay ng pagkain ang ilang international organization tulad ng World Food Program.

Bukod sa DSWD at lokal na pamahalaan, nagbigay na rin ng tulong ang Department of Agriculture (DA).

Ayon sa DA, ang Zamboanga ang may pinakamalaking alokasyon ngayon ng bigas na umaabot na tatlong daang libong sako. (Mon Jocson / Ruth Navales, UNTV News)


Maagang babala sa mga lugar na tatamaan ng kalamidad, matatanggap na sa pamamagitan ng text

$
0
0
Dahil sa di inaasahang pagtuloy-tuloy ng pag-ulan na dala ng bagyong Maring nitong August 20, 2013 ang mag-ina na ito ay na-stranded sa isang sakayan sa Las Piñas City. Sa Emergency Cell Broadcast System na ilulunsad ng NDRRMC ay magbibigay na ng mga maaga at paunang babala sa mga lugar na maaapektuhan ng paparating na kalamidad. FILE PHOTO. (REY VERCIDE / Photoville International)

Dahil sa di inaasahang pagtuluy-tuloy ng pag-ulan na dala ng bagyong Maring nitong August 20, 2013, ang mag-ina na ito ay na-stranded sa isang sakayan sa Las Piñas City. Sa Emergency Cell Broadcast System na ilulunsad ng NDRRMC ay mabibigyan na ng mga maaga at paunang babala ang mga mamamayan sa mga lugar na maaapektuhan ng paparating na kalamidad. FILE PHOTO. (REY VERCIDE / Photoville International)

MANILA, Philippines — Ilulunsad na sa susunod na buwan ng National Disaster Risk Reduction & Management Council (NDRRMC) ang Emergency Cell Broadcast System na naglalayong makapagbigay ng maagang babala sa mga lugar na maaapektuhan ng paparating na kalamidad.

Ayon kay NDRRMC Executive Director Usec. Eduardo Del Rosario, ilang oras bago dumating ang kalamidad gaya ng bagyo o tsunami ay agad nilang ipadadala ang text message sa mga residente na direktang maaapektuhan nito.

Sa ganitong paraan ay makapaghahanda na ang publiko at maiiwasan ang casualty.

“All users of SMART and Sun cell will receive that emergency information that signal 4 is about to heat your province or your region in 12 hours or less. We will just use this in emergency in nature if a tsunami will heat a particular seaboard in a 5 or 6 hrs we will send the broadcast in 30 minutes or less,” pahayag ni Del Rosario.

Samantala, direkta na ring matatanggap ng mga mayor sa mga siyudad at munisipalidad sa National Capital Region (NCR) ang latest advisory mula sa PAGASA (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration) sa pamamagitan ng sim cards na ipamamagi sa kanila.

Ito ay upang makagawa agad ng kaukulang aksyon ang Local Government Units (LGUs) kung may bubuhos na malakas na ulan lalo na sa mga nasa mabababang lugar.

Ilan sa mga advisory na inilalabas ng PAGASA ay ang rainfall at thunderstorm advisory na nagsasaad ng mga lugar na uulanin sa loob ng 2 hanggang 3 oras.

“This is one way now we can assured na may mga hotline tayo sa mga mayora natin which are the actually decision makers,” pahayag ni DOST Asec. Raymund Liboro. (Rey Pelayo / Ruth Navales, UNTV News)

Biyahe ng passenger vessels sa Zamboanga City, suspendido pa rin

$
0
0
Philippine Coast Guard Spokesperson Lt. Cmdr. Armand Balilo; and Zamboanga City Google Map (UNTV News)

Philippine Coast Guard Spokesperson Lt. Cmdr. Armand Balilo; and Zamboanga City Google Map (UNTV News)

ZAMBOANGA CITY, Philippines — Bagama’t may pinayagan nang makabiyahe na eroplano papasok at palabas ng Zamboanga City, hindi pa rin maaaring makapaglayag ang lahat ng passenger vessels sa siyudad.

Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) Spokesman Commander Armand Balilo, mas mahirap bantayan ang baybayin ng Zamboanga na ginamit na point of entry ng mga lumusob na miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF).

Ang Zamboanga Port ang daungan ng mga sasakyang pandagat na nagmumula sa Basilan, Tawi Tawi, at Sulu.

Samantala, dinagdagan na rin ng PCG ang kanilang search and rescue vessels na nagpa-patrolya sa buong lungsod.

Pinapunta na rin sa lugar ang BRP Corregidor at BRP Pampanga lulan ang relief goods para sa mga apektado ng sagupaan doon. (Francis Rivera / Ruth Navales, UNTV News)

Metro Manila, walang banta ng panggugulo sa kabila ng kaguluhan sa Zamboanga

$
0
0
FILE PHOTO: Ang mga alagad ng pulisya na palagiang nagpapatrolya kahit sa mga parke upang mapanatili sa katahimikan at kapayapaan dito sa Metro Metro Manila. (LVCC / Photoville International)

FILE PHOTO: Ang mga alagad ng pulisya na palagiang nagpapatrolya kahit sa mga parke upang mapanatili sa katahimikan at kapayapaan dito sa Metro Metro Manila. (LVCC / Photoville International)

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na walang banta ng spillover sa Metro Manila ang nagaganap na sagupaan sa pagitan ng militar at Moro National Liberation Front (MNLF) sa  Mindanao.

Ayon kay PNP-PIO Chief Sr. Supt. Reuben Theodore Sindac, naka-heightened alert pa rin ang buong pwersa ng PNP sa Metro Manila.

“Pagdadayalogo sa ibat-ibang district directors na puntahan nila ang iba’t ibang Muslim communities ukol dito para makipagusap at malaman ang kanilang sitwasyon at kalagayan,” pahayag ni Sindac.

Ayon pa sa opisyal, hindi na ibinaba ang alerto mula nang magsimula ang Zambonaga armed conflict, na sinundan pa ng pambobomba sa Davao City, bukod pa ang kabi-kabilang kilos-protesta kaugnay ng pork barrel scam.

Sa kabila nito, tiniyak ng PNP na wala silang natatanggap na intelligence report na anomang banta ng kaguluhan sa kalakhang Maynila.

“We would like to assure the public that this is more on a pro-active action and there is nothing to alarm about,” saad pa ni Sindac. (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)

Opisyal ng AFP, patay sa bakbakan sa Zamboanga City kaninang umaga

$
0
0
FILE PHOTO: Isang sundalong nakadapa sa habang sumisipat sa mga MNLF sa kabilang panig. Sa ika-11 araw ng pagpapatuloy ng sagupaan, isang  junior officer ng Armed Forces of the Philippines   ang nadagdag sa mga nasawi habang 3 militar naman ang nasugatan. (REUTERS)

FILE PHOTO: Isang sundalong nakadapa sa habang sumisipat sa mga MNLF sa kabilang panig. Sa ika-11 araw ng pagpapatuloy ng sagupaan, isang junior officer ng Armed Forces of the Philippines ang nadagdag sa mga nasawi habang 3 militar naman ang nasugatan. (REUTERS)

MANILA, Philippines — Isang junior officer ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pinakahuling napatay sa panig ng militar sa ika-11 araw ng krisis sa Zamboanga City.

Bukod sa isang opisyal, sugatan din ang tatlong kasamahan nito matapos paulanan ng bala ng Moro National Liberation Front (MNLF) habang nagsasagawa ng clearing operations sa Barangay Sta. Barbara.

“They were clearing the area suddenly there was an outburst of fire hitting our personnel. Burst of fire could be from sniper or engaged fire,” pahayag ni AFP Spokesman Brigadier General Domingo Tutaan Jr.

Hindi naman muna pinangalanan ang nasawing opisyal hangga’t  hindi pa naipaalam sa pamilya nito.

Ayon kay Tutaan, miyembro ng PMA class of 2008 ang nasawing sundalo.

Sa ngayon ay 12 na ang nasawi sa panig ng militar habang 108 naman ang nasugatan.

Samantala, nangako naman ang AFP na ipapagkakaloob sa pamilya ng mga nasawing sundalo ang kaukulang benepisyo, at ang parangal na igagawad sa mga napatay sa labanan.

“This is a manifestation of giving the supreme sacrifice to perform our mandate. We feel for the officer killed and the others killed as part of our commitment to Zamboanga,” pahayag pa ni Tutaan.

Sa kasalukuyan ayon sa militar ay nasa pitumpu na lamang ang nalalabing tauhan ni Nur Misuari sa Zamboanga at hinati na sa maliliit na grupo.

Hawak ng mga ito ang nasa dalawampu pang bihag.

Kumpiyansa naman ang militar na hindi magtatagal at matatapos na ang gulo sa Zamboanga. (Victor Cosare / Ruth Navales, UNTV News)

Malacañan, tiniyak na mananagot sa batas ang MNLF faction na sumalakay sa Zamboanga City

$
0
0
Ang pagsuko ng ilang mga miyembro ng MNLF nitong Huwebes, Setyembre 19 sa   Sta. Catalina, Zamboanga City. (Philippine National Police)

Ang pagsuko ng ilang miyembro ng MNLF nitong Huwebes, Setyembre 19 sa Sta. Catalina, Zamboanga City. Tiniyak ng Malacañan na mananagot sa batas ang MNLF faction na sumalakay dito. (Philippine National Police)

MANILA, Philippines – Pinag-aaralan na ng pamahalaan ang mga kasong posibleng isampa laban kay Moro National Liberation Front (MNLF) founding chair Nur Misuari dahil sa ginawang pagsalakay ng kanyang mga tauhan at paghahasik ng kaguluhan sa Zamboanga City.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Sec. Edwin Lacierda na mananagot sa batas si Misuari at kanyang mga tauhan dahil sa pinsalang hatid sa Zamboanga City at mga mamamayan nito.

“Once the charges are filed as you know we will go after those who are responsible,” anang kalihim.

Nangako rin ang pamahalaan na hindi pababayaan ang mga sundalong ilang araw nang nakikipaglaban sa MNLF partikular ang kanilang mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain.

“We would like to assure the public that our soldiers are not being neglected,” pahayag pa ni Lacierda.

Ayon sa tala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), umabot na sa 23,794 pamilya o 118, 819 indibidwal ang naapektuhan ng sagupaan.

Halos siyamnapung porsiyento dito ay nananatili pa rin sa mga evacuation center.

Sa kabuoan ay umaabot sa 70-libong food packs per meal ang ipinamimigay ng pamahalaan araw-araw.

Samantala, sa kabila ng sagupaan sa Zamboanga City, sinabi ng palasyo na magpapatuloy pa rin ang review process sa 1996 MNLF peace deal gayundin ang pakikipagugnayan ng pamahalaan sa ibang faction ng MNLF.

“We will observe 1996 final peace agreement and we will continue to engage them as to the tripartite review process,” saad pa ni Lacierda. (Nel Maribojoc / Ruth Navales, UNTV News)

Viewing all 18481 articles
Browse latest View live