Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all 18481 articles
Browse latest View live

EDSA Tayo prayer vigil, dinaluhan ng iba’t-ibang grupo

$
0
0
SCRAP ALL PORK! Ang mensaheng ibig ipabatid ng  isang grupong nakiisa sa EDSA Tayo rally nitong Miyerkules, Setyembre 11, 2013. (WILLIE SY / Photoville International)

SCRAP ALL PORK! Ang mensaheng ibig ipabatid ng isang grupong nakiisa sa EDSA Tayo rally nitong Miyerkules, Setyembre 11, 2013. (WILLIE SY / Photoville International)

PASIG CITY, Philippines – Iba’t-ibang organisasyon ang nakilahok, mayroong grupo ng mga magkakaibigan, grupo ng mga kabataan, mayroon ding senior citizen at mga non-government organization 

Isang million signature campaign naman ang inorganisa ng Volunteers Against Crime and Corruption laban sa pork barrel.

Ang million signature campaign ng VACC. (ROMALDO MICO SOLON / Photoville International)

Ang million signature campaign ng VACC. (ROMALDO MICO SOLON / Photoville International)

Kinumpiska ng mga tauhan ng PNP ang dalang streamer ng isang grupo. Hindi pahihintulutan ng PNP ang pagsasabit o pagdadala ng banner at streamer sa mismong  lugar ng EDSA Shrine

Tanghali na nang  simulan ang programa ng EDSA Tayo. Pasado alas-dos naman nang magsimulang  magtungo sa shrine ang mga militanteng grupo.

Nagkaroon ng kaunting komosyon dahil pilit na ipinapasok ng mga militanteng grupo ang kanilang dalang placards sa shrine. Agad namang nakipagkasundo ang mga organizer at mapayapang nakapasok sa loob ng venue ang mga militanteng grupo.

Ayon naman kay Junep Ocampo, isa sa mga founder ng EDSA Tayo, huwag tignan ang bilang kundi ang layon  ng pagtitipon.

“Hindi po kami napaparamihan, ang alam lang po namin, panalangin namin, huwag umulan — dininig naman po. Pangalawa, marami din naman po dumalo. Siguro kung pagsasama samahin pati yung nagsimba kanina siguro nasa limang libo din”

Hindi naman kinumpirma ni Ocampo na dadalo siya sa September 13 gathering sa Luneta ngunit makikiisa na lamang umano sila sa pamamagitan ng pananalangin.

Samantala, natuwa naman ang mga tauhan ng PNP na naging mapayapa ang EDSA Tayo prayer vigil.

Ayon sa estimate ng PNP, nasa mahigit isang libo lamang ang dumalo sa EDSA Tayo prayer vigil, hindi man lamang umabot sa limang libo na kinumpirma ng mga organizer na dadalo sa naturang pagtitipon.

Ang EDSA Tayo protest rally ay nagsimula  bilang isang online campaign na umani ng suporta mula sa iba’t-ibang grupo.

Layon ng EDSA Tayo protest rally na makapagtipon ng mga tao na iisa ang  paniniwala  na dapat nang i- abolish sa Priority Development Assistance Fund o PDAF. (MON JOCSON, UNTV News)

Bagaman nagkaroon ng ilang mga komprontasyon sa pagitan ng ilang mga dumalo sa EDSA Tayo at ng mga pulis, sa kabuuan, ayon sa Pambansang Pulisya ay  naging payapa ang pagtitipong ito. (PHOTOVILLE International)

Bagaman nagkaroon ng ilang mga komprontasyon sa pagitan ng ilang mga dumalo sa EDSA Tayo at ng mga pulis, sa kabuuan, ayon sa Pambansang Pulisya ay naging payapa ang pagtitipong ito. (PHOTOVILLE International)


Pagbuo ng mga Municipal Peace and Order Councils sa Maguindanao, isinusulong

$
0
0
FILE PHOTO: Maguindanao Province Governor Esmael 'Toto' Mangudadatu (RITCHIE TONGO / Photoville International)

FILE PHOTO: Maguindanao Province Governor Esmael ‘Toto’ Mangudadatu (PHOTOVILLE International)

MAGUINDANAO PROVINCE, Philippines — Inalerto na ng provincial government ang PNP at AFP upang tiyaking hindi aabot sa Maguindanao ang kaguluhang nagaganap sa Zamboanga City.

May ilang kampo dito sa Maguindanao ang Moro National Liberation Front kayat mahalagang mabantayan  ito ng mga awtoridad.

Salaysay ni PNP-Maguindanao Director PSSUPT Rodelio Jocson, “Nagche-checkpoint kami at coordinated naman kami sa mga kasundaluhan natin at so far, naman wala naman sanang maging problema.”

Samantala, inatasan na ni Governor Esmael ‘Toto’ Mangudadatu ang 36 na munisipalidad na bumuo ng kani-kanilang Municipal Peace and Order Council para sa maayos na koordinasyon ng local government units at peace keeping forces kapag may kaguluhang nagaganap sa probinsya.

“Talagang ire-require natin sila na magkaroon ng MPOC… gagawa kami ng sulat at saka talaga ipupursige namin yan. Kung sinong hindi gagawa, irerekomenda namin sa DILG, may mga measures na i-aapply sa kanila,” ani Gov. Toto.

Ayon kay Mangudadatu may nakalaan namang  pondo mula sa intelligence fund ng lalawigan at maging ang mga munisipyo.

Nananawagan din ang mga awtoridad sa mga municipal mayor na agad ipagbigay alam sa mga awtoridad kung may mga pagkilos ang anumang armadong grupo sa kanilang lugar kasama na rito ang Moro National Liberation Front.

“Lahat naman ng tao dito may cellphone na. High-tech na tayo ngayun eh para naman pag may ginagawa o  gagawin pang kalokohan sa mga localities kaagad agad ma-inform ang province, ma-inform ang kasundaluhan natin at ang PNP natin,”dagdag pa ni Mangudadatu.

Nakausap na rin ni PSSUPT Rodelio Jocson ang mga pulis na dating miyembro ng Moro National Liberation Front na makipag-ugnayan sa kanilang mga kamag anak na miyembro  ng MNLF na nasa Maguindanao na huwag ng makialam sa mga kaguluhan sa Zamboanga City.

Matatagpuan ang mga kampo ng MNLF at Moro Islamic Liberation Front sa Sultan Kudarat, Maguindanao. (LOUELL REQUILMAN / Photoville International)

 

 

Standoff sa Zamboanga City, patuloy

$
0
0
Ang pwersa ng Philippine Army sa pagtugis sa mga MNLF na may hawak ng mga hostage na mga taga-Zamboanga City. (REUTERS)

Ang pwersa ng Philippine Army sa pagtugis sa mga MNLF na may hawak ng mga hostage na mga taga-Zamboanga City. (REUTERS)

ZAMBOANGA CITY, Philippines – (Update) Tuloy pa rin ang bakbakan sa pagitan ng Moro National Liberation Front-Misuari Faction at pwersa ng gobyerno sa Zamboanga City.

Sa ika-apat na araw ng standoff, muling nagpalitan ng putok ang magkabilang panig pasado ala-5 ng madaling araw at sinundan bago mag-ala-7 ng umaga kanina, Huwebes.

Samantala, umabot na sa mahigit 13-libo ang evacuees sa Zamboanga City Sports Stadium.

Nagkakasakit na rin ang mga ito partikular na ang mga bata na tinamaan ng ubo at sipon.

Nagrereklamo naman ang ibang evacuees dahil sa kakulangan ng suplay ng pagkain. (UNTV News)

Full alert status, itinaas sa CDO kaugnay ng nangyayaring kaguluhan sa Zamboanga City

$
0
0
Google Maps: Cagayan De Oro & Zamboanga City

Google Maps: Cagayan De Oro & Zamboanga City

CAGAYAN DE ORO CITY, Philippines – Nakataas pa rin ang full alert status sa buong probinsya ng Cagayan De Oro bunsod ng nagpapatuloy na kaguluhan sa Zamboanga City.

Ayon kay Cagayan de Oro City Police Chief Inspector Lemuel Gonda, paraan ito upang huwag nang kumalat pa sa mga karatig bayan o lalawigan ang nangyayaring krisis sa Zamboanga.

“Full alert tayo, nung nag-umpisa ang krisis sa Zamboanga naka-full alert na tayo until now.”

Ayon pa sa opisyal, pinakiusapan nila ang mga miyembro ng MNLF na nasa lungsod na huwag isuot ang kanilang mga uniporme at bawal ding magdala ng armas partikular na sa mga pampublikong lugar.

Katuwang ang 4th Infantry Diamond Division ng Philippine Army ay mas hinigpitan pa ng PNP ang mga nakalatag na checkpoint papasok at palabas ng lungsod partikular sa Barangay Iponan, Puerto Area at Barangay Lumbia.

Masusi ring iniinspeksyon ang bawat sasakyan upang masigurong walang maghahasik ng kaguluhan sa siyudad.

“Strengthened yung mga check points entrance and exit then nagpasecurity survey tayo sa lahat ng stations,” pahayag pa ni Gonda.

Samantala, sang-ayon naman ang maraming Kagay-anon sa ipinatutupad na heightened alert status ng mga awtoridad.

Ayon sa mga residente, hanggang ngayon ay sariwa pa sa kanilang alaala ang nangyaring pagsabog sa Limketkai na ikinasugat at ikinasawi ng marami.

Ayon kay Aling Estrelita Ebcay, “matakot talaga tayo kasi malapit lang ang Cagayan De Oro sa Zamboanga, mas maganda na mahigpit para walang gulo sa Cagayan De Oro.”

“Kailangan talaga magbigay sila ng proteksyon sa sibilyan at lahat ng tao dito sa Cagayan De Oro,” pahayag naman ni Bert Abisamis. (Anne Sanchez / Ruth Navales, UNTV News)

Nur Misuari, itinakwil ang mga tauhan na gumagawa ng gulo sa Zamboanga City

$
0
0
FILE PHOTO: Moro National Liberation Front Founding Chairman Nur Misuari (UNTV News / Google Maps)

FILE PHOTO: Moro National Liberation Front Founding Chairman Nur Misuari (UNTV News / Google Maps)

 

ZAMBOANGA CITY, Philippines – Itinanggi ni Moro National Liberation Front (MNLF) founding chairman Nur Misuari na siya ang nasa likod ng nangyayaring stand-off sa Zambonga City.

Ayon kay Mayor Beng Climaco, nakausap niya kagabi si Misuari at sinabi nito sa kanya na wala siyang basbas sa ginagawang gulo ng kanyang mga tauhan.

Mariin ding itinatakwil ng MNLF leader ang mga naging hakbang ni Habier Malik, ang sinasabing lider ng MNLF fighters na may hawak sa ilang bihag na sibilyan. (UNTV News)

Zero Remittance Day protest, palalawigin kapag hindi tinanggal ang pork barrel

$
0
0
Artist impression: Zero Remittance Day (Credits: Google and Google Maps)

Artist impression: Zero Remittance Day (Credits: Google and Google Maps)

MANILA, Philippines — Umaani ng suporta mula sa iba’t-ibang organisasyon ang panawagang “zero remittance day” bilang protesta kontra pork barrel ng mga senador at kongresista.

Inilunsad ngayong araw ng Huwebes ang Depork Alliance na binubuo ng iba’t ibang migrant organizations sa pangunguna ng Migrante International.

Ayon sa Migrante, umabot na sa 142 OFW organizations sa 23 bansa ang nagpahayag ng suporta sa zero remittance day sa September 19.

Ibig sabihin nito, hindi magpapadala ng pera ang mga OFW bilang parte ng panawagan na buwagin ang pork barrel system.

Ayon kay Depork Alliance Convenor Lito Soriano, malaki ang nakalaang pondo sa mga matataas na opisyal ng bansa ngunit kapos naman ang pondo na nagpoprotekta sa mga OFW sa panahong nagigipit sa ibang bansa.

“Nakita natin sa dami ng Pilipino sa distressed center na gustong makauwi na ito’y lumampas na sa kanilang mga kontrata at di makauwi dahil walang pondo, eh ito ngayon marinig natin bawat senador may 200 million na pork barrel bawat kongresista may 70 million, napakasakit pong tanggapin yun.”

Banta pa ng grupo na kung hindi aalisin ng gobyerno ang pork barrel sa mga mambabatas ay hindi lamang isang araw kundi paaabutin nila ng isang linggo ang kanilang protesta.

“Wag nilang antayin na ang mamamayan mismo ang maghanap ng ibang alternatibo na paglaban… ang OFW ay hindi aatras pag ganito na ang hamon,” ani Soriano. (Ley Ann Lugod / Ruth Navales, UNTV News)

CAAP, nagpalabas ng notice of extension of closure para sa Zamboanga Airport

$
0
0
Zamboanga International Airport Terminal. FILE PHOTO. (ELDON TENORIO / Photoville International)

Zamboanga International Airport Terminal. FILE PHOTO. (ELDON TENORIO / Photoville International)

ZAMBOANGA CITY, Philippines – Isang notice of extension of closure ang inilabas ngayong araw, Huwebes, ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) para sa Zamboanga Airport dahil sa patuloy na kaguluhang nagaganap sa pagitan ng pwersa ng gobyerno at Moro National Liberation Front (MNLF).

Ang naturang notice ay tatagal hanggang Setyembre 21, 2013.

Dahil dito ay hindi na matutuloy ang plano ng pamunuan ng Philippine Airlines (PAL) na pagdaragdag ng flights paalis ng Zamboanga City sa oras na maglabas ng Notice to Airmen (NOTAM) ang CAAP.

Ito ay gagawin sana upang matugunan ang pangangailangan ng maraming mga pasaherong naapektuhan ng kaguluhan sa lungsod.

“Just this morning CAAP nag-release ng notice of extension ng suspension which will take effect effective today until 21 September 19:00. So we advise them to visit or call our reservation for visit our web for further announcement,” pahayag ni Noel Herico, ang officer in charge ng PAL-Mindanao.

Mahigit 3-libong mga pasahero na papunta at paalis ng Zamboanga City at mga karatig na isla gaya ng Basilan, Sulu at Tawi-Tawi ang apektado ng pagsasara ng paliparan sa Zamboanga City.

Dahil dito, nakipag-ugnayan na ang mga airline company sa Philippine Air Force (PAF) at napagkasunduan na bukas ng umaga, Biyernes ay isasakay sa C-130 plane ang mga stranded na pasahero sa Zamboanga upang dalhin naman sa Cebu City at doon na sila isasakay sa mga commercial airlines patungo ng Maynila.

Ayon sa CAAP, mayroong 8 inbound at outbound flights ng Cebu Pacific ang nakansela, habang 4 na inbound at outbound flights naman sa PAL. (Louell Requilman / Ruth Navales, UNTV News)

Ceasefire, hiniling ng MNLF sa pamahalaan

$
0
0
MNLF Spokesperson Atty. Emmanuel Fontanilla (UNTV News)

MNLF Spokesperson Atty. Emmanuel Fontanilla (UNTV News)

MANILA, Philippines — Umaapela ng tigil putukan sa gobyerno ang Moro National Liberation Front (MNLF).

Sa isang panayam sinabi ng tagapagsalita ng pangkat ni MNLF chair Nur Misuari na si Atty. Emmanuel Fontanilla na ito ay upang makuha ng mga religious leader ang mga bihag na sibilyan.

“Panawagan namin sa Pangulo ng Pilipinas na maaari po na itigil ang putukan at ang sibilyan po ay kukunin ng mga Ulamas at nang hindi masyadong maapektuhan.”

Iginiit din ni Fontanilla ang pagkakaroon ng third party mula sa United Nations (UN) o Organization of Islamic Cooperation (OIC) upang matigil na ang sagupaan sa Zamboanga City na nagsimula noon pang Lunes.

“Ang sinasabi namin ay mayroong third party na makikialam dahil tulad ng magkakapatid yan na hindi na masyadong maayos ang konsepto kailangan na ng tatay.”

Samantala, tila nalilito naman ang Malacañang sa nais mangyari ng MNLF.

Ayon kay Presidential Communications Development & Strategic Planning Office Sec. Ricky Carandang, hindi nila alam kung sino ang dapat pakinggan sa MNLF.

“First of all we’ve confused because one guy from MNLF says bring the international mediator another guy from the MNLF says we don’t want to talk anyone, everything so it’s very difficult to verify who’s speaking behalf on whom and what they really want at this point in time.”

Dagdag pa ng kalihim, sa ngayon ay nananatili ang direktiba ni Pangulong Aquino na tiyakin ang seguridad ng mga residente sa naturang lugar.

“The presidents always concern about two things containing that making sure that it will not spread out and get worse,” saad pa ni Carandang. (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)


Presyo ng bigas, bababa na sa mga susunod na linggo — NFA

$
0
0
FILE PHOTO: Bigasan (UNTV News)

FILE PHOTO: Bigasan (UNTV News)

MANILA, Philippines — Inaasahang bababa na ang presyo ng commercial rice sa mga susunod na linggo.

Sa pagbabantay ng National Food Authority (NFA) sa presyo ng bigas sa Intercity Rice Mill sa Bocaue, Bulacan, bumaba na sa P40.00 ang kada bag at sako ng premium at medium quality rice, habang P50.00 naman ang ibinaba sa kada bag ng imported premium quality.

“In the next few day o few weeks magno-normalize na yan dahil magpeak harvest na tayo towards the end of this month onwards October, November may harvest na tayo na marami,” pahayag ni NFA Spokesman Rex Estoperez.

Sa Q-Mart, bagama’t tumaas ng dalawa hanggang tatlong piso ang kada kilo ng commercial rice, unti-unti na rin itong bumabalik sa dati nitong presyo.

Dumami naman ang benta ng NFA rice mula nang tumaas ang presyo ng commercial rice dahil mas tinatangkilik ng mamimili ang mas mababang presyo.

Nauna nang sinabi ng Department of Agriculture (DA) na pinaiimbestigahan na nito ang umano’y manipulasyon sa presyo ng bigas.

Muli namang tiniyak ng NFA na sapat ang suplay ng bigas sa buong bansa at umapela sa publiko na tangkilikin ang NFA rice.

“Makikita natin na yung 32 magandang klase po yan. Yan yung local rice natin na well milled at yung 27 natin regular milled na local rice din yan,” saad pa ni Estoperez. (Rey Pelayo / Ruth Navales, UNTV News)

Whistleblower Benhur Luy, humarap sa Senado; Napoles, itinurong mastermind sa PDAF scam

$
0
0
Ang Pork Barrel Scam whistle-blower Benhur Luy na humarap sa Senate Hearing nitong Huwebes, September 12, 2013. (CREDITS: Senator TG Guingona Official Facebook Account)

Ang Pork Barrel Scam whistle-blower Benhur Luy na humarap sa Senate Hearing nitong Huwebes, September 12, 2013. (PHOTO CREDITS: Senator TG Guingona Official Facebook Account)

MANILA, Philippines — Matapang na humarap sa senado ang principal whistleblower na si Benhur Luy sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ngSenate Blue Ribbon Committee sa pangunguna ni Senador Teofisto Guingona III kaugnay sa multi-billion peso pork barrel scam.

Sa imbestigasyon, direktang itinuro ni Luy ang negosyanteng si Janet Lim Napoles na mastermind o utak sa pork barrel scam.

“Siya ang mastermind, siya ang boss ko,” pahayag ni Luy.

Ayon pa sa whistleblower, nasa limampung porsiyento ng kabuoang halaga ng proyektong nakuha ng mga umano’y pekeng non-government organizations (NGOs) ni Janet Lim Napoles ang hinihingi ng mga mambabatas na naglaan ng kanilang pondo.

Ipinaliwanag din ng whistleblower na bago maghatian ay nakikipagtawaran muna si Napoles sa kanyang mga ka-deal.

“Sa una po ay sasabihin ni Ms. Napoles na 40 porsiyento lamang pero sasabihin ng kanyang kausap na 50 porsiyento at makikipagtawaran po uli siya ng hanggang 45 porsiyento. Kapag hindi po pumayag ang kanyang kausap ay papayag na rin sa 50 porsiyento si Ms. Napoles pero sasabihin naman niya na ikakaltas niya sa napagkasunduang halaga ang tax,” pahayag pa ni Luy.

Maging ang mga chief of staff o mga kinatawan ng mga mambabatas na nakikipagtransaksiyon sa grupo ni Napoles ay nabibiyayaan din umano mula sa mga kontratang nakukuha nila mula sa mga pork barrel fund.

“May parte po ang mga chief of staff pero nasa discretion na po ni Madam yan, minsan 1 percent, iba iba po depende, kasi sila po ang mga kausap namin sa mga tanggapan ng mga mambabatas,”

“Inihahatid din po sa bahay ng mga senador (pera).

Bahagi na umano ng kanilang regular na transaksyon ang mag-withdraw ng pera sa bangko na dinadala nila sa kanilang opisina.

“Umaabot ng 75 M ang pera sa upisina minsan, galing sa iba’t ibang bangko. Pag may natira sa disbursements inuuwi niya sa bahay.”

May mga pagkakataon din na kahit hindi pa sila naiisyuhan ng tseke ng mga implementing agencies ng mga pork barrel ng mga senador ay nagpapaluwal na si Napoles at binabayaran na ang mga kausap nito.

Kwento ni Luy, “pag nasa foundation na ang tseke ipapasok na ito sa bangko, Metrobank, Landbank. Karamihan ng account namin ay Metrobank, pag nag-good iwi-withdraw na, minsan no cash out kasi same bank. Pag sa Landbank iwi-withdraw dadalhin sa opisina, iuuwi na sa bahay. andun ang nanay ko na tita ni madam, sila ang nagrerecieve ng pera, mula elevator hanggang masters bedroom sila magdadala, dahil di kasya sa vault, ipapatong bag na may pera sa bedroom o sa baththub at doon na rin kuikunin ang mga ibabayad niya sa mga kausap niya, doon din kukunin ang ipambibili ng mga properties.”

Isiniwalat pa nito na alam niya ang mga transaksiyon ni Napoles mula 2004 hanggang 2010 dahil nakopya niya ang mga dokumneto sa mga lumang computers.

Siya rin umano ang nag-encode dahil siya ang pinagkakatiwalaan ni Napoles pagdating sa pera.

Ayon pa kay Luy, mula walong libong piso na sahod niya noong 2002 ay naging 45 thousand na ito.

Inamin din nito na nakapunta na siya sa senado at itinago sa isang codename ang senador na kanyang pinuntahan.

Bigo namang mapangalanan ang mga senador na sinasabing nakatransakyon ni Napoles dahil sa pakiusap ni Justice Secretary Leila De Lima.

“Kung puwede lang po, wala muna tayong mga papangalanan, baka naman po hindi pa nakailangan para matugunan ang mga pangangailangan ng imbestigasyon, in aid of legislation po lamang sana,” ani De Lima.

Pero para kay Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano, dapat pangalanan na ang mga mambabatas at iba pang sangkot dahil nabanggit na rin naman ang kanilang mga pangalan sa report na isinumite ng Commission on Audit (COA) at mga newspaper reports. (Bryan De Paz / Ruth Navales, UNTV News)

Kaligtasan ng mga naiipit sa kaguluhan sa Zamboanga City, prayoridad ng pamahalaan

$
0
0
Ang ilan sa mga residente sa Zamboanga City na napilitang lumikas dahil sa patuloy na sagupaan ng pwersa ng militar sa isang paksyon ng MNLF. (REUTERS)

Ang ilan sa mga residente sa Zamboanga City na napilitang lumikas dahil sa patuloy na sagupaan ng pwersa ng militar sa isang paksyon ng MNLF. (REUTERS)

ZAMBOANGA CITY, Philippines – Hindi pa kailangang magdeklara ng state of emergency sa Zamboanga City.

Ito ang ipinahayag ni Pangulong Benigno Aquino III sa isinagawang press briefing kaninang tanghali sa head quarters ng Western Mindanao Command (WESTMINCOM).

Ayon sa Pangulo, sapat ang pwersa ng gobyerno sa lugar upang makontrol ang kaguluhan at maiwasan ang spill over.

Dagdag pa nito, mas prayoridad ng pamahalaa sa ngayon ang kaligtasan ng mga naiipit sa sagupaan sa pagitan ng militar, mga pulis at Moro National Liberation Front (MNLF).

Samantala, matapos makipagpulong sa WESTMINCOM, nagtungo rin si Pangulong Aquino sa Zamboanga City Grand Stand Sports Complex upang personal na alamin ang kalagayan ng mga evacuees doon. (UNTV News)

World’s shortest woman na may taas na 2’6″, kinilala na ng Guinness World Records

$
0
0
Ang mga taga-Guinness World Records na sina Rob Molloy (right) at ang Indian doctor na si K. Sujatha (left) habang sinusukat ang taas ni Jyoti Amge, na siyang kasalukuyang may hawak ng record na world's shortest living woman na may sukat na 24.39 inches o 61.95 cm. (REUTERS)

Ang mga taga-Guinness World Records na sina Rob Molloy (right) at ang Indian doctor na si K. Sujatha (left) habang sinusukat ang taas ni Jyoti Amge, na siyang kasalukuyang may hawak ng record na world’s shortest living woman na may sukat na 2 feet, 6 inches o 62.7 cm. (REUTERS)

INDIA — Sa taas na 2 feet, 6 inches o 62.7 cm,  tinanghal  na “world’s shortest living woman” ng Guinness Book of World Records 2014 ang 19-anyos na si Jyoti Amge mula sa bansang India.

Sa pagharap nito sa media kahapon sa 86th floor observatory ng Empire State Building, kitang kita ang saya ni Amge suot ang kanyang jewel-encrusted purple dress.

Si Amge na tubong Nagpur, India, ay may timbang na 11 pounds o 5 kilo lamang.

May dwarfism si Amge ng isilang o ang tinatawag na achindroplasia.

Bago tinanghal na pinakamaliit na tao ng Guinness, nauna nang kinilala si Amge na “world’s shortest teenager”.

“I like it very much. Being in the Guinness book of world records, I get to visit different places like London, Italy, New York and everywhere,” nakangiting pahayag ni Amge.

Ayon sa Guinness, mas mataaas pa ang isang average 2-year old na bata kaysa kay Amge.

At dahil sa kanyang kakaibang sukat, nabigyan siya ng mga role sa ilang pelikula.

“Earlier I wanted to be in Bollywood but I didn’t get too many offers, so now I’m thinking of going to Hollywood,” pahayag pa ng dalagita.

Bago si  Amge,  naunang kinilala bilang  shortest woman ng Guinness si Pauline Musters ng The  Netherlands, na ipinangak noong 1876 at pumanaw noong 1895, at may sukat  na 1 feet 92 inches o 58 cm. (Bianca Dava / Ruth Navales, UNTV News)

Tripartite meeting sa Indonesia kasama ang MNLF, hindi tuloy – Pres. Aquino

$
0
0
FILE PHOTO: President Benigno Aquino III (Malacanang Photo Bureau) Google Maps: Jakarta, Indonesia

FILE PHOTO: President Benigno Aquino III (Malacanang Photo Bureau) Google Maps: Jakarta, Indonesia

MANILA, Philippines – Kinumpirma ni Pangulong Benigno Aquino III na hindi na matutuloy ang nakatakdang pagpupulong sa Jakarta, Indonesia ng mga kinatawan ng Moro National Liberation Front (MNLF) at ng pamahalaan sa Setyembre 15 hanggang 16.

“Iyong question, kay Misuari, hindi sa atin. Ang pagkakaintindi ko po, na-postponed na yata ang meeting dapat sa Jakarta next week because of his inability to attend,” anang Pangulo.

Layon sana ng pagpupulong na mapag-usapan ang implementation review ng 1996 MNLF peace deal. Dito din tatalakayin ang mga hindi pagkakaunawaan ng dalawang panig sa naturang usapin.

Ayon kay OPAPP Secretary Teresita Ging Deles, mismong si MNLF Founding Chairman Nur Misuari ang humiling na ipagpaliban ang dalawang araw na nasabing pulong.

“We received word from the OIC that upon the request of Nur Misuari, the meeting on 16th is postponed.”

Sinasabing ang umano’y pagbalewala ng pamahalaan sa 1996 MNLF peace deal ang isa sa itinuturong dahilan kung bakit sumalakay ang MNLF forces sa Zamboanga City. (Nel Maribojoc / Ruth Navales, UNTV News)

Anak ng notoryus na carnapper, nahuli ng QCPD

$
0
0
Ang nadakip na si Mark Joseph Reyes na anak ng notoryus na lider ng Mac Lester Carnapping Group. (UNTV News / PNP)

Ang nadakip na si Mark Joseph Reyes na anak ng notoryus na lider ng Mac Lester Carnapping Group. (UNTV News / PNP)

QUEZON CITY, Philippines – Nadakip na ng Quezon City Police District (QCPD) ang anak ng notoryus na lider ng Mac Lester Carnapping Group na nag-ooperate sa Metro Manila.

Ayon kay QCPD Director Chief Supt. Richard Albano, nahuli si Mark Joseph Reyes habang ipinare-repair ang bagong nakaw na Honda VTEC S.I.R na pag-aari ng businesswoman na si Gatsby Fay Balanay.

“Yung huling vehicle na na-recover natin, it was stolen August 28 and it was recovered September,” ani Albano.

Kwento ng biktimang si Balanay, nakaparada sa harap ng kanyang bahay sa Vicente Cruz, Sampaloc ang kanyang sasakyan nang nakawin ng mga kawatan.

“Nakuha yung sasakyan ng August 28 nagising po ung mother in law ko ng 3am wala na yung sasakyan.”

Idinagdag pa ni Albano na maraming kaso ng carnapping at illegal possession of firearms ang mag-anak na Mac Lester, Jazmine at Mark Joseph.

Sila rin umano ang kumarnap sa black Toyota Fortuner na nakapangalan sa presidente ng SSS na si Emil De Quiros noong 2011.

Nanawagan naman ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) sa mga mambabatas na paigtingin ang batas laban sa carnapping upang masawata ang nakawan ng sasakyan.

“Baguhin yung batas na Anti-Carnapping Act of 1972 which is also known as RA 6539 na ang act of carnapping is always bailable,” pahayag ni VACC Board of Director, Boy Evangelista. (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)

Nasawi sa bakbakan sa Zamboanga at Basilan, umabot na sa 18

$
0
0
Ang ilan sa mga pwersa ng militar na sinasamantala na makakuha ng tulog at ng pagkakataon na makapagpahinga sa ilang araw nang pakikipagbaka sa pwersa ng MNLF sa Zamboanga City. (REUTERS)

Ang ilan sa mga pwersa ng militar na sinasamantala na makakuha ng tulog at ng pagkakataong makapagpahinga sa ilang araw nang pakikipagbaka sa pwersa ng MNLF sa Zamboanga City sa huling tala ay umabot na sa 18 ang mga nasawi sa sagupaang ito. (REUTERS)

MANILA, Philippines – Umakyat na sa labing walo ang naitalang bilang ng mga nasawi sa nagpapatuloy na sagupaan sa pagitan ng mga militar at Moro National Liberation Front (MNLF) sa Zamboanga at Basilan.

Kabilang sa mga nasawi ang 2 sundalo, 3 pulis, 2 sibilyan at 11 miyembro ng MNLF.

Sugatan naman ang 28 sundalo, 6 na pulis at 18 sibilyan, habang 20 MNLF ang nasa kustodiya ng militar.

Samantala, kabilang sa mga nasawi sa panig ng gobyerno ang batang-batang si Inspector Jay Latawan Oyoyan na taga-Sagada Mountain Province.

Si Inspector Oyoyan ay nasawi sa bakbakan sa Zamboanga City pasado alas-11 ng gabi noong September 11, Miyerkules.

Nagsasagawa umano ng clearing operations ang mobile group ng PNP na kinabibilangan ni Oyoyan, nang makaengkwentro ang MNLF.

Nagtamo ng tatlong tama ng bala sa katawan at ulo ang pulis.

Naisugod pa ito sa ospital at doon nalagutan ng hininga.

“I feel bad and I pray sana matigil na ito para di na dumami pa ang casualties,” pahayag ni Dolores Lantawan Lipas, tiyahin ng nasawing pulis.

Si Oyoyan ay miyembro ng PNPA class of 2012 at unang na-assign sa Zamboanga City.

Sa ngayon ay pinag-aaralan na ng PNP ang parangal na igagawad sa nasawing pulis.

Sa linggo, nakatakdang ilibing sa Mountain Province ang nasawing opisyal. (Victor Cosare / Ruth Navales, UNTV News)


Ilang OFW galing Syria, hindi makauwi sa Zamboanga

$
0
0
Sakay ng Gulf Air flight GF154 umaga nitong Biyernes, 31 OFW mula sa Syria ang nakauwi na sa bansa. (UNTV News)

Sakay ng Gulf Air flight GF154 umaga nitong Biyernes, 31 OFW mula sa Syria ang nakauwi na sa bansa. (UNTV News)

MANILA, Philippines – Muling nadagdagan ang mga nailikas na Overseas Filipino Workers (OFW) mula sa bansang Syria bunsod ng patuloy na kaguluhan doon.

Lumapag kanina sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 ang mga Pinoy worker lulan ng Gulf Air flight GF154.

Nito lamang Setyembre 11 ay ibiniyahe ang mga ito mula sa Damascus hanggang sa Beirut sa Lebanon.

Bahagi pa rin ito ng repatriation effort ng pamahalaan sa mga Pilipinong nais nang makabalik ng bansa dahil sa patuloy kaguluhan sa Syria.

Pero ang ilan sa kanila, hindi pa rin makakauwi sa kani-kanilang pamilya sa Zamboanga at Basilan dahil sa nagpapatuloy na kaguluhan doon.

Ayon sa OFW Haidi Rivera, wala silang magagawa kundi maghintay na humupa ang gulo sa Mindano bago makauwi sa kanilang lugar.

“Pupunta ako ng Zamboanga, tapos sabi ang gulo daw doon. Tapos ngayon di pa ako nakakatawag sa pamilya ko, eh di mag-stay muna po ako sa OWWA.”

Sa ngayon ay nasa 4,772 na ang naililikas na Pinoy worker mula sa Syria, habang nasa 3 libo pa ang dapat na mailikas kasama ang mga ayaw pang umuwi matapos alukin ng mas malaking sahod ng mga employer. (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)

3 petisyon ng kampo ni Napoles, ibinasura ng Makati RTC

$
0
0
Ang mugshot ni Janet Lim Napoles, suspek sa pork barrel scam (UNTV News)

Ang mugshot ni Janet Lim Napoles, suspek sa pork barrel scam (UNTV News)

MANILA, Philippines – Hindi pinanigan ni Makati RTC Branch 150, Judge Elmo Alameda ang tatlong petisyon na ipinasa ng kampo ni Janet Lim Napoles.

Ang mga ito ay ang motion to suspend proceedings ni Reynald Lim, urgent motion for bill in particulars at motion to defer arraignment ni ginang Napoles.

Ayon sa anim na pahinang resolusyon na inilabas ng korte, walang sapat na merito ang tatlong petisyon.

Dahil dito ay tuloy na tuloy na ang itinakdang arraignment ng Makati RTC Branch 150 sa September 23 sa susunod na linggo.

Samantala, wala pang desisyon ang korte sa kahilingan ng kampo ni Napoles na isagawa sa Fort Sto. Domingo sa Laguna ang pagbasa ng sakdal. (Mon Jocson / Ruth Navales, UNTV News)

Anti-pork rally sa Luneta, dinaluhan ng iba’t-ibang grupo

$
0
0
Ang isa sa mga naging agaw-pansin sa pagtitipong ito, ang pagmatsa ng isang naka-wheelchair na may mukha ni Janet Lim Napoles, kasama rin ang mga may mukha nina DILG Sec. Mar Roxas, President Noynoy Aquino at Atty. Lorna Kapunan. (RAMIR TILAON / Photoville International)

Ang isa sa mga naging agaw-pansin sa pagtitipong ito ang pagmatsa ng isang naka-wheelchair na may mukha ni Janet Lim Napoles na kasama rin ang mga may mukha nina DILG Sec. Mar Roxas, President Noynoy Aquino at Atty. Lorna Kapunan. (RAMIR TILAON / Photoville International)

MANILA, Pilippines — Dinaluhan ng mga militanteng grupo, estudyante at mga church-based group ang malaking kilos protesta na isinagawa nitong Biyernes, Setyembre 13, 2013 sa Luneta.

Ito na ang ikatlo sa mga serye ng kilos protesta na inorganisa laban sa pork barrel

Ilang linggo na ang nakakaraan ng isagawa ang Million People March dito rin sa Luneta na sinundan naman ng isang prayer vigil sa EDSA at ngayon naman ay ang ilan sa ating mga kababayan upang magpahayag ng kanilang pagtutol sa pork barrel.

Sa pagtitipong ito tinatayang nasa sampung libo umano ang dumalo.

Ipinarada ng mga militanteng grupo ang isang babae na naka-wheel chair na may mukha ni Jane Lim-Napoles na ini-escortan ng taong nakamaskara ng mukha ni Pangulong Aquino, Sec. Mar Roxas at Atty. Lorna Lapunan.

Mula sa iba’t-ibang dako, nagparada patungong Luneta ang mga grupong makikilahok sa kilos protesta

Ibat-ibang aktibidad ang isinagawa kanina na pinangunahan ng mga estudyante at mga militanteng grupo.

Dumalo ang mga estudyante ng San Beda, St. Scholastica, PNU,  Adamson University, Letran at iba pang mga unibersidad.

Kumpara sa Million People March, mas kakaunti ang bilang ng mga dumalo sa pagtitipon ito ngunit naging maayos at mapayapa rin.

Ayon sa grupong Kontra-Daya na isa sa mga organizer ng kilos-protesta, layon nitong imulat ang mga dadalo sa sistema ng pork barrel.

Pinaalalahanan naman ng National Parks and Development Committee ang mga dadalo sa pagtitipon na huwag magkalat sa Rizal Park.

Bagaman pinayagan ang pagdadala ng placards at effigy, ipinagbawal naman ang pagsusunog sa mga ito.

Ang programa ay pinasimulan alas-tres ng hapon sinundan ng mga pagtatanghal at konsyerto.

Sa September 21, Sabado, kasabay ng Martial Law anniversary ay muling magkakaroon ng paglabas sa lansangan upang magprotesta laban sa pork barrel. (MON JOCSON / UNTV News)

SCRAP PRESIDENTIAL PORK. Ito ang ang isa sa mga kahilingan sa protestang ito sa pork barrel ang i-abolish din ang Special Purpose Fund ni Pangulong Aquino o ang tinataguriang 'Presidential Pork Barrel". (RODGIE CRUZ / Photoville International)

SCRAP PRESIDENTIAL PORK. Ito ang isa sa mga kahilingan sa protestang ito — ang i-abolish din ang Special Purpose Fund ni Pangulong Aquino o ang tinataguriang ‘Presidential Pork Barrel”. (RODGIE CRUZ / Photoville International)

Ibang mga miyembro ng MNLF, nagsagawa ng prayer rally sa Cagayan De Oro City

$
0
0
FILE PHOTO: Moro National Liberation Front or  MNLF (REUTERS)

FILE PHOTO: Moro National Liberation Front or MNLF (REUTERS)

MNLF 

CAGAYAN DE ORO CITY, Philippines – Isang prayer rally ang isinagawa kahapon, Linggo ng ibang miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa Cagayan De Oro City.

Panawagan ng mga raliyista, itigil na ang labanan at sa halip ay resolbahin sa mapayapang paraan ang kanilang sigalot.

Ayon kay MNLF Commander Sami Tagalog, hindi ang MNLF ang nagpasimula ng nagaganap na kaguluhan sa Zamboanga.

Layunin lamang anila na mabatid ng mga kinauukulan ang kanilang tunay na mithiin sa Mindanao.

“Bilang commander, 58 kami na mga national command, walang binigay na instruction na maggiyera kami sa Mindanao, lupa namin ito hindi maaaring guluhin ang lupang ito, walang instruction o anu pa man. Ang amin lang ay maintindihan ng mga mamamayan ng Mindanao ang aming adbokasiya.” (UNTV News)

Sagupaan ng MNLF at pwersa ng gobyerno, nagpapatuloy sa ika-walong araw ng Zamboanga Siege

$
0
0
REUTERS FILE PHOTO: Philippine Army waits for an opportunity to shoot against the MNLF forces on the ongoing siege in Zamboanga City.

REUTERS FILE PHOTO: These members of Philippine Army wait for an opportunity to shoot against the MNLF forces on the ongoing siege in Zamboanga City.

ZAMBOANGA CITY, Philippines – Nasa ikawalong araw na ang sagupaan ng Moro National Liberation Front (MNLF) at pwersa ng militar sa Zamboanga City.

Dakong alas-5 ng umaga kanina, Lunes ay muling nagkapalitan ng putok ang dalawang panig sa Sta. Catalina, samantalang may iniulat na bagong sunog sa kalapit na barangay na Sta. Barbara at Rio Hondo.

Bandang ala-7 ng umaga, tumigil ang palitan ng putok subalit makalipas lamang ang mahigit na kalahating oras ay muling nakarinig ng mga putukan sa mga nasabing lugar.

Batay sa obserbasyon ng mga bumbero, tila  sinasadya ng MNLF ang pagsunog sa  mga bahay dahil tuwing bago mag-uumpisa ang labanan ay magkakaroon muna ng sunog.

Sa pagtaya ng Bureau of Fire Protection (BFP), daan-daang bahay na ang natupok mula nang sumiklab ang kaguluhan sa Zambanga City noong nakaraang Lunes, Setyembre 9, 2013. (UNTV News)

Viewing all 18481 articles
Browse latest View live