Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all 18481 articles
Browse latest View live

Dennis Cunanan, muling itinanggi na tumanggap ng komisyon kay Napoles

$
0
0

Si former Technology and Resource Center Director General Dennis Cunanan sa pagharap nito sa Blue Ribbon Committee nitong Huwebes, Marso 06, 2014 sa pagpapatuloy ng Senate Probe sa Pork Barrel Scam. (WILLIE SY / Photoville International)

MANILA, Philippines – Nanindigan si dating Technology Resource Center Director General Dennis Cunanan na inosente siya sa umano’y anomalya sa pork barrel.

Sa pagdinig ng Senado nitong Huwebes, muli nitong itinanggi na tumanggap siya ng komisyon sa pork barrel mula kay Janet Lim-Napoles.

Sa testimonya ng pangunahing whistleblower na si Benhur Luy, kasama si Cunanan sa binigyan nila ng 10-percent na komisyon bilang implementing agency.

Depensa ni Cunanan, hindi siya ang pinuno ng Technology Resource Center nang mangyari ang anomalya.

“In the course of my actions, kung may natanggap po ako, hindi po siguro ako magbi-verify, magba-validate ng mga dokumento, kung may natanggap po ako.”

Ngunit nang usisahin ng mga senador ang pagpunta ni Cunanan sa opisina ni Napoles upang makipagpulong, dito na nagkaroon ng tila magkasalungat na pahayag sina Cunanan at Benhur Luy.

Pahayag ni Benhur, “Ms. Janet Napoles inform me to prepare, I remember the amount P960,000, na intended para sa kanya. So, prinepare ko yung money kung saan ko dinala in a paper bag. So I give it to Ms. Evelyn De Leon.

Ayon naman kay Senador Koko Pimentel, “Medyo nakakamislead kasi… “ang alam ko nakita kong tumanggap.” So medyo hindi accurate yung salitang yun, hindi mo nakita eh. Tama?

“After po ng ano po, the paper bag, pagkalabas po ng conference room, nakita ko siya bitbit niya,” sagot naman ni Benhur.

Tanong naman ni Pimentel, “So paano yun Mr. Cunanan. I was willing to give you the benefit of the doubt until yesterday.”

“No your honor, I stand by that situation. The fact na may lapse na ho dun sa time na binigay niya kay Evelyn at binigay niya sa akin, I don’t know what happen,” sagot naman ni Cunanan.

Samantala, pag-aaralan naman ni Justice Secretary De Lima ang tila magkakontrang pahayag ng dalawa, at aalamin kung may epekto ito sa testimonya ni Cunanan.

“It’s not as easy as that. I have to weigh things out.”

Dagdag pa ng kalihim, hindi pangunahing isyu dito ang pagtanggap ni Cunanan ng komisyon.

Aniya, “Ang pinaka-issue dito ay tungkol dun sa pangingialam ng mga senador doon sa mga PDAF nila, something na dini-deny nila dun sa kanilang counter affidavit na wala daw silang kinalaman sa choice ng NGOs.”

Para naman kay Senador TG Guingona, hindi pa nila masasabi sa ngayon kung nagsasabi ng katotohanan si Cunanan.

“Yung demeanor isa lang yun ano, kailangan ikumpara din natin sa testimonies ng whistleblowers in the past,” pahayag ng senador. (Roderic Mendoza / Ruth Navales, UNTV News)


De Lima, naniniwalang mabilis na inaaksyunan ng Ombudsman ang mga pork barrel-related complaints

$
0
0
Ang muling pagsalang nina pork barrel scam whistleblower Benhur Luy (kaliwa), DOJ Secretary Leila De Lima (gitna) sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senado sa Pork Barrel o PDAF Scam. Sa pagkakataong ito ay may kasama silang bagong witness sa katauhan ni Mr. Dennis Cunanan (kanan) na dating Director General ng Technology Resource Center o TRC. (WILLIE SY / Photoville International)

Ang muling pagsalang nina pork barrel scam whistleblower Benhur Luy (kaliwa), DOJ Secretary Leila De Lima (gitna) sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senado sa Pork Barrel o PDAF Scam. Sa pagkakataong ito ay may kasama silang bagong witness sa katauhan ni Mr. Dennis Cunanan (kanan) na dating Director General ng Technology Resource Center o TRC. (WILLIE SY / Photoville International)

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Justice Secretary Leila De Lima na ginagawa ng Office of the Ombudsman ang kanilang makakaya upang mapabilis ang imbestigasyon sa mga reklamong isinampa hinggil sa pork barrel scam.

Sa pagdinig ng Senado nitong Huwebes, sinabi ni De Lima na malapit na ang paglabas ng findings ng Ombudsman sa unang batch ng pork barrel-related complaints.

“They know what they are doing. We can trust them na tama ang magiging resolution nila. We can trust them na nagmamadali na rin sila.”

Ayon pa sa kalihim, nasa investigation stage na ang unang batch ng mga reklamo, habang nasa fact-finding stage ang pangalawa na isinasagawa ng Field Investigation Office (FIO).

Sa unang batch, tatlumpu’t walong indibidwal ang kabilang sa mga kinasuhan ng plunder o pandarambong kabilang dito sina Senador Ramon “Bong” Revilla Jr., Juan Ponce Enrile at Jinggoy Estrada.

Tatlumpu’t apat naman ang kasama sa mga kinasuhan sa ikalawang batch.

“It’s now with the Ombudsman. Kami kasi, we feel that it’s our duty to really help the Ombudsman na ma-pursue ito lahat at maging successful ang prosecution,” anang Kalihim.

Sinabi pa ni De Lima na pitong testigo lamang sa ngayon ang hawak ng National Bureau of Investigation sa ilalim ng Witness Protection Program (WPP) para sa naturang anomalya.

Ayon sa kalihim, sapat na ang nasabing mga testigo upang madiin ang mga idinadawit na mambabatas sa pork barrel scam. (Bianca Dava / Ruth Navales, UNTV News)

Iregularidad sa proseso ng pagkuha ng firearms license sa mga lalawigan, pinaiimbestigahan

$
0
0

FILE IMAGE: Guns and bullets (Wikipedia)

MANILA, Philippines — Paiimbestigahan ng Philippine National Police – Firearms and Explosives Office (PNP-FEO) ang mga satellite office nito sa mga lalawigan na nagre-renew ng lisensiya ng mga baril.

Ayon kay PNP Firearms and Explosives Office Chief Superintendent Louie Tiroy Oppus, may nakita silang iregularidad sa proseso ng renewal ng firearms license sa lalawigan na halos triple na mas mabilis kumpara sa FEO sa Camp Crame.

“Makikita mo sa report ko dito 800 cards a day kami ditto, nag-a-average lamang dito ng 300, yan ang ino -audit natin.”

Kaugnay nito, sinabi ni Oppus na pansamantalang centralized at kailangan munang magtungo sa Camp Crame sa Quezon City ang mga magre-renew ng kanilang lisensya habang hindi pa nag-ooperate ang Regional Firearms and Explosives Security Group Section o FESAGS.

“Ang FESAGS pwede silang mag-submit ng application, then they could look online kung magkano ang charges then they could pay it sa Landbank sa region ang send all documents here for processing para may counter checking.”

Humingi naman ng pang-unawa ang FEO sa mga naapektuhang gun holders dahil gusto nilang mas mapaganda ang serbisyo ng kanilang opisina. (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)

Malacañang, tiniyak ang seguridad sa mga paliparan sa bansa

$
0
0

FILE PHOTO: Ang ilan sa mga eroplanong naka-landing sa Ninoy Aquino International Airport. Upang pawiin ang mga pangamba ng mga mananakay, ipinahayag ng Malakanyang na sapat ang mga ipinatutupad na security measures sa mga paliparan sa bansa. Ito pagtiyak na ito ay bunsod ng trahedyang sinapit ng isang eroplano ng Malaysian Airlines. (ROLITO PONTE / Photoville International)

MANILA, Philippines – Tiniyak ng Malakanyang na nakalatag ang mga seguridad sa mga paliparan ng bansa.

Ito ang inihayag ng Palasyo matapos ang nangyaring insidente ng pagkawala ng isang Malaysian Airlines plane na hanggangang ngayon ay pinaghahanap pa rin ng mga awtoridad.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, bagama’t may security measures na ipinatutupad ang aviation industry at Bureau of Immigration, pagkakataon rin ito sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan na tingnang muli ang mga procedure na ipinatutupad sa mga paliparan partikular na ang pagberipika sa mga pasaporte ng mga sumasakay dito. (UNTV News)

Delfin Lee, dapat ilipat sa regular na kulungan — Binay

$
0
0

Mugshot of Globe Asiatique Founder Delfin Lee (PHILIPPINE NATIONAL POLICE)

MANILA, Philippines — Dapat nang ilipat sa regular na kulungan si Globe Asiatique Founder Delfin Lee.

Ito ang ipinahayag ni Vice President Jejomar Binay kasunod ng pag-aresto at pagditene kay Lee sa NBI detention cell sa Pampanga noong Biyernes.

Pinuna rin nito ang aniya’y “special privileges” na tinatanggap ni Lee sa kabila ng pagiging isa sa mga top fugitive nito sa bansa.

Si VP Binay na siya ring kasalukuyang chairman ng Housing and Urban Development Coordinating Council at chairman ng Home Development Mutual Fund o Pagibig Fund ang nag-utos ng paghahain ng kasong syndicated estafa laban kay Lee at sa iba pang mga empleyado ng Globe Asiatique noong 2010. (UNTV News)

DOJ, naniniwalang honest mistake lang ang pagkakatanggal kay Delfin Lee sa database ng PNP

$
0
0

FILE PHOTO: Si Globe Asiatique President Delfin Lee sa pagharap nito Senate hearing bago ito nagtago. (UNTV News)

MANILA, Philippines – Naniniwala si Justice Secretary Leila De Lima na honest mistake lang ang pagkakatanggal ni Delfin Lee sa warrant of arrest database ng Philippine National Police (PNP).

Nanindigan din ang kalihim na hindi pa final and executory ang desisyon ng Court of Appeals na nagbabalewala sa warrant of arrest ni Lee dahil may inihain pang petition for certiorari  ang DOJ sa Korte Suprema ukol dito.

“Speculate intindi nila quash na warrant of arrest by virtue of CA maaring ganun, if ganoon sa amin mali yun erroneous interpretation pero pwedeng sabihin honest mistake yun walang rason napagdududahan na that is an honest mistake.”

Makikipag-ugnayan ang DOJ sa PNP upang alamin ang issue ng delisting.

Samantala, naghain naman ng extreme urgent motion for habeas corpus sa Court of Appeals ang abugado ni Lee.

Nanindigan ang abugado ni Lee na iligal ang pag-aresto sa kaniyang kliyente.

Iginiit nito na walang TRO na inilabas ang Korte Suprema para ipatigil ang implementasyon ng November 7,2013 injunction decision ng CA at wala ring TRO ang Supreme Court na nagre-recall o pumipigil sa paglift ng Court of Appeals sa arrest warrant ni Lee.

Itinakda ang pagdinig sa apela bukas, Martes. (Victor Cosare / Ruth Navales, UNTV News)

Mga pulis na nakahuli kay Delfin Lee, hindi kabilang sa bibigyan ng pabuya

$
0
0
FILE PHOTO: Global Asiatique Founder Delfin Lee (UNTV News)

Si Global Asiatique Founder Delfin Lee habang inililipat ng mga awtoridad sa destinasyon nito kasunod ng pagkakadakip. (UNTV News)

MANILA, Philippines — Hindi kasali ang mga pulis na nakahuli kay Delfin Lee sa mababahaginan ng dalawang milyong pisong pabuya.

Ayon kay PNP spokesperson Chief Superintendent Reuben Theodore Sindac, tungkulin ng Task Force Tugis na hanapin at dakpin si Lee kaya tanging ang impormante lamang ang makatatanggap ng pabuya.

Aniya, “Bawal sa pulis tumanggap ng reward, it is the informants that gets the reward.”

Tiniyak naman ni Sindac na dadaan sa proseso ang pagbibigay ng reward sa informant upang masigurong ito ang totoong impormante.

Ayaw namang magsalita ni Sindac kung ilan ang impormante at kung gaano katagal ang proseso bago maibigay ang 2 milyong pisong reward.

“I cannot divulge anything at all about the person or informants because it will unduly compromise his/her safety and security.”

Itinanggi rin ni Sindac na may nagtangkang umarbor kay Lee matapos na mahuli ng mga tauhan ng Task Force Tugis.

“Wala po kaming nakita o nadamang paghabol o arbor o hadlang sa pag-aresto kay Delfin Lee,” mariing pahayag nito.

Samantala, tinangap naman ni Pangulong Aquino ang paliwanag ni Oriental Mindoro Governor Alfonso Umali ukol sa lumabas sa mga balita na tinawagan niya si PNP Chief Alan Purisima matapos mabalitaan na nadakip na si Lee.

Matapos na maaresto si Lee dahil sa kasong syndicated estafa ay hahabulin naman ng PNP Task Force Tugis  ang natitira pang apat sa Big 5 criminals na kinabibilangan nina  Jovito Palparan Jr., Ruben Ecleo Jr. at magkapatid na Mario at Joel Reyes. (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)

Banggaan ng dalawang motorsiklo sa Laguna, nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0

Ang paglapat ng bandage sa biktimang kinalang si Joel Villa Lobos na tumilapon sa sinasakyang motorsiklo nang mabangga ng isa pang motorsiklo. (UNTV News)

LAGUNA, Philippines — Nirespondehan ng UNTV Laguna News and Rescue Team ang sugatang driver ng isang motorsiklo sa Parian, Laguna, alas-4 ng hapon, Lunes.

Agad nilapatan ng paunang lunas ng grupo ang namagang tuhod ni Joel Villa Lobos matapos tumilapon sa sinasakyang motorsiklo nang mabangga ng isa pang motorsiklo.

Ayon kay Villa Lobos, binabagtas niya ang kahabaan ng national road ng Brgy Parian nang bigla umanong sumulpot sa kanyang harapan ang isa pang motorsiklo na minamaneho ni Mike Singgon.

At dahil mabilis ang kanyang takbo ay hindi na niya ito naiwasan.

“Hindi ko naman pwedeng biglaing itigil yung motor at ako naman ang magpapakamatay sisisid naman ako.

Dagdag pa nito, “Nakatago sila sa bus bigla silang lumabas, nakapagmenor ako pero huli na kase kung malakas ang takbo ko talsik kame pare parehas eh ako nga ang tumalsik hindi sila.”

Ayon naman kay Singgon, “Sige sige pa rin siya hindi siya nagpreno ayan inabot yung motor ko sa unahan bumaliktad kame ng asawa ko tapos nangangatwiran pa siya ang tama.”

Bagama’t nagkaroon ng pagtatalo, sa huli ay nagkasundo rin ang dalawang driver at napagpasyahang ipapagawa na lang ang motorsiklo ni Singgon.

Tumanggi namang magpadala pa sa ospital si Villa Lobos. (Sherwin Culubong / Ruth Navales, UNTV News)


Special Program for the Employment of Students ng DepED, sinimulan na

$
0
0

Mga kwalipikasyon sa Special Program for the Employment of Students ng DepED

MANILA, Philippines – Inumpisahan na nitong Lunes ng Department of Education (DepED) ang pagtanggap ng mga aplikasyon para sa Special program for the Employment of Students (SPES) para sa taong 2014.

Ang SPES ay taunang programa ng DepED na naglalayong magbigyan ng pagkakataong makapagtrabaho ang mga estudyante habang summer vacation.

Layunin din nito na maturuan ang mga estudyante na maging produktibo tuwing bakasyon.

Sakaling matanggap, tatagal ng tatlumpung araw ang trabaho ng mga magaaral sa ilalim ng SPES 2014.

“Magtatrabaho sila doon sa mga ahensya ng pamahalaan for 30 days, kasi hindi naman pwedeng hanggang pasukan, supposed to be gagamitin nila yung earnings nila doon sa pangtustos ng mga gastusin sa kanilang pagaaral,” pahayag ni DepED Assistant Secretary Jesus Mateo.

Sa mga nagnanais na makasali sa SPES narito ang mga sumusunod na kwalipikasyon para sa summer jobs. Una, kailangang estudyante o out of school youth na may edad na 18 hanggang 25 taong gulang.

Kinakailangang naka-enroll sa isang paaralan o kung hindi naman ay dapat na may intensyong makapag-enroll sa susunod na pasukan.

Hindi dapat na humigit sa P143,000 ang taunang kita ng mga magulang. Kinakailangan din na mayroong office-related o computer-related skills ang isang aplikante.

Kinakailangan din na maihanda ang mga sumusunod na dokumento para sa mga interesadong aplikante

Certified tru copy ng baptismal certificate o NSO copy ng birth certificate, income tax return o ITR ng mga  magulang. Kung walang ITR, kinakailangang humingi ng sertipikasyon mula sa BIR na magpapatunay na hindi hihigit sa P143,000 ang taunang kita ng mga magulang.

Maaari ding magpasa ng sertipikasyon mula sa baranggay na magpapatunay sa economic status ng pamilya ng aplikante.

Kung nasa kolehiyo naman, kinakailangan na makapagpasa ng  kopya ng grades noong nakaraang semester.

Para naman sa mga out of school youth, maaring ipakita ang kopya ng grades noong nag-aaral pa at certificate of indigence mula sa barangay.

Maaaring ipasa ang mga kinakailangang dokumento kasama na ang application form sa pamamagitan ng pag-e-email sa youthinformation@deped.gov.ph.

Tatagal ang pagpapasa ng aplikasyon hanggang sa Miyerkules, Marso 12, simula alas-9 ng umaga hanggang ala-6 ng gabi. (Joan Nano / Ruth Navales, UNTV News)

PNP, nanindigang nasa listahan pa rin ng wanted person ang pangalan ni Delfin Lee

$
0
0

PNP Spokesman Chief Superintendent Theodore Sindac and Globe Asiatique founder Delfin Lee

MANILA, Philippines – Nanindigan ang Philipiine National Police (PNP) na hindi pa tuluyang natatanggal ang pangalan ng negosyanteng si Delfin Lee sa listahan ng mga wanted persons taliwas sa sinasabi ng mga abugado nito.

Ayon kay PNP Spokesman Chief Superintendent Theodore Sindac, limitado lang kapangyarihan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ukol sa wanted list.

“The DILG role is limited in approving the names to be placed on said list and the corresponding reward as previously recommended by the RVC.”

Idinagdag pa nito na tanging sa level lamang ng CIDG naalis ang pangalan ni Lee at hindi pa ito naaprubahan ni PNP Chief Director General Alan Purisima.

Ani Sindac, “Walang approval yan kay chief that was only at their level at tsaka ung authority na ginamit nya ay within CIDG lang naman eh.”

Sinabi pa ni Sindac na posibleng gumawa ng iba’t ibang sulat ang mga abogado ni Lee na nagsasaad na inaalis na ng PNP sa listahan ng wanted person si Lee bilang bahagi ng kanilang legal strategy.

Idinagdag pa ng heneral na mas makabubuting ipaubaya na lamang sa korte ang desisyon hinggil sa kaso ni Lee. (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)

Bagong strain ng malaria, binabantayan ng DOH

$
0
0

FILE PHOTO: A health worker checks a blood sample for malaria in the only hospital in Pailin in western Cambodia January 28, 2010.
CREDIT: REUTERS/DAMIR SAGOLJ

MANILA, Philippines – Nangunguna ngayon ang Pilipinas sa 15 bansa na miyembro ng APMEN (Asia Pacific Malaria Elimination Network) sa pagsugpo ng sakit na malaria.

Bumaba sa mahigit sa 7,700 ang kaso ng malaria noong nakaraang taon, kumpara sa mahigit 46,300 noong 2005. Nabawasan din ng 92% ang bilang ng mga namatay sa parehong period.

Target naman ng pamahalaan na maging malaria-free ang bansa sa 2020.

Sa ngayon ay umabot na sa 27 ang malaria-free na lalawigan na karamihan ay mula sa Southern Luzon, Visayas at North Eastern Mindanao.

Top 5 naman sa may pinakamaraming kaso ng malaria sa bansa ang Palawan, Tawi-Tawi, Sulu, Maguindanao at Zambales.

Ang malaria ay human infection ng protozoan parasite na tinatawag na plasmodium. Nakukuha ito mula sa kagat ng lamok na tinatawag na anopheles.

Ayon kay DOH Spokesman Eric Tayag, sa ngayon ay kaya pang gamutin ang strain ng malaria na nasa Pilipinas.

“Yung vivax hindi ito killer malaria strain, kundi mahirap lang ma-detect at saka nagiging pangmatagalan. Ibig sabihin nagkaroon ka na nito so akala mo nagamot kana yun pala yung mga parasites nasa atay mo pa nananahimik doon tapos paulit-ulit yung malaria mo.”

Binabantayan naman ngayon ng DOH ang iba pang strain ng malaria na pinoproblema sa mga karatig bansa.

Ayon kay Asec. Tayag, “Swerte tayo sa Pilipinas hindi pa resistant yung pacipal malaria natin. Yung gamot natin uubra pa pero sa ibang bansa katulad ng Thailand, Cambodia, Laos nagkakaron na sila ng problema don.”

Pinagaaralan na rin ngayon ng mga eksperto ang isa pang strain ng malaria na nakukuha sa unggoy.

“Pangatlo yung inaalam naming yung monkey malaria. Kasi ang sa monkey dapat sa monkey lang. eh bakit makakahawa sa atin.”

Payo ng DOH, kung pupunta sa mga lugar na may naitatalang kaso ng malaria lalo na sa mga tourist sites na gaya ng Palawan, magdala ng kulambo at insect repellant o kaya naman ay uminom ng anti-malaria drugs.

Mas makabubuti rin na huwag nang gumala sa lansangan sa gabi dahil sa mga oras na ito umaatake ang malaria-carrier mosquito, at kung hindi naman maiiwasan ay magsuot ng damit na mahaba ang  manggas.

Payo ni Tayag, agad na magpatingin sa doktor kung may kakaibang nararamdaman gaya ng lagnat, at pananakit ng ulo pagkagaling sa isang lugar.

“Magkakaroon ka ng lagnat, chills, headache. Kung matagal-tagal may pamumutla pa pero delikado yan sa mga bata sa mga buntis.”

Sa ngayon ay pinagtutulungan ng DOH, APMEN at iba pang NGO ang pagpopondo para sa pagpuksa sa malaria. (Rey Pelayo / Ruth Navales, UNTV News)

Paghahanap sa nawawalang Malaysian aircraft, nagpapatuloy

$
0
0

Indian sand artist Sudarshan Patnaik applies the final touches to a sand art sculpture he created wishing for the well being of the passengers of Malaysian Airlines flight MH370, on a beach in Puri, in Odisha, March 9, 2014.
CREDIT: REUTERS/STRINGER

KUALA LUMPUR, Malaysia — Patuloy pa rin ang paghahanap ng pinagsanib na pwersa mula sa iba’t-ibang bansa sa nawawalang Malaysia Air Boeing 777 jet Flight 370 na may lulang 239 na pasahero.

Ayon kay Malaysian Civil Aviation Head Azharuddin Abdul Rahman, mas pinalawak pa ngayon ang paggalugad ng mga awtoridad sa karagatan upang matukoy ang lugar kung saan bumagsak ang eroplano.

Una ng nilinaw ng opisyal na wala pang natatagpuang debris mula sa Boeing 777.

“The area of search has been expanded in the South China Sea, we have expanded to 100 kilometers radius of Igari.”

Nakita naman sa lab analysis ng Malaysian Maritime Enforcement Agency na hindi nanggaling sa nawawalang eroplano ang natagpuang oil slick sa eastern coast ng bansa.

“On the oil slick that was found by the maritime enforcement agency of Malaysia, they have sent the samples to the chemistry department today and we have got the report from the chemistry department of Malaysia, they have reported that, they have confirmed that the oil are not from an aircraft.”

Samantala, tinukoy na ng mga Thai official na isang Iranian ang bumili ng ticket para sa dalawang pasahero na gumamit ng nakaw na pasaporte.

Matatandaang sinabi ng mga awtoridad na ikinokonsidera pa rin nila ang anggulong na-hijack ang eroplano.

“And as the features of those two passengers, we have looked, have looked and re-looked at the footage of the video and the photograph, it is confirmed that they are not Asian looking men,” saad ni Rahman.

Umaasa naman ang mga kaanak ng mga pasahero na makakakuha na sila ng konkretong impormasyon sa lalong madaling panahon kaugnay ng kinahinatnan ng kanilang mga kaanak na lulan ng nawawalang eroplano. (Irish Ilao / Ruth Navales, UNTV News)

Malaysian Air Force, pinabulaanan ang ulat na nagbago ng ruta ang nawawalang Boeing 777

$
0
0

Caption Dinh Van Qua operates on the cockpit of an aircraft AN-26 belonging to the Vietnam Air Force during a search and rescue mission off Vietnam’s Tho Chu island March 10, 2014. CREDIT: REUTERS/KHAM

KUALA LUMPUR, Malaysia – Tinutukan ngayon ng search team ng nawawalang Malaysia Airlines Boeing 777 ang west peninsular ng Malaysia sa Melaka Straits habang sinusuyod na rin ang mga land area maging ang bahagi ng karagatan ng Sumatra sa Indonesia.

Ito’y dahil sa ulat na nagbago umano ng ruta ang eroplano sa bahagi ng Pulau Perak, na pinabulaanan  naman ng hepe ng Royal Malaysian Air Force.

Ayon kay Malaysia’s Air Force chief, Rodzali Daud, wala umanong katotohanan ang ulat at hindi nanggaling sa kaniyang tanggapan ang impormasyon.

Samantala, inaalam na rin kung bakit tumigil din ang transponder ng eroplano matapos ang huling contact sa karagatang malapit sa Vietnam.

Ang transponder ay isang electrical instrument sa cockpit ng eroplano na tuloy-tuloy ang pagpapadala ng impormasyon katulad ng altitude ng eroplano, lokasyon, direksyon at bilis ng lipad nito.

Sa ngayon ay unti-unti nang dumadating sa Kuala Lumpur ang mga pamilya ng mga pasahero ng nawawalang eroplano batay na rin sa napagkasunduan nila at ng Malaysian Airlines.

Ngunit nilinaw ng tagapagsalita ng airline company na Ignatius Ong Ming Choy na hindi kompensyasyon ang ibinibigay nila sa mga pamilya.

“This is not a compensation. Let me repeat, this is not a compensation. This is a financial aid assistance. There was no specific conditions attached to it. We are saying this is for them to use during this term.”

Ang pagkawala ng Malaysia Airlines flight MH370 ay inihahalintulad sa nangyari sa isang Air France flight AF447 noong 2009.

Naglaho rin ito na parang bula na may sakay na 228 na mga pasahero.

Matapos ang halos dalawang taon ay natagpuan ang piraso ng pakpak ng eroplano ng mga Brazilian navy sa Atlantic Ocean.

Kaugnay nito ay nanawagan naman sa publiko ang Malaysian authority na maging maingat sa mga inilalabas na balita tungkol sa paghahanap sa nawawalang eroplano.

Ayon sa kanila, di lang ito nakakaapekto sa mga kaanak ng mga pasahero ng eroplano kundi maging sa isinasagawa nilang search and rescue operations. (Irish Ilao / Ruth Navales, UNTV News)

Pamilya ni PMA Cadet Jeff Aldrin Cudia, umapela sa AFP

$
0
0

Ang pagharap sa media ni Renato Cudia, ama ni PMA Cadet First Class Aldrin Jeff Cudia na umaasa na magpagbibigyan ng pamunuan ng AFP ang kanilang kahilingan na maka-graduate ang kaniyang anak. (UNTV News)

MANILA, Philippines – Personal na nagtungo kanina sa general headquarters ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Quezon City ang pamilya ni Cadet First Class Aldrin Jeff Cudia kasama si Public Attorney’s Office Chief Percida Acosta upang iapela ang desisyon ng Philippine Military Academy (PMA) na alisin sa listahan ng mga magtatapos si Cadet Cudia.

Sa pagharap sa media, sinabi ni Renato Cudia, ama ni Cadet Cudia na umaasa sila na magpagbibigyan ng pamunuan ng AFP ang kanilang kahilingan.

“Ang mga general po dito, saludo po kami sa kanila nawa po ay makamtan namin ang hustisya para sa aming anak na naghirap at nagtiis ng apat na taon.”

Tiniyak naman ni AFP Spokesperson Major General Domingo Tutaan na pagaaralan nila ang isinumiteng apela ng magulang ni Cudia.

“This appeal memorandum was received by the Deputy Chief of Staff for Personnel J1, he told me that he will be getting in touch to General Bautista on this to look the merits in the appeal in the memorandum,” pahayag ni Tutaan.

Agad namang iaakyat sa korte ng Public Attorney’s Office ang kaso ni Cadet Cudia sakaling hindi ito makasama sa graduation rites sa linggo.

Iginiit ni Atty. Percida Acosta na may matibay silang ebidensya na acquitted si Cudia batay sa resulta ng botohan ng honor committee.

“May mga affidavit ng kasamahan din nila na nagpapatibay na dapat ay acquitted si Mr. Cudia,” saad ni Acosta.

Samantala, wala pang desisyon si Pangulong Aquino kaugnay ng kaso ni Cudia. (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)

Publiko, pinayuhan na magtipid sa tubig ngayong tag-init

$
0
0
Upang mapanatili ang lakas at patuloy ng pagdaloy ng tubig sa mga sambahayan sa buong panahon ng tag-init, ngayon pa lang pinapayuhan na ang publiko na magtipid ng tubig sa lahat ng paraan na kanilang magagawa sakaling ma-delay ang pagpasok ng tag-ulan. FILE PHOTO.(PHOTOVILLE International)

Upang mapanatili ang lakas at patuloy ng pagdaloy ng tubig sa mga sambahayan sa buong panahon ng tag-init, ngayon pa lang ay pinapayuhan na ng pamahalaan ang publiko na magtipid ng tubig sa lahat ng paraan na kanilang magagawa sakaling ma-delay ang pagpasok ng tag-ulan. FILE PHOTO. (PHOTOVILLE International)

MANILA, Philippines – Sa Angat Dam nagmumula ang 90 porsiyento ng tubig na isinu-supplay Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) at Maynilad sa buong Metro Manila.

Ito rin ang nagpapatakbo sa isang hydroelectric power plant ng National Power Corporation (NAPOCOR).

Bukod pa rito, nagpapatubig din ito sa 28,000 ektarya ng bukirin sa Bulacan at Pampanga sa pamamagitan naman ng National Irrigation Administration (NIA).

Hindi pa man nagsisimula ang summer season, naitala na ang 193.33 meters na lebel ng tubig sa Angat Dam kaninang ala-6 ng umaga, Miyerkules.

Ibig sabihin, mas mababa ito ng mahigit sa 18 metro sa normal water level nito na 212 meters.

Ayon sa senior hydrologist ng Pagasa na si Socrates Paat Jr., naitala ang pinakamababang water level na 157.56 meters sa Angat Dam noong July 14, 2010 dahil sa epekto ng El Niño Phenomenon kahit na panahon ng tag-ulan noon.

Bunsod nito, pinapayuhan ng PAGASA ang publiko at mga ahensya ng gobyerno na magtipid sa pagkonsumo ng tubig.

“Kung hindi tayo magtitipid ng tubig, kung hindi magkokontrol yung ating mga ahensya especially yung nagsusuplay sa mga ahensya natin sa patubig like, MWSS, NIA, NAPOCOR, kung hindi natin kokontrolin yung pagproduce ng kuryente at  pagpapadaloy ng irigasyon, malamang abutin natin yun at yung magde-deplete ng .3 meters daily at walang ulan, definitely aabot sa level na yan,” babala ni Paat.

Ilan sa paraan upang makatipid ng tubig ay siguraduhing walang tagas o water leaks ang mga gripo at linya ng tubig.

Gumamit ng palanggana o basin sa paglalaba, paghuhugas ng mga gulay, prutas at iba pang gamit sa kusina.

Maiigi rin na gumamit ng watering can o sprinklers sa pagdilig ng mga halaman.

Tuwing magsisipliyo ng ngipin, ilagay sa baso ang tubig at huwag hayaang tuloy-tuloy ang agos ng tubig sa gripo.

Ayon pa sa PAGASA, kung bababa sa critical water level o 180 meters ang tubig sa Angat Dam, mapipilitang itigil ang irigasyon para sa mga magsasaka sa Bulacan at Pampanga.

“So wala munang irrigation supply para sa mga magsasaka sa Bulacan, so it’s only for domestic consumption pag umabot sa level na iyon,” saad pa ni Paat. (Rosalie Coz / Ruth Navales, UNTV News)


Search team ng Malaysia at Vietnam, walang nakitang debris sa lugar na nakita ng satellite ng China

$
0
0

Search area is seen on an iPad of a military officer onboard a Vietnam Air Force AN-26 aircraft, during a mission to find the missing Malaysia Airlines flight MH370, off Con Dao island, March 13, 2014. REUTERS/Kham

KUALA LUMPUR, Malaysia — Patuloy pa rin ang paghahanap ng mga awtoridad sa nawawalang Malaysia Airlines flight MH370 na ngayon ay nasa ika-anim na araw na.

Sa inilabas na satellite image ng Chinese authorities kaninang umaga, sinasabing debris ito mula sa nawawalang eroplano.

Ang larawan ay nakuhanan ng satellite ng China, isang araw matapos mawala ang Boeing 777.

Dahil dito, agad na nagpadala ng mga search team ang Malaysia at Vietnam sa South China Sea batay sa satellite image na sinasabi ring malapit sa flight path ng nawawalang eroplano.

Ngunit matapos ang paghahanap, walang nakitang debris ang mga awtoridad sa lugar na itinuturo ng satellite image.

Kasunod nito sinabi ni Chinese Premier Li Keqiang na hindi sila susuko sa paghahanap sa nawawalang eroplano.

“The Chinese government has activated a comprehensive contingency response and search operation, and one Chinese vessel is on its way towards the respected waters. Currently there are eight Chinese vessels in the related waters. Ten satellites are now providing information and technical support. We will not give up on any suspected clue that has been found.”

Dagdag pa nito, “We are doing our best to identify the suspicious dots spotted by satellite images. This is an international and large-scale search operation involving many countries. The Chinese government has asked relevant parties to enhance coordination, investigate the cause, locate the missing Malaysia Airlines plane and properly handle all related matters.”  As long as there is glimmer of hope, we will stop searching for the plane.”

Kaugnay nito, humingi na ng tulong sa Amerika ang Malaysia at hiniling na magpadala ng mga eksperto mula sa Federal Aviation Administration at National Transportation Safety Board upang i-analyze ang radar data.

Ito ay dahil sa mga hindi magkakatugmang impormasyon na naglalabasan ukol sa flight path ng Malaysian Airlines flight MH370.

Samantala, umapela naman sa publiko ang internet search engine na Google na huwag gagamiting source ang mapa nito sa paghanap sa MH370.

Ito ay dahil sa mga kumplikadong impormasyon na naglalabasan na natagpuan na umano ang eroplano gamit ang Google map.

Bilang pagbibigay respeto ng Malaysian Airlines sa hanggang ngayon ay nawawalang eroplano,

simula bukas ay babaguhin na ang flight code ng airline company sa ruta nito na Kuala Lumpur to Beijing at tuluyan nang aalisin ang flight code MH370.(Irish Ilao / Ruth Navales, UNTV News)

Charter change, hinahaluan ng pulitika ayon kay Sen. Revilla

$
0
0

FILE PHOTO: Senator Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. on his privilege speech this afternoon, January 20, 2014 at Senate of the Philippines Plenary Hall. (UNTV News)

MANILA, Philippines — Binalaan ni Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. ang Palasyo at ang ilang kaalyado nito sa Kongreso na huwag magsabwatan hinggil sa pag-amiyenda sa 1987 constitution.

Binigyang diin ni Revilla na bukas siyang pag-aralan ang ilang probisyon pang-ekonomiya sa Konstitusyon.

Naaalarma naman ito sa impormasyon na ang planong “surgical” na pag-amyenda sa saligang batas ay panakip lamang sa umano’y tunay na hangarin nito na pag-amyenda sa mga political provisions ng batas.

Ilan sa mga ito ay ang term limits at depenisyon ng kapangyarihan ng tatlong co-equal na sangay ng pamahalaan.

Pinuna rin ng Senador ang pamamaraang nais ng mga kaalyado ng administrasyon sa pag-aamiyenda ng Konstitusyon.

Pagdidiin ng senador, mayroon lamang dalawang konstitusyonal na paraan para dito – ang constitutional convention at ang constituent assembly. (UNTV News)

P-Noy, humingi ng paumanhin sa mga estudyante

$
0
0

Si President Benigno S. Aquino III habang sumasagot sa mga katanungan ng mga journalism students sa pagbisita nito sa Hope Christian High School (HCHS) sa Maynila nitong Huwebes, March 13, 2014. Kasama ng Pangulo sa larawan sina Transportation and Communications Secretary Joseph Emilio Aguinaldo Abaya, Social Welfare and Development Secretary Corazon Juliano-Soliman at si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Herminio Coloma, Jr. (Photo by Rey Baniquet / Malacañang Photo Bureau / PCOO)

MANILA, Philippines – Binisita ni Pangulong Benigno Aquino III ang Hope Christian High School sa Sta. Cruz, Maynila matapos matanggap ang mga sulat mula sa Chinese students ng paaralan at 18 adopted students na kabilang sa mga naapektuhan ng Super Typhoon Yolanda.

Walumput apat (84) na sulat ang natanggap ng Pangulo na ipinadala bago ang kaniyang kaarawan noong Pebrero 8.

Pangunahing nilalaman ng sulat ang pakikidalamhati ng mga estudayante sa mga biktima ng Bagyong Yolanda.

Isa sa mga itinanong ng mga estudyante na taga-Tacloban ay kung bakit naging mabagal ang pagtulong ng national government sa mga tinamaang lugar ng Bagyong Yolanda.

Sagot ng Pangulo, bagama’t nakapaghanda ang pamahalaan sa paghagupit ni Yolanda ay hindi naman inaasahan ng lahat ang ginawang malaking pinsala ng bagyo. Dahilan upang ang mga sasakyan na magdadala ng tulong ay mahirapang makapasok sa mga lugar na naapektuhan ng kalamidad.

Matapos na magpaliwanag ay humingi ng paumanhin ang pangulo sa mga estudyanteng naapektuhan ng bagyo.

“I apologized if we couldn’t act even faster pero the givens that we have had in various instances Pablo for instance yung were not present were it hit your region.”

Dagdag pa ng Pangulo, “Which tells us also na with anything else we are also student we want to learn from this experience and doing better next time.”

Samantala, kabilang rin sa mga katanungang sinagot ni Pangulong Aquino ay kung anong mga katangian ang hinahanap ni nito sa susunod na lider ng bansa.

Sagot nito, “As yung competence has to be demonstrated yun bang alam mo yung ampao na pagkain. Di ba yung ampao parang malasa pero sa loob mahangin.”

“Kung napapakinggan mo merong bang punto ang sinasabi niya, mukha bang totoo ang sinasabi niya o maganda lang pakinggan.”

Dagdag ng Pangulo, ibig din niya na ang papalit sa kaniyang posisyon ay may mababang kalooban.

“Klaro ba na yung mga gawain niya tungo sa kapakanan ng taumbayan o kapakanan ng sarili.”

“Siguro kakabahan ako kapag sumama kayo sa akin, gagawin ko ito, gagawin ko yan, gagawin ko yun, parang masyadong bilib sa sarili, binobola lang ako nun,” saad pa ng Pangulo.

Pinasalamatan din ni Pangulong Aquino ang mga estudyante at mga gurong patuloy na naniniwala sa mga repormang ipinatutupad ng pamahalaan. (Nel Maribojoc / Ruth Navales, UNTV News)

Hepe ng TF Tugis na nakahuli kay Delfin Lee, inalis sa pwesto

$
0
0
Outgoing Task Force Tugis Chief Police Sr. Supt. Conrad Capa (UNTV News)

Outgoing Task Force Tugis Chief Police Sr. Supt. Conrad Capa (UNTV News)

MANILA, Philippines – Inalis sa puwesto ang hepe ng Task Force Tugis na dumakip sa fugitive na si Delfin Lee at inilipat sa Cebu Regional Police Office.

Itinanggi naman ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na may kinalaman sa pagkakadakip kay Lee ang pag-aalis sa pwesto kay Police Sr. Supt. Conrad Capa bilang commander ng grupo.

Paliwanag ni PNP Chief Director General Alan Purisima, isa itong promosyon kaya’t inalis sa Task Force Tugis si Capa at inilipat bilang Deputy Regional Director for Operations sa Cebu Regional Police Office 7.

“He cannot be promoted to general soon, so he has to occupy a position wherein he can be projected further to be a general sometime in the near future, ito po ay promosyon sa kanya at hindi dahil kay Delfin Lee.”

Sinabi pa ni Purisima na hindi naman maaapektuhan ang trabaho ng Task Force Tugis sa paghahanap sa apat pang high profile criminal dahil ang mga tauhan naman ng grupo ang siyang nagtatrabaho .

“Si Col. Capa is not a Task Force Tugis, mas maraming tao ang nagtatrabaho sa baba niya, alisin ko man si Col. Capa kahit walang lider ay nagtatrabaho ang pulis.”

Samantala, nagpahayag naman ng sama ng loob si Capa sa naging pahayag ni Purisima.

Sa pagharap nito sa media, itinanggi nitong promosyon ang ginawang paglilipat sa kanya sa Cebu dahil matagal pa bago siya mapromote sa ibinigay na bagong posisyon sa kanya.

Nang tanungin si Capa kung demoralisado ito dahil sa paglilipat sa kanya sa Region 7, sagot nito, “Ano pa bang kailangang itsura ko para malaman nyo.”

Dagdag pa ni Capa, “Wala pang isang linggo kong nahuli si Delfin Lee tapos kagabi natanggap ko yung orders ko e bakit anong nangyari.”

Sagot naman ni Purisima, “Gusto nyang bumalik sa Task Force Tugis ay ibabalik ko sya.”

Si Capa ang nakahuli sa mga high profile criminal na kinabibilangan ng Dominguez brother, Ricky Cadavero at Alabang Town Center robbery hold up suspect. (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)

Writ of habeas corpus petition ni Delfin Lee, hindi pinagbigyan ng CA

$
0
0

Court of Appeals facade (UNTV News)

MANILA, Philippines – Hindi kinatigan ng Court of Appeals (CA) ang petisyon para sa writ of habeas corpus ni Globe Asiatique founder Delfin Lee.

Sa walong pahinang resolusyon na inilabas nitong Huwebes ng CA special first division, sinabi ng korte na legal ang pag-aresto at pagkulong kay Delfin Lee.

Sinabi pa ng korte na wala nang basehan ang petisyon ni Lee dahil sa temporary restraining order na inilabas ng Korte Suprema nitong Miyerkules.

Ayon pa sa Court of Appeals, naging academic na ang pagtalakay sa isyu ng kung executory at effective ang kanilang desisyon noong November 7, 2013 na ginagamit na basehan ng kampo ni Lee sa pagsasabing ilegal ang naging pagaresto sa negosyante.

Bilang epekto ng desisyon ng CA, mananatili sa kulungan si Delfin Lee na nahaharap sa kasong syndicated estafa dahil sa mahigit anim na bilyong pisong anomalya sa pabahay sa Pampanga. (UNTV News)

Viewing all 18481 articles
Browse latest View live