MANILA, Philippines – Naglabas ng hotline ang Department of Energy (DOE) upang tumanggap ng mga tawag na may kaugnayan sa power interruptions sa mga lalawigan ngayong araw ng halalan.
Sa post ng DOE sa kanilang Twitter account, ibinigay nito ang numero ng National Electrification Administration na siyang nakakasakop sa mga electric cooperatives sa bansa.
NEA — 0917-704-2259
North Luzon — 9292040
South Luzon — 9292243
Visayas — 9291976
Mindanao — 9292219
Ang naturang hakbang ay ginawa ng ahensya dahil na rin sa mga napaulat na brownout sa ilang lugar sa bansa kabilang na ang Metro Manila, Laguna, Cebu at Iligan City. (UNTV News)