MANILA, Philippines — Hindi talaga maiiwasan na magkaroon ng problema ang Precinct Count Optical Scan machines ngayong araw.
Ayon kay Smartmatic Asia President Cesar Flores, tinatayang dalawa hanggang tatlong daang makina ang maaaring bumigay at mangailangan ng replacement sa buong bansa ngayong araw.
Sinabi ni Flores na ganito rin ang naging karanasan sa ibang bansa kaya sila nagpapadala ng back up machines.
Nagtayo rin ng national support center ang Comelec para mamonitor ang mga nangyayari at agad mabigyan ng solusyon ang mga problema sa iba’t-ibang lugar. (UNTV News)