MANILA, Philippines — Halos dalawampu’t apat na milyong estudyante ang inaasahang dadagsa sa mga pampublikong paaralan sa pagbubukas ng klase sa Lunes, Hunyo 3.
Dahil dito, pinaghahandaan na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mabigat na trapiko na posibleng maranasan sa araw ng pasukan.
Kabilang sa mga pangunahing babantayan ng MMDA ang University Belt sa Maynila.
Bukod sa mga pagbabantay sa daloy ng trapiko, inaayos na rin ng MMDA ang ilang traffic sign at mga pedestrian crossing.
Tiniyak ng MMDA na full force ang kanilang mga tauhan sa pagbubukas ng klase.
“Ang tasking namin di lang sa first day, dapat whole year round smooth walang aberya,” pahayag ni MMDA Chairman Francis Tolentino. (Ley Ann Lugod & Ruth Navales, UNTV News)