Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

French government, itinanggi ang “blacklist” tag sa Pilipinas

$
0
0
France and Philippines Flag (Google)

France and Philippines Flag (Google)

MANILA, Philippines – Mariing itinanggi ng French government ang napabalitang inilagay ng France ang Pilipinas sa “blacklist” o mga bansang walang ginagawang aksyon laban sa mga kaso ng foreign aid fraud.

Sa official statement ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Albert Del Rosario, tinawag na “totally inaccurate” ng French government ang nasabing ulat.

Bukod dito, mariing itinatanggi ng French Foreign Minister ang naturang balita at tinawag itong mis-information.

“On the news that France blacklisted the Philippines over foreign aid fraud, I have sought clarification with the French Government and have been officially advised that this information is totally inaccurate.

A full denial of this misinformation has been made by the French Foreign Minister.”

Ipinagbigay alam rin mismo sa DFA na mayroong bagong listahan ang France ng mga bansang blacklisted at hindi kasama dito ang Pilipinas.

Ayon kay Del Rosario, ang nasabing pagkakamali ay nagmula sa panayam ng French newspaper sa isang civil servant.

“With relevance to the aforementioned blacklist, we have in fact been informed that there is a new list and this list does not include the Philippines.  The mistake apparently arose from an interview of a civil servant by a French newspaper.”

Magtutungo naman si DFA Secretary Del Rosario sa Paris upang makipagpulong sa French Foreign Minister upang liwanagin ang nasabing isyu.

Bukod dito, tatalakayin din ng dalawang opisyal ang pagpapalawak ng kooperasyon sa kalakalan, pamumuhunan, socio-cultural exchanges at ang turismo ng dalawang bansa.

Magugunitang ipinahayag ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na ikinagulat ng palasyo ang nasabing hakbang lalo’t walang pasabi ang French government sa ilalabas nitong listahan. (Bryan De Paz & Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481