Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Libreng sakay sa Pasig River Ferry, pinalawig hanggang Biyernes  

$
0
0
Isang river bus ferry ang lumisan sa Guadalupe station ng Pasig River Bus Ferry nitong Lunes, May 05, 2014. Pinalawig pa ng MMDA ang pagbibigay ng libreng sakay sa mga commuters hanggang sa Biyernes. (ARGIE PURISIMA / Photoville International)

Isang river bus ferry ang lumisan sa Guadalupe station ng Pasig River Ferry nitong Lunes, May 05, 2014. Pinalawig pa ng MMDA ang pagbibigay ng libreng sakay sa mga commuters hanggang sa Biyernes. (ARGIE PURISIMA / Photoville International)

MANILA, Philippines — Pinalawig pa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang libreng sakay sa Pasig River Ferry hanggang ngayong Biyernes, Mayo 9.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, bagama’t maayos na ang prangkisa ng mahigit limang river ferry operator ay hindi pa napagkakasunduan kung magkano ang ipapataw na pamasahe.

“Ang pinag-uusapan na lang ngayon yung pamasahe, hindi lang naman ako yun.”

Sa kasalukuyan ay limang istasyon muna ang binuksan ng MMDA, kabilang ang Pinagbuhatan, Guadalupe, PUP, Escolta at Plaza Mexico.

Inaasahang sa susunod na linggo ay magdadagdag pa ng dalawang istasyon ang MMDA kabilang ang San Joaquin sa Pasig at Sta. Ana sa Maynila.

Ayon sa MMDA, target nila na makapagbukas ng 14 stations bago matapos ang taong ito sa buong kahabaan ng Ilog Pasig.

Ayon sa MMDA, 600 hanggang 800 mga pasahero ang sumasakay araw-araw sa limang ferry stations mula ng simulan ang operasyon nito noog nakaraang linggo.

Sa Guadalupe station, karamihan ng mga sumasakay ay papuntang Escolta dahil mas mabilis ang biyahe kesa sa jeep.

Bukod dito, mayroon pa ring libreng kape at pandesal para sa mga pasahero.

Samantala, kung mayroong natutuwa, may ilan pa ring nagrereklamo dahil sa mabahong amoy ng ilog.

Aminado naman si MMDA Chairman Francis Tolentino na marami pang kailangang ayusin at gawin upang lalo pang mapaganda ang serbisyong ipinagkakaloob sa Pasig River Ferry. (Mon Jocson / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481