Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Pondo para sa anti-rabies vaccine, umabot na sa P109.5-M

$
0
0

Ang kabuoang pondo ng Department of Agriculture at Department of Health sa pagsugpo sa rabies. (UNTV News)

MANILA, Philippines — Isang MOA signing ang isinagawa nitong Lunes ng Department of Health (DOH) at Department of Agriculture (DA) upang mapaigting pa ang kampanya kontra sa rabies.

Nakapaloob sa memorandum of agreement ang paglilipat ng P69.5 milyon pondo para sa anti-rabies vaccine na inumpishan noong Marso 8 hanggang Hunyo 17, 2014.

Sa kabuoan ay nasa P109.5 milyon na ang pondo kontra rabies kasama na ang P40 milyon na galing sa DA.

Ito’y bahagi ng target ng pamahalaan na maabot ang rabies-free Philippines sa 2016.

Sa nasabing halaga ay inaasahang mababakunahan ang nasa 7-milyon o 70% ng populasyon ng aso sa bansa.

Naniniwala ang DOH at DA na sa pamamagitan ng malawakang pagbabakuna ay masusugpo ang nakamamatay na rabies.

Sinabi ni Agriculture Secretary Proceso Alcala na sa ngayon ay nasa 15 ang rabies-free na lugar sa bansa at karamihan dito ay mga isla.

“Ang maganda po kasi sa island, nako-contain talaga dahil maliit lang siya ang problema po natin doon sa malalaking lugar.”

Tinatayang nasa 55-libo ang namamatay sa rabies sa buong mundo at nasa 200-250 naman ang nasasawi dahil rito sa Pilipinas.

Noong 2013, umabot sa 157 ang naitalang namatay sa rabies mula sa CALABARZON, Cagayan Valley Region, Bicol, Socksargen, Davao at NCR.

Payo ng DOH, linising mabuti ang sugat kapag nakagat  ng aso at agad na dalhin sa pinakamalapit na clinic.

“Soap and water lamang and then put in a clean congas and then dalin agad sa ating rural health unit,” pahayag ni DOH Secretary Enrique Ona. (Rey Pelayo / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481