Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Mga estudyante, pinayuhang magsanay nang matulog ng maaga para sa pasukan

$
0
0
FILE PHOTO: Bilang paghahanda sa pasukan ay pinapayuhan ng DOH ang mga magulang na sanayin na ang kanilang mga anak na sanayin silang matulog at gumising ng maaga. (ROGZ NECESITO Jr. / Photoville International)

FILE PHOTO: Bilang paghahanda sa pasukan ay pinapayuhan ng DOH ang mga magulang na sanayin na ang kanilang mga anak na sanayin silang matulog at gumising ng maaga. (ROGZ NECESITO Jr. / Photoville International)

MANILA, Philippines – Pinayuhan ng Department of Health (DOH) ang mga magulang na ngayon pa lamang ay sanayin na ang kanilang mga anak sa pagtulog at paggising ng maaga.

Ito’y upang hindi na sila mahirapan sa darating na pasukan sa Lunes.

Ayon pa sa DOH, dapat ring ipa-eksamin ng magulang ang paningin at pandinig ng mga bata upang masigurong wala itong problema.

Pinagiingat din ng DOH ang mga magulang sa ipababaong pagkain sa mga bata o kaya’y sa mga bibilhin sa mga karinderya na maaaring pagmulan ng food poisoning.

Kaalinsabay nito ay ipagbabawal naman ng DepED at DOH ang pagtitinda ng sigarilyo isandaang metro ang layo mula sa mga paaralan.

Isusulong din ng DepED at DOH ang pagbabawal sa pagtitinda ng sofdrinks at junk food sa mga school canteen. (Bryan De Paz & Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481