MANILA, Philippines – Ipinagbabawal ngayon ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang pagkain ng shellfish na magmumula sa Matarinao Bay sa Eastern Samar.
Ito’y matapos lumabas sa kanilang pagsusuri na positibo sa red tide toxin ang Matarinao Bay.
Sa shellfish bulletin ng BFAR, nakasaad na positibo sa paralytic shellfish poison ang nasabing lugar kaya bawal muna ang paghuli, pagbebenta at pagkain ng anumang uri ng shellfish at alamang mula sa Matarinao Bay.
Nananatili ring positibo sa red tide toxin ang Dumanquilas Bay sa Zamboanga Del Sur at Murcielagos Bay sa Zamboanga Del Norte at Misamis Occidental. (UNTV News)