MANILA, Philippines – Babalik na bukas sa Pilipinas ang eight-man team ng National Bureau of Investigation (NBI) na nangalap ng impormasyon sa pagkamatay ng Taiwanese fisherman na si Hung Shih-Cheng sa Balintang Channel noong Mayo 9.
Ayon kay Atty. Mariano Molina, director ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) sa Kaoshiung Extension Office, tapos na ang pagsisiyasat ng grupo sa fishing vessel na pinagbabaril umano ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG).
Kabilang din sa inimbestigahan ng NBI team ang global positioning system ng barko kung pumasok nga ba ito sa teritoryo ng Pilipinas. (UNTV News)