Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Mga bagong disenyong plaka, inilabas na ng LTO

$
0
0
Ang demonstrasyon ni LTO Assistant Secretary Alfonso Tan Jr. ng pagkakabit ng bagong disenyong plaka sa isang pribadong sasakyan. Simula nitong Huwebes ay ito na ang ilalagay sa lahat ng mga sasakyan. (MON JOCSON / UNTV News)

Ang demonstrasyon ni LTO Assistant Secretary Alfonso Tan Jr. ng pagkakabit ng bagong disenyong plaka sa isang pribadong sasakyan. Simula nitong Huwebes ay ito na ang ilalagay sa lahat ng mga sasakyan. (MON JOCSON / UNTV News)

QUEZON CITY, Philippines — Mga plakang may bagong disenyo na ang ikakabit sa mga sasakyan sa buong bansa, subalit ayon sa Land Transportation Office o LTO uunahin muna ang mga bagong sasakyan sa National Capital Region na nai-rehistro simula February 17 ngayong taon. Matapos nito ay saka pa lamang isusunod na isyuhan ang mga bago at lumang sasakyan sa mga probinsya.

Sa mga susunod na buwan ay tatanggap na  ang LTO ng aplikasyon para sa mga lumang sasakyan na nagnanais magkaroon ng mga bagong disenyong plaka.

Para sa mga pribadong motorsiklo at sasakyan, puting plaka na may itim na letra, sa mga pampublikong sasakyan, dilaw na plaka na may itim na letra, para naman sa diplomatic plates, puting plaka na may asul na letra.

Bawat bagong plaka ay may kasamang mga turnilyo. Naglagay din ang LTO ng instruction na nakasalin sa English at Filipino upang madali itong maintindihan.

Nitong umaga ng Huwebes ay ipinakita ng LTO kung papaano ikinakabit ang mga bagong plaka.

Katulad lamang din ito ng pagkakabit ng mga old plate, ang kaibahan lamang ay ang ginagamit na turnilyo ay kusang napuputol ang ulo kapag naikabit na ang plaka

Hindi madaling matatangal ang turnilyo, kung pilitin namang itong tanggalin ay masisira na  ang plaka

May kaukulang multa sa sinomang sadyang sisirain  ang mga newly-designed plates.

Mahigpit ding ipinagbabawal ang paglalagay ng mga plate holder na may cover na plastic, bawal din ang paggamit ng commemorative plates at maging ang pagpapatong ng plaka sa ibang plaka.

Sa ngayon ay P200 ang multa sa tampering at improper attachment ngunit pinaplano itong taasan sa isang libong piso.

Ani LTO Assistan Secretary Alfonso Tan Jr., “Hindi namin i-allow kahit yung casing covers o yung may pinapatungan sa likod kasi ma-defeat yung purpose ng lahat. In fact pag nilagyan mo ng cover mawawala na yung reflectivity of the numbers especially at night.”

Masaya naman ang ilan sa mga kababayan nating nakabitan na ng bagong plaka ang kanilang mga sasakyan
Ani Francy Tan , “Gusto ko, kasi malinis. Nagagandahan ako sa white na background.”

Ayon naman sa LTO, gagawa ng bagong sistema ang MMDA at LTFRB upang hindi na kailangan tanggalin ang mga plaka kung magpapataw ng parusa sa mga motoristang lumalabag sa batas trapiko.

Sa third quarter ngayon taon, ilalabas ang mga bagong plaka para sa mga pampublikong sasakyan.

Samantala, ngayong buwan ay matatapos na ng LTO ang mga backlog nito sa pag-iisyu ng mga plaka at inaasahan na hindi na magkakaroon ng delay sa paglalabas ng mga newly-designed plates. (MON JOCSON / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481