Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Bagong NDRRMC Executive Director, umapela ng tulong sa bawat kalamidad na kakaharapin ng bansa

$
0
0

Incoming executive director of National Disaster Risk Reduction ang Management Council Retired Navy Vice Admiral Alexander Pama (UNTV News)

QUEZON CITY, Philippines — Pormal nang tinanggap ni Retired Navy Vice Admiral Alexander Pama ang posisyon bilang executive director ng National Disaster Risk Reduction ang Management Council.

Ito’y matapos na magbitiw sa tungkulin si Usec. Eduardo Del Rosario noong April 24 dahil sa problema sa kalusugan.

Kasabay ng turnover ceremony ngayong Lunes, pinayuhan ni USec. Del Rosario si Pama na mag-focus sa trabaho dahil malaking obligasyon ang maging pinuno ng NDRRMC.

“Overcome the challenges and focus on the job kasi alam mo kapag hindi ka nag-24/7 (24 hours-7days a week) dito ay maiiwanan ka ng changing situation. Pero with Admiral Pama, alam ko na OCD (Office of Civil Defense) is in good hands,” ang payo at pahayag ng kumpyansa ni outgoing NDRRMC Executive Director Usec. Eduardo del Rosario kay incoming NDRRMC Executive Director Alexander Pama.

Nagpasalamat naman si Pama sa tiwalang pinagkaloob sa kanya ni Pangulong Benigno Aquino III at ng Department of National Defense.

Nanawagan din ito hindi lamang sa iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan kundi maging sa sambayanan na makipagtulungan upang malampasan ng maayos ang lahat ng kalamidad na kakaharapin pa ng bansa.

“This is indeed a very very challenging job — that is a fact that does not escape me. And surprisingly to say I’m coming in to the job with my eyes wide open. We anticipate the chalenges that are before us. But then again, ang hinihingi ko lang sa atin lalo na sa ating mga kababayan, this is an effort that is not solely with the domain of NDRRMC and the Government… lahat po tayo ay kailangang magtulong tulong,” anang bagong NDRRMC chief.

Si Pama ay nagsilbing undersecretary sa Office of the Executive Secretary mula noong Hunyo 2013 bago naluklok sa posisyon.

Muli namang nilinaw ni Del Rosario na hindi na sya tatanggap ng ano mang posisyon sa pamahalaan at ang nais nya ay magpahinga at ma-enjoy ang kanyang retirement. (LEAH YLAGAN / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481