Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Tubig sa Angat Dam, patuloy na bumababa; supply ng tubig sa mga irigasyon sa Bulacan at Pampanga, pinahinto na

$
0
0

Makikita sa larawang kuha ng UNTV Drone ang ibinaba ng level ng tubig sa bahaging ito ng Angat Dam sa Bulacan nitong Lunes, May 12, 2014. Ayon sa awtoridad, kung hindi naman uulan sa loob ng dalawampu’t siyam na araw ay aabot na sa 170 meters ang tubig sa dam — ang water level na kung saan magdedesisyon na ang National Water Resource Board kung dapat na bang bawasan ang tubig na pinapakawalan para sa Metro Manila. (ARGIE PURISIMA / Photoville International)

BULACAN, Philippines  — Kitang kita sa bahaging ito ng Angat Dam ang mga bakas sa buhangin na dati ay inaabot  ng tubig pagpasok ng taginit, unti-unting natuyo at bumababa ang lebel ng tubig sa Angat Dam.

Ala una ng hapon noong Linggo ng bumaba sa 180 meters na critical level ang dam at kaninang alas tres ng hapon ay bumaba pa ito sa 179.65 meters.

Ayon sa National Power Corporation na siyang namamahala sa Angat Dam, wala pang dapat ipag-alala kung supply ng tubig sa Metro Manila ang pag-uusapan dahil sapat pa ito sa ngayon.

Pahayag ni NAPOCOR President Gladys Sta. Rita,”Para po sa Metro Manila, normal pa po ang alokasyong ibinibigay natin until now 42 centimeters ang supply na ni release ng MWSS.”

Hindi babawasan ng National Water Resource Board ang sinu-supply na tubig ng Angat Dam sa MWSS upang masapatan ang pangangailang ng buong Metro Manila at hindi ito babawasan hanggat hindi umaabot sa 170 meters ang lebel ng tubig sa dam.

Kapag umabot sa 39 cubic meter per second ang pinapakawalang tubig, magkakaroon na ng water interruption sa buong Metro Manila.

Pag-uusapan naman ng MWSS at NWRB sa May 21 kung kailangan na bang bawasan ang 42 cubic meter per second na supply ng tubig sa Metro Manila.

Umaasa ang NAPOCOR sa naging pahayag ng PAGASA na pagdating ng Hunyo ay magkakaroon na ng mga pag-ulan na makakatulong upang mapataas ang lebel ng tubig sa Angat Dam. Kung hindi naman uulan sa loob ng dalawampu’t siyam na araw ay aabot na sa 170 meters ang tubig sa dam — ang water level na kung saan magdedesisyon na ang National Water Resource Board kung dapat na bang bawasan ang tubig na pinapakawalan para sa Metro Manila.

Eksaktong alas dos naman ng hapon nitong Lunes ng putulin na ang supply ng tubig sa mga irigasyon sa mga palayan sa Bulacan at Pampanga alinsunod sa operation protocol ng Angat Dam.

Ayon sa National Irrigation Administration, wala namang dapat ipag-alala ang mga naturang lugar dahil sapat naman ang patubig na nanggagaling sa Bustos Dam at sa Bayabas River.

Ayon naman sa MWSS, malaki ang magagawang tulong kung magtitipid sa paggamit ng tubig ang lahat.

Ani MWSS Deputy Administrator Leonor Cleofas, “Yung pagtitipid natin ay paghahanda just in case we go the worse, we want to stretch the water from Angat hindi naman pagsinabing pagtitiipid ay inaasahan na natin ang water crisis.”

Inaasahan namang bukas ay makapagsasagawa na ng cloud seeding upang makatulong sa pagpapataas ng tubig sa Angat Dam. (MON JOCSON, UNTV News)

 


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481