Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

PAGASA, pinag-iingat ang mga estudyante sa panganib na dala ng thunderstorm

$
0
0
Isang halimbawa ng  thunderstorm. Ito ay namataan sa Fogg Dam Conservation Reserve sa Northern Territory, Australia (FILE PHOTO: BIDGEE / Wikipedia)

Isang halimbawa ng thunderstorm. Ito ay namataan sa Fogg Dam Conservation Reserve sa Northern Territory, Australia noong November 11, 2007. (FILE PHOTO: BIDGEE / Wikipedia)

MANILA, Philippines – Pinag-iingat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang mga estudyante sa panganib na dala ng thunderstorm lalo na’t papasok na ang tag-ulan.

Sinabi ni Hilario Espiranza, ang officer-in-charge ng PAGASA Regional Services Division na napapadalas na ngayon ang pagkakaroon ng thunderstorm.

“The higher temperature kasi mas mataas yung tinatawag naming convection, ito yung nagdudulot ng thunderstorm clouds so mas intense yung thunderstorms na mararanasan natin kapag mas mainit yung panahon natin.”

May dalang panganib ang kidlat lalo na kung ikaw ay nasa open area o mga lugar na walang istruktura. Delikado rin kung sisilong sa nag-iisang puno sa isang lugar.

Ayon kay Espiranza, kadalasang tinatamaan ng kidlat ang matutulis at matataas na bagay.

“Halimbawa biglang may thunderstorm, hindi ka dapat tatayong mag-isa sa open field, kasi ikaw yung magiging target ng kidlat.”

Posible ring tamaan ng kidlat kung may hawak na gadget tulad ng cellphone dahil prone ito sa kuryente.

Umiwas din na lumusong sa baha o isang lugar na may tubig kapag may kidlat dahil posibleng gumapang dito ang kuryente.

“Wag lulusong sa baha kung may thunderstorm kasi kung may areas na malapit doon na tumama sa tubig may kuryente yung tubig natin so pwede kang ma-electricute. Ang sabi pa nga nila pag ang tubig ay contaminated mas malakas na conductor ng electricity.”

Payo ng PAGASA, mas makabubuting sumilong na lamang sa isang kongkretong lugar at hintaying humupa ang thunderstorm dahil kadalasang tumatagal lamang ito ng halos isang oras. (Rey Pelayo & Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481