MANILA, Philippines — Bukas pa rin ang pamahalaang Aquino para sa usapang pangkapayapaan sa New People’s Army (NPA).
Itoy sa kabila ng mga isinagawang pag-atake ng NPA laban sa pamahalan kabilang na rito ang nangyaring pananambang na ikinasawi ng 8 miyembro ng PNP-Special Action Force sa Cagayan.
Ayon kay GPH-NDF CPP-NPA Negotiating Panel Chief Atty. Alex Padilla, umaasa pa rin sila na makikipag-usap ng maayos ang NPA sa pamahalaan.
“Ang pamahalaan, hindi naman siya ang mangunguna na magsasara ng pinto , sana umaasa tayo na meron dyan na mas malamig na ulo sa CPP-NPA-NDF sa darating na panahon na sana ay makipag usap at talagang masinsinan na pakikipag-usap kung ano ang pwedeng gawin para malutas ang problema… In that sense, bukas po ang pamahalaan at hindi po magsasara yan.”
Naniniwala rin ang opisyal na hindi solusyon ang paglulunsad ng military operations laban sa New People’s Army para tuldukan ang problema.
“Ako ho di ako naniniwala na military alone can solve the problem, insurgency are base on actual condition kasi merong mga tao na ayaw na trinato silang mali o kaya talagang mahihirap, yun ang problema sa insurgency it bridge discontent, the poorer the miserable people are dyan malakas ang insurgency.”
Gayunman, sinabi ni Padilla na mariin nilang kinukondena ang karahasang ginawa ng NPA laban sa mga miyembro ng SAF.
Panawagan ng pamahalaan sa rebeldeng grupo, itigil ang karahasan at paggamit ng armas dahil nakahanda silang maghintay para sa ikatatagumpay ng usapang pangkapayapaan. (Lea Ylagan & Ruth Navales, UNTV News)