MANILA, Philippines — Under review pa rin hanggang sa kasalukuyan ng Office of the President ang Bangsamoro Basic Law.
Ang Bangsamoro Basic Law ay naisumite sa Malakanyang noong Abril 14 upang ma-review bago isumite sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, sa oras na matapos ang review sa basic law ay agad nila itong isusumite bago ang sine die adjournment ng Kongreso sa Hunyo 13.
Pagkatapos na maisumite sa Kamara ang Bangsamoro Basic Law, inaasahang agad naman itong isesertipika ni Pangulong Aquino bilang urgent bill. (UNTV News)