BAGUIO CITY, Philippines — Apat na presinto sa Baguio City ang hindi nakapagdaos ng botohan ngayong araw.
Ito’y dahil sa mali ang balota na naipadala sa Rizal Elementary School, partikular sa clustered precinct number 379-A, 379-B, 380-A at 381-A.
Wala namang magaganap na botohan sa apat na presinto hanggang sa maipadala ang tamang mga balota.
Paliwanag ni COMELEC Director Jose Mendros ng CORDILLERA Region, tama ang nakalagay sa label ngunit iba ang nakalagay nang buksan ang mga kahon.
Ayon pa kay Mendros, depende sa laki ng magiging lamang ng mga kandidato kung i-popostpone ang deklarasyon sa mga nanalong kandidato.
Niliwanag rin Mendreos na hindi oversized ang mga balota sa ilang mga presinto sa Baguio City kaya ayaw tangapin ng PCOS machine.
Ayon sa COMELEC, dahil lamang umano ito sa lamig ng temperatura kaya nag-eexpand ang mga balota na naranasan din maging sa ilang lugar ng CORDILLERA tulad sa Abra at Apayao. (Bryan Lacanlale & Ruth Navales, UNTV News)