MANILA, Philippines – Magbubukas ang lahat ng sangay ng Social Security System (SSS) tuwing Sabado ngayong Hunyo upang bigyan ng pagkakataong makapagpa-rehistro ang mga amo at kasambahay.
Ito ay alinsunod sa Kasambahay Law na nilagdaan ni Pangulong Benigno Aquino III kamakailan.
Ayon sa SSS, mag-iisyu ang lahat ng kanilang tanggapan ng SSS number para sa domestic workers at household employer ID numbers mula sa Hunyo 8, 15, 22 at 29.
Para sa mga nais magpa-miyembro, kailangang mag-fill out at magsumite ng personal record o SSS form E1 sa alinmang sangay ng ahensya.
Lakipan ito ng kopya ng birth o baptismal certificate, driver’s license, passport, professional regulation commission o PRC card o kaya ay seaman’s book. (UNTV News)