Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

ASEAN, bubuo ng network upang protektahan ang mga bata vs online prostitution

$
0
0
“One of the recommendations is to gather all of those involved in online child protection - NGO, DSWD, DOJ, PNP - put them altogether in one coordinating body kasi ngayon kulang ng road map kung ano ang dapat gagawin para maayos natin ang problema ng child prostitution, child porn online.” — Department of Justice Assistant Secretary Geronimo Sy (UNTV News)

“One of the recommendations is to gather all of those involved in online child protection – NGO, DSWD, DOJ, PNP – put them altogether in one coordinating body kasi ngayon kulang ng road map kung ano ang dapat gagawin para maayos natin ang problema ng child prostitution, child porn online.” — Department of Justice Assistant Secretary Geronimo Sy (UNTV News)

MANILA, Philippines – Bubuo ng isang network ang mga bansang kasapi sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) upang maprotektahan ang mga bata laban sa talamak na online sexual exploitation.

Ayon kay Justice Assistant Secretary, Atty. Geronimo Sy, isa sa magiging pangunahing aksyon ng bubuoing network ang direktang pagtawag sa atensyon ng internet service providers na may websites na ginagamit sa child prostitution at pornography.

Halimbawa dito ang insidente sa Cordova, Cebu kung saan ibinebenta ng isang nanay sa isang online prostitution scheme ang kanyang menor de edad na anak.

“One of the recommendations is to gather all of those involved in online child protection – NGO, DSWD, DOJ, PNP – put them altogether in one coordinating body kasi ngayon kulang ng road map kung ano ang dapat gagawin para maayos natin ang problema ng child prostitution, child porn online.”

Ayon kay Sy, ang Pilipinas ang magsisilbing sentro ng network dahil sa magandang kooperasyon sa council of Europe bukod pa sa batang populasyon ng bansa.

“Kung ano ang gagawin sa Pilipinas, gagawin din ng mga ASEAN member states after that bubuo ng network, para at least alam natin kung sino ang hahanapin kung may problema.”  (Lea Ylagan & Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481