MANILA, Philippines – Pormal nang nagbitiw si Senator Miriam Defensor Santiago bilang judge ng International Criminal Court (ICC).
Ayon sa sulat ng senadora kay ICC President Sang-Hyun Song, kinukumpirma nito ang kanyang pag-urong bilang elected judge.
Aniya, hindi pa rin gumagaling ang kaniyang chronic fatigue syndrome.
Binigyan naman nito ng kopya ng kaniyang sulat sina Pangulong Benigno Aquino III, DFA Secretary Albert Del Rosario, Senate President Franklin Drilon at ang Senate media.
Si Santiago ay nahalal bilang ICC Judge noong December 2011. (UNTV News)