Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Bilang ng mga forecaster na umalis ng PAGASA, umabot na sa 28 simula noong 2005

$
0
0

Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) facade (UNTV NEws)

MANILA, Philippines – Umabot na sa dalawampu’t walong forecasters ang umalis sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) mula noong taong 2005.

Ito ang ipinahayag ni PAGASA OIC Dr. Vicente Malano sa pagdinig kaninang umaga ng Senate Committee on Science and Technology ukol sa panukalang batas para sa Department of Science and Technology (DOST).

“Most sa umalis forecasters, lahat sila gumagawa ng forecasting work sa PAGASA. Sa ngayon sabi ko 5 yung sub-professional, 33 pala, 28 forecasters from 2005 to present ang umalis.”

Ayon kay Dr. Malano, sinabi ng isang dating kawani ng PAGASA na kanyang nakausap na kung tuloy-tuloy sana ang natatanggap na benepisyo ay hindi sila aalis sa kanilang trabaho.

Sinabi naman ni Atty. Oswaldo Santos, Assistant Secretary for Finance ng DOST, nangyayari din umano ito sa ibat-ibang ahensya ng kagawaran.

Ilang technical people naman ng PHIVOLCS at Advance Science and Technology Institute ang umaalis sa kabila na ang DOST ang gumastos sa kanilang training.

Sampu na ang umalis sa PHIVOLCS ayon kay Dr. Malano.

Ngunit ayon sa kanya, bagama’t marami ang umaalis ay marami rin naman ang nag-a-apply.

Ngayong Agosto, nasa 30 ang magsisipagtapos sa training bilang forecaster at dalawa sa mga ito ay mga taga-ibang bansa.

“Kasi training center ang Philippines eh, hindi lang PAGASA we are
partnering in up as a training center dito sa ating region, yung WMO Region 5″.

Ayon naman kay Ramon Agustin, presidente ng Philippine Weathermen Employees Association batay sa kanilang record, isa hanggang dalawang empleyado ang umaalis sa PAGASA kada taon.

Bunsod nito, nababahala na ang ahensiya dahil sa mga pagre-resign ng mga forecaster ngayong taon kapalit ng malaking suweldo sa ibang bansa.

“However lately medyo naging alarming because we can trend like 2014 there were four and there is 3 who convince to work with the foreign countries,” ani Agustin.

Sinabi ni Agustin na isa sa maaring dahilan ng pagre-resign ng mga ito ay ang pagkabalam ng benepisyo sa ilalim ng Magna Carta for Scientist and Engineer (Republic Act 8439) na naisabatas noong 1997.

“Previously up to 2009, we have never received completely the 3 benefits under the Magna Carta which is longevity pay, hazard allowance pay and subsistence allowance however nagkakaroon ng delay,” dagdag pa ni Agustin.

Samantala, sinabi naman ni PCOO Secretary Herminio Coloma Jr. na gumagawa ng mga hakbang ang pamahalaan upang matulungan ang mga siyentipiko ng PAGASA.

“Tinutulungan po ng ating pamahalaan yan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga programa para akitin ang mga mahuhusay na siyentipiko na nagtatapos na mag-apply na magempleyo sa ating pamahalaan, pero dapat din nating kilalanin ang pag-iral ng market forces. Yung mayroong talent at dunong sa larangan, natural lamang para sa kanila na humanap ng
naaayon sa kanilang antas ng kanilang kahusayan,” pahayag nito. (BryanDe Paz / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481