Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Ilang estudyante sa San Remigio National High School sa Cebu, nagkaklase sa mga tent

$
0
0
Ang tent sa San Remigio National High School sa Cebu na pinagdarausan ng klase upang mapunan kakulangan ng silid-aralan dahil sa ang ilan sa mga ito ay nasira ng Bagyong Yolanda. (UNTV News)

Ang tent sa San Remigio National High School sa Cebu na pinagdarausan ng klase upang mapunan kakulangan ng silid-aralan dahil sa ang ilan sa mga ito ay nasira ng Bagyong Yolanda. (UNTV News)

CEBU CITY, Philippines — Gumamit ng tent bilang classroom ang mga magaaral sa San Remigio National High School sa Northern Cebu dahil sa kakulangan ng silid-aralan matapos masira ang ilan sa mga ito dahil sa pananalasa ng Super Typhoon Yolanda noong nakaraang taon.

Sa ngayon ay kulang pa ang paaralan ng labing apat na classrooms para sa mahigit 1,800 estudyante.

Apat na klase mula sa Grade 8 at second year ang gumagamit ng dalawang malalaking tent na ipinahiram ng non-government organization.

Isang sections din ay sa stage na ng paaralan nagsasagawa ng klase.

Mula umaga hanggang hapon ang pasok ng mga magaaral, kaya naman panay ang paypay ng mga estudyante at guro habang nagkaklase.

Maya’t maya din ang pagbuhat ng mga arm chair at lamesa ng guro upang iwasan ang mainit na sikat ng araw.

Ayon sa principal ng paaralan, pawang minor repair pa lamang ang naisagawa sa mga classroom na sinira ng Bagyong Yolanda dahil kulang pa sa budget.

Ayon sa DepED Provincial Office, kasama ang San Remigio National High School sa mga paaralan na napiling bigyan ng budget para sa unang batch ng school repairs na lalaanan ng mahigit P14-milyon.

Nakikiusap naman ang pamunuan ng paaralan na sana ay bilisan ang pagpapalabas ng pondo upang hindi maapektuhan ang pag-aaral ng mga bata. (Naomi Sorianosos / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481