MANILA, Philippines — Tinapos na ng Taiwanese investigators at forensic team ng National Bureau of Investigation (NBI) ang parallel probe sa insidente ng pamamaril sa Balintang Channel sa Batanes.
Sinabi ng mga opisyal ng Taiwan na sapat na ang apat na araw na pagsisiyasat mula sa pag-iinspeksyon sa barko at mga baril na ginamit hanggang sa pagkuha ng testimonya sa mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) na sangkot sa insidente.
Samantala, posibleng bumalik na sa bansa ngayong araw ang 8-man team ng NBI na nagtungo sa Taiwan.
Ngayong araw na rin aalis ng bansa ang Taiwanese investigators matapos makuha ang mga kailangan nilang impormasyon mula sa isinagawang parallel investigation. (UNTV News)