Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

19 tauhan ng PNP kabilang ang ilang heneral, kakasuhan ng CIDG

$
0
0

Ang 5 PNP Generals na kakasuhan ng CIDG.

MANILA, Philippines — Kakasuhan ng Criminal Investigation and Detection Group ang 19 na mga tauhan at opisyal kabilang ang ilang heneral ng Philippine National Police kaugnay ng nawawalang mahigit isang libong high powered firearms na AK-47.

Ayon kay CIDG Chief P/Dir. Benjamin Magalong, ang limang heneral kabilang sina Gil Meneses, Tomas Rentoy, Napoleon Estilles, Regino Catiis at Aspiring PNP Chief P/CSupt. Raul Petrasanta ay mahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree No. 1866 at RA 3019 Anti Graft and Corrupt Practices Act dahil sa umano’y kapabayaan sa kani-kanilang trabaho kung kaya’t nakalusot ang matataas na kalibre ng baril.

“Sa kanila dumaan yung mga papeles kasi may process kasi may process law pagdating sa licensing ng firearms, they need to examine at kung nagawa nila yung dapat gawin sana ay di napunta sa insurgents.”

Dagdag pa ni Magalong, “They fail to exercise due diligence.”

Sinabi pa nito na kumpirmadong hawak ng NPA ang mga nawawalang AK-47 matapos na ma-recover ng Philippine Army sa encounter sa CARAGA Region at Western Mindanao ang 44 na armas na 5 dito ang kabilang sa nawawalang AK-47 base sa ginawa nilang pagsusuri.

“Ang total lahat base on document, ang nadeliver ay 1,004.”

Paliwanag ni Magalong, pinondohan ng NPA ang pagbili ni Isidro Lozada ng AK-47 na nagkakahalaga ng P52,000 bawat isa.

Ginamit nito ang mga kumpanyang JTC Mining Companies, Claver Mining Development Corporation at Twin Pines Agency upang makabili ng high-powered firearms.

“Noong 2010 daw tinakot siya ng mga NPA na papatayin siya at ang kanyang pamilya kaya napilitan syang makipag-cooperate sa kanila.”

Ang mga nawawalang AK-47 ay nabili, naiproseso at napalisensyahan sa panahon ng limang heneral na nakatalaga noon sa Firearms and Explosive Office, Civil Security Group at Supervisory Office for Security and Investigation Agency. (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481