MANILA, Philippines — Patuloy ang Senado sa pagpapasa ng mga panukalang batas sa kabila ng isyu ng pork barrel scam kung saan kabilang sa isinasangkot ang ilang senador.
Ayon kay Senator Serge Osmeña, katunayan kahapon ay naipasa sa third and final reading ang Senate bill 2159 (Ammendment on Foreign Bank Liberalization Act of 1994) na inaasahang makatutulong sa pag-unlad ng bansa.
“We keeping up our production of course normal legsilation is very boring you put in page 15 of your newspaper mas gusto ng tao sensational.”
Ayon naman kay Senate President Franklin Drilon, labing-limang panukalang batas ang target nilang tapusin bago ang sine die adjournement, kabilang dito ang panukalang magkaroon ng graphic health warning sa mga pakete ng sigarilyo, educations bills at iba pa.
Dagdag pa ni Drilon, may isyu man ng PDAF scam ay nanguna ang Senado sa pagbuwag nito.
Naipasa na rin ng mataas na kapulungan ang panukalang batas upang mapabilis ang paglilitis sa Sandiganbayan.
Paglilinaw naman ni Osmeña, hindi lang puro pdaf ang kanilang pokus sa Senado ngayon.
“We have not been discussing that on the floor at all, we have several bills to pass on Monday, Tuesday, Wednesday.”
Sa susunod na linggo ang huling sesyon ng Senado at Kamara para sa 16th Congress.
Sa hunyo 14 hanggang Hulyo 27 naman ang adjournment ng sesyon ng Kongreso. (Bryan De Paz / Ruth Navales, UNTV News)