MANILA, Philippines — Kailangan pa ring makipagtulungan ni Janet Lim-Napoles sa imbestigasyon ng pork barrel scam kahit tinanggihan ng Ombudsman ang immunity plea nito.
Ito ang sinabi ni Justice Secretary Leila De Lima kaugnay ng posibilidad na hindi na magbigay ng partisipasyon si Napoles sa pagdinig ng naturang kaso.
Ayon sa kalihim, kailangan pa ring ibigay ng umano’y utak ng PDAF scam ang mga dokumentong hawak nito na makatutulong sa imbestigasyon.
Samantala, sakali namang hindi na makipagtulungan si Napoles ay kumpiyansa pa rin si De Lima na mayroon siyang sapat at matibay na ebidensya laban dito at sa tatlong senador. (UNTV News)