Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Philippine Independence Day parade sa NYC, nilahukan ng libu-libong Pilipino

$
0
0

Isang malaking watawat ng Pilipinas ang bitbit ng mga miyembro ng NGO na ito sa parada sa New York para sa pagdiriwang ng Kalayaan ng Pilipinas. (AARON ROMERO / Photoville International)

NEW YORK CITY, USA —  Muling ipinagdiwang ang pinakamalaking Philippine Independence Day Parade sa Manhattan, New York City.

Libu-libong Pilipino mula sa iba’t-ibang estado ng Amerika ang dumayo upang sumuporta at makita ang mga Pinoy pride gaya nina Olympic Figure Skater Michael Christian Martinez at 2013 Miss World Meagan Young at iba pa.

(Left-Right) Miss World 2013 Meagan Young; Black Eye Peas member Apl.D.Ap o Allan Pineda. (AARON ROMERO / Photoville International)

(Left-Right) Miss World 2013 Meagan Young; Black Eye Peas member Apl.D.Ap o Allan Pineda. (AARON ROMERO / Photoville International)

“The Philippine Independence Day Parade here in New York is getting bigger and bigger every year,” saad ni Consul General Marion De Leon.

Ang delegasyon ng Philippine Embassy sa pagdiriwang. (ERNESTO FERNANDEZ / UNTV News)

Bakas ang Filipino pride sa naturang parada hindi lamang sa mukha ng ating mga kababayang Fil-Am kundi pati na rin sa mga pambato ng bansa.

“We’re just about anywhere in the world and what’s nice about is that you always have that family feel with everyone, it’s almost like we will always take care of each other and for me I take that to heart and thats something I’m very proud of,” pahayag ni WBO Light Featherweight Champion Ana Julaton.

(Left-Right) WBO LightLight Featherweight Champion Ana Julaton; Olympic Figure Skater Michael Christian Martinez,  (AARON ROMERO / Photoville International)

(Left-Right) WBO Light Featherweight Champion Ana Julaton; Olympic Figure
Skater Michael Christian Martinez. (AARON ROMERO / Photoville International)

“It’s good to let everyone know around the world that Pinoys can do what anyone else can do, you know what I mean so it’s great,” saad naman ni Fil-Am Race Driver Michelle Marie Bumgarner.

Fil-Am Race Driver Michelle Marie Bumgarner (ERNESTO FERNANDEZ / UNTV News)

Ang New York Philippine Independence Day parade ay ginaganap taon-taon sa sentro ng New York City bilang simbolo ng malaking kontribusyon ng ating mga Filipino-American sa ekonomiya at kultura ng lungsod. (UNTV News America: Reporter: Enzo Cruz, Scriptwriter: Sonny Cos,Photographers: Aaron Romero, Ernesto Fernandez,Editor: Ruth Navales)

Ang Filipino-American ang isa sa pinakamalaking lahing may dugong Asyano ayon sa census ng US Government kaya naman taon-taon din na dinudumog ang pagdiriwang na ito.  (ERNESTO FERNANDEZ / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481