Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

DepED-Cebu, suportado ang random drug testing sa mga paaralan sa lungsod

$
0
0

Department of Education (DepEd) Division of Cebu facade (UNTV News)

CEBU CITY, Philippines – Suportado ng Department of Education (DepED) sa Cebu City ang planong pagsasagawa ng random drug testing sa mga
paaralan sa lungsod.

Ayon kay Rhea Mar Angtud, DepED District Superintendent ng Cebu City, sinusuportahan nila ang panukala ng Cebu City for Substance Abuse Prevention Office na magsagawa ng drug testing lalo na sa high school.

Ito’y matapos mapag-alaman na may mga naitalang kaso ng pagamit ng ipinagbabawal na gamot sa ilang paaralan sa lungsod.

Ayon sa DepED, kailangan ng pahintulot ng mga magulang o guardian ng estudyante ang isasagawang random drug testing.

Tiniyak naman ng kagawaran na hindi isasapubliko ang magiging resulta ng pagsusuri.

Sakaling magpositibo sa test, agad itong ipapaalam sa magulang upang maisailalim sa counselling ang mag-aaral.

Ayon sa DepED, umaabot sa higit 52-libo ang mga magaaral sa high school sa buong siyudad. (Naomi Sorianosos / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481