MANILA, Philippines – Maaari pang humingi ng immunity si Janet Lim-Napoles sa ibang kasong kinakaharap kaugnay ng umano’y maanomalyang paggamit sa pork barrel fund.
Sinabi ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na tanging ang application from immunity sa kasong plunder lamang ni Napoles ang hindi nila pinagbigyan.
Tiniyak naman ni Morales na pag-aaralan nilang mabuti sakaling magdesisyon muli si Napoles na humiling na hindi maisama sa mga kakasuhan ng graft kapalit ng kanyang pagtestigo sa kaso. (UNTV News)
↧
Ombudsman: Janet Napoles, maaari pang humingi ng immunity sa ibang kasong kinakaharap kaugnay sa PDAF scam
↧