Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

MMDA Black Wolves, tinalo ang PNP Responders sa unang laro sa semifinals ng UNTV Cup 2

$
0
0

Ang pag-angat ni MMDA Black Wolves reinforcement Jeffrey Sanders para dalawang puntos sa laban kontra PNP Responders nitong Linggo, June 09, 2014. (PRINCE MARQUEZ / Photoville International)

MANILA, Philippines — Binasag ng MMDA Black Wolves ang unblemished record ng PNP Responders sa unang laro sa semi-final round nitong Linggo sa Ynares Sports Arena.

Sa pamamagitan ng siyam na puntos, nakakuha ang MMDA ng panalo sa may twice-to-beat advantage na PNP, 88-79.

Naging epektibo ang run and gun offense ng Black Wolves para pahirapan ang mga manlalarong pulis.

Dikitan pa ang naging labanan sa first 3 quarters, 56-56.

Pagdating sa fourth period, hindi na nakuhang makaabante pa ang Responders at tila nadiskaril ang kanilang depensa.

Sa last 4 minutes, sinikap pa rin ni PO2 Ronald Abaya na makahabol ang kanyang koponan sa pamamagitan ng dalawang magkasunod na jump shot.

Subalit nakuha na ng MMDA ang kumpyansa upang lalong gumanda ang kanilang laro.

Gumana rin ang mga 3-point shots ni Jeffrey Sanders na nagtala ng kabuoang 23 points, 11 rebounds, 8 assists, at 2 steals.

Tinanghal na player of the game ang small but terrible point guard na si MMDA flood gate keeper, PJ Villanueva; 25 pts., 4 rebounds, and 3 steals. (CHARLIE MINION / Photoville International)

“Masayang masaya kami lahat, lalong-lalo na yung mga coaches namin. Kailangan namin yun kasi final four na kami eh,” saad ni Villanueva.

“Wala naman problema yun kung nabahiran yung ano natin [record], ano? Sana maging hamon sa amin para sa susunod na game magpursige ang bawat isa,” pahayag naman SPO1 Julius Criste, point guard ng PNP Responders.

Dahil sa panalong ito ng MMDA ay nakatakdang muli ang kanilang laban sa PNP na isa nang do-or-die game sa susunod na Linggo, June 15 kung saan ang mananalo dito ay siya nang papasok sa championship round sa battle for first place.

AFP Cavaliers, panalo vs. Judiciary Magis sa last game ng UNTV Cup 2 nitong Linggo; 75-67

Ang pagkaripas ng takbo ni AFP Cavaliers Navy Man Winston Sergio patungong goal sa laban kontra Judiciary Magis nitong Linggo, June 08, 2014. (MADELINE MILANA / Photoville International)

Ang pagkaripas ng takbo ni AFP Cavaliers Navy Man Winston Sergio patungong goal sa laban kontra Judiciary Magis nitong Linggo, June 08, 2014. (MADELINE MILANA / Photoville International)

Samantala, nakuha rin ng AFP Cavaliers ang mahalagang panalo upang maidugtong pa sa last game ang semifinals kontra Judiciary Magis.

75-67 ang final score, pabor sa Cavaliers.

Halatang hindi pa tuluyang naka-recover si Don “The Hammer” Camaso mula sa kanyang injury sa paa at nakapagtala lamang ng 14 points, 12 rebounds, 2 assists, 1 steal sa buong laro.

Inasahan pa rin ng Judiciary si Ariel Capus na kumamada lamang ng 11 pts, 3 rebounds, 1 assist at 1 steal.

“Medyo nangangapa pa, sa next game makakapag-adjust na ako siguro, tsaka kelangan namin dumipensa.” — Judiciary Magis center Celedon 'Don' Camaso (PRINCE MARQUEZ / UNTV News)

“Medyo nangangapa pa, sa next game makakapag-adjust na ako siguro, tsaka kelangan namin dumipensa.” — Judiciary Magis center Celedon ‘Don’ Camaso (PRINCE MARQUEZ / UNTV News)

Simula first quarter, sinikap ng Judiciary na dikitan ang mga manlalarong sundalo hanggang sa maitabla ni Jon Hall sa 61 ang score sa huling apat na minuto.

Samantala, ang laro ng Team AFP ay pinangunahan ng 5’8 shooting point guard na si Air Force Staff Sergeant Alvin Idanan na mayroong 16 points, 2 rebounds, 1 assist and 1 steal.

“Mahalagang-mahalaga itong first game sa amin ngayon kasi talagang do or die kami, yung salitang do or die. So double effort yung ginawa ni Coach Sonny at Col. Cayco sinuportahan nila kami para ma-execute yung aming game plan,” pahayag ni Idanan.

Sa darating na Linggo (Hunyo 15), double do or die match ang mapapanood upang desisyunan kung sino sa final four ang dalawang koponang magsasagupaan sa finals. (Pong Mercado / Ruth Navales, UNTV News)

 


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.