Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Singil sa kuryente ngayong buwan ng Hunyo, bababa ayon sa Meralco

$
0
0

Meralco Utility and Economics Head Larry Fernandez (L) at Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga (R) sa isang press conference (UNTV News)

MANILA, Philippines – Bababa ang singil sa kuryente ngayong buwan ng Hunyo.

Ayon sa Meralco, 84 centavos per kilowatt hour ang mababawas sa electric bill ng mga consumer.

Ibig sabihin, ang isang bahay na kumokonsumo ng 200 kilowatt per hour sa loob ng isang buwan ay makakatipid ng one hundred sixty eight pesos (₱168.00) habang ang komokonsumo naman ng 500 kilowatt hour kada buwan ay makakatipid ng mahigit apat na raang piso (₱400.00).

Ito ang ikalawang buwan na kung saan patuloy ang pagbaba ng singil sa kuryente.

Bumaba ang singil sa kuryente dahil sa mababang generation charge at iba pang mga elemento na binabayaran ng Meralco.

“Mas mababang generation charge, mas mababang transmission charge at correspondingly ay bumaba din yung buwis, yung taxes at yung ibang charges at gayon din po ang system loss charge”, ani Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga.

Subalit bagamat inanunsyo ng Meralco na magiging mababa ang distribution charge nila mula ngayong buwan, pinangangambahan namang magkakaroon ng dagdag na singil sa kuryente sa mga susunod na buwan.

Ayon sa Meralco, uumpisahan ng maningil ng mga malls at malalaking kumpanyang kabilang sa interruptible load program sa kuryenteng ipinahiram ng mga ito matapos magkaproblema sa supply ng kuryente noong nakaraang buwan.

“Sa susunod na buwan, dahil maikling period, 2 hours lang siya nagamit, ina-anticipate namin na ang impact niya sa susunod na buwan ay minimal”, pahayag naman ng Meralco Utility and Economics Head Larry Fernandez.

Samantala, sa nalalapit na pagpasok ng tag-ulan, pinaalalahanan ng Meralco ang mga customer nito na i-report sa kanilang tanggapan ang mga sanga ng mga puno na sumasabit na sa linya ng mga kuryente.

Ayon sa Meralco, maaari pa itong pagmulan ng mga aksidente kung hindi agad mapuputol.

Sa mga nagnanais humingi ng tulong ng Meralco tree trimming service, maaaring tumawag sa Meralco call center 16211 o di kaya’y sa Twitter account ng Meralco. (Mon Jocson, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481