Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Nanalong composer sa ASOP, nag-enjoy sa pagsali sa kompetisyon

$
0
0
(Left-Right) Ang interpreter at composer ng ASOP Song of the Week na "I'm Yours" na sina Marielle Corpuz at Jennifer Maravilla habang inaawit ang naturang kanta matapos maparangalan nitong Linggo, June 09, 2014. (MAIA GARCIANO / Photoville International)

(Left-Right) Ang interpreter at composer ng ASOP Song of the Week na “I’m Yours” na sina Marielle Corpus at Jennifer Maravilla habang inaawit ang naturang kanta matapos maparangalan nitong Linggo, June 09, 2014. (MAIA GARCIANO / Photoville International)

MANILA, Philippines — Hindi itinuring na kompetisyon ng baguhang composer na si Jennifer Maravilla ang kanyang pagsali sa A Song of Praise (ASOP) Music Festival matapos tanghaling winner nitong Linggo.

Ayon kay Jennifer, gusto lamang niyang maghandog ng papuri sa Maykapal sa pamamagitan ng awit.

“Inenjoy ko lang talaga, kasi lahat naman kami dito is gumawa ng song para kay God so hindi ko sya tinignan na kompetisyon na lahat kami after na manalo,” saad nito.

Ipinahayag rin nito ang kanyang paghanga sa naging rendisyon ng singer na si Marielle Corpus sa kaniyang song entry na “I’m Yours”.

“Actually mas maganda pa nga yung ginawa nya eh sabi ko nga pwede ko bang gayahin yung ginawa mo if in case na kantahin ko yung song ko, so nagustuhan ko sya sobra,” dagdag pa nito.

“Very challenging at the same time ang sarap nyang kantahin parang you’re just praying, hindi sya yung nakaka-stress masyado na maraming birit masyado,” pahayag naman ni Marielle.

Nakaramdam naman ng pressure si Marielle sa kanyang interpretasyon dahil isang mang-aawit din ang nanalong composer.

Aniya, “She might be expecting something that I can’t do like yung mga kulot-kulot, but I will do my best to really isabuhay yung meaning nung kanta.”

Naungusan ng “I’m Yours” sa score ng mga huradong sina Rannie Raymundo, Lou Bonnevie at Doc Mon Del Rosario ang mga awiting “Sa Dios Lamang Ako Humuhugot ng Lakas” ni Rolando Dela Cruz sa rendisyon ng theater actor na si Nar Cabico at “Ikaw” ni Jon Arpon sa interpretasyon ng Freestyle vocalist na si Mike Luis. (Adjes Carreon / Ruth Navales, UNTV News)

Ang mga nagsilbing hurado sa weekly finals nitong Linggo na sina Doc Mon Del Rosario, Lou Bonnevie at Rannie Raymundo. (MAIA GARCIANO / Photoville International)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481