Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Pagpayag ng DOJ na alisin ang online libel sa Cyber Crime Prevention Law, ikinatuwa ng mga petitioner

$
0
0
 ACT-Teacher Partylist  Rep. Antonio Tinio (UNTV News)

ACT-Teacher Partylist Rep. Antonio Tinio (UNTV News)

MANILA, Philippines – Magandang balita para sa ilang petitioner na kontra sa Cyber Crime Prevention Law ang plano ng Department of Justice (DOJ) na mag-endorso sa 16th Congress ng enhanced version ng batas kung saan aalisin ang online libel provision.

Ayon kay ACT-Teacher Rep. Antonio Tinio, pareho ang posisyon nila ng DOJ na alisin ang Section 12  ng Republic Act 10175 na masyadong sumisikil sa karapatang pantao ng isang indibidwal.

“Para sa amin magandang balita ito na ang DOJ ay sumasang-ayon na sa mga objections namin sa kongreso at ng mga mamamayan. Yung bagong version na gusto nila ngayon ay tinatanggal yung online libel, yung mas mataas na parusa kapag cyber crime at yung take down provision at iba pa.”

Sinabi pa ni Tinio na ang “enhanced” version ng DOJ ay magiging mas katanggap-tanggap sa publiko kumpara sa lumang bersyon na naglilimita sa karapatan ng mamamayan sa cyber space.

“Hindi natin kailangan ang ganitong batas at talagang kailangang baguhin ang probisyon na yun kung kinakailangan.”

Nauna nang sinabi ni DOJ Asst. Secretary Geronimo Sy na mag-endorso sila sa 16th congress ng enhanced version ng batas kung saan aalisin na ang probisyon na may online libel at pagmo-monitor ng traffic data. (Grace Casin & Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481