Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

PNP Custodial Center, handa nang tumanggap ng mga high profile detainee

$
0
0

 

Bagama’t una nang napabalitang inihahanda ang custodial center para sa tatlong senador na sina Sen. Juan Senator Jinggoy Estrada, Sen. Bong Revilla at Sen. Juan Ponce Enrile ay iwas pa rin ang PNP na kumpirmahin ito. (PHOTOVILLE International)

MANILA, Philippines — Handa na ang Custodial Center ng Philippine National Police (PNP) sa sa Camp Crame, Quezon City sa pagdating ng mga high profile detainees kabilang na ang mga senador na nahaharap sa kasong plunder kaugnay ng pork barrel fund scam.

Ayon kay PNP PIO Chief P/CSupt. Reuben Theodore Sindac, ayos na ang selda at ibang pasilidad ng nasabing kulungan.

“At this point, the Philippine National Police is ready to take any high profile detainee that will be committeed to us by the Sandiganbayan.”

Tiniyak din ng heneral na pare-pareho ang itsura ng selda sa loob, kaya’t malabong magkaroon ng special treatment kahit na matataas pang opisyal ng gobyerno ang ikukulong dito.

Gayunman, sinabi ng isang reliable source na mayroong dalawang klase ang kulungan sa loob; ang isa ay tinatawag na barracks na may malaking kuwarto at airconditioned visitors lounge kung saan doon aniya nakakulong ang ilang heneral.

Habang ang isa ay pangkaraniwan lamang na selda na may laking 18sqm, may kama, lamesa, lutuan at sariling CR.

Bagama’t una nang napabalitang inihahanda ang custodial center para sa tatlong senador na sina Sen. Juan Ponce Enrile, Sen. Bong Revilla at Sen. Jinggoy Estrada ay iwas pa rin ang PNP na kumpirmahin ito.

“Kasama sa programa ng code po ni Chief PNP yung renovation, upgrading pagpaayos ay hindi ito nakatuon sa partikular na grupo but again ang PNP ay handa sa ano mang sitwasyon, kami naman ay susunod lamang kung anong inutos ng korte kaya kung ano yung mga bagay na kailangan ay pinaghahandaan natin,” pahayag ni PNP Spokesperson P/SSupt. Wilben Mayor.

Kung handa na ang custodial center, tiniyak din ng CIDG na handang-handa na rin ang kanilang arresting team at tangging ang warrant of arrest na lamang ang kanilang hinihintay upang arestuhin ang tatlong mambabatas.

“We anticipate na mayrong mangyari, part of our responsibility ay we plan for it, come up we the contingency plans para kung sakaling dumating ay ready na kami,” pahayag ni PNP-CIDG Director Benjamin Magalong.

Ayon naman kay PNP Health Service Director P/CSupt. Alejandro Advincula, ready na sila para sa medical examinations sa mga parating na high profile detainee.

Nakahanda na rin ang isang team ng health professionals na kinabibilangan ng isang medical doctor, isang nurse at isang assistant na magsasagawa ng pagsusuri sa mga akusado. (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481