Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Landbank at PAGCOR, may pinakamalaking remittance para sa taong 2013

$
0
0

President Benigno S. Aquino III receives from Land Bank of the Philippines President and Chief Executive Officer Gilda Pico the dividend check amounting to P6.3 billion, during the 2014 Government-Owned or -Controlled Corporations (GOCC) Dividends Day held in Malacañan Palace. — June 9, 2014. (Photo by the Malacañang Photo Bureau)

MANILA, Philippines — Siyam na Government-Owned and Controlled Corporations (GOCCs) ang napabilang ngayon sa billionaires’ club para sa taong 2013.

Sa isinagawang Dividends Day ng GOCC kaninang umaga sa Malakanyang, iprinisinta ng 49 GOCC’s ang kanilang mga dibidendo para sa National Treasury.

Nangunguna sa may pinakamalaking remittance ang Land Bank of the Philippines na may P6.3 billion, Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na may P4 billion remittances.

Kabilang rin sa billionaires’ club ang Manila International Airport Authority (MIAA), Philippine National Oil Company (PNOC), at Philippine Ports Authority (PPA).

Umabot ng P32.31-billion ang remittance ng mga GOCC sa taong 2013, higit na mas mataas kumpara noong 2012 na P28 billion lamang.

Sa tatlo at kalahating taon, umabot na sa mahigit P95 billion ang na-iremit ng GOCC sa national government.

Sa kanyang talumpati, sinabi ng pangulo na katunayan lamang ito ng ginagawang reporma ng pamahalaan.

“Noong nagsimula po tayo, kung sino pa ang nagwaldas at nagbulsa ng pondo ng mga GOCC, sila pa ang pinakamaingay sa mga kritiko natin. Nagbato sila ng putik, nagpakalat ng kung anu-anong kontrobersya sa media. Ang gusto nilang palabasin: wala naman talagang mangyayaring pagbabago.”

Ayon pa sa Pangulo, pinag-aaralan na rin ang panukalang dagdagan ang kompensasyon ng mga kawani ng pamahalaan, upang mailayo sa korapsyon.

“Pinag-aaralan na po natin ang mga mekanismong maglalapit sa natatanggap na kompensasyon ng ating mga personnel sa kinikita ng mga nasa pribadong sektor. Nais po nating mabigyan sila ng tamang timpla ng basic pay at allowance, upang masuklian ang kanilang buong-pusong paglilingkod sa bayan,” pahayag pa ng Pangulo.

Taunang isinasagawa ang Dividends Day sa ilalim ng finance department, kung saan dito rin kinilala ang mga GOCC na nagbibigay ng malaking ambag sa kaban ng bayan. (Nel Maribojoc / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481