Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Black Eyed Peas at iba pang Fil-Am artist, nag-concert para sa Typhoon Yolanda survivors

$
0
0

Ang Philippine Chamber Singers habang hinahandog ang inihandang bilang sa benefit concert para sa mga biktima ng bagyong Yolanda na isinagawa sa Los Angeles California (UNTV News)

LOS ANGELES, CA – Nagsama-sama para sa isang benefit concert ang mga Filipino American artist sa Greek Theater sa Los Angeles California para makaipon ng pondo na ibibigay sa mga biktima ng Super Typhoon Yolanda (Haiyan).

Tema ng konsyerto ang “Rebuild Philippines: Concert for Typhoon Haiyan Survivors” na inorganisa sa pangunguna ni Black Eyed Peas member, Alan Pineda Lindo o mas kilala sa tawag na Apl De Ap.

Kabilang sa mga sikat na Fil-Am artists na nagperform sina Apl De Ap, Will.I.Am at Taboo ng Black Eyed Peas. Nakisaya rin ang America’s Best Dance Crew na “Jabbawockeez”, ang singer-song writer na si AJ Rafael, Philippine Chamber Singers, Slapshock, The Vocal Trio “We Are The Future”, The Sing Off group, Philharmonic at marami pang iba.

Ang proceeds ng konsiyerto ay ipapamahagi sa iba’t ibang NGO sa Pilipinas upang magpagawa ng mga bagong classrooms sa Tacloban City at mga karatig lugar na matinding sinalanta ng bagyo.

Plano rin ng ng Black Eyed Peas singer na magsagawa ng music and art teaching program para sa mga bata at guro sa Tacloban City.

“We’re gonna start a music and art therapy program besides building classrooms cause, the kids need therapy right now, there’s separation anxiety… inspire them and go back again,” pahayag ni Apl De Ap.

Ayon kay Apl, ginusto niya na maibigay ang tulong ngayon kaysa noong sariwa pa ang bakas ng kalamidad dahil nais niyang makita kung saan mapupunta ang pinagkakakitaan ng konsyerto.

Dagdag pa nito, personal niyang dadalhin sa Tacloban at Leyte ang mga kinita ng nasabing konsiyerto.

Samantala, bumuhos naman ang suporta ng mga Pilipino sa naturang concert kabilang na si American Idol runner up Jessica Sanchez.

“Just here to support, I heard my friend Apl is gonna be here and I’ve met Wil I Am, so happy to see him,” pahayag ni Jessica. (Christie Rosacia / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481