MANILA, Philippines — Isang ginang ang tinulungan ng UNTV News and Rescue Team sa may bahagi ng Kalaw corner Maria Orosa Street sa Ermita, Maynila pasado alas-10 nitong Lunes ng gabi.
Ang biktima na kinilalang si Marlyn Camilo ay nabundol ng motorsiklo habang tumatawid.
Agad nilapatan ng paunang lunas ng grupo ang mga sugat sa ulo ni Camilo at pagkatapos ay isinakay sa rescue van.
Ang Divisoria Brotherhood Rescue Unit naman ang nagbigay ng first aid sa driver ng nakabundol na motorsiklo na kinilalang si Victor Castro, 29 anyos na sugatan din sa nangyaring aksidente.
Kapwa dinala sa Philippine General Hospital (PGH) ang dalawa.
Nangako naman ang kaanak ni Castro na sasagutin ang gastusin sa ospital ni Camilo. (Bernard Dadis / Ruth Navales, UNTV News)