MANILA, Philippines – Nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employer na may mga kasambahay na simula sa June 3 ay ipatutupad na ang Kasambahay Law.
Ayon sa DOLE, kinakailangang sundin ng mga employer ang tamang pagpapa-sweldo at bigyan ng benepisyo ang kanilang mga katulong tulad ng Social Security Service (SSS) at Philhealth.
Mahalaga ring basahin ng mga employers ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Kasambahay Law na maaari nilang makuha sa website ng DOLE.
Una sa mga requirement ng nasabing batas ay iparehistro ng mga employer ang mga kasambahay sa barangay upang magkaroon ng listahan ang mga barangay kung ilang mga namamasukan ang nasa kanilang lugar.
Sa ngayon, patuloy ang pamamahagi ng DOLE ng mga kopya ng IRR ng nasabing batas sa mga Public Employment Service Office (PESO) at provincial office. (UNTV News)